NAALIMPUNGATAN AKO nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking likod dulot ng matigas na dinadantayan nito. Napabalikwas ako nang maalalang nasa hagdan pala ako. Hinimatay na naman ba ako? Pinakaramdaman ko ang aking sarili dahil naalala kong idinuwal ko pala kanina ang lahat ng kinain ko. Nilukob ng kaba ang aking dibdib. This is really getting worse. I wonder if this is already a sign for me to give up. But I can't. I just can't give up without gaining Benedict's forgiveness. I will never give up. I need to talk to him. Ayaw kong dalhin sa kamatayan ko ang pagkamuhi niya sa 'kin. Diyos ko po! Bigyan N'yo pa po ako ng konting oras. Nanghihina akong tumayo at inilibot ang aking paningin nang maramdaman kong may nakatingin sa 'kin. At hindi nga ako nagkamali. I froze when I finally mee