DENVER POV
Napa buntong hininga ako ng malalim. Titig na titig sa akin si Diane, halatang nako curious siya sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"I need to go straight to the point. Hindi ako makikipag s*x sayo pero pwede nating palabasin na nabuntis kita. Since peke naman ang relasyon natin, mas maganda na ipeke na rin natin ang pagbubuntis mo."
Hinampas niyang bigla ang mesa kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Denver ha? Gusto mo ba talagang lokohin ang sarili mong ama? Ang gusto ni Mr. Carl ay magkaroon siya ng apo sayo, ang magiging tagapagmana ng lahat ng ariarian ninyo. Okay ka lang ba?"
"Wag na tayong maglokohang dalawa Diane. Ano ba ang ginagawa nila sa ating dalawa? Di ba niloloko rin naman nila tayo? Kaya patas patas lang naman ito. Kung pinaglalaruan nila tayo, dapat lang na paglaruan din natin sila. It's a win win situation para sa ating dalawa. Kaya kung ako sayo, pumayag ka na sa deal ko."
Napaisip siyang bigla, nakasalalay ang sagot niya sa magiging kapalaran naming dalawa. Sukang suka na ako sa pagpapaikot sa akin ni Dad at pag control niya sa buhay ko. Kaya dapat lang na turuan ko rin siya ng leksyon.
"Mukhang nahihirapan kang magdesisyon ngayon Diane. Pero wag kang mag alala, may two weeks ka pa naman para makapag decide tungkol rito. But after that, kailangan na nating bigyan kaagad ng result si Dad. Mainipin pa na man siyang tao at gusto niyang madaliin ang mga bagay bagay."
------------------------------------
------------------------------------
JOHN POV
Nandito kami ngayon sa Batangas sa bahay ng lola ko. Pero wala na siya at matagal ng abandonado ang bahay na ito at tanging care taker na lang namin ang natira pero pinaalis ko na siya dahil naiilang si Rose, gusto niya na kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay. Dito ko itinago si Rose upang ma protektahan ko siya kay Mr. Denver dahil wala akong tiwala rito. Isinakripisyo ko na nga ang magandang buhay ko sa Makati para lamang mabayaran ko ang utang na loob ko kay Rose.
Kung dati ay nasa opisina ako at puro documents ang hawak ko, ngayon naman ay nag aani ako ng mga gulat. Nakasuot ng sandong punit punit. Naka sumbrero at bilad na bilad sa araw. Namimitas ako ng mga gulay na pananim namin na siya ring kakainin namin.
Dala ang basket, kumuha ako ng talong, okra, eggplant, at kalabasang pananim namin. Magpapakbet kami ngayong araw at si Rose mismo ang magluluto.
Pag dating ko sa bahay, tulalang tulala siya at malayo ang tingin habang ang kape niya, parang hindi man lang niya ginalaw.
Umupo ako sa tabi niya at nilapag ko ang basket sa lamesa. Patuloy pa rin siya sa pagiging tulala niya kaya tinapik ko na siya sa braso.
"Okay ka lang ba?"
Lumingon siya sa akin at tiningnan niya ako ng may pag aalala, "Kamusta na kaya si Ate Diane? Sure ako na masama ang loob niya sa ating dalawa lalo na sa akin dahil sa ginawa kong pag sulsol sayo."
"Trust me Rose," hinawakan ko ang kamay niya, "Matatag na tao si Diane at alam ko na kayang kaya niya itong mag isa."
"Pero kuya, Fiance mo si Diane di ba? Bakit naman sa dinami dami ng mga babae, siya pa ang ipapain mo?"
"Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan. Pero kilala ko si Diane at nangako naman ako sa kanya na pagkatapos nito ay kami pa ring dalawa. Wala ka bang tiwala sa akin? Di ba ito naman ang kabayaran sa utang na loob ko sayo noon? I am just returning the favor."
"Basta kuya may one rule tayong susunduin di ba!?"
"Oo naman! Never tayong mai inlove sa isa't isa. Don't worry, may boundaries naman tayo at tsaka hiwalay naman tayo ng kwarto. Kaya I assured you, magiging loyal ako sa ate mo. Bilib na bilib nga ako sa kanya dahil sobrang simpleng babae niya lang. Laki siya sa province pero ngayon, sigurado akong mahihirapan siyang mag adjust."
"Paano mo nasabing mahihirapan si Ate na mag adjust? Eh kung tutuusin nga magiging marangya na ang buhay niya kasi ikakasal silang dalawa ni Denver. Lahat ng luho niya ay masusunod hanggang sa magfile ng divorce ang asawa niya."
"Siguro sabihin na nating magiging marangya ang buhay niya. But of course, ako ang mahal ng ate mo at wala siyang masyadong kakilala sa Manila. Nasa loob lang siya ng mansyon at wala siyang kaibigan."
"Pero naka kotse naman siya sa tuwing aalis siya."
"Baliktad na pala kayong dalawa ng buhay no? Kung dati siya ang nasa province, ngayon ay ikaw naman. Kapit lang Rose, masasanay din tayo sa ganitong klase ng buhay. Lalo na't ginagawa naman natin ito para sa kaligtasan mo."
Nginitian niya lang ako at napatingin siya sa basket, "Siya nga pala, kumpleto na ba 'yan? Gusto ko ng mag luto ng lunch nating dalawa."
"Ako pa ba?" medyo payabang ang sagot ko, "Dati pa naman akong probinsyano kaya madaling madali lang sa akin ang pagpitas ng mga gulay."
"Sorry ha? Gusto sana kitang samahan sa labas pero natatakot talaga akong masinagan ng araw kaya mas mabuti pang dito muna ako. Bukas naman pupunta tayo ng mall, bibili na ako ng sun block para naman pwedeng pwede akong bumilad sa araw."
"Naiintindihan ko naman. Di ba nagbabalak kang maging model bago tayo magtanan?"
"Yes, and they sent me an email invitation but unfortunately, siyempre kailangan ko nang i decline."
"Hayaan mo na 'yan, saglit lang naman ito eh. At tsaka kaya nga tayo mag gugulay ay para ma maintain natin ang magandang shape ng katawan natin."
"Hoy! Speaking of that, kailan nga pala darating yung mga gym equipments na inorder mo?"
"Relax... maybe this coming Sunday darating na 'yun so we have to wait. Pwede naman tayong mag jogging muna for a while habang hinahantay natin ang mga equipments. And also, pwedeng pwede tayong mag hanap ng malapit na gym dito kung pwede."