CHAPTER 6

1030 Words
DIANE POV Naiinis ako, paano ba naman kasi, yung way niya ng pagkain ng pizza, halatang nang iinggit pa ang mokong. Akala niya siguro porket milyonaryo siya ay kaya niya akong alipustahin ng ganito! Nakaka imbyerna siya at nakaka suka! At dahil sa honeymoon pa namin ngayon, wala kaming ibang magagawa kung di ang pakisamahan ang isa't isa! Pero parang may mali, nagpunta ako sa aming kwarto at muli kong binasa ang aming contract. Nakalagay talaga na kailangan naming magkaroon ng anak bago ibigay ni Mr. Carl Smith ang ipinangako niyang 100 million para investment kay Uncle. Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ko ang binili kong maiksing shorts at damit, pati ang sleeping pills at wine, dala dala ko rin. Yung tipong kitang kita na ang kaluluwa ko. Kahit na anong mangyari, kailangan ko pa ring mapapayag si Denver na makipag s*x sa akin alang alang kay Uncle. Kahit pa masakit din ito para sa akin dahil engage pa rin ako kay John. Naligo ako, tamang palit na lang ng damit at shorts na mas maiksi. Malaki naman ang boobs ko kaya ewan ko na lang kung hindi pa maakit sa akin si Denver. Pag labas ko ay wala si Denver, tila ay umalis ito. Sakto, kailangan kong paganahin ang plano ko na lasingin siya sakaling hindi siya ma attract sa akin. Nagmumukha man akong desperada, subalit kailangan ko itong gawin bilang kabayaran sa utang na loob ko kay Uncle. Sinadya ko rin na ilapag sa lamesa ang wine. Ayaw ko munang mag lagay ng dalawang baso dahil baka isipin niya na gusto kong makipag inuman sa kanya. Dalawang oras ang nakalipas, bumalik na si Denver. Pawis na pawis siya, alam ko na galing siya sa jogging dahil sa pants niya. Nang makita naman niya ako, tiningnan niya ang kasuotan ko. Pero imbes na tingnan ko siya ng seductive, napatingin talaga ako sa kanya na parang naiilang ako. Matapos ang ilang segundo ng pag tingin niya sa akin, napangisi siyang bigla. "Oh anong nangyari sayo ha? Bakit ganyan ang suot mo?" Sobra akong nasaktan sa sinabi niya sa akin. Ang buong akala ko pa naman ay maaakit siya akin, na ilalabas niya ang dila niya na para ba itong natatakam. Pero mali ako! Kabaliktaran pala ang mangyayari, bago pa man ako tuluyang mapahiya, muli ko siyang tinarayan. "Bakit ba? Gusto kong mag suot ng maiksing damit at shorts eh. Walang basagan ng trip," pag depensa ko sa sarili ko. Napatingin naman siya sa table. "Aba! Ang yaman mo naman pala at mayroon kang dalang ganyang wine?" "Iinom akong mag isa kasi tutal parang ako lang naman din ang tao dito." Nag hubad siya ng sando sa harapan ko at pinunasan ang pawis siya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka isipin niya na akit na akit ako sa hitsura niya. Maya maya pa, nagpunta siya sa kusina at pag balik niya ay mayroon na siyang dalang dalawang wine glass. Binuksan niya ang wine at nilagyan ang dalawang baso. "This wine is worth 20 thousand, I cannot believe na afford mong bumili ng ganitong klase ng wine which happened to be my favorite." Naupo ako sa harapan ni Denver. Hindi ko lubos akalain na makikipag inuman talaga siya sa akin. "Really? Bigay lang yan sa akin ni Uncle Ronald. Gift daw niya sa ating dalawa, hindi ko naman alam na paborito mo ang wine na 'to." Iniangat niya ang baso niya sa tapat ko, "Let us cheers and just this once, kalimutan muna natin na magkaaway tayong dalawa. I do not consider a honeymoon. Mas gusto kong tawaging relaxation day ito. Sa dami kong sakit sa ulo sa office, gusto ko lang maramdaman ulit na ordinaryo akong tao. Na di ako robot na nabubuhay lang para mag trabaho at palaguin ang negosyo ng papa ko. Para lalo siyang yumaman." Nakipag cheers ako sa kanya at tsaka ko sinipsip yung wine, ang pangit pala ng lasa nito! Gusto kong idura pero nilunok ko na lang ng sapilitan. Ayaw ko naman kasi na isipin niyang hindi ko ito gusto. Kailangan pakisamahan ko siya hanggang sa makuha ko ang pakay ko. "Bakit nai stress ka sa ganyang klase ng buhay? Kung tutuusin nga, sobrang yaman ng pamilya mo at laki kang spoiled. Bata ka pa nga lang siguro ay nakukuha mo na ang gusto mo sa buhay." "What? Of course I was kid back then. Maaaring nakukuha ko nga ang gusto ko, but growing up, I am forced to follow his footsteps. Pakiramdam ko wala naman talaga akong freedom, I wanted to have more vacations but since ako ang nag iisang tagapag mana ng kumpanya namin, I have to work very hard dahil ako na ang mag mamana ng lahat ng businesses ni Dad. On top of that, obligado pa akong magkaroon ng anak. Itong marriage natin, I don't want it so badly, I am eager to tear the marriage contract in front of Dad but I know I'll lose everything... especially the things I worked really hard to get." "Ako rin naman, I am forced to marry you," napahinto ako saglit, kailangan ko nga palang pagtakpan ang sarili ko. "Pero naniniwala ako sa marriage. Kahit na peke lang ang kasal natin, mahalaga ito para sa Uncle ko." "See? Pinag lalaruan lang tayong dalawa ng mga taong akala natin ay pinapahalagahan tayo. Everything revolves to money. Kailangan ng Uncle mo ng pera at kailangan naman ng papa ko na magkaroon ako ng anak para may magpatuloy ng negosyo namin. Wala silang pakialam sa ating feelings at wala tayong magagawa kung di ang maging sunod sunuran sa lahat ng gusto nila." Totoo ang sinabi niya, pati ang engagement namin ni John ay napurnada pa dahil sa lintik na pekeng kasal na ito. Kung may iba lang sana akong choice, gagawin ko ito! Pero wala eh, kailangan ko na siyang prangkahin. "Sa bibig mo na rin nanggaling di ba? Wala na tayong magagawa pa sa FAKE MARRIAGE na ito? Kaya dapat sulitin natin ang honeymoon-" "No!" mariing sabi niya sa akin, natahimik akong bigla, "I have decided to come up with a new idea. I just want Dad to taste his own medicine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD