3

1010 Words
DIANE POV "Uncle... ang sabi kasi sa akin nagbago raw ang isip ni Mr. Denver." "Nako! Mukhang napasubo tayo sa contract. Pero nandito na tayo Diane. Nagsinungaling na tayong dalawa kaya kailangan na natin itong panindigan." "So anong gagawin natin Uncle? Pumayag lang naman ako sa deal na ito dahil labis labis akong nasasaktan sa sinabi sa akin ni John." "Basta, tutal nagpapanggap ka lang naman na si Rose. Mas maigi na siguro kung panindigan na talaga natin ito hanggang sa huli. Ako ang bahala sayo Diane," sambit ni Uncle. Maya maya pa, mayroon akong narinig na kotse sa labas. "Sige na po Uncle, baka mayroon pong maghanap sa akin," sambit ko sa kanya sabay baba ng tawag. Kaagad akong lumabas at mayroon namang matandang babae na paakyat sa red carpet. Maraming naka palupot na alahas sa kanyang leeg at parang retokada pa ang kanyang mukha. Umakyat siya sa red carpet kasama ng isang lalaking parang alalay niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "What is your name?" tanong niya, halatang sosyal dahil sa kanyang American accent. "Magandang araw po, ako pala si Rose... ang mapapangasawa ni Sir Denver," kabadong sabi ko pa habang nakayuko ako. Gusto kong iwasan ang matatalim niyang mga mata. "Oh I see! So I assumed that you already signed your marriage contract?" tanong niya ulit, "Please look at me, wag kang mahiya, hindi naman ako nangangain ng tao!" Napalingon na lang ako sa kanya at pinilit ko siyang ngitian. Napaka sungit pala niya, sabagay ganito siguro talaga ang mga mayayaman. "Opo, nasign ko na ang marriage contract-" "That is good to know," pagputol niya sa akin, "Anyway para lang sa kaalaman mo, ako ang gumawa ng contract ninyong dalawa ni Denver and since napirmahan mo na ang contract, wala na itong atrasan pa. Kailangan ninyong maikasal sa lalong madaling panahon." ------------------------------- ------------------------------- DENVER POV Nandito ako ngayonsa sa isang sikat na casino sa Pasay. Ito lang naman ang bukod tanging libangan ko pagkatapos magtrabaho. Dahil sa naka private ang lugar, walang ibang maririnig kung di ang tunog ng mahjong. Finally, ang pinaka madaldal sa amin at pinka masiyahing tao na si Robert ay nagsalita ta. "Teka lang... di ba dapat ay kasal mo ngayon? Bakit hindi ka umattend?" "Tama! Sayang, ang ganda ganda pa naman noong bride mo, balita ko! Kung gusto mo nang umalis, pwede naman," dagdag pa ni Raymart. Hindi ko na kinibo pa ang mga tanong nila sa akin. Lumipas na ang ilang oras at nagsipag alisan na silang lahat. Lalabas sana ako para magkape subalit bigla akong sinalubong ng lawyer naming si Jazz. "Mr. Denver, nandito po ako dahil pinapasundo kayo ni Madam Minda." Napasimangot akong bigla ng marinig ko ang pangalan ni mama. I stared at him coldly. "At paano kung ayaw kong pumunta? May magagawa ka ba?" "Patawad pero ang sabi sa akin ni Madam, kailangan ko raw kayong isama ngayon sa kasal ninyo." "Go ahead, wala akong planong sumama," pagmamatigas ko sa kanya. Isang kamay ang naramdaman kong pumatong sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ko si Robert na napangisi sa akin. "Oh akala ko ba may lakad ka?" tanong ko sa kanya. "Meron pero mas maigi nang sumama ka para makita mo na ang bride mo," pagpupumilit pa ni Robert. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagmatigas ako na wag pumunta. Subalit maya maya pa, pinaligiran ako ng mga tauhan ni Mama. Lahat sila ay nakasuot ng itim na coat at lahat sila ay naka shades. "Ang sabi ni Madam, last resort na namin na pwersahan kang isakay sa kotse. Wag naman sana tayong humantong sa ganito." Mukhang wala na akong magagawa pa. Malaki na ako pero ang trato sa akin ni Mama ay parang teenager na kulang kulang sa pag iisip. Pagsakay ko sa kotse, nagmamaktol ako at masama ang tingin ko sa daan. Sana talaga naging iba na lang ang nanay ko! Ayaw ko nang magkaroon ng love life dahil gusto ko lang lokohin ang mga babae. Para sa akin, lahat sila ay parang laruan lamang. Pagkatapos ko silang ikama, iniiwan ko rin sila kaagad. Kahit kailan, wala akong nakitang babae na worth it seryosohin. Lahat sila ay puro pang kama lang kaya naniniwala ako na ang magiging asawa ko ngayon na hindi ko pa nakikita, hihiwalayan ko rin! Nang marating ako sa bahay, sa basement ako pinadaan papunta sa kwarto ko. Ang sabi sa akin ni Jazz, marami raw tao ngayon sa labas ng bahay namin kung saan naka arrange na raw ang lahat. Maging ang bride ko, naka ready na raw pero ako ang dapat maunang lumabas. Sinuot ko na ang puting tuxedo ko at black pants. Makinang ang mga sapatos ko at sinuot ko rin ang mamahaling kong relo. Isang padabog na katok ang narinig ko sa pinto. Bubuksan ko pa lang ito subalit nauna na itong nagbukas. Pumasok si Mama at tiningnan niya ako ng masama. "What is wrong with you Denver? You know that this is your wedding that and yet mas pinipili mong magpunta kung saan saan! Ngayon pinaghihintay mo kaming lahat lalo na ang bride mo. Grabe, nakakahiya ka talaga!" "Ma? I told you many time, I don't want to get marry simply because I do not believe in marriage. That is just a piece of paper at lahat ng mga babaeng nakikilala ko, wala ni isa sa kanila ang gusto kong pakasalan. So I cannot understand kung bakit mo ako pinipilit sa bagay na ayaw kong mangyari?" "It's because you are not getting any younger Denver! And I will not allow na hindi ka magkaroon ng anak, sino ang magpapatuloy ng business natin ha?" "Ma! Why are you prioritizing your business instead of my feelings? You were right, I am not getting any younger so that only means na dapat ako na ang nagdedesisyon sa sarili ko. And I want to cancel this f*****g wedding, di ba ikaw lang naman ang may gusto nito?" Isang malakas na sampal ang pinakawalan niyang bigla sa pisngi ko. Sa lakas nito, parang bumakat pa ang kanyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD