• Chapter 2

2883 Words
Chapter 2 Aki's POV Napakagat ako sa ibabang labi ko habang naiiyak na nakatunghay sa mukha ni Lolo. Lumapit ako saka walang paalam ko siyang niyakap. "Wala na si Papa, Lolo," garalgal ang tinig kong sabi. Tuluyan na akong napahagulgol. "Lolo, ang sakit-sakit..." Hinaplos-haplos niya ang likod ko para pakalmahin. "It's okay, hija... Iiyak mo lang. Makikinig ako." Matagal akong nakayakap at umiyak sa kaniya. Kumalas lang ako nang tuluyan ko nang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman. Iba talaga kapag naiiyak mo, gumagaan ang pakiramdam. Walang imik na akong nakaupo ngayon sa harapan niya. "Your Kuya Audrei will be here to support you... Don't worry, Akira... Hindi ka niya pababayaan," ang masuyong ani Lolo habang malamlam ang mga matang nakatunghay sa 'kin. Inilapat niya ang medyo magaspang niyang palad sa aking pisngi saka maingat na hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mga mata. Kitang-kita ko na ngayon ang malulungkot niyang mga mata ngunit pilit na nilalabanan nang matatag niyang ngiti sa mga labi. "You know he hates me so much," mahina kong balik na siyang nagpangiti pa lalo sa kaniya. I wonder how he managed to smile like that in the middle of this complicated and sad conversation. Idagdag na rin ang malungkot na trahedyang nangyari sa aming pamilya kamakailan lang, ang pagpanaw ng aming ama dahil sa malubhang sakit. "Of course not, Akira... Gano'n lang talaga ang Kuya Audrei mo. Masungit at parang seryoso sa lahat ng bagay sa mundo." "He hates me for no reason... Simula pagkabata ay ayaw na niya sa 'kin. He never look at me the way he look at his girlfriend." Mas lalo pang nalukot ang mukha ko dahil sa sobrang panghihina ng kalooban ko. Tumawa siya nang marahan. "Hindi ka naman kasi niya girlfriend, apo. At saka paano mo nalaman na may girlfriend siya? Parang wala naman akong napapansin na kasama niyang babae lately..." "Hula ko lang 'yon, Lolo," palusot kong wika. "It's impossible that he has no girlfriend!" Hindi ko naman puwedeng ipagtapat sa kaniya na nakita ko na si Kuya at ang girlfriend niya noon. Napaisip tuloy ako. Wala na siguro sila ng girlfriend niyang 'yon. Eleven years had passed and a lot of things already happened. "Okay!" Tumango-tango siya. "Sabagay, 'yong pinakahuling ipinakilala niyang girlfriend niya noon sa akin ay talaga namang nirerespeto niya..." "Oo nga, Lolo. Nice siya sa girlfriend kaya dapat nice rin siya sa akin dahil kapatid niya ako," rason ko. "Kaya pagkatapos mailibing ni Papa..." Yumuko ako at pinunasan ang luhang kumawala sa 'king mata. "Sasama na lang ako sa inyo, Lolo... Please lang... Ayaw kong iwan n'yo ako kay Kuya Audrei," humihikbi kong pakiusap. "Paano na lang kung makapag-asawa ng masungit si Kuya?" Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak nang napakalakas. Parang natutuwa pa siya sa mga pinagsasabi ko. "Ilang taon ka na ba, Akira?" "Sixteen po, Lolo." "Ang Kuya Audrei mo ay thirty one na. Amazing fifteen years gap," manghang sambit niya. "Bakit n'yo po natanong." "Mafiafarquharson will not be the same anymore without Aristo... Malayong ang pag-aasawa ang unahin ng Kuya mo dahil sa biglaang pagkawala ng Papa n'yo," seryoso niyang saad saka bumuntong-hininga nang malalim. "Sana'y ako na lang ang nauna at hindi siya... Mas kaya niyang pamunuan ito kaysa sa akin. Mas kaya ka niyang alagaan at protektahan. Masyado na akong matanda..." "Don't say that, Lolo. Mas kakayanin kong magpatuloy sa buhay kapag kasama kita. Kaya ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan kahit ano'ng mangyari," pakiusap ko. "Pipilitin kong gawin 'yan, alang-alang sa Papa mo," ang matatag naman nitong balik na siyang nagpangiti sa akin. "Darating ang araw, makikilala mo rin ang Kuya Audrei mo..." Napukaw ang ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya. Hindi lang niya alam na nag-meet na kami kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwaksi ang mukha niya kanina sa isipan ko... Matuling lumipas ang mga oras. Alas-singko na ng hapon. Lumabas ako ng veranda at tumanaw sa bandang kaliwa. Saglit akong natilihan nang makita ko ang pamilyar na katawan sa malayo, kasasakay lang sa loob ng sasakyang tumigil sa tapat niya. It must be Kuya if I haven't mistaken. "Yaya, saan ang punta mo?" tanong ko nang lumabas ako ng kuwarto at nagkataong dumaan siya na may bitbit na mga unan. Tumigil siya at nilingon ako. "Sa guest room sa ibaba, hija. Doon daw gustong matulog ng Lolo mo..." "Guest room?" nagtatakang tanong ko. "May sarili naman siyang kuwarto rito sa mansion." Lumapit ako nang may maisip akong ideya. "Akin na po 'yang mga 'yan. Sakto pong magtutungo ako sa kuwarto niya para tanungin siya tungkol sa gusto niyang ulam mamayang dinner." Akmang hahawakan ko ang mga unan nang iiwas niya ang mga ito sa akin pagkatapos ay nahihiyang tumawa. "Huwag na, hija... Medyo mabigat ang mga ito. Mabibigatan ka lang." "Okay lang po, yaya... Magaan lang for sure ang mga 'yan at kayang-kaya kong buhatin. 'Yong mga bisita na lang po natin sa sala ang asikasuhin n'yo... Marami pa po'ng nagsisidatingan." Napasapo naman siya sa noo at parang may biglang naalala. "Oo nga pala! Darating pala mamayang gabi ang Mama Vivian mo!" "Talaga po!" manghang sambit ko kahit may kaba akong nararamdaman. "Oo, hija. Sasama ka bang susundo sa kaniya sa airport?" Ngumiti ako nang alanganin saka nag-iwas ng tingin. "Hindi naman po nila ipinaalam sa aking darating po siya... Baka si Kuya na lang po ang susundo sa kaniya." Parang naiintindihan naman niya ako base na rin siguro sa naging reaksiyon ko. "Pasensiya ka na, hija... Akala ko ay nakapag-usap na kayo ng Kuya mo." Rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya. "Kumusta ang pagkikita n'yo?" 'Di ko maiwasang pagpawisan habang inaalala ang mukha niya sa garden kanina. Ang mga titig niya ay parang may sariling kapangyarihan na nakapagpapahina ng mga tuhod ko. Mga tingin niyang tila nagsasabing kilalang-kilala na niya ako. "Maayos naman po. Hayon, nagkumustahan lang saka kaunting usap," pagsisinungaling ko. "Basta! Ikukuwento ko na lang po sa inyo sa susunod, yaya! Akin na po 'yan." Walang paalam kong kinuha ang mga unan saka mabilis na naglakad pababa ng hagdan. "Akira! Mag-ready ka, ha! Baka kasama ka na susundo sa Mama Vivian mo!" malakas nitong pahabol. Napapikit na lang ako nang mariin habang nagmamadaling bumababa ng hagdanan. Binagalan ko ang paglalakad nang makababa na ako. Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa pasilyo ng mga guest rooms. Wala sa sariling nakatuon lang ang atensiyon ko sa sahig. Ginugulo ako ng eksenang maaaring mangyari mamaya kapag nakauwi na rito si Mama Vivian. She's my papa Aristo's legal wife. Aware akong hindi siya ang tunay kong ina dahil iminulat na ni Papa ang totoo sa akin noong bata pa lang ako. Ang katanungan kung sino ang tunay kong ina ang hindi lang niya nasagot, ang katanungan na ilang beses kong hiniling na sana ay masagot... Masakit na pakiramdam ko ay kulang ako, hindi buo. Masaya rin dahil kung iyon ang makapagpapasaya kay Papa ay ayos na rin sa akin. Growing up with my father who used to be the greatest Mafia Boss in the world of Mafiafarquharson is very threatening yet the most overwhelming experience in my life. I should have feared the moment I knew the truth that he's a mafia doing a lot of illegal activities in the world but I never felt the way I should... I am thankful to him for giving me a beautiful life and unconditional love. Who would love an adopted child like that, right? What can I still ask for? Para sa akin, nasa kaniya na lahat ng mga katangian ng isang mabuting ama. He is my life, my world and my everything... Ilang beses kong naramdamang hinding-hindi ako matatanggap ni Mama Vivian pero si Papa ang nanindigan sa akin hanggang huli, hanggang sa huling hininga niya. Siya lang at wala nang iba... Hindi na ako nagtataka noon kung bakit pati si Kuya Audrei ay hindi nagkainteres na kilalanin ako. Dahil isa akong ampon at magiging mahigpit lang nilang kahati, hindi lang kay Papa kung hindi ay pati na rin sa mga kayamanan nila. Kung alam lang nila ang nasa loob ng puso ko. Ni minsan hindi ako nagkainteres sa kahit ano'ng mayroon sila. Ang nais ko lang ay mahalin at tanggapin nila. Natigilan ako nang makarating ako sa tapat ng isa sa mga guest rooms. Dito ako dinala ng mga paa ko dahil ito ang pinakamagandang guest room dito sa ibaba. Napansin kong nakaawang ang pintuan nang kaunti. Bilang respeto ay nagpasya akong kumatok muna. Nakailang katok na ako pero wala pa ring sumasagot. Maaaring tulog si Lolo dahil sa pagod sa biyahe kaya unti-unti akong sumilip. Napalunok ako nang lumantad ang mukha ni Kuya Audrei na nakatulog sa king-sized bed. Napakurap ako habang pinapanood ko siyang mahimbing na natutulog. Akala ko ba si Lolo ang maaabutan ko rito? Bakit siya naman ang nandito? Parang may magnet na humila sa akin palapit sa kaniya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga unan nang tuluyan ko nang masilayan ang maamo niyang mukha sa malapitan. "Pati ba naman sa pagtulog ay perfect ka?" ang namutawi sa aking bibig. "Who is perfect?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla siyang magmulat ng mga mata pagkatapos ay sumilay ang nakalolokong ngisi sa mga labi. "P-pasensiya na," nauutal kong paumanhin at dali-daling tumalikod. "Why are you so distant? Why, Akira?" Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. Naramdaman ko ang pagbangon niya mula sa kama at pagtayo niya sa likuran ko. Look who's talking? Siya pa ang may ganang magtanong nang ganoon samantalang siya ang nang-iwan na lang agad-agad sa garden kanina! "Because we're not close. Not even once," dahilan ko pagkatapos ay nakataas-noong humarap sa kaniya. "Kuya..." Ngumiti siya lalo nang nakaloloko. "Kuya Audrei... Didn't Dad teach you how to respect?" may halong pang-uuyam niyang tanong. "Everytime I'm here, you seems so frigid... Kung hindi lang kita kapatid sa papel, pagkakamalan talaga kitang may gusto sa 'kin!" Ngumisi nang nakaloloko sabay iling. Bigla tuloy uminit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Hindi, ah! N-ngayon lang kita nakita at n-nakausap! Ano'ng a-aasahan mong magiging r-reaksiyon ko? P-Pinagsasabi mo!" nauutal kong ani sabay iwas ng tingin. "You're blushing," seryosong wika niya sabay turo sa mukha ko. Mas lalo tuloy akong nahiya. Lupa, bumuka ka na at lamunin ako! "I know! Everyone does when someone is telling you ridiculous things! Just like what you are doing to me now!" inis kong depensa sa sarili ko. "Lumalayo nga ako, 'di ba? Paalis na ako kanina. Saan bandang nagkakagusto ako sa 'yo?" "So that I will not be able to notice..." aniya nang nakangiti. "Na may gusto ka na pala sa 'kin," preskong dagdag niya. "Oh, my goodness!" I exclaimed in disbelief. Talagang nasabi niya 'yon! How come? "You're so advanced!" hindi makapaniwang pahayag ko. "No, I'm just a great observant!" "Paano mo nagagawang magbiro nang ganiyan?" malungkot kong tanong. "Ngayon lang tayo nagkausap. Ngayon lang tayo nagkita," pagpapaalala ko. "That's what you know. And it's fine," diretso sa mga matang balik niya. Naguguluhan akong nakipagtitigan sa kaniyang mga mata. He's too mysterious and it's driving me crazy. "Audrei!" Lumingon ako agad sa pintuan para malaman kung sino 'yon. Si Lolo lang pala... Ipinagpapasalamat ko ang pagdating niya. Ang tensiyong nabuo ay naglaho nang bahagya. "You're here, Akira, apo?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha. "M-may..." Lumipad kay Kuya ang mga mata niya. "May kailangan ka ba sa Kuya mo?" Hindi, siya ang may kailangan sa akin! Itong mga unan! impit na sigaw ng utak ko. "Naligaw lang po ako, Lolo... Akala ko kasi ay rito kayo matutulog. Dinalhan ko pa naman kayo ng mga unan." Lumapit ako sa kaniya pagkatapos ay humawak sa mga braso para alalayan siya. Tumawa lang siya nang mahina. "Nakalimutan kong may kuwarto pala ako rito sa mansion. Iba na talaga kapag tumatanda... 'Di bale, si Audrei na lang ang gagamit ng mga 'yan. Dito siya matutulog habang nandito siya sa Sitio Clavaricia." Pasimple akong tumingin sa gawi ni Kuya. Laking gulat ko nang magtama ang aming mga mata. Mataman din pala siyang nakatingin sa akin. May tila maliit at kakaibang enerhiya ang lumabas sa katawan ko na naghatid ng libo-libong boltahe sa katawan ko. Gusto kong maiyak at mapahawak na lang sa tapat ng puso ko ngunit nanatili akong walang kibo. Ibinaling ko na lang ulit ang atensiyon ko kay Lolo para bale-walahin ang presensiya niya. "Okay po, Lolo." Naglakad ulit ako palapit kay Kuya saka iniabot ang mga una. Walang ka-amor-amor naman niya itong tinanggap. Hindi man lang nag-thank you! "Would you please excuse us, apo? May pag-uusapan lang kami ng Kuya mo." Alanganin akong tumango. "Sige po..." Hinalikan ko muna siya sa pisngi at tumingin kay Kuya bago ako naglakad palabas. Dahan-dahan ko ipinipihit 'tong pinto nang magsimulang magsalita si Kuya. "Akira will stay under my custody, grandpa. I want that to happen," simula niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagsasarado ko ng pinto. Siya na ang magiging guardian ko? Inilapit ko ang mga tainga ko sa pinto para mas marinig ko ang mga pinag-uusapan nila. "But Aud," apela naman ni Lolo pero natigilan siya. "Why, grandpa? Don't you trust me? I'm her brother. Since Dad was..." "Calm down, Aud! It's not all about your Father, you or anyone else! It's all about Akira! Ang desisyon niya ang mahalaga. And to point this out, she decided to live with me after Aristo's burial," singit naman ni Lolo. "Is that so? Then that's perfectly fine. I'll be in charge of managing Mafiafarquharson then." "Not yet, young man... After the burial we will talk about that." "Oh, come on, grandpa! You can't abuse your health just like that! Grandpa, you have to put your health first above anything else! Ako na ang bahala sa lahat. Matanda ka na talaga, grandpa. Hindi na ako 'yong batang lalaki na inaalagaan mo noon. I just turned thirty one last month!" bulalas niya sa matanda. "No, you're not. That's impossible! You're just twenty the last time I saw you," nagpupumilit na sinabi ng matanda. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil sa palitan nila ng mga salita. "In our dreams!" Humahalakhak nang malakas si Kuya. "How I wish I am that young!" "It's not yet the right timing for you, Aud. Kumbaga sa prutas, hindi ka pa hinog. But soon, you'll be." Muling umalingawngaw ang napakalakas na halakhak ni Kuya. "Okay, I'll be presenting my birth certificate to you later. So, please, bring your calculator with you, grandpa, so that you can compute properly! Just remember that it's now 2020. Is that a deal?" "Okay!" masiglang sang-ayon ni Lolo. "But are you really that old? You seems not!" Muli kong narinig ang pigil na tawa ni Kuya. Mukha naman pala siyang tao kapag si Lolo ang kausap niya. Napangiti ako nang malungkot. Ibang-iba siya ngayon sa pakikitungo niya sa akin. "After you compute my age please talk to Akira. Just tell her to pack her things up. Okay, grandpa? We will be leaving tomorrow after Papa's burial." Nakaramdam ako ng saya at lungkot sa sinabi niya. Lungkot dahil maiiwan ko ang buhay ko rito sa Sitio at saya dahil sa hindi ko alam na dahilan... "Nasanay na ang batang iyon dito sa Sitio. Hindi ko alam kung mapapapayag ko siyang sumama sa 'yo, ikaw na ngayon lang niya nakita at nakasama sa pagkakaalam niya. Pero susubukan ko siyang kausapin at kumbinsihin. Ito na rin ang tamang pagkakataong magkalapit kayo ng kapatid mo." Namayani ang mahabang katahimikan sa loob. "Dad asked me to protect her," ani Kuya matapos ang ilang sandali. "Hindi niya magugustuhan kapag pinabayaan ko ang pinakamamahal niyang anak. Para kay Dad, tutuparin ko ang kahuli-hulihan niyang hiling." "Mabait siyang bata. Napakamapagmahal na anak. Tingnan mo naman kung gaano kakulay ang buhay ng Papa mo noong nabubuhay pa siya dahil kay Akira..." "I know... Something he never felt for me and Mom," malungkot nitong sabi. "Their bond is inseparable and unbreakable. Something, I envy..." Napayuko ako sa sumunod niyang sinabi. Iyon din ang ipinagtataka ko kay Papa. Lahat ng mga pinakita niya sa akin ay purong totoo. Paano pa kaya kung sa totoong anak na niya? Nanatili si Papa sa tabi ko kahit pa maaaring ikasira ng pamilya niya. Si Kuya Audrei ay lumaki na malayo kay Papa kaya alam kong nangungulila rin siya sa ama, sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya. Maaari namang siyang tumira kasama kami ni Papa noon pero mas pinili niyang mamalagi sa malayo. Hindi na iyon dahil kay Papa, dahil iyon sa akin. Hindi niya ako matanggap... May kaunting kirot sa puso ko habang iniisip ko kung paano siya lumaking walang ama sa tabi niya. Kasalanan ko. Lupaypay akong bumitiw sa doorknob at naglalakad patungo sa kuwarto. Nang makarating ako rito sa room ko ay dahan-dahan akong humiga sa kama ko. Nakatulog ako habang hinihintay si Lolo. Baka ngayon niya ako balak kausapin. Nagtaka ako dahil hindi siya dumating. Sa ibang araw pa siguro. Napatayo ako agad nang may biglang may kumatok sa pinto. Agad akong lumapit at binuksan ito. "Lolo..." Naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang masilayan ko ang mukha ni Kuya Audrei. "Hi," maikling bati niya. Mas niluwangan ko ang pinto para makapasok siya. "Come in." End of Aki's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD