Nagising si Rio nang nakangiti. Parang isang panaginip ang nangyari pero totoo na narito si Serene, na bumalik na ulit sa kaniya.
Naalala niya ang mga mangyari sa kanila kagabi. Hindi niya tuloy mapigilan ang mga ngiti sa kaniyang labi, ngunit agad na naglaho iyon ng makita niya na wala si Serene sa tabi niya at naka-posas ang kaniyang kamay sa kama.
Agad siyang napaupo. Napahawak sa kaniyang ulo. Sumilay ang pag-aalala sa mukha niya, sa kakaisip kung nasaan si Serene. Kung iniwan na naman ba siya nito?
"Serene!" Sigaw niya.
Agad na kumabog ang dibdib niya ng hindi ito sumagot. Baka nga wala na si Serene at matapos ng mga nangyari sa kanila kagabi ay umalis na ulit ito.
"Serene! F*ck! Huwag kang mag-biro ng ganito!" Sigaw niya pa.
Ilang saglit lang ay nakita niya ito na sumilip sa may pintuan. "What? Bakit ang ingay mo?" Tanong ni Serene, suot nito ang puting polo niya na pamasok. Aaminin niya na napaka-sexy nito sa kaniyang suot.
Napansin ata iyon ni Serene na nakatingin siya sa damit niya. "Wala akong masuot, kaya kinuha ko na lang ito sa cabinet mo. Pahiram muna ha? Lalabhan ko na lang mamaya kapag tuyo na ang damit ko." Sambit pa nito at napatingin sa ibaba ni Rio, may nakatayo na naman kasi sa ilalim ng kumot na nakabalot sa ibaba nito.
Napangiti si Serene. "Ang aga naman niyan?. Ikaw ang patatayuin ko sana pero bakit iba ang tumayo?"
Napatingin si Rio sa kaniyang ibaba.
"Ikaw kasi. Pero bakit ako na yung naka-posas? Pakawalan mo ako rito Serene!" Sambit ni Rio kaya napamewang si Serene sa may pinto. "Bumalik ka rito dali!"
"Hindi ka pa ba solve sa nangyari sa atin kagabi?" Tanong ni Serene.
"Bakit ako na ang naka-posas ngayon?" Sambit ni Rio habang naka-posas pa rin ang isang kamay sa kama.
"Bakit? Pinosas mo rin ako hindi ba? Pagkatapos ko, ikaw naman ang pinosas ko, nakalimutan mo na?"
Napailing si Rio. "Syempre hindi, pero sa pagkaka-alala ko, tinanggal ko na ito nung lumipat tayo sa banyo. Naalala mo?"
Napairap si Serene. "Lumabas ka na dyan."
"Pakawalan mo muna ako." Paguutos niya pa kay Serene at napailing ito.
"Tigilan mo ako Ricardo. Alam namin na kaya mo iyan kalasin kahit walang susi. Kaya tumayo ka na dyan, at lumabas."
Kita ang hindi pag-sangayon sa mukha ni Rio. Dahil ang totoo ay gusto niyang samahan muna siya ni Serene sa kama at mahiga lang sila kahit ilang saglit.
"Come on Rio, I'm cooking breakfast for you." Sabi ni Serene bago umalis na sa may hamba ng pinto.
Napaawang naman ang bibig ni Rio dahil hindi siya nag-e-expect ng breakfast. Ang tagal na rin niyang hindi nakakakain ng almusa sa bahay na ito. Madalas kasi ay sa trabaho na siya kumakain ng agahan.
"Ano na Rio! Tara na! Niluto ko na ang itlog at hotdog mo rito!" Rinig niya pang sigaw ni Serene mula sa may kusina.
Napangiti si Rio. "Bakit hindi mo pa isinama yung nandito?"
"O sige! Akin na, tadtarin ko." Sagot ni Serene.
Natawa si Rio at sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Di ba tinandtad ka nga kagabi? Halos sumuko ka na?"
"Haay, naku Rio! Tara na!" Rinig niya pang sigaw ni Serene.
Kinalas ni Rio ang posas pagkatapos ay inilapag iyon sa side table.
"Serene, sure ka ba na ayaw mong ikaw mag-alis ng posas ko? Para kasing nanghihina ako eh. Tapos ang higpit pa ng pagkakalagay mo. Bakit ka naman ganyan Serene?"
"Hay naku, Rio! Alam kong kanina mo pa naalis iyan. Lumabas ka na rito para makakakain na tayo ng breakfast. At may paguusapan pa tayo Ricardo."
Napangiti siya bago napabulong. "Hindi ba pwede na ikaw na lang ang breakfast ko?"
_______
Ngayon na lang ulit nakita ni Rio na may pag-kain sa Mesa niya. Well, maliban na lang kagabi na inihiga niya si Serene dito at nagmistulang pagkain rin ito.
Pero ngayon, literal na may pagkain ang mesa at ang kagandaan pa ay narito si Serene at si Serene ang may luto non.
"Mukhang ang sarap ko, ay este! Ang sarap ng luto mo." Bati niya kay Serene ba nagsandok ng kanin.
Pinakatitigan lang siya nito at naglagay na ngayon ng ulam sa plato ni Rio. "Umupo ka na para makakain ka na."
Ipinagtaka iyon ni Rio, lalo pa at isa lang ang plato sa mesa.
"Ikaw? Hindi ka kakain?" Tanong niya.
Umiling si Serene at nagsalok ng inumin sa baso ni Rio. "Hindi, kumain ka na. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na para makapag-usap tayo."
Sa isipan ni Serene ay isang pagkakamali ang ginawa niya kagabi. Alam niyang paraan niya iyon upang makuha ang loob ni Rio. Pero napakaraming oras ang sinayang niya ng dahil sa asawa.
Ngayon, hindi niya magawang kumain ng maayos sa kakaisip sa anong lagay na bi Maribella. Paano niya magagawang kumain, kung sa kaniyang isipan ay maaring nagugutom ang anak niya ngayon.
Tipid na ngumiti si Rio. "Sabayan mo na ako. Na-mi-miss din naman kitang kasalo sa agahan. Tutal nag-handa ka ng breakfast bakit di pa tayo mag-sabay? I mean, okay lang naman na mag-sabay tayo hindi ba? Mag-asawa pa rin naman tayo. At matapos ng nangyari kagabi---"
"Walang ibig sabihin ang nangyari kagabi." Putol ni Serene sa kaniyang sinasabi "Pinagbigyan lang kita. Don't act na tayo pa kasi alam mo naman na matagal na tayong wala, Rio."
Napatahimik si Rio sa kaniyang sinabi. Parang patalim iyon na sumugat sa kaniyang dibdib. Napakasakit ng sinabi nito na wala na sila, at wala lang ang nangyari sa kanila kagabi.
Sa kabila ng iniisip niyang pag-asa sa relasyon nila. Iyon pala ang kabaliktaran.
"Pero kasal pa rin tayo Serene. Sa mata ng batas asawa pa rin kita."
"At sa mata ng batas Rio, isa akong tulisan. At alam mo ang mangyayari sa iyo kapag nalaman nila na nagkita tayo." Sabat ni Serene.
Hindi siya pinansin ni Rio at kumuha ito ng isa pang plato at inilagay iyon sa tapat ni Serene at sinalinan din ng pagkain ang plato. "Saluhan mo na ako. Hindi ako kakain kung hindi ka kakain. Almost 4 years Serene. Ngayon ka lang bumalik."
Hindi iyon naging maganda sa pandinig ni Serene.
"Wow, Rio! Stop acting na basta iniwan kita ng walang dahilan." Sumbat ni Serene. "Naghiwalay tayo 4 years ago, remember? Galit na galit ka. Ikaw ang nag-sabi na ayaw mo na akong makita. Ikaw ang may gusto na umalis ako." Aniya pa.
"Oo, pinagbigyan kita na umalis noon dahil akala ko makakatulong sa iyo iyon kapag hindi mo ako nakikita. Na akala ko makakahinga ka sa relasyon natin kapag ginawa mo iyon. Pero wala naman akong sinabi na tuluyan mo akong iwan. Na huwag ka ng bumalik at hindi na magparamdam. Na umakto tayo na parang mag-kasintahan lang na pwedeng maghiwalay agad dahil lang sa nahihirapan na. Kasal tayo, mag-asawa."
Napatahimik si Serene sa sinabi ni Rio. Umiwas siya ng tingin sa kaniya.
"Oo galit ako noon kaya nag-away tayo. Na nahihirapan tayo. Pero wala akong sinabi na hindi na kita mahal para maghiwalay tayo ng ganon-ganon na lang." Sambit pa ni Rio kay Serene.
Umiling si Serene at pilit na pinigilan ang kaniyang mga luha. Naririnig niya na rin kasi ang pagkabasag sa boses ni Rio.
"Nevermind." Sambit ni Serene. "It's all in the past. I'm sorry kung sinumbatan kita. Hindi naman ako narito para magsumbatan tayo. Iba ang pinunta ko rito Rio." Aniya.
Tumango si Rio at umiwas ng tingin. Alam niya naman iyon. Alam niyang may kailangan ito. "I know, alam ko na hindi ka maglalakas ng loob na harapin ako lalo pa kung alam mong maaring manganib ang buhay mo. Nasa most wanted ka Serene. Apat na taon kang nagtago at hindi mo itatapon iyon ng ganon-ganon na lang kung hindi malalim ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon." Napabuntong hininga si Rio at pinakatitigan si Serene. "So ano nga ba ang dahilan mo kung bakit nandito ka? Ano ba ang sasabihin mo sa akin Serene?"
Napakagat sa kaniyang labi si Serene at unti-unting naluha ang kaniyang mga mata. "Nandito ako para sabihin sa iyo yung tungkol sa baby natin." Sabi niya.
Napakunot ang noo ni Rio. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang asawa.
"Anong baby? Ano ang sinasabi mo Serene? Matagal ng patay ang baby natin. Nakunan ka hindi ba? Hindi ako magkakamali dahil ako ang nagdala sa iyo sa hospital. Malibaw yung sinabi ng doctor at alam mong inilibing natin ang bata." Sambit ni Rio.
Napayuko si Serene. Kumuha ng lakas para sa kaniyang sasabihin, pagkatapos ay napatungin ulit kay Rio. "Iba pa iyon. May isa pa tayong anak, Rio." Sa sinabing iyon ni Serene ay tuluyan na niyang hindi napigilan ang kaniyang mga luha. "That night na umalis ako hindi ko alam na buntis ako ulit Rio. Kaya may anak tayo. At pinangalanan ko siyang Maribella."
Napatahimik si Rio at napaupo. Tila hindi niya alam kung paano tatanggapin ang sinabi ni Serene. Dahil hindi lang si Serene ang nawala sa kaniya ng ilang taon kundi ang anak nila. Ang anak nila na dapat naalagaan niya. Na dapat nakilala siya.
"Kung ganoon? Nasaan si Maribella? Nasaan ang anak natin, Serene?"
At sa tanong ni Rio ay tuluyan ng bumuhos ang luha ni Serene. "Hindi ko alam."
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Rio. "Paanong hindi mo alam? Ikaw ang kasama niya?"
Napailing si Serene at napasapo sa kaniyang mukha. "Kasi nawawala siya. May nag-kidnap kay Bella. Isang linggo ko ng hindi nakakasama at nakikita ang baby ko. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Rio."
Biglang nang-hina si Rio sa kaniyang sinabi. Pinakatitigan niya si Serene.
"Isang linggo na siyang nawawala? Ngayon ka lang lumapit?"
"Alam ko, alam kong parang huli na. Na parang ang sama-sama kong ina na pinatagal ko pa. Kaya ngayon lang ako lumapit kasi hinanap ko muna siya. Ginawa ko na lahat ng magagawa ko pero alam kong kulang pa. And I realized na kailangan kita. Na ikaw lang ang tanging makakatulong sa akin. Ngayon kung ayaw mo. Gagawa na lang ako ng paraan"