Chapter 19

2692 Words
Pinakatitigan ni Serene si Rio na mahimbing na natitulog sa tabi niya. Tipid siyang napangiti pagkatapos ay hinaplos ang buhok nito. "Alam kong nahihirapan ka na rin, pero kagaya nga ng sabi mo, makakaya natin ito. Haay.. mahal na mahal kita, Rio." Mahinang sabi niya bago ay hinalikan ang noo nito. Bumangon siya at isinuot ang damit niya na nakakalat sa sahig. Tumungo siya sa labas upang magluto ng agahan. Habang nakasalang ang pagkain ay nagtimpla siya ng kape, nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niya na si Astrid iyon kaya naman ay agad niyang sinagot. "Hello, Astrid?" "Good morning, Serene.. girl, ano itong narinig ko totoo ba?" Tanong ni Astrid sa kaniya. Matagal itong nag-stay sa Acropolis kaya malamang ay ngayon pa lang niya nalaman ang tungkol sa paghahanap rin kay Ace. "Yes, and I need your help." Sabi ni Serene. "Oh, God! Kaya pala nung tinatanong kita kay Ace ay hindi siya sumagot sa akin." Sabi ni Astrid. "May nabanggit ka ba kay Ace tungkol sa plano? Yung sa warehouse lalo na yung mga kalaban namin?" "Hindi, I was about to tell her to ask for help pero hindi ko talaga siya ma-contact. Actually nung naka-usap kita, after non hindi ko na ma-contact si Ace. Pero don't worry wala akong naibigay na impormasyon sa kaniya." "Kung sakali na kausapin ka niya o gusto niyang makipag-kita, sabihan mo ako agad. Kailangan kong malaman kung paano niya nagawa ang bagay na iyon sa anak ko." Malungkot na sabi ni Serene bago ininom ang kaniyang kape. "Oh, my god! Hindi ko talaga inaasahan na magagawa niya ang bagay na iyon." Gulat rin na sabi ni Astrid mula sa kabilang linya. Kaibigan nila si Ace, kaya alam niya rin na hindi ito makapaniwala na kayang gawin iyon ni Ace. "Maski ako rin, hindi inaasahan iyon. Pero sinisiguro ko na magbabayad siya. For now, I still need your help. Pero kailangan mo rin na mag-ingat Astrid. Kapag nalaman ni Ace na tinutulungan mo ako ay baka pati kayo manganib." "Don't worry about us, Serene. Nasa iisang mundo tayo, alam ko ang takbo kaya alam kong mapanganib talaga. You shoud be careful too. Alam kong hawak mo ngayon ang Polaris, pero marami pa rin ang sindikato na takot sa'yo at maaring pumanig kay Ace kung siya nga ang kalaban dito." Tama si Astrid, wala pang malinaw sa ngayon hanggat hindi nila nakakausap si Ace. Mahirap magtiwala kahit sa mga ka-alyado mo. "Mas mabuti nang malaman ko na takot sila sa akin. Pero Astrid may isa akong ipapakiusap sa iyo, baka matulungan mo ako. I need to know kung sino-sino ang mga sindikato sa ilalim ng proteksyon ni Ace." Saglit na natahimik si Astrid sa kabilang linya. "Mahirap ang pinapagawa mo, pero I'll do my best to get all the information that you need." Tipid na napangiti si Serene. "Thank you, Astrid." "No problem, Serene. Just let me know if you need my help. Nasayo lang ang katapatan ko." Sabi nito. Matapos nilang mag-usap ni Ace ay ibinaba niya ang tawag pagkatapos ay saglit na napainom sa kape at inayos na ang magiging agahan nila ni Rio. Isinalin niya ang mga niluto niyang almusal sa plato ng maramdaman niya ang mga bisig ni Rio na yumakap sa kaniyang baywang niya. "Good morning, you woke up early." Sabi ni Rio bago humalik sa leeg niya. "Good morning, how's your sleep?" Tanong ni Serene habang hindi pa rin nililingon si Rio. Kaya naman ay naramdaman niya ang paghigpit ng paghawak nito sa bewang niya, hinahaplos iyon pababa bago siya pinaharap. "You're asking me how's my sleep? E ikaw naman ang dahilan kung bakit masarap ang tulog ko." Malambing na sabi ni Rio. Napangiti si Serene at dinampian ng halik ang labi ng kaniyang malanding asawa. "Umupo ka na diyan, hindi ba sabi mo rin na maaga kang aalis? Kaya kumain ka na ng breakfast." Sermon niya sa asawa. Hindi siya binitawan nito, bagkus hinalikan nito ang leeg niya pagkatapos ay bumulong sa kaniyang tainga. "Paano kung ikaw ang gusto kong kainin for breakfast?" Sabi nito kaya naman ay parang nangilabot si Serene. Ganoon pa man ay agad niyang sinaway ito at inirapan. "Huwag kang malandi, ang aga-aga. Saka baka ma-late ka. At ako marami rin akong kailangan dalhin dito sa bahay." Napabitaw si Rio sa kaniya, "Dito sa bahay? Hindi ka aalis ngayon?" Umiling si Serene at umupo na sa hapag. "No, I'll stay home today." Umupo si Rio sa harap niya. Gulat at parang walang balak na mag-breakfast dahil nasa kanya ang pansin. "Dito ka lang sa bahay? Ang daya naman! Hindi na rin pala ako aalis." Sinamaan niya ng tingin ito. "Tumigil ka, akala ko ba importante ang trabaho mo ngayon dahil tuloy ang imbistigasyon niyo? Go to work, para kay Bella." Napabuntong hininga si Rio. "Pero kasi..wala ka kasama rito." Napa-iling si Serene. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Rio. "Kaya ko ang sarili ko. Magpapahinga lang rin ako maghapon at parang inaantok ako. Masama ata ang pakiramdam ko." Dahil sa sinabi ni Serene ay biglang nag-alala si Rio. "Kung ganon e hindi na lang ako aalis. Masama pala pakiramdam mo." Tumayo si Serene at pinisil ang ilong ni Rio. "Papasok ka hindi pwedeng hindi. Mamaya makita niyo si Bella. Kaya dapat nandoon ka." Aniya bago bumalik sa upuan at sumandok na ng pagkain. "I'll be fine, pagkatapos ko labhan ang mga uniform mo ay matutulog na rin agad ako." "Huwag mo ng labhan, ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinalpakan siya ni Serene ng pagkain sa bibig. "Eat, para makaligo ka na at makapasok." Hinawakan ni Rio ang kutsara na nakasalpak sa bibig niya bago napangiti. "Yes, boss." Napangiti na lang rin si Serene bago sinimulan ng kumain. Matapos nilang mag-agahan ay nag-handa na si Rio para sa pag-pasok niya. Bago siya umalis ay may inabot si Serene sa kaniya na paperbag. "What's this?" Tanong ni Rio kay Serene na nakatingin rin sa kaniya "Lunch mo. Kainin mo iyan ha?" Bilin niya bago hinalikan niya si Rio. Hindi inaasahan iyon ni Rio kaya naman ng humiwalay si Serene ay napatulala ito sa kaniya "Sige na, uma--" hindi na natapos ni Serene ang kaniyang sasabihin ng muli siyang hinapit ni Rio at siniil ng halik ang labi niya. "Sarap ng pa-baon mo. Thank you, Mahal." Aniya bago saglit na hinalikan pa si Serene sa noo. "Take care, Rio." "I will, at ikaw? Magpahinga ka ha?" Tumango si Serene sa bilin ni Rio. Bago tuluyan na umalis ito. Napangiti siya, kahit na sobrang stress at gulo ng nangyayari ngayon ay kahit papaano ay napapawi iyon ni Rio. Ito talaga ang pampakalma niya sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdadaanan nila ngayon. Iniligpit niya ang mga pinagkainan nila ni Rio. Nagligpit ng kaunti, hindi naman ganoon ka-gulo ang bahay kaya hindi siya nahirapan. Nilabhan niya rin ang mga uniform nito. Napansin niya kasi na nakatambak na ang mga iyon kaya naman ay nilabhan na niya. Kinamay niya lang ang paglalaba sa uniform nito dahil hindi pwedeng ilagay iyon ng diretso sa washing machine. Hindi niya napigilan ang kaniyang ngiti nang makita ang pangalan na naka-burda sa uniform nito. "Sebastian" iyon ang apelyido ni Rio. Hinaplos niya iyon at hindi napigilan na muling napangiti ng tila may maalala siya. Naalala niya noong kinasal sila ni Rio ay uniform nito sa N.A.M.G ang kaniyang sinuot. "Let's go! Hindi na ako makapag-hintay na angkinin ka, Asawa ko." Sabi ni Rio habang buhat-buhat siya nito papasok sa apartment. Yes, sa aparment lang ang kanilang honeymoon dahil gusto nilang maging espesyal ang gabing ito. Mag-asawa na sila kaya dapat ay sa bahay nilang dalawa dapat ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Natatawa na nga lang si Serene dahil halos hingalin si Rio habang paakyat ng hagdan. May pa-buhat pa kasi itong nalalaman. "Mukhang hinihingal ka na? Pahinga na lang tayo?" Asar ni Serene kay Rio nang makaakyat na sila ng hagdan. "Anong pahinga? Walang magpapahinga ngayong gabi! At huwag ka ng mag-balak dahil hindi kita titigilan, baka akala mo?" Namula ang pisngi ni Serene sa sinabi ng kaniyang asawa. Wala pang nangyayari sa kanilang dalawa kaya naman ay napaka-espesyal ng gabing ito. Ang tagal na naghintay at nag-tiis si Rio. Sa wakas ay maibibigay na niya ang sarili rito ngayong mag-asawa na sila. Habang buhat siya ni Rio ay napatingin siya sa bandang dibdib nito kung saan nakaburda ang apelyido ni Rio. Hinaplos niya iyon at bumulong. "Sebastian... Ako na si Mrs. Sebastian." Aniya kaya napatingin sa kaniya si Rio. Papasok na sila ng apartment ngayon. "Rio? Pwede ko bang itanong? Kung bakit uniform mo sa N.A.M.G ang suot mo?" Tipid na ngumiti si Rio. "Gusto ko na malaman ng lahat na ikinasal ka sa akin, na isang Police Detective ng N.A.M.G. Kaya walang pwedeng gumalaw o saktan ka. Kasi I will kill for you.. I will do my best just to protect you." Sumilay ang ngiti sa labi ni Serene pagkatapos ay walang sabing hinalikan ang labi ni Rio. Agad sinuklian iyon ni Rio. Hanggang sa mabilis siyang ihalis nito sa kama nila. Tandang-tanda niya kung gaano kasaya ang gabing iyon sa kanila ni Rio. Lalo pa ng malaman nila na nagbunga ang gabi ng kasal nila ni Rio, at nag-dalang tao siya kay baby Uno. Maglaho ang kaniyang ngiti, pagkatapos ay ibinalik sa tubig na may bula ang uniform ni Rio. Pagkatapos niyang banlawan iyon ay agad niyang sinampay sa may balkonahe upang matuyo. Tapos nagtungo siya sa kwarto at nahiga na sa kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, at mabilis siyang dinapuan ng antok. ____ Napatingin si Rio sa mga bata na nakuha nila ngayon sa isang raid. Biglaan lang ito at may nag-timbre. Hindi pa alam ni Serene, kaya naman ay minabuti niyang tigna ang mga bata isa-isa, nanalangin na sana isa na sa kanila si Maribelle. Pero kagaya na lang ng mga nagdaang case na ganito ay naging bigo siya. Dahil wala sa mga bata na naligtas nila si Bella. He knows how frustrating this is, no wonder kaya nagkakasakit si Serene. Na laging sinasabi nito na masama ang pakiramdam niya. Mabuti nga ay napapakain na niya ito ngayon. Dati ay halos isang beses lang ito kakain tapos agad aalis para hanapin si Bella. Kung minsan ay wala pa nga. Ngayon ay mabuti na rin at nagpapahinga na ito. Ganoon pa man alam niya na kahit ipinapahinga ni Serene ang kaniyang katawan ay hindi tumitigil ang isip nito kakaisip sa mga susunod na gagawin. Patuloy na inaalala si Bella. Mahirap kalabanin ang isipan. Mas mahirap iyon pigilan kaysa sa physical na pagod na pwede natin maramdaman. "Babalik na kami sa headquarters tutal nandyan na ang ambulansya na magdadala sa mga bata sa hospital. Sasama ka na ba sa amin o maiiwan muna?" Tanong ng kaniyang ama. "Magpapaiwan muna ako, Boss Chief. Mamaya di-diretso na ako sa bahay kaya baka hindi ako makadaan sa head quarters." Sagot ni Rio. "Uuwi ka na? Bakit hindi ka na lang sumama sa amin mamaya? Mag-isa ka lang naman sa bahay mo. Doon ka na kumain sa bahay. Mag-hahanda ang Tita mo lalo pa at nakapasa sa bar ang kapatid mo." Wika pa nito. May ibang pamilya na ang ama niya, at may tatlo siyang kapatid sa side ng ama niya. At ang bunsong kapatid niya sa ama ay nag-a-abogado. Hindi niya akalain na ganap na talagang abogado ito. "Congrats, Dad! Pasabi rin kay Tita lalo na kay Darleen na congratulations. But I can't join you for dinner tonight. May iba kasi akong plano mamayang gabi." Pag-tanggi niya sa alok ng ama. "Hindi ko alam ang pinag-aabalahan mo lalo pa at hindi ka naman madalas nasa bahay mo. But okay, I understand. Basta anak, if hindi ka busy, dumalaw ka sa bahay para naman makapag-dinner tayo." Sabi ng kaniyang ama bago tinapik ang kaniyang balikat. Hindi naman siya laging nasa bahay talaga. Pero ngayon na nand'yan na si Serene ay may dahilan na siya para umuwi. Lalo na ngayong araw na ito. Napatingin siya sa kaniyang relong pambisig. Saktong alas sais na ng hapon. Matapos niyang malikom ang mga ebidensya ay pinadala niya iyon sa junior detective na kasama niya sa Case para dalhin sa headquarters. Nagpaalam na si Rio at pumunta muna sa isang mall sa Acropolis. May binili siya roon na Teddy Bear. Matagal na niyang nadadaanan ang gift house na iyon at ilang beses na rin may nais bilhin na pang-regalo. Ngayon na kasama na niya si Serene ay nagawa na niyang ipasadya ang teddy bear na gusto niya. Kinuha niya ang matagal na niyang inorder sa gift house na iyon. Sunod ay nagpunta siya sa isang flower shop. Bumili siya ng bouquet of roses. Tumunog ang cellphone niya, at nang makita niya na si Serene ang tumatawag ay agad niya iyon sinagot. "Hi, Mahal?" Bungad niya sa asawa. "Rio, pauwi ka na ba? Uwi ka na." Utos nito na agad niyang ikinangiti. "Miss mo ba ba ako?" Malambing na tanong ni Rio. "Don't worry, pauwi na ako. May dinaanan lang. I'll be home in 15 minutes, okay?" "Okay, hihintayin kita." Sagot ni Serene. "Umm I love you, Rio. Ingat ka." Pakiramdam ni Rio ay sasabog ang kaniyang dibdib sa sobrang saya. Hanggang ngayon ay para pa rin isang panaginip na sinasabi ni Serene ang mga katagang iyon. "I love you, too." Pagkababa ni Rio ng telepono ay dumaan pa siya sa isang coffee shop para bumili ng chocolate cake pagkatapos ay umuwi na. Pagkabukas niya ng pinto agad niyang hinanap si Serene. Natagpuan niya ito sa may dinning. "Happy anniversary, Mahal--" "Happy, anniversary, my dear husband--" Sabay nilang sabi ngunit kapwa sila nagulat dalawa. "Naalala mo?" "Teka, Naalala mo?" Sabay ulit nilang bigkas na tila gulat dahil hindi nila inaasahan na kapwa sila may handa para sa araw na ito. Si Rio ay nagulat sa mga pagkain na niluto ni Serene. Na ngayon ay nakahain sa mesa. Samantalang si Serene naman ay nagulat sa dalang flowers, cake at gift ni Rio. Kapwa silang napangiti bago mas nilapitan ang isa't isa. "Akala ko.. nakalimutan mo--" sambit ni Rio ngunit hindi na niya iyon natuloy nang dampian siya ng halik ni Serene. "How can I forget the day that I married the man I love? Ako itong akala nakalimutan mo na sa tagal kong nawala." Hinapit siya ni Rio bago napailing. "Kahit 100 years ka pang mawala, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na naghimala ang Diyos at ibinigay ka niya sa akin. Happy anniversary, Mahal." Muling inilapit ni Rio ang kaniyang labi kay Serene at hinalikan ito. Ngayon ay mas malalim. Nang magbitaw ang kanilang mga labi ay ibinigay ni Rio ang mga regalo niya. "I have here your favorite cake.. your favorite flowers.. and of course something a little special, I hope you'll like it." Binuksan ni Serene ang malaking paper bag. At agad na nanlaki ang mata niya sa nakita. Personalized teddy bears ang naroon. Dalawa ng bear ang una niyang hinatak sa paper bag. Nakapang-kasal iyon, parang yung damit nila ni Rio ng ikasal sila. Naka white wedding gown, tapos yung isa naka uniform ng N.A.M.G kagaya ng kay Rio. May nakaburda rin na Sebastian sa damit non. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang dalawa pang Teddy Bear na nakuha niya sa paper bag. Yung isa, may nakaburda na Uno, habang ang isa ay Maribella. Agad na naluha si Serene at niyakap ang mga Teddy Bear na regalo ni Rio. "Oh, God. Thank you.. sobrang ganda." Napangiti si Rio at niyakap rin si Serene. "Buti naman at nagustuhan mo.. iyan ang family teddy bear natin. At kagaya nila Serene, balang araw magiging kumpleto ulit tayo. Ikaw, ako.. si Maribella... Si Uno alam kong ibabalik siya sa atin ng panginoon." Pinahid ni Rio ang luha ni Serene. "After we got married, I wasn't able to do my promise to protect you and our family. Kaya ngayon pinapangako ko na I will do everything para mahanap natin si Bella. At makasama na natin siya." Muling humagulgol si Serene sa sinabi ni Rio at mabilis na niyakap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD