• Prologue
Prologue
Now Playing: Hold on By: Cord Overstreet
"No! bitiwan n'yo ako!" Nagpupumiglas ako habang hawak-hawak ako ng mga tauhan niya sa braso. "Let me speak to him!" nagpupumilit kong pakiusap. "Hey, Audrei Gray Usoro Farquharson!" malakas kong tawag sa kaniya.
Hindi man lang lumingon! Nakuha pang magtuloy-tuloy sa paglalakad!
Nakasunod naman kami sa kaniya pero dahil ang hahaba ng mga biyas niya ay nakalayo na siya.
How come he manages to act as if nothing happened? Sinira niya ang gabi ko! Hindi ba niya alam 'yon? This could be a magical night like a fairytale I used to watch when I was a kid. I'm with my so handsome and gentle prince a while back! We're about to kiss when suddenly these humans interrupted us! Sinira niya ang date ko! Sinira niya ang prom night ko!
So, this is what I deserved for having a Mafia Boss Brother!
"This is absurd!" hindi makapaniwala na bulalas ko.
Wearing this heavy gown made me groaned. Imagine, ang bigat-bigat tapos hindi ko puwedeng hawakan para bitbitin ang laylayan dahil hawak-hawak nila ako sa magkabilang braso. Nakawawala tuloy ng confidence. Idagdag pa ang mga kapwa ko students na nagtitinginan sa amin! Nakahihiya talaga!
"Bitter ka siguro, 'no? Wala kang date ngayong valentines' day kaya prom night ko ang sinira mo! Ayos ka rin, 'no? Damay-damay talaga! Napakasama mo!" inis na inis kong sabi. "Bakit break na naman kayo ng masungit mong girlfriend? Eh di, maghanap ka ulit ng iba! Total doon ka naman magaling! Pabago-bago ng babae!"
Sanay na akong kung sinu-sino ang mga kasama niyang babae. Minsan tuloy naiisip kong iyon ang dahilan kaya naging over protective siya sa 'kin noon. Ayaw niyang ako ang sumalo sa karma niya dahil sa mga ginagawa niya.
Asa! my mind shouted.
"Aba, bakit sana hindi? Eh, kapatid niya ako saka babae ako," I murmured to myself.
Ano mind supalpal ka?
Hindi man lang natinag sa mga sinabi ko 'yong lalaking ito. Binilisan kong maglakad para makalapit ako sa kaniya. Effortless namang sumunod ang mga tauhan niya. Palibhasa ay kagaya rin niya na mahahaba ang mga biyas at ang tatangkad pa talaga nilang lahat.
Nang nasa likuran na niya ako ay saka lang ako nagsalita. "Murfin is a good guy. Matagal na kaming magkaibigan. Kung makikilala mo lang siya siguradong magugustuhan mo rin ang ugali niya. Mabait siya, guwapo at mayaman. Matagal na rin siyang nanliligaw. Wala naman akong problema sa kaniya dahil nag-umpisa kami sa pagiging magkaibigan."
Nainis ako nang humigpit ang pagkahahawak nila sa akin. "Bitiwan n'yo nga kasi ako! Masakit na 'tong mga braso ko!" litanya ko.
Natigilan ako nang bigla siyang humarap. "Let her."
Nakahinga ako nang maayos nang sumunod sila sa ipinag-uutos ng Boss nila. Pagkatapos nila akong bitiwan ay umalis na sila. Kami lang ang natira dito, magkaharap at nakatitig sa isa't isa.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami rito sa garden palabas ng hotel. Exit na ito ng hotel kaya walang katao-taong dumadaan. Sa tabi ay may malalaking water fountains. Bawat pagtaas ng tubig ay sinasabayan ng makukulay na mga ilaw sa paligid. Napakaganda... Hindi akma sa eksenang nangyayari sa pagitan namin.
"Nawala lang si Dad kung anu-ano na ang mga ginagawa mo, bata. Sa tingin mo ay matutuwa siyang makita na nakikipag-date ka sa sulok kasama ang lalaking hindi mo man lang ganoon kakilala?" madiin niyang tanong.
Kumunot-noo ako. "Hindi na ako bata. I'm turning eighteen next year! Matanda na ako. Palibhasa dalaga na ako noong napagdesisyonan mong makita ako."
Hindi lang siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin. I cleared my throat to ignore his intense stares.
"I said I know him for so long," pag-iiba ko ng usapan. "He's Murfin, the..."
"I know him better than you. He's name alone is unreliable," putol niya sa sinasabi ko.
Natigilan ako nang ma-realized ko ang pinupunto niya. Mafiang-mafia talaga ang pagkahuhulma ng utak niya. It's Murfin and not morphine!
"It is spelled, M, U, R, F, I, N," pagtatama ko. Ini-spelled ko na para malinaw.
Pilosopo rin pala ang isang 'to!
"The sound is still deadly and dangerous!" pinal niyang sabi pabalik.
"Look who's talking?" nang-uuyam kong ani.
Napakibit-balikat ako nang wala sa huwisyo.
"It's you who is dangerous and deadly. Mafia Boss!" gigil kong sabi pero sa mahinang tono para 'di marinig ng mga tao sa paligid. "Mas kilala ko pa nga siya kaysa sa 'yo na kapatid ko pa mismo!"
Tumindig siya at seryoso ang awrang tumitig sa akin. "Stay away from him. That's all. Now, follow me. Uuwi na tayo," desididong utos niya sabay talikod.
Parang sa isang iglap ay nabaliktad ang buhay ko. Hindi ko matanggap na isang estrangherong lalaking kagaya niya ang magdidikta ng buhay ko. Well, hindi ako papayag! Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Murfin. Naiisip ko pa lang 'yon ay naiiyak na ako. Hindi ko kayang mawala ang taong hindi tumigil na maniwala sa 'kin.
He's not only my suitor; he's also my best friend.
"Wala kang ideya kung ano ang ginawa ni Murfin sa buhay ko! Siya ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa lintik na buhay na 'to! Gustong-gusto ko siya! Mali..." Tumawa ako habang umiiyak. "Mahal ko na siya... At kung hindi lang dumating ang mga tauhan mo..."
"Sinagot mo na siya?" walang emosyong putol niya sa sinasabi ko pagkatapos ay humarap. "What do you know about love, young lady? Huh?" Ipinilig niya ang kaniyang ulo habang seryosong naghihintay ng sagot ko.
Ano nga ba? Nanginginig ang kalamnan kong nakatitig sa mga magaganda niyang mga mata. Those eyes again... Mga titig niyang nakapagpapapipi sa aking bibig. Tumaas ang kaliwang sulok ng mga labi niya. Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa.
"Wala. You're only seventeen. Too young to involve yourself to shit."
Siya na ang sumagot para sa akin.
"Eh, ikaw, ano ang alam mo sa love? You called it s**t but not for me." Ngumisi ako.
Huminga ako nang malalim, inihahanda ang sarili sa umaatikabong mabagsik na damdamin dulot ng taong ito.
"You don't even dare to love me as your sister. You don't even dare na kilalanin ako bilang kapatid mo! You don't even dare to give me chance! You don't even dare to see me for sixteen years! Sixteen years!" I repeated in a deep and high tone. "Got that! Since the day I was born in this world, last year ka lang nagpakita!" masamang-masama ang loob kong sumbat. Halos hingalin ako sa sama ng loob. "At talagang pinaabot mo na naman ng isang taon bago ka ulit nagpakita! Who are you? A mushroom?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Susulpot kahit kailan at kung saan-saan!"
Nainis ako nang tingnan niya lang ako nang walang emosyon. This man is unbelievable!
"I'm telling you, you came at the wrong time and wrong place, mushroom head!" pagpapatuloy ko para bale-walain ang tingin niya. "You destroyed one of my happiness! Now, what do you know about love?! Nagmamagaling ka, eh, hindi ko naman 'yon naramdaman sa 'yo!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata nang masindak o mapakurap man lang siya but his eyes and face is bulletproof. Maybe I hit him hard but would never register on his arduous countenance. Or it doesn't hit him at all. Do Mafia Bosses have emotions? Dad had but I don't sense the ways towards his heir.
"Si Murfin... Ilang beses sinubok 'yong intensiyon niya sa 'kin. Napatunayan kong kahit ano ang mangyari ay hindi niya ako bibitiwan. Maninindigan siya sa akin hanggang sa huli. Kaya wala kang karapatan na hadlangan ang mga taong gustong pumasok sa buhay ko! Alam mo ba kung gaano ko katagal hinintay itong araw na 'to?!"
Unti-unti siyang tumingin sa damuhan. Bigla akong natauhan sa mga sinabi ko. Nasaktan ko ba siya? Bakit ba ako concern? Hindi nga siya concern sa nararamdaman ko, eh! Masyado na siyang nanghihimasok sa buhay ko! Namayani ang mahabang katahimikan. Lumuluha ako habang pinipigilan ko ang paglabas ng hagulgol ko.
"I'm sixteen years older than you, remember?" out of nowhere niyang tanong.
Pati mga mata niya'y tila nakikipag-usap din at nagsasabing makinig ako nang mabuti.
"So, what do you know what happened those years?" He paused and his eyes become darker. Sa klase ng tingin niya ay tila hinahamon niya ako. "Nasa sinapupunan ka pa lang, pinoprotektahan na kita..."
Sa huling pahayag niya ako nagulantang. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kaniya, mula sa mukha niya pababa sa kabuuan niya. Bigla akong inulan ng mga tanong at mga conclusions na hindi ko mapagdugtong-dugtong dahil sa halo-halong emosyong lumulukob sa loob ko.
"Huh? What do you mean?" litong-lito kong tanong.
"My first mission as the next Mafia Boss is to protect you. Yes, Dad asked me to fulfill that duty seventeen years ago... To protect the child of his first and true love. She's your Mom and not my Mom." Umigting ang panga niya.
"What?" 'di makapaniwala na sambit ko. "Saglit, kilala mo ang totoo kong ina?" naiiyak kong tanong.
Biglang dumilim ang aura niya. "And do you know what is more amusing?" pagpapatuloy niya. Ngumiti siya nang malungkot. "You're a child of your Mom from another man. Pero minahal ka ni Dad more than he loved us. Because he treated you as his only remembrance from your Mom, truth that has been killing my Mom, emotionally. Somehow, these will enlighten you why I chose not to see you for so long. Just like Mom, I'm also in pain... Seeing you those times would just make it worse."
Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Sa klase ng pananalita niya ay ramdam kong walang halong panunumbat iyon. Tila ipinapahayag lang niya ang mga dapat kong malaman.
Pakiramdam ko ay unti-unti nang nabubuksan ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Siya ang susi sa mga katotohanang hindi naibigay ni Papa noon.
Ngunit bakit kailangan muna niyang masaktan bago mangyari 'yon?
Ayaw ko siyang nakikitang ganito, nasasaktan dahil sa mga katotohanan ng pagkatao ko. Pasakit sa kaniya kapalit ng kalayaan ko mula sa nakaraan.
My mind, heart and soul can't contain all these revelations... I can't do anything but cry my heart out!
"Now that Dad is gone, I think you deserve to know. This is a Mafia Boss' Diary, my diary... And I don't know why I revealed some of it to you," he said with a confused tone.
He looked at me for I guess a minute then looked away and now he's walking away. Away from me... just like what he did the whole sixteen years of my existence. It feels like he's going to be gone again for a long period of time... Crazy, but it made my heart shattered into pieces...
Marami akong mga katanungan pero bakit nangibabaw 'yong sakit na baka aalis na naman siya at matagal na hindi ko na naman makikita...