Chapter 1
Aki's POV
"Magkikita na kayo ulit ng kuya Audrei mo!" masayang anunsiyo ni yaya Olive.
Kitang-kita sa awra niya na sobrang excited siya.
"After eleven years, magkikita na ulit kayo! Nakatutuwa, 'di ba, anak?"
Umalon ang kama ko nang umupo siya sa tabi ko. Huminga ako nang malalim saka malungkot na tumingin sa suot kong mga sapatos. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nararamdaman niya na sigurong hindi ako masaya. Napakurap ako nang hawakan niya ako sa kaliwang kamay pagkatapos ay huminga nang malalim.
"Pasensiya na, anak... Akala ko ay magiging masaya ka na kapag nalaman mong dadating ang Kuya mo..."
"Why? How?" ang walang kabuhay-buhay kong mga tanong.
"Hindi ako sanay na ganito ka, Akira... Napakalungkot mo... Para kang nawalan ng ganang mabuhay. Ang sakit makita kang nagkakaganiyan... Pasensiya na... Naiintindihan naman namin kung bakit ganiyan ka... Hindi lang talaga kami sanay..."
"Ako rin..." Napilitan akong lumunok upang pigilin ang pagpiyok ng aking boses. "Hay! Ewan ko ba, yaya?"
Tumingala ako sa malaking chandelier sa itaas pagkatapos ay ikinurap-kurap ang mga mata.
"Lahat na lang ng mga taong mahahalaga sa 'kin..." Natigilan ako dahil sa mga luhang tuluyan nang kumawala. "Kinukuha... Bakit gano'n? Life is really unfair!"
"Hija... Hindi 'yan totoo. Pagsubok lang ito. Malalampasan mo rin ang lahat... Natatandaan mo pa ba 'yong lagi mong sinasabi sa amin? Hindi ibibigay ng Diyos ang isang pagsubok kung hindi kayang lagpasan... "
"Of course, I'm right, yaya! Look, iniwan niya 'yong mga taong hindi ko kasundo, sina Mama Vivian and Kuya Audrei... Si Lolo na lang ang itinira Niya. Si Lolo na madalas na ring nagpapaalam sa 'kin..."
Tuluyan na akong napahagulgol dahil sumasagi sa isipan ko kapag pati si Lolo ay mawala na rin sa piling ko. Hindi ko na kakayanin! Baka ikamatay ko na kapag... Ito ang pinakakinatatakutan ko sa lahat, ang mawala ang mga taong minahal ako nang higit pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanila. Sila ang pamilya ko, ang buhay ko.
"Hindi matutuwa ang Papa Aristo mo kung ganiyan ka, anak. Hindi sa ganitong kalagayan ka niya gustong makita..."
"Pinipilit ko naman, yaya, eh... Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na magpapakatatag ako! Para kay Papa, magiging matapang akong harapin at tanggapin na wala na siya pero hindi, eh! Ang sakit-sakit!" hirap na hirap kong sabi habang umiiyak. "Ayaw nitong tanggapin!" Dinuro-duro ko ang tapat ng puso ko. "Ayaw nito!" Turo ko sa ulo ko. "Ayaw ng buong pagkatao ko! Papa Aris!" miserable kong sigaw sa pangalan niya.
"Akira!" awang-awang banggit niya sa pangalan ko.
Mabilis siyang nakalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang init ng yakap niya at ang masuyo niyang kamay na humahaplos sa likod ko. Malaya akong umunan sa balikat niya at umiyak nang umiyak.
"Don Garoux has arrived..."
Kumalas ako sa pagkakayakap kay yaya dahil sa anunsiyo ng isa sa mga bodyguards ko. Unti-unti akong tumingin kay yaya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nagpapahiwatig na magiging maayos din ang lahat.
"Narinig mo 'yon? Dumating na ang Lolo mo..."
Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa wakas ay makikita ko na ulit ang Lolo Garoux ko. Lumapit si yaya at mabilis na pinunasan ang mga luha kong dumantay sa aking mga pisngi. Inayos niya rin ang buhok kong medyo nagulo.
"Halika, salubungin mo na ang Lolo mo," nakangiting aya niya. "Malay mo, kasama rin niya ang Kuya Audrei mo!" Nakarehistro ang nanunuksong ngiti sa mga labi.
"Yaya 'Nay, I have one favor to ask from you..." Nagseryoso ako.
Bigla siyang naalarma ngunit ngumiti rin kalaunan. "Yes, ano 'yon? Anything para sa favorite kong alaga!"
"Promise me na walang makaaalam na nakita ko na si Kuya Audrei... Not even to Lolo..."
Nagtataka ngunit muling ngumiti kalaunan. "Naiintindihan ko. Walang problema, Akira..."
I was five years old when I first saw his face. His beautiful face... The most perfect human I have seen in my whole entire life. And I never thought I could still feel the same way back then, happy and excited to see him... Nakatatawa dahil nararamdaman ko ito sa sarili kong kapatid. Sa taong hindi nagkaroon ng kahit kaunting intensiyon para kilalanin akong kapatid niya o bilang parte man lang ng pamilya. Kahit bilang isang Farquharson man lang...
Honestly, that made him more interesting to me...
Flashback
Eleven years ago...
"You are not allowed to go outside your room, Akira. Just stay here. May meeting mamaya si Papa sa labas. So, be a good girl, okay?"
"Why not, Papa? I can still play while you're having your meeting naman, eh," nagmamaktol kong sabi. "Like, hello! The mansion is so big for us and I'm too small to occupy the whole mansion!" I pouted. "Or sa garden na lang ako... I'll take Murfy with me!" Sumulyap ako sa alaga kong aso na nakahiga sa kama ko.
Murfy is my azcal dog na regalo raw ni Kuya Audrei sa akin para may bantay ako pero ang totoo, regalo naman talaga ni Papa sa akin. Narinig ko ang totoo noong nag-uusap sila ni yaya. Papa really wanted to set some good images of Kuya Audrei on me despite the fact that we never see each other.
"You're really cute, Murfy!" mahinang bulong ko habang nangingiting nakatitig sa kaniya.
"I'm sorry, my princess, but no... Don't worry this day only, okay? Bukas puwede ka nang pumunta kahit saan mo pa gusto. I'm free tomorrow..." He pats me on my head smoothly.
"Opo..."
"Good girl!" He leaned down and kissed me on my forehead. "I'll be going."
"Mag-ingat ka po, Papa," nakangiting bilin ko.
Natawa naman siya nang mahina. "Don't worry, I will, princess." Ngumiti siya nang matamis bago siya tumalikod at naglakad palabas ng room ko.
Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Murfy pero wala na siya roon. "Murfy!" malakas kong tawag sa kaniya pero walang sumasagot.
Dapat kanina pa 'yon tumahol kung nandito siya sa loob ng room ko. Imposibleng hindi niya ako narinig. Malakas kaya ang radar niya.
"Murfy!" mas malakas kong tawag pero wala pa rin siya.
Lumapit ako rito sa bintana para tingnan kung nandoon ang mga bodyguards ko. Napansin kong nasa gate ang ilan sa kanila. Kailangan kong hanapin si Murfy saglit. Siguradong nasa garahe na naman 'yon dahil nandoon 'yong pusa naming si Mingming. Mag-best friends kasi sila ni Murfy kaya lagi siya roon.
Binilisan kong tumakbo palabas ng room. Nagtungo ako agad sa garahe. Nakahinga ako nang maayos nang makita ko agad si Murfy. Naalarma ako nang tumakbo siya sa ilalim ng van. Mabilis akong tumakbo para kunin siya. Dumapa ako para tingnan ang ilalim ng van. Napangiti ako nang makita ko siya na nakasandal sa gulong na nasa gitna.
Inilahad ko ang mga kamay ko sa kaniya. "Come, Murfy!"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang parang gumalaw 'tong van. Nagulat din siya kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa akin. Mabilis akong tumayo habang hawak-hawak ko siya. Kinabahan ako roon, ah! Akala ko aandar na 'yong van. Nagtataka ako dahil napansin kong bukas ang likod ng van.
Unti-unti akong lumapit at umakyat doon. Uupo na sana ako nang may naririnig akong nag-uusap.
"Hindi ka ba papasok? Mag-uumpisa na ang meeting. Siguradong nandoon na ang Daddy mo," ang narinig kong tinig ng isang babae.
"I should be leaving now," sagot naman ng tinig ng lalaki. "Kung hindi mo lang ako pinigilan."
"Aud... Kailangan ka ng Papa mo sa meeting."
"Aud?" ani ko sa sarili. Kinutuban ako bigla.
Nanatili lang siya walang imik. "I don't want to see her."
"Oh, come on, Aud! Bata lang 'yon. Bakit ba big deal siya sa 'yo? Isipin mo na lang na isa lang siyang batang paslit na ampon ng Dad mo!"
Agad akong sumilip sa pagitan ng mga upuan. Nakita ko ang isang babae at isang lalaking nag-uusap.
"Come here! Audrei, look at me!" Hinawakan ng babae ang lalaki sa magkabilang balikat at pilit na ipinaharap sa kaniya.
Ngayon ay natutunghayan ko na ang mukha niya sa kauna-unahang pagkakataon! Ang mukha ng Kuya Audrei Gray Usoro Farquharson ko. Napangiti ako. So, ito pala ang itsura niya... Napakaguwapo naman niya! Akala ko ay sobrang pangit niya kaya ayaw niyang magpakita sa 'kin.
Napatakip ako sa bibig ko nang halikan siya ng babae sa mga labi. Nakita ko na buong pagmamahal naman niya itong tinugon. Sumunod kong tinakpan ang mga mata ko. My virgin eyes!
"Worry less, love. I'm here," masuyong ani ng babae sa kaniya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. "Huwag mong ilayo ang loob mo sa Daddy mo dahil kay Akira. Soon, you'll be the next Mafia Boss after your Dad so get used to it, okay? I'm sure ayaw rin ng Dad mong makita mo siya mamaya dahil iniisip din niya ang nararamdaman mo."
Malungkot akong napayuko. So, this is the reason. Kaya pala may mga pagkakataong hindi ako pinapalabas ng room ni Papa kagaya kanina... Kung minsan ay bigla na lang akong may biglaang lakad, biglaang mga outings kasama ang mga yaya ko pero hindi naman siya kasama. Iyon ay para itago ako at hindi makita ni Kuya Audrei. Muli akong tumingin sa mukha niya.
But why does this man hate me so much? What have I done to deserve his hate?
"Maybe you are right, Blaire." sang-ayon naman nito at tipid na ngumiti. "Thank you..." At muli silang naghalikan sa harapan ko.
"Go, before Kuya Alfoso comes here..."
Ang babaeng iyon siguro ang kasintahan niya.
Bago pa nila mahalata na narito ako ay nagmamadali na akong tumayo at dahan-dahang umalis.
Kung ayaw niya akong makita ay nirerespeto ko 'yon, period...
End of flashback
"Akira!"
Nagising ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa pagtawag ni yaya sa akin.
"Naghihintay na ang Lolo mo sa labas," pagbibigay alam niya.
I nodded and turned my head fast toward the door. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nangyayaring eksena sa sala. Nakatunghay si Lolo sa mga labi ni Papa. I wonder how painful it is as a father to look at his lifeless son. Seeing Lolo silently crying made my heart burst into sadness again. Tila nabalot ng katahimikan at pagdadalamhati ang buong living room.
I stepped back and decided to wait for him. He deserves to mourn for a while...
Natagpuan ko na lang ang sarili rito sa garden. Ayaw kong makita si Lolo na nasasaktan dahil siguradong pati ako ay masusugatan din. Nakararamdam ako ng panghihina ng katawan sa tuwing nasosobrahan kong umiyak. Kailangan kong mag-ipon ng lakas para magabayan ko si Lolo.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo rito.
"Hindi ka ba papasok para i-comfort si grandpa?"
Para akong nanigas dito sa kinauupuan ko dahil sa pamilyar na tinig na iyon. How come he's here? Hindi ko siya napansin kanina. Ang akala ko tuloy si Lolo lang ang dumating.
Nag-aalangan akong lumingon sa kinatatayuan niya. May fifteen meters ang pagitan namin kung hindi ako nagkakamali. His dark ash brown eyes are intently looking at me. Hindi ako makapagsalita. I can't find the right word to start this conversation with him. Or I'm just bothered how he looks today... Eleven years without communication is enough for me to stop tracing what he looked like the last time I saw him. I can say that he's far different now...
Halos tumigil ang mundo ko nang mag-umpisa siyang maglakad patungo sa akin. Habang palapit siya nang palapit ay bumibilis ang bawat pagtibok ng aking puso. Kaba'y nag-uumpisa nang sumiklab kasabay ng pagnginig ng aking mga kamay. Naging abnormal ang paghinga ko nang nakatayo na siya mismo sa harapan ko. Nasisilayan ko na ngayon ang bagong mukha niya after eleven years. Ito na ang pinakamalapit na napagmasdan ko siya. Ang mga mata niya'y nakaalalay sa aking mga mata.
Hindi na ba matatapos ang titigan na ito? Para na akong hihimatayin sa halo-halong emosyong lumulukob sa akin. Nagpakawala ako ng hangin nang tumigil siya. Isang metro na ngayon ang pagitan namin.
"Are you going to swallow your tongue forever?" medyo malakas niyang tanong.
"Who are you?" Kumunot-noo ako, nagkukunwaring hindi ko siya kilala.
He puts his arms across his chest and moves his right foot forward. He looks so calm but his own aura does his noise. Ang lakas ng dating niya. Parang kailan lang noong huli ko siyang makita, nagbibinata pa lang siya noon. Sino'ng mag-aakala na sobrang matured na siya ngayon. At hot! sigaw ng utak ko. Umiling ako para iwaksi ang mga sinasabi nito.
Medyo magulo ang buhok niya at may mga iilang hiblang tumatakip sa mga mata niya ngunit hindi iyon naging hadlang para maitago ang mapupungay at magaganda niyang mga mata. Mga matang tila humihigop ng kaluluwa sa tuwing tinititigan ko. His red and perfectly curved lips match his pointed nose with a perfect bridge. He's like a king with his simple black T-shirt, denim pants and white rubber shoes. How could he managed to look great while wearing simple clothes?
"I'm Audrei Gray Usoro Farquharson," pormal niyang pagpapakilala sa sarili. "Your..."
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tumigil. Pigil-pigil ko ang paghinga ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Brother," sa wakas ay nasabi niya.
Wala siyang ideya kung gaano ko katagal hinintay na marinig iyon sa mismong bibig niya. Ang tagal na panahon pero ngayon ay natupad na...
Maingat akong tumayo at humarap sa kinatatayuan niya. Nakangiting inilahad ko ang palad ko. "Nice meeting you... Kuya."
Sumabog sa tuwa ang puso ko nang tanggapin niya ang palad ko. Ang unang pagdampi ng kaniyang balat sa aking balat ay naghatid ng kakaibang sensasyon sa buong sistema ko.
"I'm Akira Aspein Farquharson..."
Binitiwan niya rin agad ang kamay ko. Huminga siya saka muling tumingin sa kinatatayuan niya kanina. Apoy ba ako para mapaso siya?
"Let's go inside," aya niya sa akin. Iyon lang at naglakad na patungo sa living room.
"You're so near yet so far," malungkot kong sambit sa sarili. "Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako matanggap," naiiyak kong dagdag habang pinapanood ko siya mula sa malayo. "Hanggang ngayon na wala na si Papa..."
Bakit ba big deal sa akin na matanggap mo? Bakit ba kasi kung puwede ko namang ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala kang paki?
Tumikhim ako pagkatapos ay tumingala para kumurap-kurap. Kailangan kong pigilin ang mga luha ko. Mukha pa naman akong tanga kapag umiiyak. Ayaw kong makita ako ni Lolo sa ganito itsura. Dapat strong ako kapag nakita niya ako mamaya. Huminga ako nang malalim bago ako nagpasya na sumunod sa loob.
Pagpasok ko ay naabutan ko si Lolo na nakaupo sa tabi ng kabaong ni Papa. Tahimik lang siya roon habang umiinom ng kape. Nilibot ko pa ang paningin ko para hanapin si Kuya Audrei pero hindi ko siya nahagilap. Ngumiti muna ako bago naglakad palapit kay Lolo.
"Oh, my sweet Lolo is finally here!" masayang sabi ko nang nasa tapat na niya ako. "Lolo!" I kissed him on the cheek and hug him so tight.
"Akira!" tumatawang sambit niya. "Kanina pa kita hinihintay rito, ah! Saan ka ba nagpunta, apo?"
Nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya habang pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Linuwangan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at mas ibinaon ko pa lalo ang mukha sa balikat niya. Naramdaman ko na lang ang masuyo niyang paghaplos sa likod ko. Tila ipinaparating niyang magiging okay rin ang lahat. Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil sa ginawa niya.
Lumunok ako at huminga nang malalim bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. "Kumain ka na ba, Lolo? Gusto mo ipaghanda kita ng pagkain? 'Wag kang nagpapalipas ng gutom, Lolo. Please..."
Napangiti siya. "I had my lunch on our way a while ago."
"I see... Magpahinga ka na, Lolo. Gusto mo ihatid na kita sa room mo?"
"I'm fine, apo. Ikaw, baka gusto mo'ng matulog? Ang lalaki na ng mga eyebags mo," tumatawang biro niya sa 'kin.
"Lolo, naman, eh!" I pouted.
"Parang gusto ko nga'ng kumain, eh. May ginawa ka bang graham cake?"
"Lolo! Bawal sa 'yo 'yon! Hindi ba may diabetes ka?"
"Kaunti lang naman, eh," hirit naman niya pabalik.
"Sige na nga. Basta kaunti lang, Lolo, ha?"
Tumango naman siya bilang tugon.
Nang makarating kami rito sa kitchen ay agad akong inilabas ang ginawa kong graham cake kanina mula sa ref. Isang slice lang ang nilagay ko sa platito. Nakangiti ko itong inilapag sa mesa.
"Dessert is served!" masigla kong anunsiyo.
Sumilay naman ang tipid niyang ngiti saka inabot ang maliit na kutsarita para hatiin 'yong graham cake. Itinuon niya ang atensiyon sa pagkain habang ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kaniya. Namangha ako dahil naubos niya agad ang ibinigay ko.
"Ito pa rin talaga ang pinakamasarap na graham cake na natikman ko..."
"Thank you, Lolo!"
Bumuntong-hininga siya sabay titig sa akin. "Kumusta ka naman, apo?"
Napalis ang ngiti sa aking mga labi dahil sa tanong niya. Ang buhay ko ngayon na wala na si Papa ang tinutukoy niya.
"Ang daya mo naman, Lolo, eh!" naiiyak kong sabi. "Pinakain pa kita ng graham cake ko tapos paiiyakin mo ako."
"Apo, huwag mong pigilan... Iiyak mo lang iyan..."
Suminghot ako. Walang paalam niyang hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay pinisil ito. Pati lacrimal glands ko ay tila napisil din dahil sa luhang gustung-gusto nang kumawala.
Tears, kapit lang, please!
End of Aki's POV