Chapter 10

1917 Words
Naalimpungatan si Serene at napabalikwas ng tayo. "Hey, relax. It's me." Sambit ni Rio sa kaniya dahil halata niya ang takot at pagiging alerto ni Serene ng magising ito. Nakita ni Serene ang kumot na hawak ni Rio. Mukhang kukumutan sana siya nito nang siya ay magising. "Nandito ka na. Teka, anong oras na ba?" Sambit ni Serene bago naayos ng upo. "Sabi na hinihintay mo ako." Nakangising sabi ni Rio. Inirapan siya ni Serene, "2 am pa lang. Pasensya na nagising kita. Ilang oras pa lang ang ba ang tulog mo?" "Nakatulog na ako kahit papaano." Saglit na napansin niya na nakatingin ito sa damit na hawak niya. "Damit ba iyan ni Maribella?" Tanong ni Rio kaya naman ay hinawakan ulit iyon ni Serene at ipinakita kay Rio. "Oo, ito yung damit na pinagbuhisan niya nung bago ko siya iwan para magtrabaho." Pinagmasdan pa iyon ni Rio. Hinawakan at inamoy. Hindi niya napigilan ang kaniyang luha dahil sa pangungulila sa anak. Ibinaba ni Rio ang damit bago napatingin kay Serene. "Serene, ikaw ba ang may gawa ng nangyari sa Arellano Community?" Pinakatitigan lang siya ni Serene. Alam na niya ang isasagot nito kahit hindi siya magsalita. "Hindi ka nag-tira ni isa. Saan pa namin gagamitin laban ang ebidensya na ibinigay mo ngayon na patay na sila?" "Edi wala na kayong ikukulong. Hindi na madadagdagan ang mga tao sa masikip na kulungan niya. Ayoko ng masikip na kulungan Rio. Ayoko na may kasamang taga Polaris kaya inubos ko na sila." Napabuntong hininga si Rio. "Don't do it again, please." "You know I can't do that, Rio." Natatawang sabi ni Serene. "If ever na may choice ka, choose not to kill. Huwag mong ilagay ang batas sa kamay mo." "You do it legal, while I'll do the dirty work. Nakalimutan mo na? Hindi ko inilagay ang batas sa kamay ko. Hindi ako pulis o pangkaraniwang tao. I was born and raise in Polaris. I was trained to kill. Normal na iyon sa Polaris." Umuling si Rio at hinawakan ang kamay ang kamay ni Serene. Binawi iyon ni Serene at umiwas ng tingin. "Hindi iyon dahil sa normal mo na iyong gawin. Ang akin lang, mas lalo akong mahihirapan na tulungan ka sa kaso mo." Hindi sumagot si Serene at nanatiling nakaiwas ng tingin kay Rio. "Pero seryoso, just don't do it again, please. Salamat din kasi dahil sa iyo ligtas na yung mga bata na nakuha nila." "Pero wala naman sa kanila si Bella." Halata ang sakit sa salita ni Serene. Habang tumatagal ang paghahanap niya at hindi pa rin niya nakikita si Bella ay mas lalo siyang nahihirapan. Mas lalong pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa labis na pag-aalala. "I know, wala man doon ang anak natin. Makakauwi naman sila sa mga magulang nila. At dahil iyon sa iyo, Serene." "Paano naman ako, Rio? Magulan rin naman ako, pero yung sarili kong anak hindi ko mailigtas. Yung sarili kong anak hindi ko man lang mai-uwi sa akin. As long as wala si Maribella sa atin. Hindi ako magiging masaya." "Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, Serene. Hindi mo kasalanan---" "Kasalanan ko, Rio." Putol ni Serene kay Rio. "Dahil sa akin kaya siya nawala. Sa kapabayaan ko, sa nakaraan ko kaya siya ngayon ang nagbabayad. Kaya huwag mong sabihin na hindi ko kasalanan. Dahil walang dapat sisihin rito kundi ako." _____ Lumabas si Rio matapos nilang mag-usap. Nakatulog naman na siya ng apat na oras at para kay Serene ay sapat na iyon. Ngayon kailangan niya ng mag-umpisa na hanapin ulit si Bella. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukan na tawagan si Ace. Isa din ang kaibigan na naghahanap kay Bella kaya naman ay alam niyang gising na ito sa mga oras na ito. Hindi naman siya nagkamali nang sagutin nito ang tawag niya. "Ace? May balita na ba?" "Serene, nag-follow up ako sa pulis regarding sa Arellano case. Ngayon may mga bata daw silang nailigtas kaya pinapapunta ako ngayon sa hospital para tignan kung isa sa mga bata si Bella." Sabi ni Ace mula sa kabilang linya. "Wala diyan si Bella." Aniya bago tumayo sa mula sa kama at napasilip sa labas ng bintana. "Alam ko, dahil alam ko rin na ikaw ang may gawa non sa mga Arellano. At kung nandoon nga si Bella ay malamang sinabi mo na sa akin. Kailangan ko pa rin na pumunta sa hospital for formality para masabi ko na wala roon si Bella." Nagsindi si Serene ng sigarilyo pagkatapos ay hinithit iyon. "Salamat, Ace. Nakausap ko rin si Astrid. Kasama na sila sa naghahanap kay Bella." Rinig niya ang pagbuntong hininga ni Ace sa kabilang linya. "Nasaan ka?" "Na kay Rio. Dito ako tutuloy ngayon. Dahil ibinigay ko yung evidence ng Arrelano." "Good, stay there. D'yan ka na muna mag-stay kay Rio." Umiling si Serene. Sa mga ginagawa ni Rio na pagpapakita ng kabutihan sa kaniya sa kabila ng mga ginawa niya rito ang isa pa niyang pinagaalala. Alam niya ang magiging patutunguhan ng nangyayaring ito at ayaw niyang idamay si Rio o ang nararamdaman nito. "No, pansamantala lang maghahanap ako ng ibang matutuluyan sa Polaris." "Huwag Serene. Stay with Rio. Mas magiging ligtas ka diyan. Alam mo ba na nagkakagulo ang Polaris ng dahil sa ginawa mo? Akala nila ay iisa-isahin mo ang mga sindikato na nag-taksil sa Chaves Fernando. Dahil doon ay mga binubuo silang plano para patayin ka dahil sa takot sa iyo. Kaya kailangan mo muna magpalamig, magtago ka muna dyan kay Rio at huwang munang magparamdam." Agad na hindi pinangsangayunan iyon ni Serene. Napabuga ng usok sa sigarilyo si Serene. "Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyan. Mahalaga ang bawat oras. Hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanap kay Maribella," "Serene, delikado!" Parang gustong matawa ni Serene sa sinabi nito. Alam niyang kahit kailan ay hindi sila naging ligtas. Alam na niya iyon. "Kung may mas delikadong lagay ngayon ay walang iba kundi ang anak ko, Ace. Ilang araw na siyang nawawala. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Para na akong mababaliw Ace. Hirap na hirap na ako." "Alam ko iyon kaya nga narito kami para tulungan ka. Hayaan mo muna kaming kumilos. Kailangan mo munang hindi pumunta sa Polaris. Serene, kailangan mo rin na tulungan ang sarili mo. Paano kung mapatay ka nga nila ng hindi pa natin nakikita si Bella? Paano ang anak mo? Anong mangyayari sa kaniya?" "Nandyan si Rio. Kaya ko rin sinabi sa kaniya kasi handa akong mamatay mahanap lang si Bella. At kapag nangyari iyon, alam kong hindi pababayaan ni Rio ang anak namin." "Isa pa iyon Serene? Paano kung pati si Rio ay mapahamak? Nakikipagtulungan ka sa kaniya ngayon. Isa pa hahayaan mo ba na maulila mo ang mag-ama mo?" Sa sinabing iyon ni Ace ay mas lalo siyang nahihirapan ngayon na mag-isip kung ano ang susunod na gagawin. Buo na ang plano niya sana na tuloy na isa-isahin ang mga sindikato sa polaris. Ngunit dahil sa mga plano na binubuo ng kalaban ay mukhang kailangan niyang sundin si Ace. Mapagkakatiwalaan niya si Ace sa pagtulong nito. Ang mga tauhan ni Astrid ay naghahanap na rin kay Bella. Idagdag pa si Rio. "Sige, susubukan ko. I'll try to convinced Rio kung papayag siya na mag-stay muna ako rito." Ibinaba ni Serene ang telepono at inubos na ang kaniyang sigarilyo. Sa labas ay narinig ni Rio ang pinagusapan ni Serene at ng kausap niya. Napabuntong hininga si Rio, bilib siya sa katapangan na ipinapakita ni Serene ngunit hindi pa rin talaga mawala sa kaniya ang pag-aalala. Napalingon si Serene ng marinig niya ang katok sa may pinto "Serene, alam kong gising ka pa, nagtimpla ako ng hot chocolate drink. O gusto mo baa dalhin ko na lang diyan." Hindi siya pinansin ni Serene. Pero si Rio ay hindi tumigil sa kakakatok. "Serene? Hello? Ano dalhin ko na lang diyan?" "Ang ingay mo Rio. 3am pa lang bakit ba ang ingay mo?" Sermon pa ni Serene kay Rio. "Nagtimpla nga ako ng hot chocolate drink. Tara dali!" "Hindi ako umiinom niyan." Pagtanggi ni Serene. "Really? Alam kong favorite mo ito. Kaya tara na. Masarap pa rin ang hot chocolate drink ko. I didn't change the recipe. Alam ko rin na na-miss mo na ito." "Bakit hindi ka na lang matulog ha?" Tanong niya pa dahil anong oras na rin at hindi na lang ito magpahinga. "Hindi pa pwede. May hinihintay pa akong report mula sa office. Baka makakuha ang balita kung nasaan si Maribella." Doon niya na napagtanto na kagaya niya rin si Rio. Hindi kaya na sayangin ang oras dahil sa pagaalala nito sa anak nila. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at itinuon na lang sa ibang bagay ang kaniyang isipan. Ngunit hindi siya tinigilang kulitin ni Rio. "Ayaw mo talaga? Sige akin na lang ito. Pero Serene, kung gusto mong matulog na, doon ka na lang sa kwarto. Masikip pa naman diyan sa kwarto ni Baby Uno lalo pa at hindi ko pa nailabas ang crib niya." Sabi ni Rio. Napatingin si Serene sa crib ng dapat unang anak nila ni Rio na namatay apat na taon na ang nakakalipas. Nanatili ang silid na ito kagaya pa rin noon bago siya umalis. Malinis ang silid at maayos ang mga gamit ng dapat magiging baby nila. Nang mawala kasi ang baby nila noon ay ayaw ipa-galaw at iligpit ni Serene ang laman nito. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay susundin iyon ni Rio. Medyo nakaramdam si Serene ng kirot sa kaniyang damdamin. Hindi siya tanga, at alam niyang nangungulila pa rin si Rio nang dahil sa nangyari sa unang anak nila. Tapos ngayon ng sabihin niya ang tungkol kay Maribella ay hindi man lang magawang mayakap ni Rio ang anak na matagal na nitong pinapangarap. "Teka, Serene? Don't tell me sa crib ka natulog ha?" Tipid siyang napangiti sa biro ni Rio. "Bakit? Hindi ba pwede sa sahig?" Katwiran ni Serene. "Exactly! Eh bakit ka hihiga sa sahig kung may malambot at malaki naman tayong kama? Kaya doon ka na matulog sa kwarto natin." Pagkumbinsi pa ni Rio sa kaniya. Umiling si Serene. "Okay na ako rito. Salamat na lang. Saka tumahimik ka na ang ingay mo. Salita ka ng salita." Sermon niya kay Rio. "Sige... Um Serene? Ayaw mo talaga ng hot choco? Gusto mo wine na lang? Tara labas ka, inom tayo." Pag-aaya pa ni Rio. "Wala ako sa mood makipag-s*x sa iyo." Diretsong sabi ni Serene na ikinatawa ni Rio. "Grabe? s*x agad? Iinom lang tayo, iniisip mong mag-si-s*x tayo agad? Grabe ka naman Serene! Ang sakit naman na ganyan ang iniisip mo." Napangiti si Serene. Pero sa kaniya pa talaga ito nagdahilan? Eh kilalang-kilala niya si Rio. "Okay sige, ganito na lang, wala ako sa mood makipagmanyakan sa iyo okay? Gusto kong magpahinga. Ang dami-dami kong iniisip, Rio. Pwede ba?" Inis niya pang sabi kay Rio. "Grabe naman sa manyak? Para mo naman sinasabi na parang ang libog ko pagdating sa iyo? Na lagi kitang minamanyak? Ganoon ba ang tingin mo sa akin?" "Bakit hindi ba?" Tanong niya pabalik kay Rio. Narinig niya na napabuntonghininga ito. "Okay, aaminin ko na. Yung malibog sa iyo, totoo naman iyon. Pero normal lang naman 'yon hindi ba na maramdaman ko lalo na asawa kita? Kaysa naman na maramdaman ko sa iba? Pero promise, wala naman tayong gagawin. Iinom lang tayo, saka mag-uusap. Mag-kwento ganon. "At ano naman ang pag-uusapan natin ha? Ano naman ang i-ku-kwento ko sa iyo?" "Si Maribella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD