Chapter 2

1212 Words
"Nakahanda na po a-ang hapunan n'yo, Sir," nakayukong wika ko. Ramdam ko ang malamig na titig na ipinupukol niya sa 'kin. "Leave," maiksing wika nito na parang nagpapaalis lang ng katulong. Sabagay... Katulong na nga lang pala ako sa buhay niya. Ano pa nga ba'ng aasahan ko? Hindi na siya katulad ng taong nakilala ko noon. Nakalimutan kong isa na lang pala akong utusan niya ngayon or more likely isang alipin. Noon nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa paraan ng kanyang pagtitig.Noon palagi niya akong pinapangiti kapag may problema ako. Noo'y niyayakap niya ako sa tuwing umiiyak ako.Noon para akong babasaging kcrystall kung ituring niya. "Do I have to repeat my self, Miss Pelaez? Leave!" maanghang na wika niya na ikinapiksi ko. Mabilis akong tumalikod sa kanya. Tanga ka nga talaga, Adrianna. Noon, ayaw na ayaw niyang mawala ako sa paningin niya pero ngayon... para akong basura na pinandidirihan niya. Ni halos ayaw niya akong tingnan.Gano'n na ba kasukdulan ang pagkamuhi niya sa 'kin?Unti-unting bumalong ang mga luha sa aking mga mata hanggang sa nag-uunahan na silang bumagsak. Ang sakit. Ang sakit-sakit sa dibdib. Para itong tinatarak nang paulit-ulit. Wala akong ibang sinisisi kung bakit nangyayari ito kundi ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana nagpakatatag lang ako noon.Kung sana pinagkatiwalaan ko lang siya noon.Kung sana hindi ko na lang siya iniwan sa ere.Kung sana maibabalik ko lang ang oras, gagawin ko para lang hindi ko na siya nasaktan. Dinala ako ng aking mga paa sa terasa ng kuwarto ko. Tanaw ko mula rito ang maliit na kubo sa gitna ng malawak na garden. Biglang bumalik ang lahat sa aking isip. Saksi ang garden na ito sa mga masasayang sandali na magkasama kami noon. Dito kami bumuo ng pangarap na para lang sa aming dalawa. Pangarap na imposible nang mangyari pa dahil ngayon ay isa na lamang iyong alaala. Pinunasan ko ang aking mga luha ngunit wala rin naman palang silbi. Pakiramdam ko habang pinapahid ko ang aking mga luha ay mas lalo lamang akong naiiyak. It never occurred in my imagination that we will go through this kind of situation. Sa laki ng mansyong ito ay hindi mo iisiping kami lang dalawa ang nandito. Pinagbakasyon niya ang lahat ng kawaksi at naiwan sa akin ang lahat ng gawain. Araw-araw ay naglilinis ako ng buong mansyon at sa lawak nito ay hindi ko matapos-tapos. Gusto niya talagang pahirapan ako. And I know I deserve to be treated that way. Pero kahit gano'n ay masaya pa rin ako kasi nakikita ko siya araw-araw. Malaya ko siyang napagmamasdan at minsan ay may pagkakataon pa akong nakawan siya ng halik kapag natutulog siya. Kinuha ko ang aking diary sa kwarto ko. Nagpapasalamat ako dahil imbis na sa servants quarter niya ako ilagay ay dito niya ako pinatuloy sa isang guest room. Kahit papa'no ay naramdaman kong may puwang pa rin ako sa puso niya. Sana. Bumalik ako sa terasa at umupo sa gilid ng isang paso. Mahilig sa bulaklak ang mommy ni Benedict kaya bawat terasa ay may mga paso ng iba't ibang klase ng bulaklak. Day 8 Nakatulog ako sa kuwarto niya sa sobrang pagod ko. Buong araw akong naglinis ng mansyon at sinadya kong huling linisan ang kanyang kwarto para kahit pagod na pagod na ako ay hindi ako mawawalan ng lakas dahil kuwarto niya ang nililinisan ko. Pero hindi ko pala namalayan na sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa kama niya. Grabe. Ang bango-bango kasi ng buong kuwarto niya, para akong nahipnotismo. Naabutan niya tuloy ako at pinagalitan na naman. Pero hindi bale, nayakap ko naman ang unan niya. Itiniklop ko ang manipis na notebook ko na tanging kausap ko araw-araw. Thirty pages lang din ito. Sakto lang sa bilang ng araw ng pananatili ko rito. Iyon ang kasunduan namin, magtatrabaho ako sa kanya ng isang buwan. Ayos lang sa 'kin dahil free naman ang pagkain at tinutulugan ko. Wala rin naman akong luho sa katawan kaya wala ring problema. Hindi na rin ako bumibili ng mga bagong damit. Para ano pa? Niyakap ko ang notebook at sumandal sa pader. Ang bilis namang tumakbo ng mga araw. This is my eighth day with him and I only have twenty-two days left pero parang wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa 'kin. Gano'n pa rin. Mas malamig pa sa matigas na yelo. Magagawa ko pa kayang maangkin ang kapatawaran niya sa loob ng dalawampu't dalawang araw? Sana nga. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na wala na siyang nararamdaman sa 'kin ngunit iba ang isinisigaw ng aking dibdib. I'm hypocrite if I say I'm not hoping for it. Minsan kasi masaya ring umasa at magpakatanga. At least nababawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Tumingala ako sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at marami ring bituin na nagkikislapan. Minsan naisip ko na sana naging buwan na lang ako para mabigyan ko ng liwanag ang kadiliman. Napangiti ako nang mapait. Bakit ba lahat ng gusto ko sa buhay ay puro na lang sa ilusyon ko? Lumaki ako ng walang ama at isinumpa ako ng sarili kong ina. Buong buhay ko ay ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako ngunit nabigo ako. Isa lang akong pagkakamali at basura para sa kanya. Hindi niya matanggap na wala siyang nakuhang pera matapos magpabuntis sa isang matandang mayaman. Namatay raw kasi ang aking ama dahil nalugi ang kanilang negosyo. Kinuha lahat ng bangko ang ari-arian nila at nakulong ang kanyang anak at asawa. Inirehistro ako ni Mama sa apelyido ng aking ama dahil ayaw niyang dalhin ko ang kanyang apelyido. Sabagay, hindi nga pala niya ginustong maisilang ako sa mundo. Pero kahit gano'n ay mahal na mahal ko pa rin ang aking Mama dahil binuhay niya ako at pinalaki. Nang dumating si Benedict sa buhay ko ay para akong nakaahon mula sa pagkakalugmok. Napangiti ako nang maalala ko ang nakaraan namin. Siya ang nagsilbing tagapagtanggol ko noon, sandalan at naging kaibigan. Hindi ko akalaing nahulog kami sa isa't isa kahit bata palang kami noon. Palagi niya akong sinosorpresa noon at pinaramdam niya sa 'kin na ako ang pinakaimportanteng babae sa mundo. Palagi niyang ninanakaw ang wallet ko noon at nilalagyan ng pera at palihim na ibinabalik. Akala ko noon si Mama ang naglalagay kaya napakasaya ko pero nahuli ko siya nang minsang ibinalik niya ito sa aking bag. Ayaw raw niyang nahihirapan ako kaya ginawa niya iyon. Prinsesa raw kasi ako ng buhay niya. Ngunit nang dahil sa katangahan at isang pagkakamali ko ay nawala sa 'kin ang pinakamamahal ko. Scratch that. Hindi pala siya nawala dahil iwinala ko siya. Napakatanga ko. Sinaktan ko at iniwan ang kaisa-isang tao na walang ginawa kundi mahalin ako nang higit pa sa buhay niya. Kaya ngayon titiisin ko ang lahat para sa kanya. Kinuha ko ang solong litrato niya na nakaipit sa diary ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinalikan ito. "Mahal na mahal kita, Benedict... Mula noon hanggang ngayon" bulong ko. Napangiti ako sa gitna ng aking pagluha. Nahalata kaya ni Benedict na nawawala ang isang litrato niya sa sala? Napatigil ako nang marinig ang malakas na pagkalabog ng pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako lalo na nang marinig ko ang malakas na sunod-sunod na katok mula sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD