"Ano?! Wala kang pera?! Wala kang silbi!" nanggagalaiting bulyaw ni Mama sa 'kin.
"Pinambayad ko po kasi sa miscellaneous sa school, Mama--"
"Huwag mo akong matawag-tawag na Mama! Wala kang silbi! Palamunin! Ilang beses ko nang sinabing itigil mo na ang putang-inang pag-aaral na 'yan at magtrabaho pero hindi ka nakinig!" Napaiyak ako sa tinuran ni Mama.
"Huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko! Lumayas ka at maghanap ng pera! Huwag na huwag kang babalik na walang dalang pera, naiintindihan mo?!"
"Naintindihan mo ba, Adrianna?!"
"O-opo. Opo."
Lumabas ako ng bahay na hindi alam kung saan pupunta. Naka-school uniform na ako pero nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako. Saan ako kukuha ng pera? Ubos na ang laman ng wallet ko. Seventy pesos na lang ang natira. Siguradong naghihintay na rin sa 'kin si Benedict sa eskuwelahan. Hindi ako nagpapasundo sa kanya kasi hindi siya puwedeng makita ni Mama.
Hay... Ano bang gagawin ko? Papasok ba ako o hindi?
Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang pumasok. Mamaya na lang siguro ako maghahanap ng paraan para magkapera. Narinig kong patung-patong na ang utang ni Mama kaya siguro mainit ang ulo niya kanina.
Hahakbang na sana ako paalis sa harap ng bahay nang makasalubong ko ang isang galit na galit na ale.
"Regina!" malakas na sigaw nito at nilagpasan ako. Kasunod nito ang tatlo pang ale. Nataranta ako nang malakas nilang kinalabog ang pinto.
"Regina! Bayaran mo ang utang mo kung hindi ipapa-barangay kita!"
"Regina, lumabas ka diyan!!!"
Bumukas ang pinto at hinarap sila ni Mama.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yong wala pa akong pera? Pambihira ka naman, Luding! Babayaran naman kita huwag kang mag-alala!"
"Aba't! Ikaw pa ngayon ang matapang?! Ikaw na nga ang may utang ikaw pa ang nagtatapang-tapangan! Bayaran mo ang utang mo kung hindi ipapakulong kita! Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" galit na bulyaw ng babae at umalis kasama ang mga alipores niya.
Napatda ako nang bahagya sa aking narinig ngunit nagawa ko pa ring ihakbang ang aking mga paa. Parang sirang plaka na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ale.
Ipakukulong niya si Mama.
Hindi. Hindi maaaring makulong si Mama. Kailangan kong gumawa ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya. Pero paano?
Napabuntong hininga ako. Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa tapat ng university. Malapit lang kasi ito sa bahay. Walking distance lang.
"Ayy! Palaka!"
"Pft!"
"Benedict naman, eh! Bakit ka ba nanggugulat?"
Napahawak ako sa aking dibdib. Muntik ko pang mabitawan ang librong hawak ko dahil bigla na lang akong hinalikan ni Benedict sa labi.
"Sorry, Love. Hindi ko napigilan, eh. Payakap nga." Hindi pa man ako nakasagot ay niyakap na niya ako nang mahigpit. Napapikit ako ng maamoy ko ang kanyang pabango. This is my safe haven. My paradise. In his arms.
"Kanina pa kita hinihintay rito. Bakit ang tagal mo? Hmm?" Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.
"Sorry. Na late ako ng gising, eh" pagdadahilan ko pero ang totoo'y maaga pa talaga akong nagising kanina. Marami lang akong ginawa sa bahay.
"Sorry, Love. Napuyat ba kita kaka-text ko sa 'yo kagabi?" namumungay na tanong nito. Guilt is written all over his face.
"Hindi naman. Napasarap lang kasi ang tulog ko eh. Tsaka huwag mo na lang isipin 'yun, okay?" Tumango ito at niyakap na naman ako.
"I missed you," bulong nito na ikinalambot ng puso ko. Ngunit nang ma-realize kong marami palang nakatingin sa'min ay mabilis akong kumalas sa yakap niya.
"I think we need to go Benedict, mali-late na ako," wika ko.
"Alright. Ihahatid na kita sa classroom mo, Love," malambing niyang sabi at hinawakan ang aking kamay. Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanghusgang tinging ipinupukol sa 'kin ng ibang mga estudyante. Simula nang tinanggap ko si Benedict sa buhay ko ay tinanggap ko na rin ang katotohanang kalaban ko ang mundo. At wala akong pakialam dun, ang mahalaga ay masaya ako kapag kasama ko ang taong pinakamamahal ko.
"Susunduin kita mamayang lunch break, okay?" Tumango ako at ngumiti kay Benedict. Pareho kasing three hours ang vacant namin mamaya kasama ang lunch break kaya palagi kaming magkasama tuwing kakain.
"Okay." Napapikit ako nang halikan niya ako sentido at pinisil ang aking baba bago ito umalis. Nasa kabilang building kasi ang klase niya.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang likod ni Benedict bago ako pumihit papasok ng room, ngunit hindi ko inaaasahan ang aking makakasalubong. Si Tita Trina, ang mommy ni Trixie.
"Tita."
"Adrianna, sana pag-isipan mo ang sinabi ko. Ikaw lang ang makakatulong para sumaya ang anak ko. Marami naman nang nagawa para sa'yosi Trixie, sana naman this time ay makapagparaya ka para sa kanya."
"Tita, hindi ko alam. Natatakot ako..."
"Alam kong kailangan mo ngayon ng pera para mabayaran ang utang ng Mama mo.I can help you, Adrianna.Kalahating milyon kapalit ng paglayo mo kay Ashton."
May kinuha ito sa kanyang bag ang inilagay sa aking kamay. Napaawang ako.
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Adrianna. Bata ka pa at may makikilala ka pang magmamahal sa'yo nang husto. I just want my daughter to be happy and help your family at the same time."
Agad niya akong tinalikuran pagkatapos niyang sabihin iyon. Naiwan akong nakatulala.
BUONG KLASE ay lutang ang aking utak. Tao lang ako at may kahinaan din, and I admit, nae-engganyo akong gamitin ang tsekeng ibinigay sa 'kin ni Tita Trina.Siguro tama nga ang sinasabi nila na sa oras ng kagipitan ay hindi mo maiiwasang kumapit patalim kahit na ang kapalit nito ay ang pagkawasak ng pagkatao mo.
Gusto kong sumbatan si Tita at ipamukha sa kanya na walang katumbas ang pagmamahal ko kay Benedict ngunit parang may bumubulong sa 'kin na tama nga naman siya. Kailangan na kailangan ko ngayon ng pera dahil ayaw kong makulong si Mama.
"Love? May problema ba? Kanina pa kita napapansin simula nang sinundo kita sa klase mo. Ang tahimik mo. I'm worried."
Natigilan ako nang hinawakan ni Benedict ang aking kamay. Kakatapos lang naming kumain at kasalukuyan kaming nagpapahinga sa favorite spot namin dito sa loob ng university.
"W-wala naman."
"Are you sure? Hindi ako naniniwala. Kanina ko pa napapansin, something's bothering you. Is it your Mom again?"
Napabuntong hininga ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat habang nilalaro nito ang aking kamay.
"Naisip ko lang kasi... hanggang kailan natin itatago kay Mama itong relasyon natin? Paano kung paghiwalayin niya tayo. Paano kung--"
"Shh... Enough about that, Adrianna. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako mawawala sa 'yo, tandaan mo ''yan. Huwag mo nang isipin 'yan at huwag kang malungkot."
Kinuha nito ang kanyang gitara at nagsimulang kumuskos. Palagi niya itong ginagawa sa tuwing nalulungkot ako.
Napangiti ako nang mapait sa aking isip. Tamang-tama talaga ang kanta sa sitwasyon ko ngayon.
Sana gano'n lang kadali ang lahat. Sana sa isang kisap lang ay mawawala lahat ng problema ko. Sana nakikiayon na lang sa 'kin ang tadhana.
Tumulo ang aking mga luha. Paano ko kaya maatim na iwanan ang lalaking walang ginawa kundi ang pasayahin ako? At handa siyang gawin ang lahat para sa 'kin. Kung puwede ko lang talaga talikuran ang lahat at piliin ang kaligayahan ko. Ngunit hindi ko iyon kaya, masasaktan si Mama.
Minsan naisip ko, sana hindi na lang ako si Adrianna Colleen Pelaez. Sana isa lamang bangungot ang lahat ng ito. Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana. Ayaw niya talagang pasayahin ako. Pinili kong saktan siya at iwanan kasabay ng pagkawasak ng aking pagkatao at ang pagkamatay ng aking puso...