Prologue
"Ayoko talaga. Alam mo naman ang sitwasyon ko rito sa bahay, 'di ba?"
"Hay naku, kami na nga ang bahala sa 'yo, Besh. Puntahan ka namin d'yan ni Bernadette sa bahay niyo. Papayag 'yan si Tita. Trust me."
"I don't think so. Next time na lang kaya? Hindi naman siguro magagalit sa'kin si Benedict. Maiintindihan naman niya ako."
"Puro ka na lang next time, hindi ka ba naaawa sa boyfriend mo? Seriously, Adrianna? Hindi ka man lang umi-effort para sa relasyon niyo. Siya na lang palagi. Ang kailangan mo lang naman gawin ay siputin siya sa date niyo. Ginagawan na nga namin ng paraan ayaw mo pa. Baka magsawa 'yon sa'yo at hiwalayan ka, ikaw rin." Natigilan ako at kumibot ang sentido ko.
"O siya, sige na nga. Payag na ako. Basta ha? Malalagot ako kay Mama 'pag malaman niyang kekerengkeng na naman ako."
Narinig ko ang pagtawa ng bestfriend ko sa kabilang linya. Pinipilit niya akong siputin ang date namin ni Benedict, ang boyfriend ko. I am quite hesitant. Baka kasi malaman ni Mama ang totoong pupuntahan ko, tiyak na mag-s-shopping na naman ang laway niya sa pisngi ko. Parang bazooka pa naman ang bunganga niya 'pag pumutak.
"Magpalit ka na ng damit at hintayin mo ako diyan. Isuot mo 'yung binigay ko sa'yo nang gumanda ka naman kahit isang araw lang," aniya at sinundan ng tawa.
Umirap ako kahit hindi niya nakikita. Pagkababa ng tawag ay agad akong nag-ayos tulad nang ibinilin niya. Medyo mainipin pa naman ang isang iyon. Gano'n pa man ay pakiramdam ko napakasuwerte ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nila. Bernadette and Trixie are my tandem in crime. Lahat ng ginagawa ko ay suportado nilang dalawa. Meeting them is beyond luck, it's more of a blessing. Kasi kahit malayo ang katayuan namin sa buhay ay kinaibigan pa rin nila ako.
Pagkatapos ng isang oras ay narinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay. Nasa sala s***h kusina si Mama pagkalabas ko ng kuwarto. Iisa lang kasi ang sala at kusina namin sa bahay. May hawak na naman siyang bote ng alak kahit ang aga-aga pa. Hindi ko agad nagawang magsalita dahil dire-diretsong pumasok ang dalawa.
"Hi Tita!"
"Good morning, Tita!"
Sabay silang bumati kay Mama. Nakuha agad ng mga ito ang atensyon ng huli. Bumaling ito sa kanila. "Oh? Nandito pala kayo."
"Yes, Tita. Susunduin sana namin si Adrianna, may gagawin po kaming group project, deadline na namin sa Lunes pero hindi pa namin nagagawa," agarang sagot ni Trixie.
Nagkatinginan kami ni Bernadette at tumawa siya gamit ang kanyang mga mata.Yumuko na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Ang galing talagang gumawa ng kuwento ni Trixie.
"Hindi p-puwede, bukas niyo na lang gagawin ang project na 'yan. Maglalako pa 'yang si Adrianna para may pambili kami ng bigas mamaya." Napakagat ako ng labi, mukhang walang lusot ang dalawa.
"Naku, hindi na po kailangan, Tita. Ito pambili ng bigas, sa'yona'yan."
Nangislap ang mga mata ni Mama nang inabutan siya ni Trixie ng buong isang libo. Hindi ko na rin nagawang mag-react dahil agaran kaming tinaboy ni Mama paalis.
"O siya, salamat dito. Umalis na kayo para matapos niyo agad ang project niyo," anya. Hinatak naman ako ng dalawa palabas. "Thanks, Tita!"
Saka ko lang napansin na pigil-pigil ko pala ang aking hininga nang makapasok na kami sa sasakyan. Nasa passenger seat si Trixie umupo, at kami naman ni Bernadette dito sa likod.
"Sabi ko sa'yo kaming bahala, eh. Kitams, walang kahirap-hirap, pumayag agad si Mamamo." Ngiting tagumpay ang dalawa nang pinaandar na ng driver ang kotse.
"Seriously, girls. Baka masanay si Mama na sinusuhulan niyo siya para lang makaladkadniyo ako paalis ng bahay." Sumandalako sa headrest.
"Hayaan mo na, barya lang naman sa kanya ang isanlibo. Isa pa para naman sa kaligayaha mo ang ginagawa namin," sabat ni Bernadette. Napasentido na lamang ako sa kanilang dalawa.
"Teka, akala ko ba magkikita kami ni Benedict? Bakit dito niyo naman ako dinala? Dito ba kami magdi-date?" Nagtaka ako nang tumigil kami sa harap ng kanilang bahay.
"Siyempre, kailangan ka muna naming pagandahin para lalo pang ma-in loved sa 'yo si Benedict mo." si Trixie. Bakas sa mukha nito ang kapilyahan. Mukhang mas excited pa siya kesa sa'kin.
And they did. Pagkapasok namin sa loob ay may naghihintay nang kaibigan niyang bakla para ayusan ako. Pakiramdam ko tuloy ikakasal na ako.
"Marj, ikaw na ang bahala sa bestfriend namin, ha? Pasok lang kami sa kuwarto," bilin niya sa bakla.nandito kami sa sala ng kanilag bahay.
Inabot din ng ilang minuto ang pagkolorete sa aking mukha at maging ang buhok ko ay pinakialamanan. Kahit nakalugay ay bahagya na itong kulot sa dulo. I felt satisfied though.
"Sandali lang Marj, ha? Puntahan ko lang ang dalawa sa veranda. Baka kasi naghihintay na ang boyfriend ko. Kung anu-ano pa kasi ang ginagawa nitong dalawa sa 'kin," sabi ko sa bakla.
"Sure, ateng.pero tiyak na lalong magiging clingy sa 'yo ang dyowamo 'pag nakita ka niya," aniya. Tumawa ako.
Pumasok ako sa kuwarto ni Trixie. Alam ko na kasi ang pasiko-sikot dito sa loob ng kanilang bahay dahil palagi niya kaming dinadala rito ni Bernadette.
"Besh? Tapos na ang—"
Natigilan ako nang mapansin humahagulgol si Trixie habang inaalo ito ni Bernadette. Ni hindi nila napansin ang presensya ko.
"Tahan na. Ginusto mo 'yan. Kung bakit ba naman kasi ang masokista mo. Paano mo matutulungan ang sarili mong makalimot kung ikaw pa mismo ang gumagawa ng paraan para lalo silang magkalapit? Hayaan mo na silang dalawa. Maawa ka naman sa sarili mo, Besh."
"M-mahal ko silang dalawa," aniya.
Hindi ko agad nagawang gumalaw. Para akong sinampal ng pinto. Bumigat ang mga ulap sa aking harapan. Tila tumigil sa pag-agos ang dugo sa loob ng aking katawan.
"Hay naku, napakasuwerte ng dalawang iyon sa'yo. Ikaw itong gumagawa palagi ng paraan para regular silang makapagkita tapos ikaw pa itong pinapatay ng selos." Umiyak narin si Bernadette at niyakap ang isa. Ramdam ko ang paghihirap ng kaibigan ko.
Tuluyang bumigay ang mga ulap sa aking harapan. Mahal ko ang kaibigan ko. Wala siyang ginawa kundi ang tulungan ako kahit lihim pala siyang nasasaktan. Napakamanhid ko para hindi mapansin iyon. Napakawala kong kuwentang kaibigan sa kanya.
I stepped back and made my way out of the door, silently. 'Pag nagmahal ka, dapat buo, iyong wala kang nasasaktang tao. That day, I made a decision that changed our lives in just a snap.
©GREATFAIRY