Chapter 22

2030 Words

Itinuon ni Serene ang kaniyang pansin sa buong paligid. Napakaraming tao kaya naman ay kailangan niyang talasan ang kaniyang paningin. Baka malingat siya at hindi niya makita si Bella. Ilang oras siyang naghintay. Hanggang sa sumapit ang hapon ay nanatili lang siya sa plaza. Naghihintay siya ng tawag o mensahe sa kaniyang cellphone ngunit wala siyang natanggap. Ganoon pa man ay hindi sjya nawawalan ng pag-asa. Iniisip niya na makikita na niya si Maribella ngayong araw na ito. Naging handa siya sa posibleng pagtatangka sa buhay niya lalo pa at mag-isa lang siya ngayon. Maaring umatake ng hindi inaasahan ang mga kalaban at kunin iyon na pagkakataon. Nanatili siya sa isang parte ng plaza kung saan makikita niya ang mga tao na nasa lugar na iyon. Pinagmamasdan ang bawat tao, mga bata na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD