Chapter 8

1379 Words
Maagang umalis si Rio upang pumunta sa N.A.M.G. kailangan niyang makausap ang chief para sa pinapalano niya. "Good morning boss. Pwede ba kita makausap?" Tanong niya sa may pinto kaya napahinto ang chief sa kaniyang ginagawa at natuon ang pansin sa kaniya. "Rio, ang-aga mo?" Hinila niya ang silya sa harapan nito at naupo. "Boss Chief, may request ako. Kunin ko na ang case doon sa child trafficking case. Doon na ako mag-fo-focus." Bumakas ang tuwa sa mukha ng chief nila. "Mabuti naman kung ganoon, Rio. Tawagan mo na lang si Santi. Mabuti at kinuha mo, lalo pa at nadagdagan ang case na ipinasa kanina lang. Ang totoo ay sumasakit na ang ulo namin." Kung ganoon ay talagang mabigat ang kaso na ito. Dahil sa pag-bilis ng pag-taas ng case for child abduction. Mas lalong kailangan niyang ma-huli ang nasa likod ng illegal na gawain na ito. "Don't worry boss, ako na ang bahala. Basta kailangan kong makuha lahat ng details ng mga sindikato at nasa watchlist." "Na kay Santi lahat. Goodluck Rio, if you need anything Just let me know." Sambit ng Chief at tinapik ang kaniyang balikat. "Salamat Chief. Pupuntahan ko na lang si Santi para sa mga ebidensya. Tatawag na lang ako kapag may kailangan." Tumayo si Rio at umalis na ng opisina. Ang una niyang kailangan gawin ay kunin lahat ng mga kakailanganin niya kay Santi. Tinawagan niya ito ngunit hindi ito sumasagot sa tawag niya kaya naman ay sunod-sunod ang naging mura niya. Bawat oras ngayon ay mahalaga, dahil sa bawat oras na masasayang ay nanganganib ang buhay ng kaniyang anak. Hindi niya alam kung nasaan si Serene. Dahil matapos nitong sabihin ang tungkol sa anak niya ay agad siyang umalis. Pero nasisiguro siya na hindi iyon ang huling pagkikita nila. Nag-aalala man siya ay alam niyang gumagawa ito ng paraan para mahanap si Bella. Sinubukan ulit na tawagan ni Rio si Santi at sa wakas ay sumagot na ito. "Tangina! Bakit ang tagal mong sumagot?" Bulyaw niya. "Pasensya ka na at ngayon lang ako nakasagot. Yung sa mga kailangan mo ipapadala ko na lang dyan sa iyo. Nasa crime scene ako dahil may na-harang na van na puno ng mga bata. Medyo marami ang namatay dahil nanlaban ang mga kidnappers." Wika ni Santi. Agad na napatayo si Rio. "Nasaan iyan?! Pupunta ako ngayon diyan." ____ "Serene? Kamusta ka na?" Tanong ni Ace kay Serene ng kamustahin niya ito sa telepono. "Nasabi ko na sa kaniya Ace." Rinig niya ang pagtahimik ni Ace sa kabilang linya. "So ano? Nagalit ba siya? Okay ka lang ba?" Tanong ni Ace. Napabuntong hininga si Serene. "Ayos lang ako. Alam kong galit siya sakin kahit na sinabi niyang tutulungan niya ako. Alam kong gusto niya akong murahin nung sinabi niya na nawala ko ang anak namin. Tatangapin ko naman ang mura niya o kung ano man ang isumbat niya sa akin. Kasi alam ko na mali ang ginawa ko lalo na ang paglihim ko ang tungkol kay Bella. Tapos ngayon kung kailan naman na sinabi ko ang totoo ay hindi ko maipakita ang bata kasi nawawala." Aniya pa habang naalala kung ano ang naging reaction ni Rio matapos niyang sabihin na nawawala ang anak nila. "Pero okay na rin, kung hindi niya ako tutulungan ay ang importante ay nasabi ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. May tulong man niya o wala ay hahanapin ko pa rin ang anak ko." Sagot niya pa kay Ace. "Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Ace sa kaniya. Napatingin naman si Serene sa daan na kaniyang tinatahak. "Pupunta ako ngayon sa Sicarios ng Arellano Felix Syndicate. May nakuha akong tip mula sa Halcones sa Polaris na gumagalaw ngayon sa trasaction ng child trafficking May mga bata rin na kinuha ang sindikato na iyon. Titignan ko kung naroon si Bella." Mahinang sabi niya dahil papasok na siya ngayon ng teritoryo ng Arellano Felix. "Magiingat ka Serene. Wala pa rin akong nakukuhang balita sa mga pulis kaya sana nga ay gumagawalaw si Rio ngayon sa paghahanap kay Bella. Nakausap ko rin si Sasha, at humingi na rin ako ng tulong sa kanila." ___ Right now hindi alam ni Rio kung ano ang nararamdaman niya. Kung gaano katindi ang galit na nararamdaman niya habang nakatingin sa mga bangkay na biktima sa naganap na child abduction kanina. Wala si Maribella sa mga batang nakuha nila. Ganoon pa man mas lalo siyang nasasaktan, dahil wala pa rin siyang nalalaman kung nasaan ang kaniyang anak. Napatingin si Rio sa kaniyang cellphone. Nakita niya ang sunod-sunod na mensahe mula kay Serene. "Rio, Alam kong nasasaktan ka ngayon. Alam kong nagagalit ka. Naiintindihan kita ay naiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko. Pero sana isangtabi muna natin yung galit ngayon. Inaamin ko, wala talaga akong balak na ipaalam sa iyo na nagkaanak tayo. Alam mo naman kung bakit. Sinabi ko lang ang tungkol kay Bella kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin na hanapin siya. Kinakausap kita dahil sinubukan namin na i-report ng legal ang nangyari kay Bella pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kailangan kita dahil wala akong napapala sa kapulisan sa Acropolis. Patuloy nilang dini-deny ang nagyaring abduction kay Bella." Napayukom ang kamay ni Rio. Alam niya ang sinasabi nito. Pinilit ng N.A.M.G na ilihim muna ang mga nangyayaring krimen upang maiwasan na mag-panic ang mga tao sa acropolis. Ang iba ay masyadong bulag sa mga nangyayari. Hindi sila naniniwala sa Krimen kahit may roon naman dahil madudungisan non ang imaghe ng Acropolis. At maari rin na kunin iyon na pagkakataon ng ibang syndikato na sumugod at gumawa ng masama sa Acropolis kung nalalaman ng iba na may mga nakakalusot pa rin na krimen sa Acropolis. Muli siyang napatingin sa mensahe ni Serene. "Rio, alam kong mahal mo ang trabaho mo kaysa sa pamilya mo. Pero sana pagbigyan mo ako ngayon. Hindi para sa akin kundi para sa anak natin. Alam ko na makakaapekto sa trabaho mo ang pakikipagtulungan mo sa akin. Kaya hindi na rin ako aasa na dahil parang sinabi ko na labagin mo ang batas dahil hindi ba dapat hinuli mo na ako?. Ganoon pa man nagbabakasakali ako Rio. Na ganito na lang, ikaw ang kikilos ng legal dahil iyon ang trabaho mo at alam kong makakatulong ang connections mo. Ikaw ang bahala sa kapulisan. Ako na ang bahala sa Polaris." "T*ngina!" Mura ni Rio ng mabasa ang huling sinabi ni Serene. "Sorry kung bumalik ako sa Polaris. Para iyon kay Bella at dahil wala rin akong pagpipilian pa. Mas madali na mahahanap natin si Bella dahil alam ko ang kilos ng mga syndikato rito. Ikaw ang gagawa sa legal ako na sa illegal. Hanapin natin si Maribella. Kapag nangyari iyon at maging ligtas siya, ipapangako na kusa kong ibibigay sa iyo ang anak natin. Ipapangako ko na kusa akong susuko sa iyo. Ikaw mismo ang maghahatid sa akin sa N.A.M.G para ikulong ako. Handa akong tanggapin ang kaparudahan na ipapataw nila sa akin. Basta ipangako mo lang na po-protektahan mo si Bella." Napailing si Rio sa mensahe na nabasa niya at napabulong. "Parang sinabi mo na rin na patayin kita, Serene?" Agad na tinawagan ni Rio ang number ni Serene. “Come on, pick up the phone.” bulong niya habang ilang ulit na sinubukan ito. Nang hindi pa rin ito sumagot ay kinuha niya ang laptop niya at sinubukan na hanapin ang location ni Serene. Nang bigla siyang makatanggap ang mensahe mula kay Serene. “I can’t answer calls right now, Rio.” Napailing si Rio at nag-reply. “Anong ginagawa mo diyan?” “Alam mo ang ginagawa ko rito. Kinakausap ko ang ibang sindikato kasi hinahanap ko ang anak ko.” Mas lalong bumakas ang inis sa mukha ni Rio. “Pumunta ka diyan without telling me?” Aniya habang tinitipa ang kaniyang laptop at sinusubukan na hanapin ang exact location ni Serene. “Alam mong hindi kita pwedeng dalhin rito. And I know what are you doing right now, stop tapping my phone para malaman mo ang location ko kasi hindi mangyayari iyon.” Pagkareply non ni Serene sa kaniya ay hindi na ma-locate ni Rio ito. Na-disconnect siya sa cellphone ni Serene. “f**k! I underestimated you, Serene. Talagang nagbago ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD