PAREHO silang napatigil sa paghahalikan nang marinig ang aking pagsinghap. Mabilis na tumayo sa Benedict kaya muntik na silang magkauntugan ni Trixie. Si Trixie. "Anong ginagawa mo ritong malandi ka?!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Nanginginig din ang aking mga kamay kaya napahigpit ang hawak ko sa paper bag. "A-ah..." Bigla akong napatda. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Benedict ngunit nakahalukipkip lang ito at walang emosyong nakatingin sa 'kin. "Ano?! Hindi ka makasagot! Ang lakas ng loob mong istorbohin kami!" Halos lumitid ang ugat nitong lumapit sa 'kin at malakas akong sinampal. Tumabingi ang aking mukha sanhi ng kanyang pagkakasampal. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking balat dulot nito. Masakit. Na halos gusto kong umiyak at magpa-alo