Chapter 3
Aki's POV
Nauna na akong naglakad pabalik habang nakasunod siya sa akin. Huminga ako nang malalim bago humarap sa kaniya.
"Bakit, Kuya? Naligaw ka yata?"
"I came to ask you if you already prepared your things," ang seryoso niyang sabi sabay pasimpleng inilibot ang paningin sa buong room ko.
Napansin na niya sigurong walang nakaempakeng mga gamit dito dahil kitang-kita naman sa maaliwalas kong kuwarto. Malinis at nakaayos lahat ang mga gamit, walang ni isang kalat.
"I'm not coming with you. How many times do I have to tell you?" mahinahon kong balik. Lumunok ako nang mapagtanto kong parang may kulang sa sinabi ko. "Kuya."
There, I said it! Mahirap na ang masabihang bastos at walang respeto.
"I never asked you before." Kumunot-noo siya. Tila naguguluhan ngunit nandoon ang pagkamangha sa tinig at mukha niya.
Saglit akong nag-isip. "I just felt that you're going to ask me that. That is why I answered you a lot of times inside my head," agap ko.
Tumango-tango siya habang manghang nakatingin pa rin sa akin.
"Grandpa and I had talked already. And he said yes."
Pinipigilan ko ang sarili kong magsalita na galing sa loob ko. Paano ba ako makikipagsabayan sa taong hindi ko naman nakasama mula simula? Hirap na hirap akong ilugar ang sarili ko sa tuwing kausap ko siya. Wala akong alam sa buong pagkatao niya kahit pa kapatid ko siya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa mga kinikilos ko o sa mga lumalabas sa bibig ko.
Parang kailangan kong bantayan lagi ang sarili ko. Something that I'm not used to do. Basta hindi ako mapalagay sa tuwing nandiyan siya!
"I'm sorry, Kuya, but I can't," naiiyak kong sabi.
Sa takot kong makita ang reaksiyon niya ay yumuko na lang ako. Umiling ako sabay bunga ng hangin. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng loob ko. Ayaw kong mag-breakdown mismo sa harapan niya. Ayaw kong umiyak o mag-open sa kaniya dahil sa magkahalong hiya at takot. But my tears don't want to cooperate. I'm now crying like crazy!
Nakaiinis dahil sinabayan pa ng paglabas ng mga uhog ng ilong ko 'tong mga luha ko. No, mas nauna palang tumulo ang uhog ko kaysa sa mga luha ko dahil ganito naman talaga ako kapag naiiyak. My nose will turn to red and will produce this wet thing. Tutulo nang tutulo hanggang sa matapos akong umiyak.
"Why?" mahinang tanong niya.
"Because..." I composed myself first before pouring myself out. "Everything is here," diretso sa mga matang sagot ko. "All the memories I had with Papa... I can't just leave that all here... It's the biggest part of my life. Narito sa Sitio..."
"Don't you think there is bigger than that if you just try to bring yourself out of your comfort zone?" mahinahon ngunit may halong hamon sa tanong niya.
I have gone to many places but I keep coming back here in Sitio Clavaricia. Maraming magagandang lugar ngunit wala roon ang puso ko. Nabihag ng mga lugar na iyon ang puso at paningin ko ngunit panandalian lamang.
"Yes... But..." Nag-aalangan akong tumitig sa kaniya. "Not with you," lakas ng loob kong dagdag. "We're not even close. This is the first time I saw you, talk to you and be with you. And you asked me to live with you... Hindi madali sa akin 'yon... At alam kong ganoon ka rin..."
"You'll get used to it, Akira. Masasanay ka ring kasama ako. After all." He paused. "I'm your brother. I'm far older than you. My attorney said, I'm valid to stand as your guardian from now on."
"Bakit mo pa ako kukunin?" Yumuko ako. "Dapat ang pagpapamilya ang atupagin mo. Mag-asawa ka na. Matanda ka na kaya..."
Nagtaas agad ako ng mukha nang marinig ko ang malutong niyang tawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig ko siyang tumawa nang totoo sa harapan ko, 'yong walang halong kahit na ano basta totoo lang. Pati tawa niya ay sobrang nakaa-amaze, parang musika sa pandinig. Kung hindi lang ako nagtitimpi ay baka napangiti na ako.
"You're laughing," nabigkas na lang ng mga labi ko.
"Yes. I'm still human. Why?" Ngumisi siya.
"Sasamahan ko na lang si Lolo rito. Mas kailangan niya ako now that Papa is now gone..."
Napansin kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Is that what you really want?"
Parang biglang umatras ang dila ko. Kapag pumayag ako ngayon ay maaaring matagal ko na naman siyang hindi makikita. Tila may kirot akong nararamdaman sa puso ko habang naiisip kong mangyayari ulit 'yon.
"You probably won't leave again, will you?"
"Of course, I will. But this time, with you." Muli niya akong sinuyod ng tingin. "If..." Humalukipkip siya. "You'll come with me."
"Matatagalan ka ulit. Don't tell me you'll be gone for another sixteen years." Tumaas ang kilay ko habang naghihintay ng sagot niya.
"Does it make you sad?" agad naman niyang salo sa tinuran ko.
Umiwas ako ng tingin. "Si Lolo kasi... Paano siya?"
"And you're using grandpa as your alibi." He laughed a bit.
Inis akong muling tumingin sa kaniya. "I'm not using him! Totoo naman, 'di ba? H-hindi mo b-ba siya m-ma-mi-miss?"
Anak ng! Nautal pa talaga!
"Ma-mi-miss," diretso sa mga matang balik niya. "But it's safest to protect someone secretly," makahulugan niyang sabi.
"What do you mean?"
"It is effective, trust me. I've been doing it for years."
"I have no idea but fine. Kung alam mong iyan ang makabubuti," ani ko na lang.
"One month from now, I'll be sitting as the next Mafia Boss of Mafiafarquharson. That day will be different from my normal days," bigla niyang pahayag.
Kahit alam kong Mafia Boss si Papa ay hindi kailanman niya ipinakita ang mundong iyon sa akin. Wala akong ibang idea tungkol sa trabaho niya bukod sa katotohanang illegal iyon. Pinalaki niya akong mabuting bata dahil iyon ang gusto niya. Iminulat niya sa aking lahat ng mga bagay na makabubuti sa akin at sa kapwa ko. Dahil sa ginawa ni Papa na mga 'yon kaya wala akong ideya kung ano'ng mundo ang papasukin niya.
"I don't have any wide idea what kind of world you are about to enter soon." Ngumiti ako saka muling nagseryoso. "You won't believe this but Dad never tried to let me witness his world inside Mafiafarquharson," pag-amin ko. "That's why I don't know whether I'm going to stop you or to let you going..."
"What if I tell you that it's too dangerous inside? Will you dare to stop me?" ang tila nanghahamon niyang tanong.
"I will... Of course," sagot ko nang walang alinlangan.
Hindi ko alam kung bakit siya napangiti.
"But that's not gonna happen. Because sitting as the next Mafia Boss is my fate," desidido niyang dagdag.
Buong gabi ay nagkulong lang ako rito sa loob ng kuwarto. Sinulit ko nang bantayan si Papa kanina habang hindi pa dumarating si Mama Vivian. Kinakatok ako ni Lolo kagabi pero nagkunwari na lang akong natutulog.
Ngayong wala na si Papa ay mas napatunayan kong kailangan kong maging mas matatag. Kailangan kong ilugar ang sarili ko para hindi ko masaktan ang damdamin nina Mama Vivian at Kuya Audrei. Hindi pa ako handang salubungin ang mga mata ni Mama Vivian na punung-puno ng mga katanungan.
I'm so afraid... What if they will blame me for not being enough to Papa when he was sick? I did everything for him but honestly, I can't help myself but to blame myself too. Sana hindi na lang ako natulog sa tuwing binabantayan ko siya dahil siguradong hindi niya ako gigisingin kapag nagigising siya tuwing may iniinda sa gabi. One time, I felt his hand gently caressing my face and telling me to sleep well.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa unan ko kasabay ng malayang pagtulo ng mga luha ko. "Miss na miss na kita, Papa..."
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang tangayin ako ng antok dala ng hanging dumadampi sa aking mukha galing sa nakabukas kong bintana.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Hinang-hina ang katawan akong lumapit sa malaking salamin ko. Namumula ang ilong akong tumingala sa itaas. Matagal akong nakatingala, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
Napalapat ang mga palad ko sa salamin nang tuluyan nang makatakas ang mga masasagana kong mga luha. Dahan-dahan akong yumuko saka umiyak nang umiyak. Nang kumalma ako ay tumingin ako sa white dress kong nakapatong sa bed ko. Iyon ang isusuot ko ngayong ibuburol na si Papa.
"This could be the darkest nightmare of my life... I can't believe I am witnessing all of these wide awake. I hope this day is just a dream..."
Lumapit ako at umupo sa kama. Tahimik lang akong nakatitig sa white lace dress ko. Napatayo ako nang maayos nang may biglang kumatok.
"Hija, anak, nakapag-ayos at bihis ka na ba? Hinihintay ka na nila Lolo mo." Tinig iyon ni yaya.
Tumikhim ako. "Opo, yaya. Bababa na po!" ang malakas kong balik para marinig niya.
Mabilis akong nag-ayos saka mabilis na bumaba. Natigilan ako nang maabutan ko si Mama Vivian sa tabi ng kabaong ni Papa. Namumugto ang mga mata niya at nakadamit ng puro kulay itim. Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa saka muling itinuon ang atensiyon kay Papa.
Pinakawalan ko ang inipon kong hangin sa loob ko bago ako naglakad palapit sa kaniya.
"Welcome home, Mama," nakangiting bati ko sa kaniya.
Kahit nanginginig ay hinawakan ko siya sa kamay at nagmano. Laking pasasalamat ko dahil hindi siya nagalit o nagpakita ng kahit anong pagkadisgusto sa ginawa ko.
"You didn't come down last night," ang pormal niyang sabi.
"Opo... Pasensiya na po, Mama. Nakatulog po kasi ako."
Kumurap siya nang mabilis pagkatapos ay tumango.
"Kumusta naman po ang biyahe n'yo, Mama?" tanong ko para maiba ang usapan.
"It's fine," tipid niyang sagot.
"Alam ko pong ayaw n'yo sa akin," lakas-loob kong ani. "Pero gusto ko pong malaman n'yo na naiintindihan ko po ang sakit na nararamdaman ninyo ngayon. Sana po ay tatagan n'yo ang loob n'yo, Mama, kahit para na lang kina Kuya at Lolo..."
Kahit na parang wala siya pakialam sa mga sinabi ko ay ramdam kong nasasaktan siya. Tumulo na lang bigla ang mga luha sa magkabila niyang mga mata. Nag-iwas siya ng tingin saka mabilis na pinunasan ang mga ito gamit ang itim niyang panyo.
"Mahal ko po kayo, Mama... Kahit magalit kayo at magtaray sa akin. Basta mahal ko po kayo at pipilitin na iintindihin. Mama, malalagpasan din po natin ito," matatag kong sabi.
Ngumiti siya nang malungkot pagkatapos ay muling tumunghay kay Papa habang naiiyak na naman ang itsura niya. Ngumiti ako sa huling pagkakataon bago nagpasyang maglakad patungo sa malapit na sofa. Mamayang nine o'clock mag-uumpisa ang simpleng misa para kay Papa. Pagkatapos ng misa ay ididiretso na namin siya sa Heavenly Paradise Heritage. Malapit lang iyon sa amin kaya baka maglakad na lang ang ilan sa amin.
Aalis na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang dumating si Kuya Audrei. Nakaiilang dahil natagpuan agad ng aming mga mata ang isa't isa. Hindi ko inaasahan ang babaeng saktong kadadating din at agad na humawak sa kaliwang braso niya.
Nakita kong may ibinulong 'yong babae sa kaniya. Tumango-tango lang siya habang nakatingin pa rin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang mag-umpisa na silang maglakad patungo rito. Hindi ko tuloy alam kung aalis ba ako o uupo na lang ako rito.
Ako pa ang dapat mag-adjust, gano'n? Tumigil-tigil ka nga, self! 'Wag ka ngang nagpapaapekto!
Paanong hindi ako maaapektuhan, eh, ibang babae na naman 'yong kasama niya! Eleven years ago, iba rin 'yong babaeng kasama niya sa van. Eleven years siyang paiba-iba ng babae, gano'n?
Pwede! my mind shouted.
Kaiintriga namin ng utak ko ay 'di ko na namalayan na nakalapit na pala sila. Humalik si Mama sa babae at gano'n din kay Kuya. Mukhang namang magiliw si Mama sa kasama ni Kuya.
"The priest is here now, Mom," narinig kong paalam ni Kuya.
"Oh, Great! Sabihin mo kay yaya na asikasuhin muna sila."
"Okay, Mom."
Pagpasok ni Father ay nag-umpisa agad ang misa. Nagkaroon ng panalangin at maikling sermon mula sa kaniya. Ngayon ay susunod na ang mga magbibigay ng mga mensahe kay Papa.
"May we call on Mr. Audrei Gray Usoro Farquharson to give his speech," anunsiyo ni Tita Fatima na siyang emcee.
Lahat ng mga atensiyon ay napunta sa kaniya nang tumayo siya sa kinauupuan niya. Kapansin-pansin ang paghanga ng marami sa kaniya, lalong-lalo na sa mga kababaihang nandito.
"Good day, everyone!" simula niya. Ang seryoso niyang mukha ay naging maamo. "On behalf of my mother, Vivian Usoro Farquharson, I thank you all for being there for us during this time of grief and sorrow. We appreciate each and one of you. We are beyond grateful for your support and prayers."
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nanginig ang mga kamay ko nang magtama ang aming mga mata. Kumurap ako at napabuga ng hangin nang mag-iwas siya ng tingin.
"Growing up away from my father was a very challenging journey. We saw each other only twice or thrice a year," pagpapatuloy niyang sabi. "At first, I'm not used to it but I told myself that I have to! Every time that I am with him, he never fails to remind me everything that I should know and how to react and handle them. I tried to understand him before but my young mind can't cooperate. I'm so naive and grounded by a lot of questions. There are challenges in our family that made me hate him but I had received understanding and love in return from him. And I did become him after being away from him. Sa tuwing tinitingnan nila ako, lalo na si Mommy, si Dad ang nakikita nila." Ngumiti siya sabay tingin sa papel na hawak niya. "Dad, I'm sorry for not being enough... For not being by your side for so long..." His voice cracked and almost turned into whispers. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Papa. "But one thing is for sure, I will never stop loving you... I love you, Dad!"
Napapikit siya at tahimik na naluha. Napakatapang niyang tao, nagawa niyang magsalita nang diretso sa harapan ng mga tao.
"Forgive me, Dad," lumuluha niyang pakiusap. "Masakit but I have to let you go... I'm praying that someday we'll meet again in His paradise... You will remain forever in my heart..."
Maingat niyang ibinaba ang microphone pagkatapos ay tahimik na bumalik sa kinauupuan niya kanina.
"Thank you so much for that very heart-melting and emotional message, Audrei!" sabi ni Tita Fatima na abala sa pagpupunas ng mga luha niya. "Now..." Ngumuwi siya at parang muli niyang binasa ang mga nakasulat sa program. "For the next speaker, may I call on Akira Aspein Farquharson..."
"Huh!" gulat na gulat kong sambit.
"Go, Akira!" nakangiting cheer ni Lolo sa akin na narito lang sa tabi ko.
"Lolo..." Nag-aalangan akong napatingin sa kaniya.
Napabuga ako ng hangin dahil sa kabang unti-unting nabubuo sa loob ko. Sobrang kinakabahan ako. Wala akong alam na kasama ako sa magbibigay ng mga mensahe sa araw na ito.
Kinakabahan akong tumingin kay Lolo. Sa timpla ng mukha ko ay alam kong alam na niya ang gusto kong ipaalam. Humihingi ako ng saklolo sa kaniya.
"Your Dad will not allow your voice not to be heard sa mga sandaling ito kaya tumayo ka na riyan dahil siguradong pinapanood ka niya ngayon."
"Pero, Lolo... I'm not prepared! Hindi ko alam ang sasabihin ko."
"You don't need to talk with your mind... You only need to speak through your heart... Ano ba ang sinasabi ng puso mo, Akira?"
Dahil sa sinabi niya ay mas lumakas ang loob ko. Kahit hindi handa ay napilitan akong tumayo at nahihiyang naglakad patungo sa harapan. Humugot ako nang malalim na hinga nang nasa tapat na ako ng microphone.
"Hello po..." Ngumiti ako nang tipid. "Unang-una po sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa inyong pakikiramay, suporta at pagmamahal sa aming pamilya, lalong-lalo na kay Papa. Uhmm.... Si Papa ay sobrang mapagmahal na ama. Simula noong maliit ako hanggang sa huling mga sandali niya ay magkasama kami..." Huminga ako nang malalim para labanan ang paggaralgal ng aking boses. Tumikhim ako saka muling nagpatuloy, "At kung tatanungin n'yo ako kung anong klase siyang tao, for me, he's the most loving person I've ever known... Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala siya..." Yumuko ako para punasan ang luhang kumawala sa aking mata. "Sobrang sakit mawalan ng taong kakampi, best friend, mentor and a father of course. Walang kasing sakit... Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa isip ko na wala na siya. Para lang siyang pumunta sa trabaho." Wala sa loob akong napatingin kay Kuya na bahagyang gumalaw ang mga muscles sa panga. "Pagkatapos ay babalik din ng hapon, sabay kaming magdi-dinner, magkuwekuwentuhan, magtatawanan at magkukulitan."
Napangiti ako nang maalala ko lahat ng mga masasayang pinagsamahan namin.
"To Papa, Mahal na mahal na mahal kita. Alam mo 'yan... Lagi kong sinasabi at ipinaparamdam kung gaano kita kamahal. Kahit masakit, pipilitin kong magpakatatag dahil iyon ang isa sa mga itinuro mo sa akin... Sana gabayan mo kami lagi. Hihintayin ko ang muli nating pagkikita, Papa..."
Tumingin ako sa kaniya. Para lang siyang mahimbing na natutulog. Muli kong pinag-aralan ang mukha niya pagkatapos ay dahan-dahang pumikit
"Papa, nakatatak na sa puso at isipan ko ang napakaguwapo mong mukha... I love you, Papa," bulong ko sa sarili.
Nakangiti akong nagmulat ng mga mata saka tahimik na naglakad pabalik.
End of Aki's POV