CHAPTER 8

1028 Words
DIANE POV Dalawa't kalahating linggo ang nakalipas pero walang nangyari sa honeymoon naming dalawa ni Denver. Ginawa ko naman ang makakaya ko pero ayaw niya talagang makipag s*x sa akin, maski nga maligo ng sabay ayaw niya rin. At ngayong araw, bago kami umalis sa Hotel, kailangan ko nang ibigay ang sagot ko sa kanya na hirap na hirap ako. Nag extend pa kami dahil sa tatay niya na gusto talaga kaming i trap dalawa sa loob ng iisang hotel room. At aaminin ko, sobrang undecided pa rin ako kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon. Habang nakasandal ako sa dingding at umaagos ang tubig ng shower sa akin, problemadong problemado ako. "Wala tayong choice dito kung di ang manloko! Kung gusto mo talagang mag work ang relasyon natin, sasangayon ka sa gusto kong mangyari." Iyan ang huling sinabi sa akin si Denver noong nag usap kami dalawa't kalahating linggo na ang nakakaaran. Pagkatapos kong mag shower, nag tapis lang ako ng twalya at tsaka ako lumabas sa kwarto. Napansin ko kaagad na wala na ang mga kagamitan ni Denver. Tila ay excited na siyang matapos ang walang kwentang honeymoon naming dalawa. Nagbihis na rin ako at nag impake ng mga gamit. Kumatok siyang bigla, "Ano matagal ka pa ba ha? On the way na ang sasakyan natin." "Nagbibihis na ako," pagsisinungaling ko sa kanya kahit na ang totoo ay magpapatuyo pa ako ng buhok. Sa sobrang lutang ko pa, habang nagbibihis ay iniisip ko pa rin kung ano nga ba ang dapat kong isagot kay Denver. "Ano ba Diane? What is taking you so long? Halos 30 minutes ka na sa loob, parating na ang driver and you're still doing your thing. Wala ka bang pagmamadali ha?" Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko, oo nga! 9 na pala ng umaga. Ngayon ko lang napansin dahil sa sobrang pag iisip ko ng malalim. At dahil halata sa tono ng boses niya na galit na siya, mas lalo akong nagmadali sa pag iimpake ng gamit. Hindi ko na nga nagawang itiklop ang mga ito. Diretso salansan na lamang sa maleta ko. Pag labas ko, nakatayo siya sa pintuan. He was crossing his hand over his chest at gumuhit ang pagkayamot sa kanyang mukha. "Hello!" nakangising sabi ko sa kanya, "Let's go now!" "What took you so long? Nananadya ka ba?" "So-sorry na... medyo napasarap lang ako sa pagsho shower ko kaya napatagal ako." "Alam mo these past few days, napapansin ko talaga na parang bago ka lang sa Manila, Diane! Noong una, nahihirapan kang uminom sa wine tapos muntikan ka pang magsuka. Pagkatapos, nahihirapan kang buksan yung tv, nahihirapan kang gamitin ang mga appliances sa bahay. Yung totoo, I heard from Dad that you have been staying in Makati since you were a kid. But why does it seem na para kang probinsyana? Pati nga yang pananamit mo, parang galing ka sa province." Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Denver. Galing naman talaga ako sa probinsya at sanay na sanay akong maging simple. Heto ako at ayaw ko namang baguhin ang sarili ko dahil lang sa ayaw niya ng ganito. "Excuse me! Siguro nagkataon lang talaga na para akong probinsyana sa paningin mo kasi rich kid ka! Pero sinasabi ko sayo, laking Makati talaga ako so wag mo akong hinuhusgahan base lang sa pananamit ko." "Sige nga kung taga Makati ka, sino ang mayor ng Makati?" "Basta!" sambit ko, binangga ko pa siya at nag galit galitan ako para lang hindi ko masagot ang tanong niya. "Ano hindi mo alam? Akala ko ba laking Makati ka?" "Sorry, masyado akong busy sa buhay kaya wala akong alam sa ganyan." Lumapit siya sa akin habang bitbit ang maleta niya. "So ano nga pala ang sagot mo sa proposal ko? I have already given you two weeks to decide at wala na itong extension pa dahil haharap tayo kay Dad mamaya. So what now?" Napabuntong hininga ako ng malalim. "Your silence means yes to me!" "Okay fine," nadulas kaagad ang mga labi ko kahit na hindi pa nakakabuo ng desisyin ang utak ko. Ngumiti siya at lumapit sa akin. Habang papalapit siya ay siya namang atras ko. Napasandal na ako sa pader ng pintuan. "Good girl!" "So ngayon, ano na ang plano mo ha?" "Simple lang, sasabihin natin kay Dad na buntis ka na." "Buntis ng walang pregnancy test?" "To follow na lamang ang pregnancy test. Ang mahalaga naman dito ay ikaw mismo ang magsasabi sa kanya para mas maniwala siya." "Alam mo kinakabahan ako sa sinasabi mo Denver, ako pa talaga ang gusto mong magsinungaling sa papa mo." "Of course! Ikaw ang magsasabi niyan sa kanya. Matuto ka nang mag sinungaling dahil on the very first place, wala namang totoo sa relasyong ito." "Pero paano naman ang tiyan ko ha?" "Maraming ganyana ng nabibili sa online shopping. All we need to do is to hide it until the time comes na makapag arkila tayo ng baby ng iba. Listen to me, walang puwang sa mundo ang mga taong hindi marunong mag sinungaling. And I just want you to realize that this is not going to be the first time na magsisinungalig tayo sa kanila." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Ano ang ibig mong sabihin ha?" "Siyempre para hindi sila maghinala sa atin, kailangan maging sweet tayong dalawa sa harapan nila. Dapat ay ipakita natin na kahit peke lang ang kasal natin ay nagagawa nating mahalin ang isa't isa." "Pero..." "Shhh!" bigla niyang nilagay ang kamay niya sa bibig ko, "Please do not complain. I know what I am doing, para ito sa ikabubuti nating dalawa. Pasalamat ka nga at nagawa kitang tagalan ng dalawang linggo kahit na ang nerd mong babae at para kang probinsyana." "Ikabubuti nating dalawa o ikabubuti mo lang?" taas kilay kong tanong sabay tanggal ng kamay niya sa labi ko. "Isa pang salita mo hahalikan kita sa bibig!" pagbabanta niya habang magkatitig ang aming mga mata. "Wow! Ayaw mo ngang magkadikit tayong dalawa tapos halik pa? Pupusta ako hindi mo 'yan kayang gawin." "Sure ka?" nakangising tanong niya. "Oo naman! Sure na sure ako!" Nagulat na lamang ako sa mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD