"Lin, dito na ako. Kita nalang bukas." Wika ni Lance.
"Malapit lang din pala ang bahay nyo samen. Iyon lang ang samen. Hindi ko alam na taga dito ka din pala." Tugon ko.
"Pano ko naman maglalakas loob na sabihin sayo e kahit nga maghi ako sayo dati para ka ng mangangain."
Nangiti naman ako at napayuko. Medyo nakaramdam pa ako ng hiya nung mga oras na 'yun.
"Alam mo, minsan siguro maganda na magkwento ako ng buhay ko sayo, ikaw baka gusto mo din. Makikinig ako."
Umiling lang sya at sumenyas na parang ayaw.
"Hindi na. Okey na saken yung makinig sa kwento ng iba. Ayoko na ipagkalat pa ang buhay na meron ako." Tugon ni Lance na noon ay seryoso na ang mukha.
Kumaway nalang din ako sa kanya at ganun din sya saken. Ilang hakbang na lang din at bahay na namin kaya naglakad nalang din ako.
Nadatnan ko si mama na nakahiga sa sala. Nakahawak sa sarili nyang noo at pansin Kong parang may iniinda.
"Ma, ayos lang po kayo?" Tanung ko agad sa kanya.
Mainit ang katawan ni mama kaya medyo nagpanic ako.
"Ma, ang init mo. May sakit ba kayo? Nasan si Krissa, si papa po nasaan?"
Hinawakan lang ako ni mama sa kamay na aalis na sana ako para kumuha ng basang towel.
"Anak, ayos lang si mama. Medyo nahilo lang ako kanina at siguro ay sumakit na din ang ulo ko. Subrang init na kasi sa palengke ngayon." Paliwanag ni mama.
"Kahit na mama. Dapat hindi nyo hinahayaan na masakit ang ulo nyo. Mabuti nalang po at dumating ako agad. Diba po, kanina pa nakauwi si Krissa. Nasan sya?"
"Inutos ko na bumili ng gamot anak sa botika." Tugon ni mama.
Ramdam ko ang panghihina at malumanay na boses ni mama. Agad kong tinungo ang kusina at nagluto para makakain at makainom na agad sya ng gamot.
Maya-maya pa ay dumating na din si Krissa, hingal at hinahapo. Dala ang isang paper bag na may lamang gamot. Nagpatulong na ako sa kanya para mas mapadali ang pagluluto.
Pasado alas syete na at kararating lang ni papa. Napakain na din namin si mama at napainom na ng gamot. Medyo malamig na ang singaw ng katawan nito na hindi kagaya kanina na subrang init. Pinuntahan agad ni papa si mama na nakahiga sa kwarto nila dalawa. May nakapatong na basang towel sa bandang noo nito. At agad na bumangon ng makita si papa.
"Ginabi kana. Kumain ka na ba?" Si mama pagka-upo ni papa sa tabi nya.
"Naku naman Carmina, ako pa tong inaalala mo ikaw na nga ang may sakit. Kumain ako kanina bago mag alas tres, busog pa ako. Ikaw kumain ka na ba?"
Tumango-tango si mama. "Napainom na din po namin sya 'pa ng gamot." Sabi ko mula sa pintuan.
Binigyan ako ng malawak na ngiti papa maging si Krissa.
"Halika nga kayo rito mga anak ko. Ang mga anak ko, mga dalaga na dalaga. Maya Maya carmina at may abogado at guro kana." Sabi pa ni papa.
"Kaya nga, Ed. Ang bibilis ng mga anak mo magsipaglaki. Parang kahapon lang ay parang sing laki lang sila ng bote ng 1.5 ngayon ay hindi na masukat."
"Nawawala talaga ang pagod ko sa tuwing nakikita ko kayong masaya. Lahat ng pagod sa initan ng pamamasada ay parang lumipad na kung saan." Sabi ni papa na may ngiti sa labi.
Labis naman ang kasiyahan ko sa mga narinig ko iyon. Niyakap na din kami ni papa at nagbiro pa na hindi na kami kasya sa buong bisig nya.
Hindi naman kami agad natulog nun dahil pinagmamasdan namin si mama. At makalipas ang anim na oras ay bumalik na sa dati ang pakiramdam ni mama. Saka lang kami natulog ni Krissa. Hinayaan na namin matulog si papa dahil alam kong pagod na ito at may trabaho pa bukas.
Nalaman ko nalang din na wala kaming pasok ng tatlong araw dahil gagamitin ang school namin para sa mga maglalaro. At pabor para saken iyon dahil mas mababantayan ko si mama at makakatulong ako sa kanila.
"Kris, bantayan mo nalang muna si mama at sasama ako kay papa sa pamamasada."
"Sige ate. Magdala ka ng madaming tubig dahil subrang init ng panahon ngayon. Saka Kumain muna kayo ni papa bago umalis. Ako na bahala kay mama."
Tinapik ko sya sa likod at pumunta kay mama para magpaalam. Maayos na din naman ito at Nakita ko na ngang nagluluto na ng almusal.
"Ma, dapat hindi po muna kayo nagkikilos. Baka bumalik ang lagnat nyo." Sabi ko sa kanya na may pag-aalala.
"Anak, ayos na ako. Mas lalo akong nanghihina kapag tumigil ako sa kwarto at hihiga. Balita ko ay sasama ka sa ama mo? Kumain muna kayo ah, at magdala ka ng tubig." Wika pa ni mama.
"Opo."
"Dyan kana muna at tatawagin ko ang ama mo para sa almusal. Kumain kana dyan." Bilin ni mama at umalis para hanapin si papa sa labas.
Sabay-sabay na kaming apat nag-almusal, Masaya naman ako at makakasama ko si papa kahit isang araw lang. Nagpaalam na kami ni papa kina mama at Krissa at naghanda na para umalis.
Pinaandar na ni papa ang tricycle nya at muli ay kumaway ako sa kanila mula sa loob nito.
Sandali ay tumigil kami sa isang kanto dahil may pasaherong sumakay. Katulad ng gawain ng isang driver ay ihahatid nito sa paroroonan tapos ay maghahanap muli ng pasahero. Pabalik-balik kami sa kuta ni papa. Kitang-kita ko ang pawis na tumutulo Mula sa mukha ni papa at panay ang punas nito gamit ang maliit na towel. Mauubos na din ang dala nitong tubig dahil panay din ang inom. Sandali ay tumigil kami kung saan ay doon nagpaparada ang mga tricycle driver. Hindi pa man kami nakakababa ni papa Mula sa sasakyan ay may lumapit samin na isang lalaki.
"Pare, alam mo ayaw ko sana na magkagulo at magkaroon ng tampuhan tayo Dito. Dahil pare-parehas lang tayo mga driver at nagtatyaga sa init ng araw. Pero sana naman Eduardo ay kung sino ang nakapila ay sa kanya muna ang pasahero, Wala sanang taluhan." Bungad nito Kay papa at nagpupunas pa ng pawis.
Maging ako ay nagulat sa narinig ko. Naalala ko kanina yung huling pasahero ni papa na babae, pero ang alam ko wala naman sya sa pila at saktong dumating kami ni papa kaya samen sumakay.
"Pasensya kana pareng Karding. Hindi naman sa nakikiagaw ako e wala ka pa Naman kanina kaya naman pinasakay ko na." Tumango tango lang ako sa sinabi niyon ni papa at may pagsang ayon.
"Kahit pa. Alam mo naman na nakapila ako at pila pila tayo Dito. Hirap Sayo para Kang mauubusan. Huli mo na to Eduardo ha, hindi ko na palalampasin sa sunod kapag inulit mo pa." Galit na sabi nito at hinampas pa sa hangin ang dalang towel.
Ngumiti lang si papa saken at inosenteng humingi ng paumanhin sa kasamahan. Pagkatapos ay inaya nya na din ako kumain ng pananghalian.
Kumain kami sa maliit na karenderya sa tapat ng paradahan. Ramdam ko na din ang pagod ni papa kahit pa hindi sya magsabi. Lalo na sa narinig ko kanina, pero hindi ko na inisip pa iyon dahil kasama ko na din naman sya at kaya nga ako sumama sa kanya ay para tumulong kahit papano.
Nagpahinga lang kami saglit at bumalik na muli sa paradahan para mag-abang at maghintay ng mga pasahero.