• Chapter 4

2879 Words
Chapter 4 Aki's POV Pagkaupo ko ay nagsimula ang bulung-bulungan sa paligid. "Is she an adopted child or a child of Aris from another woman?" "I don't think so! Hindi sila nagkaanak ng babae ni Vivian." "Si Audrei ang nag-iisang anak na legitimate, ganoon?" "Pero Farquharson din ang apelyido ng batang ito... Narinig n'yo naman, hindi ba? Tinawag niyang Papa si Aris!" "Hindi kaya anak niya sa labas? Kawawang, Audrei, siya ang legitimate child pero hindi nakasama nang matagal ang ama..." Kaya nakapagtatakang isa ako sa mga nagbigay ng mensahe. Mga malalapit lang na mga tao kay Papa ang nakaaalam na ampon niya ako. Ayon kay Papa, hindi iyon para ikahiya ako. Gusto lang daw niya akong protektahan. Tama si Lolo, kahilingan ni Papa ang makapagsalita ako ngayon sa ngalan niya. Pagkatapos mag-alay ng mga bulaklak at panalangin ay inilabas na si Papa sa mansion at isinakay sa black limousine niya. "Lolo, sumakay na lang po kayo sa limousine." Bakas naman ang pagtataka sa mukha niya. "Eh, ikaw, apo?" "Maglalakad po ako, Lolo. Malapit lang naman, eh. Sige na, mauna na kayo sa sasakyan." Humalik ako sa pisngi niya saka ibinilin siya kay yaya para alalayan siyang makasakay. Dumiretso ako agad sa likuran ng limousine pagkasakay niya. Tulala lang ako habang hinihintay na umandar ang sasakyan. Natauhan ako nang may maamoy akong tumabi sa akin. Gumalaw ang mga mata ko paitaas ngunit hanggang dibdib lang ang nakita ko. Sa tangkad niya'y mukhang alam ko na kung sino siya. Slow motion akong nag-angat ng mukha para tuluyang makumpirma ang hinala ko. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa kaniya. Siya nga! "You can now blink. Baka ma-dry 'yang mga eyeballs mo tapos hindi na bumalik sa rati." Umiling siya pagkatapos ay natawa nang mahina. Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa biro niya o dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya? Napakamot na lang ako sa ulo ko. Muling nanumbalik ang lahat nang mag-umpisang umandar ang limousine. Sabi nila, mabagal lang ang takbo ng sasakyan kapag may ililibing pero bakit ang bilis-bilis ng dating sa akin. Bawat hakbang ko ay nagpapahiwatig ng kaba sa kaibuturan ng pagkatao ko. Gusto kong tumigil... Natatakot akong makarating sa pinal naming destinasyon, ang libingan ni Papa... Tila bukal ng tubig kung magsilabasan ang mga luha ko, saganang-sagana dahil sa sakit at pangungulila. Humihikbi akong tumunghay sa likod ng sasakyan kung saan nakalulan ang mga labi ni Papa. "Papa," mahinang bulong ko sa hangin. "Bagalan mo 'yong sasakyan, please," pakiusap ko. "Ayaw pa kitang ihatid..." Wala pang sampung minutos ay nakarating na kami rito sa heritage. Nag-umpisa nang mag-iyakan ang mga tao sa paligid nang ibaba na si Papa sa bukana ng butas na paglilibingan sa kaniya. Tuluyan na akong napahagulgol nang mag-umpisang mag-hysterical si Mama Vivian. Sobrang lakas ng iyak niya. Damang-dama naming lahat ang sakit na nararamdaman niya. Biglang lumapit si Kuya para yakapin at awatin siya. Namumugto ang mga matang nakatingin ako sa mukha niya. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil naka-shades na siya ngayon. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong ni Papa. Ipinatong niya ang mga palad niya sa salamin nito saka yumuko. Halos manghina ako sa sumunod na nangyari. Kitang-kita ko na ngayon ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha niya sa salamin. Sumunod kong narinig ang miserable niyang pag-iyak. Mahina lang ngunit alam kong punung-puno ng sakit katulad ng nararamdaman ko ngayon. Yumuko siya at unti-unting inilapat ang pisngi sa salamin malapit sa mukha ni Papa. "Rest well in peace, Dad," matatag niyang bulong rito. "I'll do everything to protect everything you left, especially Mafiafarquharson and her..." Sumenyas ang isang staff na ibababa na si Papa sa butas. Maingat na inilayo ni Kuya si Mama kay Papa nang kumalma ito kaunti. Napahakbang ako bigla. Nang gumalaw kaunti ang kabaong ay napatakbo ako agad papalapit kay Papa. "Papa!" umiiyak kong ani habang nakayakap sa kabaong niya. "Sabi mo walang iwanan... Papa!" Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kabaong. "Ikaw ang mundo ko, Papa! Ikaw ang buhay ko, Papa... Ikaw lahat... Paano na ako?" "Akira, matutumba 'yang kabaong ng Papa mo," mahinahon ngunit makahulugang saway sa akin ni Mama Vivian. "Let her, Vivian...Hayaan mo ang batang mailabas niya ang sakit sa loob niya... after all, this is the last time that she's with her father." Hindi na siya sumagot kay Lolo pero ramdam kong hindi niya nagustuhan ang pagsaway sa kaniya. "Hinding-hindi kita kalilimutan, Papa... Nandito ka lagi sa isip at puso ko," matatag kong bulong sa kaniya. "Basta lagi mo akong gagabayan, ha? Mahal na mahal kita..." Malungkot ang pagpapaalam namin kay Papa. Napakasakit... But life must go on. Kailangang sanayin ang sarili na wala na siya para sa hinaharap... Habang ibinababa si Papa ay parang isinasama ang puso ko. Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko, dinadama ang nahuhuling sandali habang si Kuya naman ay tahimik lang na nanonood. Sa tuwing tutulo ang luha niya ay napapalunok siya. Napansin yata niyang kanina pa ako napapasulyap sa kaniya. "Here... Your face is so wet." Nakalahad ang isang panyo sa ibaba. Ngumiti ako nang tipid bago tinanggap ito. "Salamat..." Hindi na siya umimik. Muli naming itinuon ang mga atensiyon namin kay Papa. Pagkatapos ng libing ay bumalik din kami agad dito sa mansion. May nakahandang salusalo para sa mga bisita at film viewing para kay Papa. Lahat ng mga ito ay nakahanda na sa garden. Ayaw ko sanang lumabas ng kuwarto pero ayaw kong magmukhang bastos sa mga bisita kaya nagdesisyon akong lumabas. Suot ko ang white crop top t-shirt at pencil shaped maong skirt na lagpas tuhod. Pinaresan ko na lang ng white sneakers na shoes. Inilugay ko ang buhok kong may pagkakulot-kulot sa dulo pagkatapos ay isinuot ang white lace headband ko. Gusto ko 'yong mga ganitong style and get up, simple lang. Nagtungo ako agad dito sa garden at agad hinanap ng mga mata ko si Lolo. Maluwang ang garden at sobrang fresh ang ambiance. Sa gitna ay may napakalaking pool pagkatapos ay puro carpet grass na sa floor. Ficus pumila plants are perfectly crawled in every part of the wall, very green. Sa mga sulok ay mga punong kinuha pa sa gubat. Wild plants are everywhere. There's also man-made falls in the corner, located in the left side of the garden. It was made of imported rocks with different shapes and colors. Water is gracefully falling down to the cute fishpond with full of coi fishes. Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang mapansin kong parang kanina pa may nakatingin sa akin. Sa sobrang ganda ng garden ay hindi ko na napansin ang sawang nakapulupot sa lalaking nasa hindi kalayuan mula rito sa kinatatayuan ko. Este, babaeng nakapulupot pala. Nakaupo sa brown na sofa ang kapatid ko habang kalong-kalong ang babaeng kasama niya kaninang umaga. "Ang daming upuan, Ate, kalat-kalat! Diyan ka pa talaga naupo," I murmured like a prayer. Si Kuya naman ay walang kakurap-kurap na nakatingin lang sa gawi ko. Baka natuklaw na ng ahas! Este, ng babae sa kandungan niya. Dahil hindi ko sure kung sa akin siya nakatingin ay nagpasya akong lumapit kay yaya para itanong kung nasaan si Lolo. Abala siya sa pagse-serve sa mga bisita. "Yaya, Nasaan si Lolo?" "Ha? Nandiyan lang kanina, hija... Kung wala ay baka pumasok na sa kuwarto niya para magpahinga." Lumapit ako kay yaya. "Yaya, wala po ba kayong napapansin na bisita ko rito?" bulong lang ang ginawa ko. "Alam mo namang pribado lang ang araw na ito, 'di ba, hija?" ganting bulong niya sa akin. "Sige na. Hanapin mo na lang muna ang Lolo mo..." Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Sadyang malagkit ang titig na iyon sa isang banda kaya muli akong tumingin sa gawi nila. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay nang makumpirma kong nakatingin pa rin si Kuya sa akin. Problema ba niya? Habang nakikipagtitigan ako sa kaniya ay biglang naalarma ang mga bodyguards na nagbabantay rito sa loob. Lahat sila ay patungo sa gate. Narinig ko na lang na parang may sumisigaw na lalaki sa labas ng gate. Nang makalabas ang mga bodyguards ay agad nilang ini-locked ang gate na siyang ipinagtaka ko. Siguradong may nangyayari sa labas. Bukod sa gate rito sa garden ay may makitid pa na pasilyo patungo sa isang tagong gate palabas. Walang pag-aalinlangang binaybay ko ang daan patungo roon. Habang naglalakad ako sa madilim na daan ay nagulat ako nang biglang may humablot sa akin papasok sa isang madilim na silid dito. Nakatakip ang kamay siya sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Pinilit kong kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi na ako makahinga dahil sa takot sa dilim at sa kabang nag-uumpisa ko nang maramdaman. Mukhang naramdaman naman niyang parang nauubusan na ako ng hininga. Tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa bibig ko. Tanging ang malakas kong paghinga at mahina niyang paghinga ang naririnig sa madilim na sulok na ito. Nagsasagutan kami gamit ang mga hininga namin. Nang makabawi ako ng hangin ay bumuwelo ako para sumigaw ngunit hindi na ito natuloy nang may biglang tumakip na malambot na bagay sa mga labi ko. Napakalambot at napakatamis, parang ang sarap tugunin pero kabaliwan lang iyon! Naalarma ako nang gumalaw ito at parang pinipilit akong tugunin ang bawat paggalaw nito. Napakabango ng hininga niya, nakababaliw... Natauhan ako nang unti-unting nag-si-sink in ang ginagawa niya. Hinahalikan niya ako! Hinahalikan ako ng taong 'to! Ang first kiss ko! Alas-sais na ng gabi. Katatapos lang naming mag-early dinner at film viewing. Nagsiuwian na rin ang mga bisita. Tahimik na ulit ang buong mansion. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko habang nakahiga rito sa malambot kong kama, tulala sa kulay-puting bubida sa itaas. Sino namang mag-de-dare sa mga bisita na halikan ako? Para akong mababaliw sa kaiisip. Kung sino man siya, suwerte niya! First kiss ko kaya 'yon! Nakaiiyak! Bigla kong naalala ang nangyari kanina matapos niya akong halikan. Flashback Dahil sa pagkabigla'y hindi ako makagalaw. Naramdaman kong mas dumiin at lumalim pa ang klase ng paghalik niya sa akin. Halos masugat na yata ang mga labi ko. Saglit lang iyon dahil kumawala rin siya agad. Rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya nang malalim. "Who are you?" ang tanging lumabas sa bibig ko habang nakaangat ang mukha sa kaniya. Wala akong nahintay na kasagutan mula sa kaniya. Dahil madilim ay hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi rin siya nagsasalita kaya wala akong ideya kung paano ko siya makikilala. Naramdaman ko na lang ang pagbitiw niya sa akin. Mayamaya pa ay naririnig ko na ang mga yapak niya palayo sa akin. Sumunod kong narinig ang pagbukas ng pinto. Madilim din ang pasilyo sa labas kaya malayong makilala ko siya. Pumuhit pasara ang pinto. Doon lang ako nakahinga nang maayos. Nang mahimasmasan ako ay nagmamadali akong lumabas. Paglabas ko ay nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit walang ni isang tao. Napatingin ako sa garden nang may marinig akong halakhakan. Naglakad ako palapit para makita kung sino ang mga iyon. Bumungad sa akin sina Mama Vivian na nakikipagtawanan kina Kuya at sa kasama nitong babae kanina. "You're so funny, Carmela! I can't believe na may pagkabaliw ka rin pala!" Mama Vivian said while still laughing. "Baliw? Sino ang baliw?" tawang-tawa naman na balik ng babae sa kaniya. Inilipat ko ang atensiyon kay Kuya Audrei na nakahawak pa sa baywang ni Carmela. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Hindi kaya.... Pero hindi, eh! Bakit naman sana niya ako hahalikan? Magkapatid kami at malayong magkagusto siya sa akin. Saka narito siya sa garden kasama sila. Hindi siya 'yon pero sino? "Oh, Akira is here," manghang ani Carmela nang mapansin niya ako. "Akira, right?" "Opo..." Maayos naman ang pagkaka-approached niya sa akin. Nakahihiyang hindi sumagot. Pati tuloy sina Mama at Kuya ay napatingin sa gawi ko. Hindi pa ako nakababawi sa nangyari kanina ay parang mapapasubo na naman ako. "Come, join us!" nakangiting aya ni Carmela sa 'kin. Nag-aalangan akong tumingin kay Mama papunta kay Kuya. "Hindi na po. Ayaw ko po'ng makaistorbo sa inyo... May hinahanap lang po kasi ako... May..." Natigilan ako dahil parang nag-aalinlangan akong magtanong sa kanila. Itatanong ko sana kung may napansin silang taong lumabas mula sa pasilyo. Biglang umatras ang dila ko. Matamang naghihintay naman sila ng sasabihin ko. "Nakita n'yo po ba si Lolo?" Napangiwi ako. "He's in the kitchen," sagot ni Kuya habang tila kanina pa ako pinag-aaralan. "Salamat... Pupuntahan ko lang po siya saglit. Maiwan ko na po kayo rito..." "Akira, darating ang Attorney ng Papa n'yo mamayang gabi. Be prepared," bilin ni Mama. "Okay po, Mama..." Ngumiti ako sa kanila bago naglakad papunta ng kitchen. End of flashback "Akira, hija, narito na si Attorney Romualdez," paalam ni yaya pagkatapos niyang kumatok. "Bumaba ka na..." "Opo, yaya..." "Sige... Dumiretso ka sa kuwarto ng Papa mo, ha?" "Opo..." Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay bumangon na ako mula sa mahabang pagkakahiga ko rito sa kama. Tinahak ko agad ang daan papunta sa kuwarto ni Papa paglabas ko ng kuwarto ko. Tumigil ako nang matapat ako rito sa pintuan ng kuwarto ni Papa. Alam kong may mahalaga kaming pag-uusapan kaya rito kami mag-uusap. Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok. Nagulat ako nang maabutan ko si Kuya na nakaprenteng nakaupo sa dulo ng maroon na sofa rito. "You look surprised." Ngumisi siya sabay iling. It feels like there is this undetermined connection everytime our eyes meet.... Umiling na lang ako para maiwaksi ang mga iniisip ko. "Akala ko kasi walang tao." Isinarado ko agad ang pinto saka dahan-dahang naglakad palapit at naupo sa dulo ng kama ni Papa. Nasa gilid naman ang sofang kinauupuan niya. Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang nakatingin sa akin. "Lagi ka ba rito?" biglang tanong niya. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para lumingon sa kaniya. Bagay na ikinatuwa ko para hindi ako mailang. Hindi kasi kami magkaharap. Nakapuwesto siya sa gilid ko tapos ako naman ay nakaharap mismo sa pintuan. "Oo, noong nabubuhay pa si Papa." "Good for you." "Masyadong malaki ang mansion para sa amin ni Papa. Noong maliit ako, sobrang takot na takot akong maiwan mag-isa sa kuwarto ko kaya kinakatok ko siya rito. Ang ending, makikitulog ako sa kaniya... Noong nagdalaga ako, unti-unti kong sinanay ang sarili ko na mapag-isa sa kuwarto kaya 'yon..." Tumigil ako nang bigla niyang itaas ang kamay niya. Pinagkrus niya ang mga binti saka tumingin sa akin nang seryoso. "You're not yet a lady. You're only sixteen kaya hindi ka pa dalaga." Napamaang tuloy ako nang 'di oras. Napabilang tuloy ako sa mga daliri ko. Pakiramdam ko kasi ay dalaga na ako! Lintik kasi na first kiss 'yon! Ang aga palang na-devirginized 'tong mga labi ko! "Oo nga, 'no? Kasi..." Hindi ko naman puwedeng ikuwento ang nangyari kanina baka pagtawanan pa niya ako. "Malapit na 'yon, Kuya." "Two years more. Malayo pa," agap niya. Kung close lang kami ay baka nasapak ko na siya. Feeling ko tuloy may kuya na ako! "Gusto ko na talagang maging dalaga, Kuya... 'Yong ganap na maging dalaga. I mean, more mature and stronger than before. Kasi wala na si Papa..." Bumuntong-hininga ako't napatingala. "I'm sorry kung nag-o-open up na ako sa 'yo. Para lang alam mo kasi Kuya naman kita, 'di ba?" Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "Sana nga, Kuya, rito ka na lang, eh. Para may kasama kami ni Lolo. Pasensiya ka na sa mga nasabi ko noon. Nabigla lang ako, Kuya, noong sinabi mong sasama ako sa 'yo. Gusto ko nga sana sama-sama na lang tayo rito sa Sitio Clavaricia pero alam ko namang hindi puwede." "We will be together if you come with me. Iwan mo ang buhay rito sa Sitio at mag-umpisa kasama kami." Hindi ako makasagot. Ang ending ay nakatingin lang ako sa kaniya. "It's no and I respect that," wika niya nang hindi niya ako mahintay na sumagot. "I hope you will change your mind after the meeting with Attorney." Napatayo kaming dalawa nang bumukas ang pinto at inuluwa si Mama. Mula kay Kuya ay napunta sa akin ang tingin niya. Mayamaya pa ay may pumasok muli na isang lalaki na naka-american suit. Naglakad si Kuya palapit saka nakipagkamay rito. "Good evening, Attorney Romualdez," bati sa kaniya ni Kuya. "Oh! Audrei?" hindi makapaniwala na tanong ng matanda. "Yes, it's me." "Oh! Long time no see!" Yumakap siya kay Kuya saka tinapik-tapik sa balikat. "Look how you grown up so well, big man! I am so happy to see you again!" "Me too, Attorney! Maupo po kayo!" "Not here, son. Sa office na tayo ng Daddy mo mag-uusap," singit ni Mama. "Is that so? Then let's go!" Nag-umpisa na silang maglakad papunta sa office ni Papa. Pinauna ko muna sila bago ako sumunod. Nang makaupo kaming lahat ay agad na inilabas ni Attorney ang suitcase niya. Binuksan niya ito sa ibabaw ng table saka sinuri ang mga papeles. "Before we proceed to our main agenda, I would like to say my sincerest sympathy to your family about the sudden death of Aristo who used to be my close friend and loyal client for sixty five years..." "Thank you, Attorney. I appreciate you," naiiyak na sabi ni Mama. Matapos ang kuwentuhan at kumustahan ay nag-umpisa nang maging pormal ang lahat. End of Aki's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD