DIANE POV
Pero dahil sa matapang akong babae na naniniwala sa marriage, pinalagan ko ang sinabi niya.
"Alam mo kung ikaw hindi na naniniwala sa marriage, ikaw lang wag mo akong idamay. Basta ako, I belive in marriage kasi maraming nag nagpatunay na masarap maikasal!" pagtataas ko ng boses sa kanya.
"At talaga ba? You've got some nerve to speak against me. Baka nakakalimutan mo, kumpanya ninyo ang nangangailangan sa amin. Kung tutuusin, pwede naman namin itong i offer sa iba!"
"Sige okay lang naman sa akin. Akala mo ba ginusto ko na maikasal ako sa lalaking ngayon ko lang nakita? Naiinis ako kung alam mo lang! Mahal ko lang si Uncle pero sukang suka akong tanggapin ang marriage na ito. Kaya no choice tayong dalawa! Kailangan natin pakisamahan ang isa't isa kahit ayaw natin. Nabasa mo ba ang kontrata natin ha? Kailangan nating magkaroon ng anak kaya sa ayaw at sa gusto natin, kailangan nating makabuo."
Tinawanan niya lang ako, "Huh! Anong anak ang pinagsasabi mo jan ha? Sa tingin mo ba may plano akong magkaroon ng anak sa isang kagaya mo ha?"
"Well, kung hindi natin ito gagawin, parehas tayong mayayari sa kasunduan natin. At siyempre sasabihin ko ito kay Madam Minda."
"Eh di magsumbong ka hangga't gusto mo! Hinding hindi naman kita pipigilan eh. Ang sa akin lang, wala akong pakialam sa kasal na ito. It's a big joke for me. Wala akong planong mag asawa, sa tingin mo ay gusto ko pang magkaroon ng anak?"
"Hindi naman kita pinipilit eh. Pero wala tayong sisihan kapag sinabi ko sa mama mo ang totoo ha?"
"Bahala ka sa buhay mo! Siya nga pala, iisa lang ang kwarto natin and I am not used to sharing my bed to anyone so bahala ka nang matulog sa sahig."
Hindi ko na siya kinibo pa. Nang makapunta kami sa hotel room, hindi nagkibuan dalawa. Nanood ako ng tv habang siya, nasa shower at naliligo. Maya maya pa ay lumabas siya ng nakatapis ng twalya.
"May wine sa rep, buksan mo at dalhin mo sa balcony," pag uutos pa niya.
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay nag focus lamang ako sa panonood ko ng tv. Wala naman kasing saysay kung susundin ko ang pinag uutos niya sa akin. Bakit sino ba siya? Inaway ayaw niya ako tapos ngayon ang lakas lakas ng loob niya na utos utusan ako! Bakit sino ba siya sa tingin niya?
Nanatili lang akong nanood ng tv hanggang sa muli siyang bumalik sa loob. Gumuhit ang galit sa kanyang mukha pero I remained unbothered and ignored his presense. Lumapit siya sa table, kinuha ang remot at nagulat na lamang ako ng patayin niya ang tv bigla.
Tumayo ako at inagay ko sa kamay niya ang remote, "Ano ka ba? Bakit mo pinatay ang tv? Ang bastos mo naman!"
"Dahil bastos ka rin!" mariin niyang sabi, "Ayaw ko ng paulit ulit ako ng instruction. Pag sinabi ko na ikuha mo ako ng wine sa rep, sumunod ka na lang pwede ba?"
"Aba ikaw pa itong matapang ha? Pagkatapos mo akong away awayin kanina, may gana kang mang utos sa akin! Ano ka ba boss kita? Wala naman tayong ganyang condition na pinirmahan sa marriage contract kaya hindi kita susundin kahit na mag lumpasay ka pa," pagmamatigas ko.
Muli niyang pinatay ang tv at dahil sa badtrip ko ay pumasok na lamang ako sa kwarto. Nanginginig ako sa galit, kung ngayon pa lang na kakakasal lang namin ay ganito na ang ugali niya. What more kaya sa susunod na mga araw. Natitiyak ko na mas matindi pa ang mga mangyayari. At hangga't hindi ako nabubuntis at manganak, hindi ako makakawala sa bwisit na fake marriage na ito.
Maya maya pa, pumasok siya sa kwarto at nilock ito. Muli ko siyang hindi kinibo, mabuti na lamang at tapos na akong magpalit ng damit kaya diretso tulog na ako.
"Di ba sabi ko sayo sa sahig ka matutulog?" sambit niya.
I ignored him, tumagilid na lamang ako upang matulog. Subalit bigla ko na lamang naramdaman ang malakas na aircon. Napatingin ako kay Denver na humihigop ng wine habang nagseselpon.
"Ano ka ba? Bakit nilakasan mo ang aircon?" tanong ko.
"Oh bakit? Naiinitan ako, may problema ka ba? Kung gusto mo, pwede ka namang lumabas rito at sa sofa ka matulog!"
Nagtalukbong na lamang ako ng kumot ngunit maya maya pa, nakarinig ako ng malakas na sound. Pagkatingin ko, nakita ko siya na nanood ng movie sa laptop niya.
"Alam mo nananadya ka rin eh no? Bakit mo biglang nilakasan ang tugtog mo ngayong alam mong natutulog ako?"
"Problema mo na 'yan! Sabi ko naman sayo, pwedeng pwede kang matulog sa labas kung gusto mo!"
"Hay nako! Ewan ko sayo, ngayon pa lang nasusuka na ako na makasama ka. Ang layong ugali mo sa mama mo, mabuti pa siya kaya kong pakisamahan pero ikaw hindi! At kung gustong gusto mo talagang mag isa dito sa kwarto mo, fine! Iyong iyo na 'to!"
Padabog kong isinara ang pintuan at tsaka ako muling lumabas. Sa sofa ako natulog, ang akala ko ay magpapaka gentleman siya pero nagawa niya talaga akong tiisin. Kinabukasan pag gising ko, gumanti ako sa kanya. Nagluto ako ng sarili kong pagkain.
Pritong hotdog at itlog na may kamatis para sa breakfast. Sinadya kong magluto ng para lang sa akin. At kung sakali mang gusto niyang tumikim, pagdadamutan ko siya para matuto siya!
Pagkatapos kong magluto, naghain ako ng pagkain para sa sarili ko at saktong lumabas naman si Denver sa kwarto niya. Parang ang sarap pa nga ng pag uunat niya. Lumapit siya sa akin at kukuha na sana ng hotdog ng bigla ko itong ilayo sa kanya.
"Ano ka? Kung gusto mong kumain, mag luto ka ng sayo," pagdadamot ko sa kanya.
"Ah ganun ha? Marunong ka na talagang mambastos ngayon! Sige tingnan natin kung may laban yang pagkain mong cheap sa oorderin ko sa baba!"
Hindi ko na siya kinibo. Bagkus ay kumain lang ako. Maya maya pa, lumabas siya at pagbalik niya ay mayroon na siyang dalang pizza at ibang mga masasarap na pagkain.