DIANE POV "Anong nakakatawa sa nangyayari ha? Para ka nang sinasaniban ng demonyo ngayon. Nakakatakot ang hitsura mo!" Habang papalapit siya sa akin ay siya namang atras ko. Hindi ko alam kung balak niya akong halikan ulit pero this time, inihanda ko na ang kamay ko sakali mang may gawin siya sa akin. Napasobra ako ng atras at muli na naman akong napasandal sa pader. Mukhang na corner na niya ako ngayon. Hinawakan ko ang door knob at lalabas na sana ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay at itinaas ito. "Natutuwa ako dahil sa wakas ay mapapaaga ang paghihiwalay nating dalawa. Hind ba't naka kontrata lang naman tayo at peke lang naman ang pagbubuntis mo?" "Oh anong problema?" "Problema? Ganyan ba talaga kababaw mag isip ang mga taga probinsya? Syempre after six months, pwedeng pw