"Ayos lang po ako. Siguro ay nahilo lang ako kanina dahil sa init. Ayos na ako ma, hindi na dapat kayo pumunta at nag-abala pa dito."
"Anu ka ba? Nanay mo ako, hindi pwedeng hindi kita puntahan. Sigurado ka ba ayos ka lang?"
Tumango tango ako. At lumapit ang doctor.
"Good morning po sa inyo. As of now, okey naman po ang anak nyo. Dala lang ng stress ang dahilan ng pagkawala ng malay tao nya kanina. At iha, uminom ka din ng madaming tubig para hindi ka ma dehydrated, kulang na kulang ang tubig mo sa katawan." Paliwanag nito.
"Pero doc, paano po ang p*******t po ng dibdib ko? Normal lang ba Yun?
"Speaking of that, bumalik ka ulit on the next day para maibigay ko ang results ng x-ray mo. Para mas maexamine ka din ng maayos."
"Sige po. Salamat doc." Narinig kong sinabi ni mama at Krissa.
Nang makalabas na kami sa hospital, nagpaalam na samen si Lance. Muli naman akong nagpasalamat dahil sa ginawa nya saken.
Hindi na ako nakapasok para sa mga sunod na subjects. Tumawag nalang ako sa school at sinabing nagkaroon kami ng emergency. Tuluyan na akong sinama nila mama umuwi ay kahit sila ay hindi na nakapagtinda pa. Ibinilin nalang iyon ni mama sa kasama nya sa palengke. Nang malaman ni papa ang nangyari saken ay umuwi din sya agad-agad.
"Nasan sya? Nasan ang ate mo?" Rinig kong tanung ni papa pagdating sa bahay.
"Pa, andito ako." Tugon ko.
Agad akong nilapitan ni papa at labis ang pag-aalala. Hinawak-hawakan pa ako sa magkabilang braso.
"Anak, anung nangyari? Kamusta ka? Akala ko kung napano kana at dali-dali akong umuwi. Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanung ni papa.
Ngumiti ako sa kanya at sinabing ayos lang ako.
"Medyo nakaramdam lang po ako ng hilo, kaya kayo papa dapat lagi kayong may tubig lalo na at namamasada kayo. Ayos lang ako pa." Wika ko.
"Mabuti naman. Wag kang mag-alala. Palagi naman akong may tubig sa tricycle." Tinapik-tapik ako sa balikat at saka kumuha ng tubig na maiinom.
"Total e kumpleto na din tayo, pagsaluhan na natin yung binili kong ulam at tayo'y kumain na. Masarap 'yun at mainit pa." Sabi ni papa mula sa kusina.
Ramdam ko ang labis na pagmamahal nila saken sa nangyaring iyon, masaya ko lang silang pinagmamasdan habang masayang kumakain. Dun pumasok sa isip ko na bakit pa ako humangad ng mas marangyang buhay dati kung masaya naman kami sa ganito. Bigla ko ding naisip na paano kung maayos at nakakaangat kaya kami sa buhay dati, ganito rin kaya kami kasaya? Ganito rin kaya kami magtulungan at magdamayan sa lahat ng problema? At higit sa lahat, may oras kaya kami sa isa't isa para maiparamdam ang totoong pagmamahal?
Sa mga sandaling iyon, nagbagong tuluyan ang lahat. Kahit na sa pagkakataong ito na bumalik ako sa nakaraan, labis labis pa din ang pagsisisi ko. Halos di na ako makasubo ng pagkain dahil nakatingin lang ako kina mama at papa. Habang iniisip ko ang totoong mangyayari at reyalidad na buhay ko, parang gusto ko silang yakapin mula sa oras na iyon at wag ng pakawalan. At sabihin ang lahat ng pwedeng sabihin para lang mabago ko ang nakatakda. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko at bumalik lang sa wisyo ng tinapik ako ni mama. Agad kong pinunasan ang luha at di nagpahalata sa kanila.
"Anak, bakit? Masakit na naman ba ang dibdib mo, ha?" Sabi ni mama at napahinto sila sa pagkain.
"Ah eh hindi po ma. Ayos lang po ako."
Hinawakan ko sya sa kamay at nginitian. "Ayos lang po ako. Kain na po ulit tayo. Pa, kain lang ng kain. Krissa, kain na." Masaya kong sabi sa kanila at inunahan ng sumubo ng pagkain.
[MARCH 9, 2018. ARAW NG MARTES]
"Anak lagi kong napapansin na nakatingin ka sa kalendaryong iyan." Si mama na gumagayak na din paalis.
"May tsi ni check lang po ako ma."
"Bakit? Excited na ba ang anak ko para sa graduation? Alam mo, hindi lang halata samen ng papa mo e mas excited kami dalawa, akalain mo e may mapapagtapos kami ng highschool kahit pa mahirap ang buhay. Ay diga ay ang sarap sa pakiramdam." Masayang sabi ni mama.
Hagya akong napangiti sa sinabi ni mama para bang nagkaroon ng sigla ang puso ko.
"Malapit na ma. Sige po, una na ako sa inyo ni papa. Ingat po kayo ni papa ah." Niyakap ko siya ng mahigpit at ramdam ko din ang mainit na yakap ni mama saken.
"Hey girl, what happen to you yesterday? I heard na nawalan ka daw ng malay. Totoo ba?" Tanung ni Alli habang nagsusulat ako ng ilang notes. Wala kasi yung second subject teacher namin.
"Wala yun, totoo sya pero ayos na din naman. Nahilo lang siguro ako kahapon."
"OMG! So totoo talaga? Alam mo bes, to be honest namimiss ka na namin ni Alli, hindi ka naman ganyan dati. I've notice na lumalayo ka samen which is nakakatampo. We don't even know kung bakit? Pero sabi ko sa kanya baka family problem so hinayaan ka namin. Pero sana, in my coming birthday party hindi mo ako tatangihan ah. I'm expecting you to be there." Mahabang pahayag ni Andrea na nakaupo sa tabi ko.
"Yeah, she's right. Gusto ko na din bumalik ang THE A QUEENS. I missed the old times." Dugtong pa ni Alli.
Ngumiti lang ako sa kanila at muli ay ipinagpatuloy ang pagsususlat. Nang makita nila ako na busy na ulit e umalis na din sila dahil alam nila na hindi ako nagpapa istorbo kapag may ginagawa ako. Iyon ang ugali ko dati. Sa aming tatlo, ay ako ang mas nasususnod. Dahil nga sa ginawa ko dati ay labis anh pagsisisi ko ngayon. At aminin ko din sa sarili ko na meron din naman silang naitulong sa buhay ko dati.
Napailing na lang ako sa sarili ko dahil nawala na ang focus ko sa pagsususlat dahil sa inaalala ko ang dati. Wala pang limang minuto ay pumasok na din ang sumunod na guro.
"Class, listen. April 10 ang graduation nyo, so meaning exam nyo na next week for final. Medyo kinapos tayo sa time. So sad kasi ngayon lang din kami inabisuhan. I hope na mag-aral kayo ng mabuti, mag review ang dapat ireview. Be friend to your classmates and make a happy memories class. This is your last step in this school, dapat ay mas maging magkaroon kayo ng oras para sa isa't isa not only for classmates, but also as second family or a friends. And starting on April 1, we will be practicing your graduation songs. And guys, palagi kayong mag-iingat okey. Yan lang muna sa ngayon, bibigyan ko kayo ng time para sa inyo. Mahaba pa ang oras. Meron din kasi kaming inaasikaso sa faculty, pero wag kayo masyadong maingay. May klase ata sa kabilang room. Bye." Mahabang sabi ng guro naming si Mam. Dianne.
Kumaway pa muna si mam bago tuluyang umalis at sumenyas na wag maingay. Masayang masaya naman ang iba kong mga kaklase dahil nakalibre na naman kami ng isang oras.