Chapter 20

2022 Words
"Ninang, Ace... Where's my mommy! I want to see my Mommy." Umiiyak na sabi ni Maribella kay Ace. Halos ayaw tumigil nito sa pag-iyak ay kanina pa ito namimilit na makita ang kaniyang Mama. "I want to see my mommy!" Hinawakan ni Ace ang braso nito at sinigawan. "Wala rito ang Mommy mo! So stop crying!" Sigaw ni Ace sa bata ngunit hindi ito tumahan. Bagkus ay mas lalo pang pumalahaw ang iyak nito. "I want to see my mommy! Please call her! I miss her! Please!" Yumakap si Maribella kay Ace na galit na galit. Nagmamakaawa na makita niya ang Mama niya. Ngunit hindi iyon mangyayari dahil hindi iyon gagawin ni Ace. "Ninang Ace, please... Please call my Mommy!" "Wala nga rito ang Mommy mo! Hindi ka na babalikan non!" Sigaw pa ni Ace at itinulak ang bata. "Kunin niyo nga ito! Sino ba ang nagsabi na palapitin nito sa akin ang batang iyan?!" Sigaw pa ni Ace. Lumapit ang dalawang tauhan ni Ace pagkatapos ay dinala si Maribella sa isang madilim na silid. "Iyan! Huwag niyong papalabasin ang batang iyan diyan!" "Mommy! Mommy!" Humahagulogol na iyak ni Maribella. Naingayan si Ace sa iyak ni Maibella kaya mas lalo siyang nagalit. "Huwag kang maingay! Ayoko sa batang maingay! Kapag hindi ka tumigil? Papatayin kita!" "Maribella!" Napabalikwas ng bangon si Serene ng dahil sa kaniyang panaginip. Agad siyang napa-iling. Akala niya ay totoo.. parang totoo. Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib sa labis na pag-aalala. Ang sama ng panaginip niya. Ilang araw na rin niyang napapaginipan ang bagay na iyon. Hinahanap siya ni Maribella at pinagbabantaan ito ni Ace. Kung minsan ay malala pa ang kaniyang napapaginipan kaya naman ay hindi na niya kayang indahin pa. Hindi na niya kayang maghintay na lang basta, hanggang sa mailabas nila si Maribella. Kailangan na niyang malaman kung nasaan talaga ito.. kung ano ang lagay ng anak niya.. kung buhay pa ba ito, kung anong ginawa ni Ace sa kaniya. "Hey... Are you okay?" Tanong ni Rio nang magising rin ito dahil sa kaniya. "What's the problem?" Napatingin siya kay Rio at mabilis na niyakap ito. "Napaginipan ko si Maribella. Hindi maayos ang lagay niya. Sinasaktan siya ni Ace." Sambit niya pa habang umiiyak. Mas lalong humigpit ang yakap sa kaniya ni Rio upang pakalmahin siya. "Hey, it's just a dream. It's nothing." Wika pa ni Rio upang mabawasan ang pag-aalala ni Serene. Umiling si Serene. "I want to see her... I miss my baby so much." Lumuluha niya pang sabi kaya naman ay mas lalong humigpit ang hawak sa kaniya ni Rio. "Shhh... We will find her. I promise you that.. sige na, tahan na.. matulog na lang tayo ulit." Muli silang bumalik sa pagkakahiga. Si Serene ay nanatiling nakayakap kay Rio. Hinahaplos naman ni Rio ang buhok niya na tila dinadala ulit siya sa antok. Ngunit kahit anong gawin niya wala talaga. Matapos ng panaginip niya na iyon ay hindi na niya iyon maalis sa isipan niya. Napatingin siya kay Rio. Muli itong nakatulog. Kaya ng masiguro niya na malalim na ang tulog nito ay dahan-dahan siyang bumangon. Nagingat na makalikha ng kahit na anong ingay na maaring maging dahilan para magising niya si Rio. Saglit niya pang tinignan ang kaniyang asawa. "I'm sorry.. but I need to do this." Nakahinga siya ng maluwag ng makarating siya sa labas ng hindi man lang nagising si Rio. Agad siyang nagbihis at kinuha ang ilang gamit niya bago umalis sa bahay nito. Kailangan niyang bumalik sa Polaris. Kailangan niya ng ituon ang pansin niya sa paghahanap kay Maribella. Kinaumagahan ay agad na nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niyang si Rio iyon kaya naman ay agad niyang sinagot. "Rio.." "Where are you? Bakit wala ka rito?" Napabuntong hininga si Serene. "I'm sorry kung nagising ka ng wala ako dyan. Hindi na ako nakapag-paalam ng personal. I'm sorry, Rio. Pero hahanapin ko si Bella, hindi ako babalik hanggat hindi ko siya kasama. Kaya hindi ko alam kung kailan ako makakauwi." Paliwanag ni Serene. Narinig niya ang sunod-sunod na mura ni Rio sa kabilang linya. "Akala ko ba magkasama natin na haharapin ito? Bakit ngayon sinasarili mo na naman ang paghahanap sa kaniya? Serene.. ginagawa ko ang lahat para mahanap ang anak natin. Kailangan mo talagang gawin ito? Huwag mo naman akong pagaalalahanin ng ganito." Alam niyang nagagalit si Rio ngayon. Sino ba ang hindi? Lagi na lang niyang iniiwan ito ng walang pasabi upang sarilinin ang problema. "Alam kong nag-aalala ka, pero kaya ko ang sarili ko." "What the f**k, Serene?! Hindi lang ikaw ang nawawalan ng anak rito. Ako rin kaya naiintindihan kita. Pero bakit ako hindi mo naiintindihan?!" Bulyaw pa ni Rio kaya napapikit si Serene. "I'm sorry, Rio. Naiintindihan kita. But I need to do this." Aniya bago ibinaba na ang tawag. Hindi na hinintay pa ang susunod na sasabihin nito dahil baka mas lumala pa ang usapan nila. Napabuntong hininga si Serene at inalala si Rio. Hindi madali ang desisyon niya, pero kailangan. "I'm sorry, Rio. Pero mabuti na lang rin na ako na lang mag-isa ang maghanap kay Maribella. Hindi ko kaya na maski ikaw ay madamay rito." Nakita niya pa na tumatawag si Rio, ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkus ay pinatay niya ang kaniyang cellphone at dumeretso na sa warehouse na siyang head quarters nila rito sa Polaris. Pagkapasok niya sa loon ay agad na bumungad sa kaniya si Astrid. "Serene, may maganda akong balita." Sambit nito bago ibinigay sa kaniya ang isang envelope. "Here's what you need. Nakuha ko na lahat ng information na kailangan mo. Lahat ng mga sindikato na nasa paligid ni Ace. Lalo na yung mga nag-attend sa thanksgiving niya ay nandyan ang information sa loob ng sobre." Sumilay ang ngiti sa labi ni Serene sa sinabi ni Astrid. Agad niyang binuksan ang envelope at tinignan ang laman. "Pasensya ka na kung natagalan. Medyo nahirapan ang tao ko na alamin lahat ng galaw ni Ace. Mukhang matinding pag-iingat ang ginawa niya ngayon." "Salamat, Astrid. Malaking tulong na itong information na nakuha mo." Tinignan ni Serene isa-isa ang mga pangalan na nakasulat sa papel. Mga address at connection ni Ace. Pati ang mga recent transactions ng cartel at mga hospital nito. Pati na rin ang call logs ng cellphone ni Ace ay nakuha nila. Tinignan niya iyon isa-isa at nagtaka ng makita na numero niya ang huling tinawagan nito. Matagal na iyon. Iyon yung time na sinabi ni Ace sa kaniya na kailangan nilang mag-usap. Na nang puntahan niya si Ace ay agad na tinanggi nito at wala lang iyong sinabi niya. "Ako ang nakalagay sa recent niya? Walang bago?" Umiling si Astrid. "Iyan lang.. pina-double check ko 'yan at wala naman kahina-hinala sa mga huling nakausap niya maliban sa bumber ng N.A.M.G. Pero nung pina-trace namin, yung number ay naka register sa police station kung saan niyo unang nireport ang pagkawala ni Maribella." Tinignan pa ni Serene ang ilang conversation at wala ngang kahina-hinala. "Kung ganoon?" "Maaring may isa pang gamit si Ace na number. Para sa mga transactions niyang iba pa. Maaring iyon ang gamit niya ngayon kaya hindi natin siya ma-locate at ma-contact." Kung titignan, makikita nga ang mga kaalyado ni Ace. Ngunit wala pa rin sapat na ebidensya na maaring magturo sa ilegal na gawain nito. Lalong-lalo na ang pag-dukot niya kay Maribella. "Don'r worry.. susubukan kong ipahanap ang isa niya pang numbero. Kung kinakailangan na mandamay tayo sa mga kaalyado niya para magsabi sila ay gagawin natin. Makuha lang ang iba pang information." Tumango si Serene at nagpasalamat kay Astrid. "Maraming salamat, Astrid. Napakalaking tulong mo talaga." Napangiti lang si Astrid sa sinabi niya. Ganoon pa man ay agad na bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Pero, Serene. Sigurado ka talaga sa mga binabalak mo? Tandaan mo na ilan sa nga sindikato na nakapanig kay Ace ay kilala at makapangyarihan na sindikato. Lalo na ang iba na mula pa sa ibang bansa. Nakakasiguro ako na talagang poprotektahan nila si Ace kapag nagkataon. Kahit ipunin mo ang nasa panig natin ngayon ay mahina ang laban natin sa kanila. Maaring makuha pa nila ang Polaris sa iyo." Umiling si Serene sa sinabi ni Astrid. "May pinaplano ako, Ace. May gagamitin ako laban sa kanila." "Sino? Si Rio?" Tanong ni Astrid. Umiling si Serene. "Hindi si Rio." "Kung ganoon? Sino?" ---- "Sigurado ka ba sa gagawin mo, Serene? Hindi tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan mo iyang tumutulong sa iyo?" Sambit ni Dong-an kay Serene habang kausap niya ito matapos ang pulong. "Sa panahon ngayon, hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Alam ko rin kasi na isa sa inyo ang nagtaksil sa akin. Na nag-sumbong kay Ace. Kaya niya nalaman na naroon ako sa thanksgiving party niya. Sabihin mong hindi, Dong-an?" Tinalikuran niya si Dong-an ngunit agad itong humarang sa kaniya. "Alam ko iyon. Pero yung tumutulong sa iyo na laging nagpapadala ng mensahe sa iyo. Hindi ba alam niyang pupunta ka roon? Hindi ba, siya ang nagsabi mismo ng lugar na iyon? Paano ka nakakasiguro na hindi siya ang nag-sabi kay Ace na naroon ka?" May punto ito. Pero alam niyang hindi kakampi ni Ace ang taong nagpapadala sa kaniya ng Mensahe. "Isa lang ang alam ko, marami siyang nalalaman kay Ace na hindi natin alam. At kung ano pa ang mga iyon? Kailangan ko rin malaman sa lalong madaling panahon. Dahil kung mapatunayan ko na taksil siya? At isang kalaban rin? Papatayin ko muna siya bago niya masabi lahat kay Ace ang nalalaman niya sa akin." Pero mataas ang confidence ni Serene na hindi kalaban ang taong nakakausap niya. Alam niyang magagamit niya ito ng husto kaya naman ay hindi na lang basta pwede na sa mesahe sila magpalitan ng kaalaman. Kailangan na niyang makausap ito ng personal upang makilatis niya nga kung sino nga ba abg taong tumutulong sa kaniya. Dahil sa kaniyang sinabi ay hindi na nakapagsalita si Dong-an. Umalis si Serene at tinawagan ang numero na matagal nang nagbibigay sa kaniya ng information. "Magkita tayo bukas." Aniya. Saglit na napatigil ang kausap niya sa kabilang linya. "Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Napatango si Serene. "Kailangan kita, at kailangan mo rin ng tulong ko. Naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa kaniya, hindi ba? Paano kung sabihin ko sa iyo na, nasa akin ang mga kailangan mo?" "Ganoon katindi ang tiwala mo sa akin, Serene? Sigurado ka ba? Paano kung sabihin ko sa iyo na mapapahamak ka kapag nakipagtulungan ka sa akin?" Sagot nito. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Serene. "Sa tingin mo ba ay may pakialam pa ako sa mga pwedeng mangyari sa akin? Handa akong pumatay at mamatay para sa anak ko." Ilang sandali na hindi natahimik ang nasa kabilang linya hanggang sa muling nagsalita ito. "Sige, ipapada ko ang address kung saan tayo pwedeng magkita." Pagkasabi non ng kaniyang kausap ay agad na ibinaba ni Serene ang tawag. Malalaman niya na kung sino ang tao na nasa likod sa mga impormasyon na nalaman niya nitong mga nakaraan. Kinabukasan ay naisipan ni Serene na mag-isang tumungo sa lugar na sinasabi nito. Nasa Polaris rin ang location na ibinigay sa kaniya. Ganoon pa man ay kailangan niyang mag-double ingat lalo pa at kilala na siya sa buong Polaris. Isang abandonadong warehouse ang kaniyang pinuntahan. Wala rin mga tao roon, ngunit kailangan niyang makasiguro. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nagmasid din sa nga kisame kung may mga CCTV na nakakabit. Ngunit wala. Walang tao sa buong Warehouse maliban sa kanya. Naisip niya kung hindi ba siya sinipot ng kaniyang kausap? O sinusubukan lang siya? Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ni Serene. Naguguluhan ngunit kailangan niyang maging matalino sa pagkakataong ito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at sinubukan na tawagan ang numero. Narinig niya iton na nag-ring kaya naman ay agad niyang hinanap ang pinagmumulan ng tunog. Naglakad siya ng akakaunti, at nang marating niya ang kaloob-looban ng warehouse ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa gitna. Nakatalikod ito sa kaniya. Hanggang sa magsalita si Serene upang kunin ang pansin nito. At sa pagtalikod ng lalaki ay hindi inaasahan ni Serene ang taong nasa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD