bc

SUBSTITUTE WIFE FOR MAFIA

book_age18+
672
FOLLOW
7.4K
READ
mafia
mystery
like
intro-logo
Blurb

Nag propose si John kay Diane at niyaya na niya itong magpakasal. Subalit pag luwas ni Diane ay tinanan na pala nito si Rose, ang kanyang kakambal na laki sa Manila. At dahil dito, si Ronald ang nakiusap sa kanya na pasakasalan si Denver alang alang sa kanyang kumpanyang na nalulugi na.

Napilitang pumayag si Diane dahil sa utang na loob nito sa kanyang Uncle Ronald. Ang kasunduan nila ay kailangan niyang magbuntis upang mapasakamay ng kanyang Uncle ang inaasam asam nitong investment na worth 100 million pesos.

Pero may isang malaking problema- ayaw ni Denver na magkaroon sila ng anak kaya hindi ito pumayag. Bagkus, ay nag offer na lamang ito na ipeke ang kanyang pregnancy at mabuhay sila sa kasinungalingan lalo na't galit siya sa kanyang ama na hindi siya binigyan ng kalayaan sa buhay.

Paano kung sa bandang huli, walang sikreting hindi mabubunyag? Paano kung mauwi sa katotohanan ang lahat?

chap-preview
Free preview
1
DIANE POV I sat quietly on the couch. After listening to what my Uncle Ronald said, I fell silent for a while. Taking some time to clear my thoughts, I broke my silence. "So... now you want me to get married instead of Rose? " Uncle Ronald knitted his forehead in anger, "Diane, I really have no other choice. John took Rose and left without a word. Now the Lexwell family wants her. What can I do? You are her secret twin but I've never spoken to them about your existence." "But I am engaged to John. Ako ang Fiance niya." Before I could finish, Uncle Ronald fell to his knees at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. I quickly stepped forward to help him up but he refused. "Diane, ikaw lang ang makakapag salba sa kumpanya natin ngayon! The Smith's business is huge, and we can't afford to offend them! If they withdraw their investment, then-" Naiintindihan ko naman ang impact ng pagtanggal nila ng investment sa ating corporation. If the Smith family is already annoyed, siguradong tayo ang kawawa. Pero ang masakit sa akin, ang kasal ko na mauudlot! Masakit sa akin na papakasalan ko ang isang lalaki na hindi ko pa nakikita kaysa sa lalaking sobrang mahal na mahal ko. "Ipapaalala ko lang sayo Diane, nang dahil sa Smith family, nagkaroon tayo ng magandang buhay." Sa isang iglap lang, nahimasmasan akong bigla. "Kakausapin ko lang po si John tungkol rito." "Pero pinapatayan niya tayo ng tawag-" "Susubukan ko pa rin po," pagmamatigas ko. Pilit kong tinatawagan si John subalit hindi ito sumasagot. Halos mawalan na ako ng pag asa sa buhay pero isang himala ang nangyari, biglang sinagot ni John ang tawag ko. "Diane?" Sa boses pa lang, alam na alam ko nang si John ang kausap ko! Siya lamang at wala nang iba pa! "John," sambit ko, pinigilan ko ang luha na pumatak sa aking mga mata. "Nasaan kayong dalawa ni Rose? Bakit kayo biglang umalis?" "Wala naman sigurong nagtanan na nagpapaalam di ba? Wala na kaming planong bumalik pa." "At bakit naman?" ang tanong ko, nasaktan lang ako ng sobra sa huli niyang sinabi sa akin. "Dahil gusto ko siyang ilayo kay Mr. Denver Smith. Basta, masama ang kutob ko sa lalaking yun at wala akong tiwala sa kanya. Sa pakiwari ko ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan si Rose sa kanya." "Pero paano tayong dalawa? Mahal mo pa ba ako?" "Diane," huminto siyang bigla, "Sorry pero alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo di ba? Niligtas niya ang buhay ko noong gabi na muntikan na akong maaksidente. Please, magtiwala ka sa akin, babalikan kita kapag naayos na ito." "Do you know... the consequences of taking Rose away?" tanong ko, napataas na ang boses ko dahil sa galit. Napaparanoid na ako at natatakot sa nangyayari. Paano kung ahasin ng kapatid ko si John? Paano kung nainlove ang Fiance ko sa kanya? At paano kung mabuntis siyang bigla? Ang daming posibleng mangyari na ikinakatakot ko. "Alam ko... pero wala na akong pakialam sa iniisip ng ibang tao. Pero maniwala ka sa aki Diane, ikaw lang ang babaeng minahal ko. But for the meantime, hayaan mo muna akong ibalik ang favor ko sa kapatid mo." Gusto ko sanang paniwalaan ang sinasabi niya pero bakit hindi ko ramdam ang sincerity sa kanyang boses? "Siguraduhin mo lang ang sinasabi mo John! Pero ipangako mo lang sa akin na hindi ninyo ako pagtataksilan ng kapatid ko," mariin kong sabi dulot ng aking pagseselos. "Kapatid mo siya Diane! Bakit mo naman siya gustong pag isipan ng masama ha? Akala ko pa naman sa lahat ng tao, ikaw lang ang bukod tanging makaka unawa sa akin." Kumunot ang noo ko lalo sa galit, "Teka lang, bakit parang kasalanan ko pa ha?" "Wag na tayong magtalo please? Maging protective na lang tayo sa kapatid mo," pakiusap niya pa. At dahil sa sinabi niyang ito, tuluyan na talaga akong nagtampo sa kanya, "Sana lang ay naririnig mo ang sinasabi mo John! At sana lang din ay naging tama ka sa naging desisyon mo!" I hang up the call, broken at para bang nanlalamig na sa akin si John na parang hindi na pinag isipan ang kanyang gagawin. Para siyang mapusok na lalaki. Napatingin akong bigla kay Uncle Ronald. "Tinantanggap kong maikasal kay Denver Smith!" sambit ko na walang halong keme keme. Isang linggo pagkatapos kong pumayag sa marriage proposal, lumipat na ako kaagad sa Smith Family mansion. Ang laki laki nito at ang lawak lawak. Habang tinititigan ko ang kabuuan ng bahay, biglang nagsalita si Chris, ang sabi ng kanilang house caretaker. "Mrs. Smith, ito na ang magiging bahay simula ngayong araw. Kung mayroon kayong mga kailangan, wag kayong mahihiyang mag utos sa mga kasambahay." "Okay na po sa akin kahit Diane na lang," sambit ko. "Pasensya na, Diane, ganyan lang kasi ang tawag namin sa mga amo namin. Congratulations pala sa papalapit ninyong kasal ni Mr. Carl, sobrang excited na siyang ma meet kayo." Nginitian ko siya ng tipid, kung excited si Mr. Carl na makita ako, kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ko. Pagkamuhi para sa kanya, sa Fiance ko, sa kapatid ko at sa Uncle ko! Sinira nila ang mga plano ko sa buhay na halos tatlong taon kong binuo. Sinundan ko si Chris hanggang sa makarating kami sa loob ng mansion. And yung moment na iniyapak ko na ang paa ko sa loob, parte na talaga ako ng pamilya nila. Hindi ko na sinabi pa kay John at Rose ang tungkol sa deal na ito. At sinabihan ko na rin si Uncle Ronald na wag magsalita dahil ayaw kong malaman nila ang tungkol rito. Hahayaan ko na lamang na makarating ang chismis na ito sa kanila. Yun ay kung mayroong magbabalita nito. Maganda ang façade ng mansion pero mas lalo palang mas maganda sa loob. Ang chandelier, talang literal na mamahalin at malakas makapang teleserye. Nakakalula ito sa ganda. "Siya nga pala, ang chandelier na nakasabit sa itaas, ang katawan niyan ay gawa sa ginto."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.1K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
87.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook