Madalas nating naririnig sa karamihan o matatanda na walang nag-sisisi sa huli. Kung kaya habang maaga pa o kasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay ay pahalagahan natin sila at mahalin dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama natin sila. Dalawa lang na magkapatid sina Adeline at Krissa, subalit kinakapos pa din sila kahit sa pang araw-araw lang na pangangailangan. Pagtitinda ng mga gulay at prutas ang trabaho ng kanyang ina at tricycle driver naman ang kanyang ama at may sakit pa itong diabetes. Kung anung kabutihang asal ang meron si Krissa ay kabaliktaran ang ugaling meron si Adeline. Masipag, mapagbigay, matulungin, at mabuting anak si Krissa. Malambing din ito lalo na sa panahong mahina ang benta ng negosyo nila na isa sa kinaiinisan din ng kapatid nya. Samantala, pinagkalooban naman ng katalinuhan si Adeline na syang dahilan ng katigasan at pagiging mapagmataas nya. At dahil bunso si Krissa at matanda si Adeline, sinusunod na lamang nito ang lahat ng iuutos o hihilingin. At walang ibang hiniling o hinangad ito kundi ang maging malayo sa buhay na meron sila ngayon at matamasa ang mga gusto nya makamit sa buhay. Tanging sii Krissa ang naging katulong ng magulang nila sa lahat ng gawain sa bahay man o sa pagtitinda. At kahit na minsan ay hindi nito naranasan ang magtinda sa palengke at walang ibang ginawa kundi ang humingi lamang ng bagay na kahit anu at kapag hindi maibigay ay magsasama ang loob. Dahil mahal nya ang ate nya ay madalas nyang ipinapaubaya ang mga bagay na dapat ay sa kanya. Kahit alam ng mga magulang nila na iba ang trato ni Adeline sa kapatid ay hindi nila pinaramdam sa mga anak ang magkaroon ng paborito dahil parehas at pantay ang pagmamahal nila sa mga anak. At sa kabila ng pagiging kapos nila sa buhay, ay mas lalong nagsisikap ang mga magulang nila para maibigay ang lahat ng gusto. Lalo na at subrang maloho si Adeline sa lahat ng bagay. Sa halip na magpasalamat at pahalagahan ang bawat bagay na natatamo niya ay kabaliktaran pa ang ibinabalik ni Adeline sa magulang maging sa kapatid nya. Dahil subrang mababait ang mga magulang nito ay mas lalo pa nilang minahal ang anak dahil ang tanging kayamanan na meron sila ay ang pagmamahal. Hindi lamang sa loob ng bahay iba ang ugali at pakikitungo ni Adeline, ganun din kahit sa kanilang baryo. Maging kapit-bahay o kamag-anak ay palagi nitong iniinsulto. Kilalang maldita at masama ang ugali kaya't walang nakikipagkaibigan dito. Ganun din sa paaralan at hanggang sa tumuntong sila sa sekondarya. Ngunit hindi naging hadlang Kay Adeline ang mga pangungutya at pag iiwas nito sa kanya sa halip ay mas ginusto nya na hindi makipag-kaibigan sa kahit na sino lalo na sa tingin nyang parehas nyang kapus-palad. Ginamit nya ang kanyang katalinuhan para makahanap ng mga kaibigan na maaasahan nya sa kung anung gustuhin nya. At dahil dun, tanging nakaaangat lang sa buhay ang mga nagiging kasalamuha nito sa araw-araw. Mas lalo syang naging suwail at natutong magsinungaling dahil sa mga kaibigan na iba ang dulot sa kanya. At mas lalo nyang hindi inintindi ang paghihirap ng mga magulang nila.At nagbago ang lahat makalipas ang maraming taon. Inakala nya na magiging madali lang ang lahat sa kanya at tuparin ang mga pangarap nya dahil sa wala ng humahadlang sa kanya. Ngunit ang pinapangarap na buhay ni Adeline ay iba ang malayo at kabaliktaran ang ibinigay sa kanya. Lumayo ang lahat sa kanya at kahit anung gawin nyang pagsisikap ay pilit syang ibinababa. Hanggang sa dumating sa buhay nya si Keila, ang babaeng naging kaibigan, kapatid, at Ina nya sa panahong nahihirapan sya. Ang nagsilbing kalakasan nito at nagpapatibay ng kanyang loob sa panahong nanghihina siya. Ang kaibigang nagmulat sa kanyang maling nagawa at bumago sa buhay nya. Naging sandalan nya ito sa lahat ng oras at lahat ng bagay. Si keila din ang babaeng nagpabago sa kanya at dahilan ng subra nyang pag sisisi sa Buhay. Ang tanging naging hiling ni Adeline ang maging masaya sya sa araw-araw at bumalik Ang lahat sa kanya. Magiging maayos kaya ang buhay ni Adeline at magkaroon pa kaya sya ng pagkakataong masabi ang lahat ng gusto nyang sabihin sa mga mahal nya sa buhay at pag-sisihan ang lahat ng ginawa nya?