DIANE POV Kaagad akong tumayo upang lapitan si Denver, "Oh kamusta ka? Bakit para yatang naduduwal ka?" Kinuhaan ko siya ng tubig pero tinanggihan niya ito. Sa halip, ay dumeretso lamang siya sa pag upo. Tumabi ako sa kanya pero halatang halata ko na mainit pa rin ang ulo niya. Dahil siguro ito sa sunod sunod kong mga biro sa kanya na hind niya ma take. Muling naging seryoso naman ang mukha ni Sir Carl, "Siya nga pala, mayroon lang din ako isa pang gustong sabihin sa inyong dalawa," sambit nito sa amin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung good news o bad news ba ang sasabihin niya sa aming dalawa ni Denver. "Dad, spit it out already, pagod na po ako at gusto ko nang magpahinga," naiiritang sabi ni Denver, parang wala pa nga siyang pakialam na papa niya ang kausap niya. Hindi ako