Nagising ako dahil sa familiar na amoy, meron din akong naririnig na nagsisisigaw sa sala. Unti unti kong inalis ang kumot na nakapatong saken at nagulat ako sa nakita ko. Kinusot ko ng dalawng beses ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Nandito ako sa loob ng dati kong kwarto at walang pagbabago ang ayos ng bahay namin labing-limang taon. Agad akong bumangon at sana tama lahat ng iniisip ko. Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at unti unting pumapatak ang mga luha ko. Nakita ko ang family picture namin na nakapaskil, ang mga ayos ng bahay at mga bagay sa loob at labas nito. Sinundan ko ang amoy at ng mahawi ko ang kurtina na tanging harang ng kusina namin, hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Ma-mama?" Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Parang estatwang nakatingin lang dahil hindi ko alam ang nangyayari. Inikot ko ang tingin sa buong bahay, katulad na katulad ito ng dati. Walang nagbago. Kinurot ko muli ang mga pisngi ko sa pag aakalang nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko pero nakaramdam ako ng sakit. Hindi ko mapigilang hindi ibuhos ang mga luha ko. Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising pa. Mas lalo akong umiyak ng humarap si mama, hawak-hawak ang isang plato na may ginisang ampalaya at itlog katulad ng ginagawa nya tuwing umaga.
"Anak. Kanina ka pa ba gising? Tawagin mo na ang ka--"
Mamaaaaaaaa."niyakap ko ng mahigpit si mama. Subrang higpit. Ginantihan naman ako nito kahit na nagtataka. Narinig ko na lumabas na ng kwarto si papa ganun din si Krissa. Humihikab pa ito habang nakataas ang dalawang mga kamay. Agad ako lumapit sa kanila at mahigpit ding niyakap.
"Papaaaaaaaaaaa. Papa ikaw ba yan? Papa ko." at niyakap muli.
"A-anu bang nangyayari sayo anak. Ako nga to. " Biro pa nito.
"Krissaaaa. Ang kapatid ko..." Pinisil ko ito sa pisngi. Niyakap ko silang tatlo ng subrang higpit ng mga oras na iyon. At ibinuhos ang mga luhang may kasamang pasasalamat at pagsisisi.
"O sya, umupo na kayo. Kakain na tayo, nakalimutan nyo atang linggo ngayon."
Kinaugalian na namin ang magsimba tuwing linggo bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na natatanggap namin sa araw-araw.
"Binili ko nga pala yung langgonisa na gusto mo anak." At iniabot saken ang plato.
"Mama, simula ngayon lahat ng ipaghahain mo kakainin ko na. Subrang sarap mo pala. " Tugon ko.
Nakita ko nagkatinginan silang tatlo. Bakas sa mga mukha nila ang labis na pagtataka. Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang ako sa pag subo at muling pumatak ang mga luha.
"Ah ganun ba? Naku, dati dati lang tinatapon at inaayawan mo ang mga luto ko anak. Sige mas dadamihan ko pa ang pagluluto nito. "
"Siguro nanaginip ka kagabi ng hindi maganda. Sige mga anak, kain lang ng kain. " Sabi ni papa.
Dali-dali akong nagbihis dahil malilate na kami sa unang mesa. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko man maipaliwanag ang mga nangyayari pero sa loob ko ay subrang masaya ako. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung bumalik nga ako sa nakaraang makalipas ang sampung taon, ay gagawin ko ang lahat at ipaparamdam ko sa pamilya ko ang mga bagay na hindi ko naiibibigay at pinaparamdam sa kanila dati.
Nauna na sila mama at papa pati si Krissa sa labas, nagpahuli ako sa loob dahil gusto kong ilagpasalamat ang lahat. At muli, labis ang pagtataka nilang lahat saken dahil ito ang unang beses na sumama ako sa kanila sa pagsisimba. Ramdam ko naman ang labis na katuwaan ng mga magulang ko kahit na si Krissa.
Palabas na ako ng simbahan nakita ko silang bumibili ng sampaguita ng biglang kong napansin ang matandang nakaupo sa gilid ng simbahan.
"Kamusta iha, nagkita muli tayo." ngiti saken ng isang matandang babae na sa tingin ko ay ang manghuhulang lagi kong nakikita.
"Lola??Paanong?" Pagtataka ko. Hindi ako pwedeng magkamali na sya yung matandang naghuhula saken. Aminin ko man o hindi lahat ito ay totoo at nangyayari.
"Masaya ka ba sa mga nangyayari?" Ngiti nito saken. Hindi ko pa din maipaliwanag pero labis ang pagtataka ko. Papaanong ang matandang manghuhula na ito sa nakaraan at hinaharap ay nandito muli at kaharap ko, at kahit sa dating nakaraan nandito pa din kahit ilang taon na ang lumipas.
"Siguro nagtataka ka kung bakit lagi tayo nagtatagpo sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Malalaman mo din sa huli, sa ngayon maging masaya ka habang kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. " Ng marinig ko iyon ay bigla ako napatingin sa pamilya ko, kumaway ang mga ito saken habang palapit.
"Anak, kilala mo ba si manang?" Sabi ni mama ng makalapit ito. Nakita ko naman na nasa malayo na ang manghuhulang matanda.
"Siguro po." Habang tinitignan ang matanda sa malayo.
"Alam mo anak, talaga masayang masaya kami ng mama mo dahil sa huli ay nakasama ka namin sa pagsimba. Hindi mo alam ang subrang kasiyahan ng akin puso. " Mahabang tugon ni papa na labis kong ikinatuwa ng palihim.
Pagkatapos namin kumain sa isang karenderya ay nag-aya na si mama na umuwi dahil asikasuhin pa daw nya ang mga gulay at prutas na ititinda nya bukas sa palengke.
Dumaan muna kami sa kapatid ni papa sa kabilang bayan at doon na din nagpalipas hanggang sa magdapit-hapon. Bihira na kasi sila magpunta doon dahil abala sa madami kasing trabaho na dapat gawin sila mama at papa. Doon na din kami kumain ng hapunan. Masaya ang mga ito lalo na ng makita ako dahil iyon lang din ang unang beses na pumunta ako.
Masayang masaya ako, hindi ko man masabi sa kanila ng harap harapan pero gagawin ko ang lahat habang magkakasama kami.
Pagdating namin sa bahay, inayos ko muna ang mga gamit ko dahil may exam kami bukas para sa midterm ng pangalawang semester. Ilang buwan nalang at malapit na ako magtapos ng sekondarya. May isang oras din akong ginugol maging si Krissa ay nag-aral na din.
Naramdaman ko nalang na wala na si Krissa sa tabi ko tulog na sa kwarto. Nakaramdam na ako ng antok at kinuha ang dalawang unan at isang kumot. Kumatok ako sa kwarto ng mama at papa ko, alam kong gising pa sila dahil lagi itong late matulog. Binuksan ko ang pinto at parang bata na nakikiusap.
"Mama, papa pwede ba na dito ako matulog kahit ngayon lang?"
Nakita ko naman na nakatinginan sila at nagtatakang muli.
"Aba syempre, ang panganay namin ay naglambing. " Saad naman ni papa.
Dali-dali akong pumunta sa malawak na katreng hinihigaan nila. Pumunta ako sa gitna at niyakap sila ng subrang higpit.
"Subra ko talaga kayong namiss. " Habang yakap ko Sa bawat isa sa kanila.
"Magkakasama naman tayo araw-araw, tapos miss mo kami. San ka ba nanggaling at parang ngayon mo lang ulit kami nakita?" Pagbibiro ni papa.
"Alam mo anak, nagtataka na talaga kami ng papa mo sa iyo. Hindi ka naman ganito dati. " Sabi ni mama habang yakap ako.
"Pisilin mo nga ang braso ko at baka nanaginip tayong sabay. " Biro pa ni papa.
Nagtawanan naman kaming tatlo ng biglang bumukas ang pinto. Sabay-sabay kaming napatingin kay Krissa na may dala ding unan at kumot.
"Hindi pwedeng hindi ako kasama dyan. " Sabi nito at agad na pumunta samen at nakigulo.
Lumipas ang ilang minuto. Tahimik na ang lahat at huni ng mga kuliglig sa labas ang ingay na maririnig.
"Ang sarap sa pakiramdam. Lahat ng pagod ko ay nawala." Basag ni papa sa katahimikan.
"Masayang-masaya talaga ako ngayon. Kompleto tayo walang sakit at nakakàkain ng maayos sa isang araw. Iyon ang labis kong ipinagpapasalamat." Sabi ni mama. Ilang minuto din ang ginugol namin para magkwentuhan. At doon ko napagtantong ganito pala kasarap sa pakiramdam, kasabay ang pagpikit ng mga mata.