"Kwento mo naman sa akin kung kamusta ka noon pinagbubuntis mo siya?" Nahirapan ka ba na noong pinanganak mo siya? Gaano ba siya kabigat? Ano yung first word niya? O kaya kung ano ang favorite niya? O kung kilala niya ba ako? O kung hinahanap niya ba ako?" sambit pa ni Rio kay Serene habang nasa may pintuan ito.
Hindi nakaimik si Serene ganoon pa man ay nakaramdam siya ng lungkot dahil sa sinabi nito. Isang hiling ng ama na hindi mahirap tanggihan.
"Gusto kong i-kwento mo sa akin yung baby natin. Para mas makilala ko pa siya. Ang alam ko kasi bukot sa Maribella ang pangalan niya ay kamukha mo siya dahil sa ipinakita mong picture niya. Then bukod doon, wala na."
Napatayo si Serene at binuksan ang pintuan. Nagtama ang tingin nila, ganoon pa man ay hindi siya nagsalita at kinuha ang bote ng wine at nagsalitn sa baso. Ibinigay niya ang isa kay Rio habang mabilis niyang nilagok ang laman ng kaniyang baso.
Sa may balkonahe sila ng apartment ni Rio naupo upang pag-kwentuhan si Bella. Parehong may hawak na alak ay dinama nila ang simoy ng hangin sa malamig na gabi.
Kapwa tahimik ang pagitan nila. Si Serene ay hindi niya alam kung papaano niya sisimulan. Kung papapaano niya iisa-isahin ang mga nangyari. Ngunit siguro ito ang pagkakataon na matagal na niyang iniisip kung paano niya masasabi kay Rio ang lahat.
Ang pagkakataon na inisip niyang hindi mangyayari.
Napabuntong hininga si Serene bago napatingin kay Rio. Tipid siyang napangiti ngunit hindi pa rin maitatangi ang lungkot sa kaniyang mga tingin.
"Pinilit ko naman maging mabuting ina, Rio. Pero parang hindi talaga para sa akin. Halimbawa na lang nung kay Baby Uno. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari. Hindi pa rin nawawala yung sakit na nararamdaman ko simula ng
mamatay siya. Ilang buwan na siya noon sa tiyan ko? 5 months." Sabi ni Serene pagkatapos ay napainom siya ng alak.
"F*ck! 5 months na siya, Rio. Sobrang ready na tayo noon. Nakabili na tayo ng gamit, inayos na natin yung kwarto niya. Yung crib niya, changing table, mga damit at mga diapers niya. Maayos na ang lahat pati yung kung paano natin siya papalakihin. Lahat iyon naayos na natin. Kaya nung nawala siya ng dahil sa akin? Ramdam ko yung galit mo sa akin. Naiintindihan ko kung paano mo inuubos ang oras mo trabaho para lang hindi mo maisip yung nangyari sa baby, na wala na siya. Maski ako noon parang gusto ko na lang mamatay kasama yung baby natin kasi ayoko din na nakikita ka na nagkakaganoon ng dahil sa kapabayaan ko."
Umiling si Rio. "Aksidente yung nangyari, Serene. Hindi natin iyon ginusto."
Muling napainom si Serene, pilit na pinigilan ang mga namumuong luha sa mga mata niya. "Alam natin na hindi aksidente yung nangyari. Nagpabaya ako, akala ko kasi magiging okay lang kami ni Baby. Na kung ako yung gagawa ng pinapatrabaho ni Dad is hindi ka na niya iipitin, kasi ayaw ko rin naman na malaman mo kung anong klaseng pamilya meron ako. Pero wala rin, kasi nung araw na iyon nawala ang baby natin. Nalaman mo din ang totoo. Na anak ako ng isang drug lord. Na ako ang susunod na mamumuno sa Polaris. Maski na rin yung dahil sa pulis ka kaya pumayag si dad na maikasal tayo. Ayoko na gamitin ka kasi alam ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo. Kung gaano mo iniingatan ang pangalan mo, dahil pangarap mo iyon." Pumatak ang luha ni Serene ngunit agad niya iyon pinunasan. "Kaya alam kong hindi aksidente iyon. Kasi alam ko na posibleng malagay kami sa panganib. Pero tinuloy ko pa rin. Tapos ngayon naman si Maribella? Ngayon, Rio? Sabihin mo sa akin na hindi ako pabayang ina?"
Pinakatitigan niya si Rio. Nanatiling walang imik ito at malayo ang tingin. Kita niya ang kungkot sa mga mata nito. Hindi man lang ginagalaw ang alak na sinalin ni Serene sa kaniyang baso.
"Noong nag-away tayo at umalis ako, sorry hindi ko talaga alam na buntis ako. Siguro iyon din ang dahilan kaya lagi kitang pinepeste kasi pakiramdam ko ayaw mo na sa akin. Na gusto mo na makipaghiwalay pero hindi mo lang masabi. Na ibinubuhos mo ang pansin mo sa trabaho. Na hindi mo ako magawang tingnan kasi galit ka, dahil sa ginawa ko kaya nawala si Baby Uno. Kaya nung umalis ako noon naisipan ko na siguro nga mas okay kung maghihiwalay na lang tayo. Na bumalik na lang ako kala dad. Ang hindi ko inaasahan ay yung alam pala nila Dad na isa ka sa may hawak sa case laban sa kanila. Na hindi ka nila mahawakan sa leeg kagaya ng plano nila. Na sabi nila wala na tin silbi ng pagpapakasal natin dahil hindi ka nila magamit dahil may prinsipyo ka. At dahil doon, hindi na rin pumayag si Dad na bumalik ako sa iyo. Galit sila sa iyo, pero nung nalaman nila na buntis ako naisip nila na walang ligtas na lugar ang pwede kong puntahan kung hindi sa iyo lang. Nung mga panahon na iyon bumaliktad na ang mga sindikato sa pamilya namin. Kaya natatakot si Dad na mapahamak kami."
Napatingin si Rio kay Serene habang inaalala nito ang mga nangyari. Hindi niya iyon alam, dahil ang buong akala niya lang ay iniwan lang siya basta ni Serene.
"Nung time na ibabalik na ako ni Dad sa ito para masiguro na ligtas ako, saka naman tinambangan ang sasakyan namin ng mga grupo ng sindikato na nagtaksil sa buong Chaves Fernando. Namatay si Ate kasi sinalo niya ang bala na para sa akin kaya hindi kami natuloy. Ang ginawa ni Dad ay itinago na lang ako during my pregnancy. Alam kong nag-aalala ka sa akin kasi wala tayong maayos na pag-uusap nung gabing iyon. Kaya sinubukan kong tumakas. Sinubukan ko na umalis without telling kala dad. I tried to contacting you, and because of that natunton ng mga pulis ang bahay namin. Nung gabing iyon na namatay ang buong pamilya ko, ay yung gabi rin na ipinanganak ko si Maribella. Alam mo kung saan? Doon sa stable ng mga kabayo ni Dad. Kasabay ng pag-papanic ng mga kabayo roon dahil sa putok ng mga baril at pagsabog sa bahay ay ang oras na sumisigaw ako sa sakit mailabas ko lang si Bella na kulang pa sa tatlong buwan."
Parang binalikan niya ang naraan, lahat ng mga ala-ala na bumalik sa isipan niya ay parang kailan lang.
"Nandoon ako, hinanap kita Serene. Pero hindi kita nakita." Naluluhang sabi ni Rio.
Tipid na napangiti si Serene. "Alam ko, kasi nakita kita. Nung matapos yung barilan. Lumabas ako para humingi ng tulong kasi hindi humihinga si Bella. Baka kasi kapag nakita niyo kami, lalo na ang baby ko ay maawa kayo. Tapos nakita ko na dunating kayo. Yung grupo niyo na hindi alam na ang may gawa ng m******e ay yung mga naunang pulis. Na ang dahilan nila ay nanlaban daw ang pamilya ko pero hindi totoo iyon. Dahil susuko na dapat si Dad. Nakita kita na ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo. "
"Bakit hindi ka lumapit sa akin? Bakit hindi mo ako tinawag, Serene." Tila nanghihinayang na tanong ni Rio.
May luha na rin na pumatak sa mga mata nito. Iniisip niya na kung kaya niya lang sana na maibalik ang nakaraan ay ginawa na niya.
"Kasi, ayoko na maipit ka. Ang akala ko non kasi ay patay na si Bella. Bukod sa ayokong malaman mo ulit na namatayan tayo ulit ng anak ay inisip ko na, kung hindi ko nasagip yung baby ko ay kahit ikaw na lang. Alam ko na kapag lumapit ako sa iyo, malalaman ng ibang pulis na asawa mo ako. Madadamay ka kasi alam mo na ang ilegal na ginagawa ng pamilya ko, pero hindi mo ako sinumbong. Nasa iyo na lahat ng ebidensya pero tinago mo. Pinatagal mo at inilihim at hinayaan silang tumapos ng case, para sa akin. At alam ko na kapag nalaman nila iyon ay maari kang makulong. Ayoko na mapahamak ka. Ayoko na makulong ka ng dahil sa akin. Ayoko na masaktan ka ulit kagaya noon nung nawala si baby Uno. Ayoko na masira ang buhay mo ng dahil sa akin."
Umiling si Rio at tumingin ng diretso sa mga mata ni Serene. "Sana tinawag mo ako. Saba hindi mo inisip iyon, dapat lumapit ka." Nabasag ang boses ni Rio dahil parang sinaksak siya sa sakit dulot ng mga sinabi ni Serene. "Para may nagawa man lang ako para sa inyo. Para hindi kayo nahirapan. Kayo lang naman ang importante sa akin, Serene."
Tila binalikan rin ni Rio ang kaniyang nakaraan. Ang hirap na pinagdaanan niya mahanap lang si Serene.
"Nung gabing yon, tanggap ko na. Alam ko na may posibilidad na makita kita at sinabi ko sa sarili ko na, kapag nandoon ka nga ay wala akong pakialam sa sasabihin nila. Tangina! Anong gagawin ko sa trabaho ko kung wala naman akong pamilya na binubuhay? Na wala yung asawa ko na dahilan ng pagsusumikap ko para mabigyan ng magandang buhay. Ano pa ang bisa ng rango ko kung mag-isa naman ako?" Sabi pa ni Rio.
Muling napatahimik ang pagitan nila.
Napayuko si Serene at napainom ng alak.
Kahit naman sabihin iyon ni Rio ay hindi na nila maibabalik ang nakaraan.
"Ayos lang, hindi naman natin maibabalik ang nakaraan. Saka pagkatapos non naging maayos naman kami ni Bella. May isa akong kaibigan na doctor sa Polaris. Ang pangalan niya ay Ace. Iniligtas niya kami nung gabing iyon. Ang sabi niya pa nga ay napakalaking himala na nabuhay pa si Bella. Bukod sa premature si Bella ay ilang minuto rin na hindi tumibok ang puso niya. Pero dahil din doon kaya siya nagkaroon ng Autism Spectrum Disorder. Naapektuhan ng kaunti ang brain development. Kaya may time na nahuhuli siya or advance kapag tinuturuan ko siya. Parang normal na bata lang siya, may time na makulit pero may time rin na tahimik lang siya. O kaya naman kapag may sumpong siya, hindi talaga siya titigil sa pag-iyak. Ganoon pa man, napakabait na bata non ni Bella."
Tipid na napangiti si Serene at inalala ang madalas na ginagawa ng anak niya. "Simpleng bata lang iyon si Bella. Manonood lang siya ng cartoons, tatahimik na iyon. Lulutuan ko lang siya ng pancakes, masaya na iyon. Mahilig siyang sumayaw habang kinakantahan ko. Sobrang kikay niya rin kasi paborito niyang suotin yung hikaw ni Tita Ace niya. Her favorite color is pink, tapos favorite toy niya yung doll naa binili ko sa kaniya when she turn 1."
Parang pinipiga ang dibdib ni Rio sa kaniyang narinig. Gusto niyang makita ang anak, na mayakap ito. Pero wala si Bella at hindi nila alam kung nasaan.
"Rio, kilala ka niya." Masayang sabi ni Serene na naging dahilan kaya mas lalong hindi napigilan ni Rio ang kaniyang mga luha.
"Alam mo ba ang tawag niya sa iyo ay Papa. May favorite siya na picture mo ba lagi niyang inilalagay sa sling bag niya. Na maski sa akin ay ayaw niyang ipahawak. Tapos kapag may bago siyang kaibigan, ipinapakita niya iyon sa kalaro niya at sinasabi niya na iyon ang Papa niya. Hindi kita itinago sa anak mo, Rio. Simula pa lang alam na niya ang tungkol sa iyo. Ang papa nga ang unang word niya eh. Ikaw ang unang tinawag niya, hindi ako." Masayang sabi ni Serene na ikina-ngiti rin ni Rio.
"Pero ang pinakaayaw niya ay ang malayo sa akin. Gusto niya laging nakadikit sa akin. Na umiiyak siya sa tuwing umaalis ako para magtrabaho sa palengke. Minsan uuwi na lang ako na nakatulog na lang siya sa kakaiyak. Na nakikita ko sa pisngi niya may natuyong luha dahil ayaw niyang tumahan kakahanap sa akin. Kaya ngayon? Habang iniisip ko sa mga oras na ito kung ano ang posibleng kalagayan niya? Parang pinipiga ang puso ko. Kasi alam ko na umiiyak siya.. na hinahanap niya ako.. pero wala ako sa tabi niya. Ilang gabi ng umiiyak ang baby ko, at wala ako sa tabi niya para patahanin siya. Ilang umaga na siyang gumigising para hanapin ako pero wala pa rin ang Mama niya. Ang sakit lang, naiisip ko minsan paano kung wala na siya, Rio?"
Nakatitig na tanong niya pa kay Rio kaya umiling ito at pinisil ang kamay niya.
"Buhay ang anak natin."
"Hirap na hirap na ako, Rio. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko kung nakakatulog ba ng maayos si Maribella? Kung maayos ba yung hinihigaan niya? Tapos sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko wala akong makita kundi ang mukha niya. Na umiiyak siya at hinahanap ako. Na tinatawag niya ako, pero wala akong magawa, hindi ko siya malapitan. At sa tuwing gigising ako, wala pa rin si Bella sa tabi ko. Hindi ako makakaain kasi hindi ko kaya, iniisip ko kung may matinong pagkain ba ang anak ko? Nag-de-dede pa iyon bago matulog eh. Baby ko pa iyon. Iniisip ko kung ano yung tumatakbo sa isip niya ngayon. Kung iniisip niya ba na pinabayaan ko na siya? Kung iniwan ko na ba siya? Na tinanggap niya na lang na hindi na niya makikita ang Mama niya. Nag-promise ako sa kaniya ng araw na iyon na uuwi ako agad pagtapos ng trabaho ko. Pero pagdating ko wala na siya. Kaya hindi ako makampante, dahil hindi ko alam ang kalagayan niya." Napa-inom ng alak si Serene matapos niyang sabihin iyon.
"Mahahanap natin siya, Serene. Hindi ako makakapayag na hindi." Sambit ni Rio.
Napapikit si Serene at sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. "I'm scared, Rio. Natatakot akong mawalan ulit ng taong minamahal. I've already lost my family, our first child, even you, 4 years ago. I don't think I can handle Losing anyone else. I especially woundn't be able to live with myself If I'm the reason someone I care about, or someone I love yung mapahamak at mapatay." Napahagulgol na napaharap si Serene kay Rio. "I can't wait for all of this to end. I'm put through hell every single day, and I don't know how much I can take, Rio."
Lumapit si Rio at niyakap si Serene. Pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi niya. "Nandito naman ako ha? Sino bang nagsabi sa iyo na nawala ako sa iyo? Mahal pa rin kita Serene hindi naman iyon nagbago"
Umiling si Serene at umisan ng tingin kay Rio. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Rio. Hindi mo na ako pwedeng mahalin. Mapapahamak ka lang sakin."
Muling hinapit ni Rio si Serene at hinawakan ito sa pisngi. "Masaktan na kung masaktan, mapahamak na kung mapahamak. Pero hindi ako titigil, kasi hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman, at sinisigaw ng puso ko, Serene."
Inilapit ni Rio ang kaniyang mukha at tinignan si Serene sa kaniyang mga mata. "Dahil mahal na mahal kita." Pagkasabi niya non ay hinapit niya si Serene pagkatapos ay hinalikan ito sa kaniyang labi.