DIANE POV "Ha?" napangisi ako at nagulat sa tanong, "Nako sobrang sorry po pero napagsabihan na rin kasi ako ni Denver tungkol sa bagay na ito. Pero masasabi ko na okay lang naman kaming dalawa." Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Pagkarating namin sa isang malaking hospital, hinantay ko na lamang siya sa lobby. Bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay John. Wala pa naman si Sir Carl kaya pagkakataon ko na ito para kausapin ang Fiance ko. "Hello? Himala? Tumawag ka ngayon sa akin!" sambit ko, medyo nataasan ko pa siya ng boses. "Diane, sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo pero namiss lang kita. Is this the best time to talk?" "Sige, pero bilisan lang din natin kasi baka mahuli pa tayo ni Sir Carl," sambit ko habang nakatitig ako sa pintuan kung nasaan pumasok si Sir Carl.