4

1011 Words
DENVER POV Na blangko bigla ang utak ko sa sampal na natanggap ko sa kanya. "Wag mong sisirain ang araw ko Denver. Go downstairs at magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo!" Bumaba na si Mama at ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na rin ako. Maraming tao ang nakatingin sa akin nang makita nila akong pababa ng red carpet namin. Halos lahat ng ikutan ng mga mata ko, lahat ng mga tao ay may ngiti sa kanilang mga labi. Para bang hindi nila alintana na ilang oras akong na late. 10 am ang kasal ko pero 12 pm na ng dumating ako. Napangiti na rin ako lalo na nang makita ko ang ilang mga kilala kong tao at maging ang ilang malalapit kong mga kaibigan. Pero sila lamang ang nae excite akong makita. Ang bride ko, wala akong pakialam sa kanya! Nang makarating ako sa altas, natapos na ang palakpakan nilang lahat sa akin at natuon naman ang atensyon naming lahat sa aking bride. Kasabay ng pagbaba niya ang pag tugtog ng musika. Nang unti unti siyang makababa sa red carpet, halos kumabog kaagad ang dibdib ko. Noon, ni minsan ay hindi ako ganito kapag nakakakita ako ng babae. Pero ngayon, bakit ibang iba na? Maganda si Rose, sakto ang height para sa isang babae at sexy rin ang katawan niya. But there is something in her na nagpapakabog sa dibdib ko at hindi ko ma describe. ------------------------------------- ------------------------------------- DIANE POV Nakabalot man ng belo ang buong ulo ko pero nakikita ko ang mga tao sa paligid. Bukod kay Uncle Ronald, Ma'am Minda, at Mr. Jazz, wala na akong ibang kilala pa sa mga taong dumalo. Lahat sila, halos ngayon ko lang nakita. Ang awkward kasi halos lahat ng bisita namin ay puro sa side ng husband ko. Finally, lumabas na rin ako at kasabay ng palakpakan ng mga tao, ang pag ulan ng petals of roses sa akin. Sobrang romantic ang set up kahit na isa lamang itong civil wedding. Nang iikot ko ang mga mata ko sa altar, nakita ko ang isang gwapong lalaki na nakangisi sa akin. Halatang kinakabahan siya at tulalang tulala ito sa akin. Medyo brusko ang katawan niya at matangkad siyang lalaki. Nasa six feet siya base sa postura nito. Sa bawat yapak ng paa ko papalapit sa kanya, mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Humarap na kaming dalawa sa altar, nagkatitigan kami pero halatang halata ko pa rin na nanlalamig siya sa akin. Ang talim niyang tumingin at para bang sinasabi sa akin ng mga mata niya na napipilitan din siyang gawin ang bagay na ito. And that what makes the two of us! Ayaw ko sana siyang husgahan pero sa postura pa lamang niya, feeling ko ay isa siyang babaero at manloloko! Kaya siguro inilayo ng Fiance ko si Rose ay dahil sa nakita na niya ito at alam niya na mas matatag ako kaysa sa kakambal ko. Bumalik lamang ulit sa realidad ang utak ko nang nagsalita ang pari. At kagaya ng totoong kasal, puro oo lamang ang isinagot naming dalawa ni Denver habang tipid ang ngiti namin. "And now, you may kiss the bride!" isang kataga na tuluyan na nga kaming ikinasal dalawa at ganap na akong asawa ni Denver. Tinanggal ko ang belo ko at naglapat ang halik naming dalawa ni Denver. Bakit ganun, ang sarap niyang humalik. Talagang damang dama ko ang bawat pag galaw ng kanyang mga labi sa akin. Sa sobrang galing niyang magdala, napasarap ang halikan naming dalawa. Halos magpalakpakan lahat ng tao sa paligid namin at rinig na rinig ko pa ang bulungan nila. "Grabe naman ang halikan nilang dalawa." "Halatang sobrang excited silang mag honeymoon." "Parang isang taon yata silang hindi naghalikan." "Ganun talaga siguro kapag mahal nila ang isa't isa." I was lost. Talaga bang matagal ang halikan naming dalawa? Hindi naman siguro, feeling ko ay wala pa kaming isang minuto naghalikan. Pagkatapos naming maghalikan, dumeretso agad kami sa pag slice ng cake naming 3 layers. Nag subuan pa kaming dalawa habang nag paplastikan ng ngiti. Sigurado ako na sukang suka rin siya sa ginagawa naming dalawa. Kinagabihan, pinag drive niya ko papunta sa hotel kung saan kami magho honeymoon. Tahimik lamang siyang tao, halatang nasa loob din ang kulo. Hindi niya ako kinibo kaya wala rin akong plano na kibuin siya. Kung ma pride siyang tao, gusto ko g siguraduhin sa kanya na ma pride din akong tao. Nakatingin lang ako sa labas, pinag mamasdan ang tanawin. Sumagi bigla ang isip ko kay John at Rose. Ano kayang ginagawa nilang dalawa? Sigurado ako na nagkaka developan na silang dalawa. At ako ang nag mimistulang sumasalo ng bala para kay Rose. Sa takbo ng pangyayari, ako talaga ang dehado kahit saang anggulo kong tingnan. "Ano pipe kaba ha? Why are you not talking to me?" Napalingon ako kay Denver sa pagbasag niya sa katahimikan sa loob ng kotse niya. "Sorry, medyo pagod lang ako," sambit ko sa kanya. "Salamat nga pala sa pagpunta mo sa wedding natin. Ang buong akala kasi ng lahat, hindi ka na susulpot." "Don't thank me yet, wala talaga akong plano na umattend sa wedding nating dalawa. I was doing something more important not until dumaging si Mr. Jazz at pinuwersa akong magpunta rito. I don't believe in marriage and I don't want to be in a relationship..." Parang may gusto pa siyang sabihin sa akin subalit pinipigilan niya lang. "Look, tatapatin na rin kita Mr. Denver, Hindi ko rin gusto kung nasaan man tayong dalawa pero wala tayong magagawa kung di ang pakisamahan ang isa't isa. Legal ang kasal nating dalawa at nakalagay sa kontrata natin na five years lang ang itatagal ng relationship natin pero kailangan kitang mabigyan ng anak." "Contract?" ngumisi siya, "That marriage contract is just a piece of paper for me. It has no value at ang tingin ko sa inyong mga babae ay parausan lamang... past time at ang silbi niyo lang sa aming mga lalaki ay bigyan kami ng anak." Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD