KABANATA 17

1296 Words
Nakaramdam agad ako ng gutom pagtapos ng klase. Pumunta ako sa canteen at bumili ng makakain. Nang biglang may tumawag na naman saken at Lumingon ako para Malaman kung sino ay Si Lance na naman. Hindi naman kami close ni Lance sa dati kong buhay pero heto sya ngayon, maya't maya ang pagsulpot na para bang alam kung nasaan ako lagi. Hindi pa kami nangangalahati ng subo ni Lance e rinig ko na ang masiglang tawag ni Krissa. Palapit ito at kumakaway pa na parang bata. "Uy, anu yan ate? Nililigawan ka ni kuya lance?" Agad na tanung nito at umupo sa tabi ko. Bigla akong nabulunan sa sinabi nya at napatawa naman si Lance. "H-hindi ah. Nakikisabay lang naman sya." Tumingin ako sa kanya at kumindat pa ito na dahilan ng pag-ubo ko. "Sus. Talaga? Kaya naman pala hindi mo na ako sinasabay sa pagkain kasi may iba ka ng kasama." "Alam mo Krissa, kahit naman na ligawan ko yang ate mo e wala akong panalo dyan. Hinding hindi ako sasagutin nya kahit anung mangyari." Sambit ni Lance na noon ay punong puno na ng pagkain ang bibig nya. Sandali akong napatigil, tumingin ako kay Lance. "Teka. P-pano naman kayo nagkakilala?" Tanung ko sa dalawa. "Palagi ko syang nakikita ate sa palengke kapag sumasama ako kina mama. Tapos yun nalaman ko na klasmeyt mo sya." Paliwanag ni Krissa. "Ga-ganun ba?" Napansin kong parang close na sila Krissa at Lance. At medyo pinagtatakhan ko din na sa tuwing nakikita at malapit saken si Lance ay naninikip ang dibdib ko. Pero pakiramdam ko din kapag kasama ko si Lance e parang alam nya ang kwento ng buhay ko at malaya kong nasasabinsa kanya ang lahat kahit pa hindi ko sya lubusang kilala. Napapangiti lang ako na pinagmamasdan ang kapatid ko at si Lance, nagkukulitan pa ito. Para silang magkuya at nakakatuwang pagmasdan. Hindi na din naman namalayan ang oras at ala una na pala. Kumaway-kaway pa si Krissa habang nilalandas ang daan papunta sa classroom nila. Ngumiti ako sa kanya at kumaway pabalik, ganun di si Lance. "Nakakatuwa talaga ang kapatid mo, naaalala ko sa kanya ang kapatid ko ding babae." Wika nito habang pabalik kami sa room. "Talaga? May kapatid ka din? Kasing edad din ni krissa? Nakakatuwa naman." "Oo. Magkasing edad sila." Namalayan ko nalang na papasok na kami sa room. Umupo na ako sa bangko ko at ganun din si Lance. Kita ko naman ang mga tingin nila Andrea at Alli na may kahulugan. Pinagsawalang bahala ko lang iyon at nagfocus nalang sa unahan na mag-uumpisa na din sa klase. Mabilis lang lumipas ang oras, uwian na naman. Pumunta muna ako sa banyo para umuhi at naabutan ko dun sila Alli at Andrea na nag-aayos ng sarili. "Kailan pa kayo naging close nung nerd na si Lance. Diba dati inaaway mo sya tapos ngayon kulang nalang yumakap ka sa kanya dahil subrang lapit nyo." Wika ni Alli na naglalagay ng lipstick at nakatingin sa salamin. "Oo nga. Alam mo, parang iba yung kinikilos mo nitong mga nakaraang buwan. Sabi ko nga kay Alli baka may inaayos ka lang or family problem nyo about business. Lagi ka namin nakikita together with that boy. Magtapat ka nga, may Galit ka siguro samen." Sabi pa nito. Napatawa nalang ako sa sinabing 'yon ni Andrea. "Girls, Wala akong galit sa inyo, okey. Siguro nitong mga nakaraang buwan, naiisip ko lang na baguhin ko muna yung ugali ko. Nakakasawa din kaya maging masama." Pabiro ko pang sabi. "Yun naman pala. Basta wag mong kalilimutan ang birthday party ko ah. Next week na yun. Be there!" Tumango-tango ako at pumasok na sa banyo para umihi. Paglabas ko ay wala na ang dalawa. Nakita ko nalang na sasakay na sa kanilang mga sasakyan. Nakatingin lang ako sa dalawa at lihim na napapangiti. Kahit saan ako tumingin sa eskwelahan na ito ay maraming alaala na bumabalik saken. Alaala na sana ay di ko ginawa at nangyari. Tinapik ako sa balikat ni Krissa na kanina pa pala nakatayo sa tabi ko. "May iniisip ka ba ate? Kanina pa ako dito pero tulala ka dyan." Tumingin ito kung San ako nakatingin. "Sino ba tinitignan mo dun? Wala namang tao." Sabi pa niya. Umiling lang ako at hinawakan nya ang kanang kamay ko. Mahigpit. Idinuyan nya iyon na parang bang bata na nakakapit sa kamay ng ina na ayaw magbitiw. Sinundan ko nalang din ang bawat galaw nito. Hila-hila ako ni Krissa, nakatingin at nakangiti lang ako sa kanya na patuloy sa paglakad. "Ate, bili tayo ng ice cream. Yung cookies and cream na flavor." Biglang sambit ni krissa saken habang nakaupo kami sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan pauwi. Sa tapat ng shed na inuupuan namin ay may malaking sari-sari store, meron silang isang malaking ref na puno ng iba't ibang uri at laki ng ice cream. Kinuha agad ni Krissa yung isang box ng cookies and cream na flavor. Inaabutan nya din ako ng isa ngunit sabi ko ay yung nasa cone lang ang bibilhin ko dahil hindi naman ako mahilig sa malalamig at matatamis. Nang malapit na kami sa bahay ay sinabi ko kay Krissa na mauna na sya dahil may dadaanan pa ako. Naalala ko na martes pala ngayon at magkikita kami ni Lola. Marami akong gustong sabihin at itanung sa kanya. Pagpatak ng alas sais ng hapon ay medyo madilim na ang paligid. Hinanap ko si Lola sa lugar na kung saan palagi ko syang nakikita. Hindi naman ako nabigo at Nakita ko na naman syang kumakain ng mansanas. "Lola!" "Adeline! Akala ko hindi na tayo magkikita pa. Mukhang napapasarap na ng tuluyan ang pagbalik mo dito sa nakaraan, gusto ko lang sabihin apo na may kahihinatnan ang lahat." Bungad agad saken ni Lola. "Lola naman, Ngayon lang nga po ulit tayo nagkita e ganyan na agad ang sasabihin nyo. At isa pa Lola, kaya kong baguhin ang lahat. Magtiwala lang kayo at mangyayari yun." Kompyansa kong sagot. Ngumiti lang sya at yumukong umiling. "Nga pala lola, pansin ko lang po na napapadalas yung p*******t ng dibdib ko, ang sakit nya na para bang hinihigop paloob. Bakit po kaya?" "Senyales iyan na malapit na mangyari ang kinakatakutan mo, iha. Kaya Kong ako sayo, maghanda ka ng subra dahil baka hindi mo kayanin ang mangyayari. Paalala ko lang sayo Adeline ang lahat ng ito ay baka nakalilimutan mo na nakaraan na at nangyari na. Meron Kang totoong buhay sa kasalukuyan. At kapag hindi mo nakayanan ay baka hindi kana makabalik pa sa tunay mong buhay." "Bakit Lola? Parang mas okey naman na nandito ako sa nakaraan kong buhay." "Paano ang mga taong umaasa at naghihintay sa pagbabalik mo sa reyalidad? Paano sila?" Bigla akong natahimik at napaisip. Sa ngayon Wala akong maalala na mga tao o Meron nga bang mga tao na naghihintay sa pagbabalik ko. Ngunit sino-sino naman sila? Isang minuto pa kaming nag-usap ni Lola at nagpaalam na ako sakanya. Nagulat na Lang ulit ako na nasa likuran ko na naman si Lance. "Mukhang Masaya ang pag-uusap ninyo ni Lola ah." Sambit nito at tinapik pa ako sa balikat. Tumingin ako sa kinuupuan ni Lola, kumakain pa din ito ng mansanas at kumaway pa saken na nakangiti. Kumaway naman ako Kay Lance at pabalik-balik ang tingin ko kay Lola at kanya. Nakangiti din si Lance. "Lance. Nakikita mo si Lola?" Pagtataka kong tanung. "Oo naman. Anu bang nangyayari sayo? Sa laking iyan ni Lola hindi ko makikita." Tugon nya saken. Muli ay tumingin ako sa matanda ngunit Wala na ito. Habang naglalakad kami ni Lance ay di ko maiwasang magtaka at mapaisip dahil ang sabi ni Lola ay walang nakakakita sa kanya maliban saken, at tanging si Lola lang din ang nakakaalam ng totoong nangyayari sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD