Chapter 1

1130 Words
"Love, please? Mamaya na ako uuwi. Dito muna ako, please? Mga thirty minutes pa, sige na." Napairap ako nang ngumuso na naman ito na parang nagpapaawa. Batid niyang hindi ko siya matitiis 'pag ganitong ginagamitan na naman niya ako ng pagpapa-cute niya. Pero ngayon kailangan ko na talaga siyang ipagtabuyan pauwi bago pa kami maabutan ni Mama rito sa bahay. "Tigilan mo ako, Benedict. Hindi 'yan uubra sa 'kin ngayon. Kanina pa naubos ang thirty minutes mo. Umuwi ka na. Ano na lang ang sasabihin ni Tita na ginagabi ka nang umuwi? Halos dito ka na nga tumira sa bahay!" Bumagsak ang balikat niya at dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata. Bigla naman akong nakonsensya. Pero hindi talaga puwedeng magtagal pa siya rito sa bahay. As much as I wanted him to stay pero baka maabutan pa siya ni Mama at magalit na naman ito sa 'kin. Ayaw na ayaw no'n na lumalapit ako sa mga lalaki. Hindi nga niya alam na may boyfriend na ako. Lihim lang ang relasyon namin ni Benedict. "Okay," aniya at kumibit ng kanyang balikat saka dinugtungan ang kanyang sinabi. "Basta ba sumama ka na lang sa bahay. Hindi pa nga ako umaalis name-miss na kita, eh..." "Hindi pa tayo mag-asawa, feelingero ka. Uso pong maghintay at umuwi ka na bago ka pa maabutan ni Mama." Tumawa ako at itinulak siya. "E, 'di pakasal na tayo bukas na bukas din, para palagi na nating ma-solo ang isa't isa," walang kaabog-abog na wika nito na animo'y bibili lang ng bagong gamit. Nag-puppy eyes din ito sa harap ko na ikinalunok ko. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan sa puno ng tenga ko. Napapikit ako sa kakaibang sensasyong idinulot ng kanyang ginawa. Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. "I love you so much, Adrianna Colleen," masuyong sabi niya. Napangiti ako. "Mahal din kita. Mahal na mahal," Napangiti ito at kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Ninakawan niya ako ng halik na siyang ikinagulat ko. "One point." Sumipol siya kaya nakatakim agad siya ng sapok mula sa 'kin. "Aray! Mahal naman!" reklamo niya. Inirapan ko siya. "Huwag mo nga akong ginugulat palagi ng halik mo." Kumamot lang siya ng batok saka pangiti-ngiti naparang baliw. Tumingala pa siya sa bubong na animo'y may kininditan siya roon. Napatingala na rin tuloy ako. Nahuli niya ako. Pumainlang ang tawanan sa kuwarto. We stayed in each other's arms, I don't know for how long. Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa tuktok at niyakap nang mahigpit bago ako inilayo sa kanyang katawan. "Uuwi ka na?" patanong na saad ko but it sounded like a command. Gusto ko na siyang umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Baka dumating si Mama mula sa casino at maabutan pa siya rito. Isa pa, gusto ko na rin siyang makapagpahinga. Gusto ko na rin siyang makapagpalit ng damit dahil naka-school uniform pa siya. "Are you sure you want me to go home?" tanong nito na parang nanunudyo. Saka ko lang na-realize na nakakapit pala ako sa braso niya kaya tinampal ko siya na ikinatawa niya. "Umuwi ka na nga. May pasok pa tayo bukas. Baka ma-late pa tayo pareho." Tinulak-tulak ko siya pero lalo lang siyang tumawa. "Sigurado ka ba talaga, Love?" Nakataas ang kilay nito at may pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Oo, kasi! Matutulog na ako, oh." Humika-hikab pa ako para makumbinsi ito. Napabuntonghininga siya at parang nalungkot. "Babantayan na lang kaya kita habang wala pa si Tita," suhestiyon nito. "Hindi na ako bata. I'm already eighteen years old, Mister!" "Kahit na. Baka pasukin ka pa rito habang wala ako," anito na parang ayaw talagang umalis. "Ashton Benedict Levine!" Napabuntong hininga na naman ito. Batid niyang 'pag tinatawag ko siya sa buo niyang pangalan ay naiinis na ako. "Babantayan na lang kita hanggang sa makatulog ka na. Please, Love? Aalis din ako 'pag nakatulog ka na. Pangako," seryosong pagmamakaawa nito. Napailing na lang ako at bahagyang tumango. He's too persistent at ang hirap niyang tanggihan. Alam ko naman na kahit pauwiin ko siya ay hindi pa rin ito uuwi. Tatambay lang ito sa sasakyan niya sa harap ng kabilang bahay at magbabantay. "Basta umuwi ka agad at magpahinga ah? Baka magkasakit ka pa sa sobrang pagpupuyat mo sa kakabantay sa 'kin." Nagliwanag naman ang mukha nito na parang nanalo sa lotto. "Alright. Matulog ka na, Love. Babantayan kita," lambing niya. I don't know why but when he said that, I felt my eyes getting heavy hanggang sa napahikab ako. "Good night, Love," he said after he tucked me in. Hinalikan niya ako sa pisngi na may tunog kaya pareho kaming natawa. "Good night," wika ko at ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa aking buhok na lalo kong ikinaantok. Hindi ko namalayan nang tuluyan nang kinain ng dilim ang diwa ko. Napabalikwas ako ng gising sa isang magara at malamig na silid. Ngunit kahit na naka-full pa yata ang aircon ay ramdam ko pa rin ang pagtagatak ng pawis ko sa aking noo. Panaginip. Panaginip na naman. Palagi na lang akong nananaginip ng nakaraan. Nakaraan na gustuhin ko mang balikan ay imposible. Gustuhin ko mang ibalik ang lahat ay hindi na maaari. Gustuhin ko mang itama ang pagkakamali ko ay huli na ako. I am six years late to correct my mistakes. And I am six years late to ask for his forgiveness. Ang mga masasayang ala-ala namin sa nakaraan ay sa panaginip na lang ngayon. Kaya kung minsan gusto ko na lang matulog habang buhay. Kasi sa panaginip kasama ko siya. Sa panaginip nahahawakan ko siya at nayayakap. Sa panaginip ay nahahalikan ko siya. Higit sa lahat ay masaya kami sa piling ng isa't isa. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko na naman pagbigat ng mga ulap na dala-dala ko palagi. Niyakap ko ang aking sarili at hinayaan na tumulo ang mga luha ko. I cried silently in this cold room. Ngunit napakislot ako nang marinig ko ang baritono at malamig na boses mula sa pinto. "I am not paying you to sleep in my room, Miss Pelaez," aniya sa malamig na boses. I composed myself and wiped my tears without his knowing. "P-pasensya na po, S-sir. H-hindi ko po namalayan nakatulog ako--" "I do not accept apology. Do your work or else--" he trailed off na animo'y nagbabanta kaya mabilis akong tumayo kahit bigla na namang sumama ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang malamig na titig nito na sinusundan ako kaya mabilis akong tumungo sa kusina at nag-umpisang magluto ng hapunan niya. You asked for this, Yana, kaya huwag kang susuko. Mapapatawad ka rin niya in no time. Napangiti ako nang mapait. Kailan kaya darating ang araw na 'yon? Kailan kaya darating ang araw na mapapatawad niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD