Chapter 9

2541 Words
"Serene, payag na ako sa gusto mo. Hawak ko na rin ang case sa child trafficking and kidnapping. I will focus on that case para sa anak natin." Sabi ni Rio mula sa kabilang linya. Napangiti naman si Serene at napasapo sa kaniyang dibdib sa tuwa dahil malaking tulong talaga ang pagpayag ni Rio na tumulong sa paghahanap ng anak nila. "Thank you, Rio." "May naharang kanina sa check point kanina. Walang nabuhay sa mga kidnappers dahil nanlaban sila. May ilang bata na napahamak pero marami rin ang nakaligtas. Pero, Serene. Wala roon si Maribella." Napatango si Serene. "Yes, I heard about it. Nandito ako ngayon sa warehouse ng sindikatong iyan to check kung narito si Bella." Sagot niya. Napatingin si Serene sa isang malawak na lote na napapaligiran ng mga tagabantay. Maraming tao sa loob pero alam niyang kakayanin niya iyon. "What?! Serene! Sabihin mo kung saan iyan? Bakit ka pumunta dyan ng mag-isa?" Natataranta pang sabi ni Rio sa telepono. "You don't know what I'm capable of, Rio. I can handle myself." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rio sa kabilang linya. "Hindi ko na nga alam kung ano ka na ngayon. Kung ano ang kaya mong gawin. Maybe you are that Serene na kilala ko noon. Pero kahit na ganoon, Serene. Mag-iingat ka pa rin." Tipid na napangiti si Serene sa sinabi ni Rio. "I will. I cant die yet, Rio. Not unless na makasiguro tayo na ligtas na si Bella." Ilang saglit na natahimik ang kabilang linya. Hanggang sa magsalita ulit si Rio. "Pagkatapos mo diyan, please come home to me." Napatigil si Serene sa sinabi nito. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at napangiti. "I will, Rio." ____ Pumasok siya sa loob ng warehouse at agad na sunod-sunod ang putok ng baril ang umalingaw-ngaw ng mapansin nila na narito siya. Dahil sa sunod-sunod na pag-raid ni Serene sa mga warehouse sa Polaris upang hanapin ang anak, ay tila nakilala na siya ng mga sindikato. Hindi naman mahirap mangyari iyon lalo pa at napakabilis ng balita sa Polaris. Lalo na ang paglabas ng RHU na ng production ng local drugs sa Polaris ay sumabay sa biglang pag-ubos at pag-raid sa mga sindikato ng abduction. Lumabas na sa balita sa buong Polaris ang tungkol sa kaniya. Isang misteryosong babae na hinahanap ang kaniyang anak, na siya rin na idinidikit sa pangalan ng Chaves Fernando. At ang malalaking sindikato sa Polaris ay nakilala na siya, bilang ang nawawalang Chaves Fernando na hindi nakita matapos ang m******e. Wala rin naman makakapagpabagsak sa ibang mga grupo kundi ang isang Chaves Fernando na kinakatakutan noon sa Polaris. At bumalik ang takot na iyon ngayon dahil sa kaya niyang gawin. "So, it's real. Totoo nga na buhay ka pa. Akalain mo nga naman na may natira pang Chaves Fernando sa Polaris." Napangiti lang si Serene sa sinabi nito. "Well, wala kaming pakialam kung isa kang Chaves Fernando. Matagal ng patay ang pamilya mo at wala na rin naiiwan na proteksyon sa iyo. You are not welcome here, Serene. Kaya kung ako sa iyo at gusto mo pang mabuhay ay umalis ka na." Sambit ng isa mga leader ng Arellano. Nagulat sila ng sa isang iglap, nakitang hawak na ngayon ni Serene ang lalaking kanina lang ay tinutukan siya ng baril. Serene shrieks cruelly, and tears the dagger in her hand across the mans throat. Sinubukan pa nitong sumigaw but he chokes on blood which spits from his mouth as more spurts from his throat. Tuluyan itong nawalan ng hininga hanggang sa bumagsak ang katawan nito sa sahig. Sunod na pinuntirya ni Serene and isa pa sa lalaki. He grabs the man in one quick motion, punch his head, snapping his neck with a sickening crunch, before she throw his body on the ground. May isa pang lumapit at tinutukan siya ng baril dahilan para sumabog ang mukha nito sa harapan niya dahil naunahan siya ni Serene na kalabitin ang gatilyo ng baril. Bumakas ang takot sa mukha ni Arellano. "Ano ba ang kailangan mo, Serene?!" Napangiti si Serene at pinahid ang dugo na tumalsik sa kaniyang pisngi. "Ilabas niyo ang anak ko." Blanko niyang sabi. Napailing ang lalaki, bakas pa rin ang takot sa mukha niya lalo pa at wala ng buhay lahat ng kaniyang tauhan. "Wala sa amin ang anak mo! At hindi namin alam kung nasaan siya!" Sigaw pa nito kay Serene. "Marami kayong mata sa Polaris. Imposibleng hindi niyo nabalitaan ang nangyari sa anak ko? Kaya hanggang sa walang umaamin, ay uubusin ko kayong lahat!" Pagkasabi non ni Serene ay kinalabit niya ang baril at pinaputok iyon sa ulo ni Arellano. Dahilan upang ikamatay nito. ____ Kasalukuyan na nililinis ni Serene ang dugo sa kaniyang dager ng tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong sinagot. "Hello?" "Hello, Serene?!" Wika ng isang babae sa kabilang linya. Hindi nakaregister ang number nito. Ganoon pa man ay medyo familiar ang boses ng babae. "Serene? Is this you?" Nanlaki ang mata ni Serene. "Astrid?" "Yes, oh my god! So you're really alive?! I got your number from Ace. Oh! Can't believe that I'm talking to you right now." Napangiti si Serene, "Me too. It's really nice hearing your voice right now." Si Astrid ay ang matalik niyang kaibigan na matagal na rin na hindi niya nakikita. "The last time na nagkausap tayo ay is that night na tatakas ka sa bahay niyo. Thank God! Akala ko nawala na talaga ang best friend ko." Masayang sabi pa nito sa kabilang linya. Inilagay ni Serene ang mga armas na meron siya sa isang duffle bag. Iyon na lang ang meron siya at ang pera na pinagbentahan niya ng RHU. Naibenta na niya ang huling batch na meron siya. "Astrid, I have a favor to ask. I hope you can help me." Aniya. "I know, kaya gusto rin kitang makausap. I want to help you. Nakatanggap kami ng asawa ko ng message, mula sa balita na kumakalat ngayon sa Polaris. Oh god, Serene! Anong ginawa mo?" Sambit pa ni Astrid kaya napabuntong hininga si Serene. Malamang ay nakarating na rin sa kaibigan ang pagpatay niya sa ilang leader ng sindikato. "I don't have a choice. I need to do it, Astrid." "You killed every member of the Arellano Community. Are you out of your mind?! Alam mo ba na nag-me-metting ngayon ang bawat syndicate ng dahil sa ginawa mo? Oo, takot sila sa pagbabalik mo pero hindi imposible na Mangyari ulit yung dati na makipagtulungan ang Polaris sa N.A.M.G na ipapatay ang buong angkan mo. Ngayon na buhay ka pa, I'm sure na babalikan ka nila. Hindi sila titigil hanggang sa hindi ka namamatay." Napakuyom ang kamao ni Serene. Ang buong akala niya kung lalayo sila at magbabagong buhay ng anak ay lalayuan na sila ng panganib. Pero nagkamali siya, hanggat buhay ang mga tao na may kasalanan kung bakit namatay ang buong pamilya niya ay hindi tatahimik ang buhay nila ni Maribella. "Iyon ang gagawin ko Astrid. Gagantihan ko silang sa paraan kung paano nila inubos ang pamilya ko. Isa ang Arellano sa nag-taksil sa pamilya ko kaya dapat lang na namatay sila. Sabihin mo sa kanila Astrid na kung sino man ang babangga sa akin, ay papatayin ko. Kaya ayusin nila kung sino ang kakampihan nila." "Iyon ang iniisip nila, na uubusin mo ang mga sindikato na nag-taksil sa Chaves Fernando." Sabi pa ni Astrid at tama nga ang iniisip ni Serene. "Nanahimik na ako, Astrid. Nagbagong buhay na ako kasama ang anak ko. Anong ginagawa nila? Kinuha nila ang anak ko. Kaya magbabayad sila! Uubusin ko sila hanggat hindi nila inilalabas si Bella." Sambit ni Serene bago napatingin sa mga mukha na nasa pader ng apartment na tinutuluyan niya. "Serene, nagaalala lang ako sa proteksyon mo. Paano mo magagawa ang sinasabi mo kung wala ng natira sa tauhan ng Papa mo? Ano makikipagtulungan ka sa pulis? Sa tingin mo ba paniniwalaan ka nila? Mamaya mapano ka pa, nasa most wanted ka Serene." May point si Astrid ngunit napagplanuhan niya ang bagay na iyan. Marami siyang mababangga na sindikato sa Polaris lalo na sa ginagawa niya ngayon. Pero alam na alam niya paikutin ang mga tao sa Polaris. "May plano ako Astrid. And soon, alam kong mangyayari na iyon. Isa pa, nakalimutan mo ata na isang Pulis si Rio? He is helping me Astrid. At naniniwala ako na magiging successful ang pagtutulungan namin. Wala na akong pakialam kung ipakulong niya ako bandang huli. Basta mailigtas lang namin si Maribella." Muling natahimik si Astrid sa kabilang linya. Napabuntong hininga ito. Pero alam niyang hindi siya ma ma-disappoint kay Astrid, at tama nga siya ng kaniyang iniisip. "Naiintindihan kita. Don't worry, nasa inyo rin ang support namin ni Mike. Alam namin na kaya mo ang sarili niyo Serene, but we will still provide protection for you and Rio. Lalo ka na at nasa Polaris ka. I will let you use one of our warehouses, I will send our men there also to help you. The Chaves Fernando may be gone, but you will always have the Ramos Community to protect you." Wika ni Astrid kaya kaya napangiti si Serene. "Thank you, Astrid." Pagkababa ng tawag ay sinilid na ni Serene lahat ng kailangan niya sa loob ng duffle bag pagkatapos ay nilisan ang apartment. Ito ang huli niyang araw sa apartment na iyon. Lalo pa at dahil sa nangyayari ay kailangan niya munang lisanin ang Polaris. _______ Pumasok siya sa border ng Peninsula papunta sa Acropolis. Agad niyang tinungo ang apartment nila ni Rio. Umakyat siya ng hagdan at sa labas ng pinto ay nahita niya si Rio. "Why are you out here?" Tanong ni Serene sa asawa na tipid na napangiti ng makita siya. "Hinihintay kita." sagot ni Rio sa kaniya. Napatahimik si Serene at napahawak na lang sa duffle bag na dala niya. Hindi pa siya nagbibihis at naliligo matapos niyang sugurin ang Arellano kanina dahil nagmamadali siyang umalis ng apartment kaya naman ay napansin ni Rio ang dugo sa may balikat ni Serene. "Teka? Dugo ba iyang nasa balikat mo?" Napatingin si Serene sa kaniyang balikat. May dugo nga roon, ngunit alam niyang hindi kaniya iyon. "Umm, yes. Can I use your bathroom? Kailangan ko lang mag-shower." Sagot ni Serene. Nanatili siyang pinakatitigan ni Rio, napatingin din ito sa damit niya na may ilang talsik pa ng dugo. Sa baril na bakatago sa gilid ng pantalon ni Serene. Meron rin ito sa kaniyang boots. "Did you kill someone?" Tanong ni Rio. Napalunok si Serene. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong ni Rio. Ngunit hindi rin naman niya maitatanggi ang kaniyang ginawa. Hindi naman tanga si Rio. "Paano kung oo, hindi lang isa kundi marami na sila?" Sagot ni Serene. Tila inaasahan na ni Rio ang sagot ni Serene. Ganoon pa man, he can't blame her. Maski rin naman siya kapag humarap sa kalaman nila ay malamang hindi siya magaalinlangan na pumatay ng tao. Lumapit si Rio kay Serene. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Sino ang nauna Serene? Sila ba o ikaw?" "I don't care kung sino ang naunang nanakit. Whatever o whoever comes my way to harm me and the people I love? Papatayin ko." Seryoso niyang sabi kay Rio. Pinakatitigan ulit siya ni Rio. Malamang sa isip nito ay iniisip nito na hindi na talaga siya si Serene. Na malayong malayo na siya sa Serene na nakilala at pinakasalan niya noon. "Tara na, pumasok na tayo sa loob." Sambit ni Serene bago tipid na ngumiti. "Oo nga pala, para sa iyo ito." Napatingin si Rio sa paper bag na ibinigay sa kaniya ni Serene. "Ano ito?" Tanong ni Rio. "Pasalubong mo." Sabi ni Serene bago tipid na ngumiti. Binuksan ni Rio ang paper bag at nanlaki ang mata niya ng makita ang laman non. ____ "Hello, Santi? Pumunta ka ngayon sa Zone 7 district Z. I will give you the exact location. Nakausap ko na rin si Boss Chief, papunta na roon ang N.A.M.G at buong team." Rinig ni Serene na sabi ni Rio ng makalabas siya ng banyo. Kakatapos niya lang maligo at habang nakatapis ang kaniyang katawan ay may isang towel siyang gamit para tuyuin naman ang kaniyang buhok. Pinagmasdan niya si Rio habang may kausap ito. "Arellano Lopez syndicate. Yung group na may kinalaman doon sa shootout sa may checkpoint. Iyan ang exact location kung saan ang warehouse nila tinatago ang mga bata na na-abduct nila. Papunta na ako doon ngayon. Unknown source ang nagbigay sa akin ng tip. Basta pumunta ka na lang. Magkita tayo roon." Ibinaba ni Rio ang cellphone niya bago napatingin kay Serene. Kikiligin na sana siya sa pasalubong ni Serene dahil akala niya kung ano iyon. Pero nagpapasalamat pa rin siya sa binigay nitong tip. Lumapit siya kay Serene. "Serene, thank you sa gift mo. Salamat sa tip na ibinigay mo para sa case. Malaking ebidensya nito." Pasasalamat niya kay Serene. Habang pinagmasdan itong nag-lo-lotion sa harap niya. "Aalis lang ako saglit para puntahan iyon at makuha na namin ang mga bata. Pero babalik rin ako agad, promise. Kumain ka muna may pagkain diyan. Kung naantok ka matulog ka na. Alam ko naman na inaantok ka na. Huwag mo na akong hintayin." "What makes you think na hihintayin kita?" Sarkastikong tanong ni Serene sa kaniya. "Baka lang naman maghintay ka, kaya sinasabihan na kita ngayon na magpahinga na lang. Oo nga pala, nilabas ko na yung mga damit mo na naiwan noon. Maayos pa iyon kaya iyon ang suotin mo huwag ang mga damit ko. Baka ma-turn on ako kapag nakita ka na suot ulit ang damit ko. Pero kung gusto mo naman. Ayos lang din. Basta magpahinga ka muna, at ako na ang bahala kay Bella." Hindi na niya sinagot ang sinabi ni Rio at tinalikuran ito bago pumasok na siya sa kwarto ulpang magbihis. Ilang sandali lang ay narinig na niya ang pinto sa labas at mukhang umalis na nga si Rio. "Pagdating niyo doon. Wala na rin naman kayong aabutan kasi patay na silang lahat." Aniya. Hindi niya sinabi kay Rio ang ginawa niya sa lugar na iyon. Ibinigay niya lang lahat ng ebidensya na kailangan nito. Napansin ni Serene ang damit niya na nakatupi sa kama. Mukhang inihanda iyon ni Rio para suotin niya. Napailing si Serene. "And what makes you think na hihintayin kita? Saka ang mga ito? Wala naman akong sinabi na gawin mo ito sa akin. Can you please stop being nice to me, after everything that I've done to you." Bulong niya pa habang hinahaplos ang kaniyang damit na inihanda nito. Pagkatapos niya magbihis ay pinilit niyang matulog. Ngunit hindi siya dapuan ng antok dahil sa kakaisip kay Bella. Mahigit dalawang oras na rin simula ng umalis si Rio kaya naman ay naisipan niyang tumayo at kinuha ang duffle bag na dala niya. Kinuha niya roon ang damit ni Maribella. Inamoy niya iyon at niyakap, naamoy niya ang anak sa damit na nito. Iniisip niya na sana hindi lang ang damit nito ang yakap niya kundi si Maribella mismo. Nagsimula ulit na pumatak ang luha niya, na sa bawat gabi na nilikha, simula ng nawala si Bella ay ang pagod dulot sa kaniyang pag-iyak at pangungulila ang naghahatid sa kaniya sa kaniyang pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD