MALAKAS NA TUNOG ng alarm clock ang gumising sa 'kin hudyat na alas singko na ng umaga. Ininda ko ang p*******t ng katawan ko at sapilitang bumangon. Kailangan ko nang umpisahan ang paglilinis para matapos ko ito bago magdilim mamayang hapon. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago lumabas. Suot-suot ko pa rin ang aking damit pantulog. Anong oras kaya umuwi si Benedict? Hindi ko narinig ang tunog ng sasakyan niya kagabi. Tanga. Paano ko maririnig eh, sa sound proof nga pala ang bawat silid dito sa mansyon. Tahimik kong tinahak ang pinto palabas ng kuwarto ngunit napatigil ako nang mapansing nakatiwangwang ang pinto sa katabing guest room. May bisita ba si Benedict? Ngunit ang nakakapagtataka ay maingay sa loob. Bakit kaya iniwang nakabukas to? Wala sa sariling naglakad ako palapit sa p