DIANE POV
Kahit saan ko iikot ang paningin ko, talagang mamahalin lahat! Naisip ko, kung sakali sana na kapatid ko ang ikakasal kay Mr. Denver, siguro ay magbabago ang isipan niya lalo na't isa siyang maluhong tao. Samantalang ako, pinalaki ako ni Uncle sa province dahil ako ang nagbantay ng farm namin kaya literal na naging simple lamang ang buhay ko at walang kaluho luho sa katawan hindi kagaya ng kakambal ko na sunod sa layaw.
Pinaupo ako ni Chris sa lamesa kung saan mayroong mga mamahaling kubyertos at mga prutas na hindi ko pa natitikman. Mahaba ang lamesa nila at ang mga upuan, para kang nasa isang kaharian. Biglang mayroong tinawagan si Chris na dumistansya sa akin.
At habang wala siya, patuloy lamang ako sa pagtingin sa paligid. Mamaya pa ay lumapit siya sa akin.
"Paki hintay na lamang si Sir Jazz, siya ang magbibigay ng kontrata para sa marriage ninyo ni Mr. Denver."
"Salamat po," nakangiting sabi ko, umalis na ang lalaki at naiwan akong mag isa.
Nagtataka naman ako kung bakit wala ang mga kasambahay sa loob ng mansion? Sabay sabay ba silang nag day off? Hindi naman siguro! Baka sadyang private lang siguro ang conversation namin kaya wala sila rito.
Makalipas lamang ang ilang minuto, mayroong isang lalaki na naka coat ang bumaba mula sa taas. Mukha siyang kagalang galang sa soot niya at base sa hitsura nito, mukhang nasa 40 years old na siya. May dala siyang suitcase sa kanyang kamay.
Teka, siya na ba si Mr. Jazz o ang lalaking ipinagkakasundo sa akin?
Nang makababa siya ay naamoy ko kaagad ang kanyang mabangong pabango. Ngumiti siya sa akin at nilapag ang suitcase.
"By the way, ang ganda mo pala sa personal Ms. Diane. Hindi nagkamali si Denver ng pagpili niya sayo bilang asawa niya."
"Salamat po," nakangiting sabi ko sa kanya.
Nilabas niyang bigla ang isang envelope sa suitcase at iniabot ito sa akin. "Yan ang marriage contract ninyong dalawa ni Denver. You can read it before before signing it. Wag kang mag alala, pabor naman sa kumpanya ninyo ang karamihan sa mga rules ng marriage contract."
Tiningnan ko ang conditions ng aming kasal, so far okay naman not until nagulat ako sa naka highlight na red.
"Special condition, kailangan magkaroon ng anak. Kapag babae, mayroong 10 million pero kapag lalaki 20 million."
Sumandal si Mr. Jazz sa kanyang upuan, "Speaking of that, mayroon talagang special condition si Mr. Denver. As you see, medyo may edad na rin siya kaya kailangan niya ng magmamana sa kanyang mga negosyo. You can even wish to add a term, dagdag ang deal, the choice is yours. Irerevise ko na lamang ito. Pero kung ano man ang nakalagay sa contract na 'yan, hindi na ito pwedeng baguhin pa. And if you are okay with the terms, then you can sign it now."
Nag aalangan ako sa gagawin ko. Bakit naman kailangan na mayroon pang ganitong term ang kasal naming dalawa ni Mr. Denver. Hindi ito sinabi ni Uncle sa akin pero baka marahil ay hindi niya rin ito alam.
"What is the matter Ms. Rose? May gusto ka bang i discussed sa contract?"
"Ahhh... kasi yung sa pagbubuntis po at pagkakaroon ng anak, hindi po nabanggit sa akin-"
"Oh I see... that is because Mr. Denver changed his mind on the last minute kaya nagkaroon ng mga changes sa contract. But I mentioned earlier, hindi na natin pwedeng i revised ang contract. Kung tutuuisin, hindi na kayo lugi sa deal natin and kapag na sign naman kaagad ang contract, makakasalba pa ang company ninyo and your Uncle Ronald would be happy."
"Sign it or not?" ang tanong ko sa utak ko, handa ba akong magkaroon ng baby para sa taong hindi ko mahal? Paano kaming dalawa ni John?
"Ms. Lexwell, pardon me pero wala po akong whole day para mag wait sa signature ninyo. It's a deal or no deal, at kung mayroon man kayong conditions na bago, pwedeng pwede nating idagdag but as of now, kailangan mo itong isign dahil kung hindi, ipu pull out ni Mr. Denver ang shares niya sa company ninyo."
Napilitan na akong pirmahan ang contract kahit sobrang labag sa loob ko ang mga conditions. Hinila ko ang document pabalik sa kanya habang naka ngiting tipid. Kinuha niya ang document at chineck itong maigi. Pagkatapos ay muli siyang napatingin sa akin.
"Kailangan kong ipakita ang marriage contract kay Ms. Minda, ang mama ni Denver. Tatawagin ko lang ang mga kasambahay, kung mayroon kang kailangan, wag kang mahihiyang magsabi sa kanila."
Patayo na sana siya pero muli akong nagtanong.
"Mawalang galang na po, kailan ko po makikita si Sir Denver?"
"Hindi pa siya darating. May magbabalita na lamang sayo ng biglaan niyang pagdating."
Pagkatapos niyang magsalita, umalis na siya. Dumating naman bigla ang tatlong kasambahay sa mansion. Binati niya ako at ang isa sa kanila ay inihatid ako sa master's bedroom. Subalit bakas ko sa mga mukha nila na para bang mga takot ang mga ito sa hindi ko malaman na dahilan.
Pagpasok ko sa master's bedroom na napakalawak, iniwan na ako ng kasambahay. Halos mabingi ako sa katahimikan. Naalala ko pa, ganitong master's bedroom ang pangarap naming dalawa ni John kapag yumaman kami. I cannot believe na mangyayari ang pangarap kong ito subalit hindi ang Fiance ko ang tumupad kung di ang ibang tao.
Nagpunta naman ako sa walk in closet. Maraming mga magagandang mga damit ang naririto. At lahat ay sobrang branded. Meanwhile, nabasag naman ang imahinasyon ko ng makatanggap ako ng isang tawag kay Uncle Ronald na kaagad ko namang sinagot.
"Kamusta ang lakad mo?" bungad na tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako ng malalim, "Uncle, magtapat ka nga sa akin, alam mo ba na may kundisyon na dapat akong magkaroon ng anak?"
"Ha? Hindi ko alam ang tungkol jan Diane. Pero kung ganyan ang kasunduan, sana ay hindi mo na tinanggap. Dapat ay kinausap mo muna ang lawyer nilang si Jazz bago mo pirmahan ang contract o tinawagan mo ako."
Nagulat ako sa sinabi ni Uncle Ronald, mukhang mali yata ang pagkakabasa ko sa kanya.