KABANATA 3

1224 Words
Narinig ko na maingay sa labas ng buksan ko ang pinto nakita ko nagtatakbuhan ang mga kapatid ni Keila. Tulad ko panaganay din sya at tatlo silang magkakapatid. Hindi man ganun kaganda ang buhay nila pero masaya sila sa kung anung meron ang mga ito. Tumigil sya sa pagtuturo sa private school dahil kinukulang ang sahod nya, ngayon tumutulong sya sa isang organization na naminigay ng konting tulong para sa mga batang may mga kapansan. Masaya naman ito sa ginagawa nya dahil kapag may subra sa mga ito naiiuwi nya sa bahay nila at pinagsasaluhan. "Gising kana pala, umupo kana dito at pagsaluhan natin itong niluto ko." Habang hinahain ni tita Myra ang lugaw na arusklado. Lahat sila nakangiti saken, binati din ako ng dalawa nyang kapatid at niyakap pa nga ako ni Lucas. Sa tabi ni Keila ako umupo at nagdasal na si tito Lindo para sa almusal naming pagsasaluhan. Napakasimple ng buhay nila, kahit minsan na alam kung nahihirapan si Keila at kahit di sya magsabi saken alam ko ang pakiramdam. Breadwinner kasi sya at may sakit pa si tito Lando kaya hindi na makapag hanap-buhay pa. Hindi lang nya sinasabi saken ang mga problema nya kaya naguguilty din ako para sa sarili ko dahil siguro selfish ako. Sa kabila ng kahirapan nila, masaya sila sa araw araw na para bang walang problema. At ni minsan hindi ko nakita si Keila na dumaing ng kahit na anu saken. Di ko mapigilang lumuha habang kumakain. Naalala ko minsan niluto ito ni mama pero di ko kinain, pero nung matikman ko ramdam ko ang lasa ng pagmamahal ni tita para sa pamilya nya na lalo kung ikinalumo. Napansin ni Keila na nangilid ang mga luha ko kaya tinapik tapik nya ako sa likod. Sunod sunod lang ang pag subo ko at hindi ko na magawang makisaya sa mga kwentuhan nila. At yun ang bagay na subra kung kinaiingitan kay Keila. Tinanggap ako ng buo ng pamilya niya, at mag-iisang linggo na ako na nakikitaira sa bahay nila Keila at trinato na parang nakakatandang kapatid nila. Walang araw na hindi ako ngumiti dahil sa pinaparamdam nila. At sa loob ng isang linggong yun, madami akong na realize sa buhay ko na hindi na kayang ibalik pa. Habang naghihintay ako ng tawag sa pinag aplayan ko na trabaho, tinutulungan ko sa gawaing bahay si tita. Ako din minsan ang nag aasikaso sa mga kapatid nya pati sa papa nya bilang pagtanaw sa utang na loob. May natira pa din naman kasi sa perang nakuha ko kaya ako na din nagbabayad sa ibang bills nila pati sa gamot ni tito Lindo. Subrang saya at masarap pala sa pakiramdam na parang nagkaroon ka ulit ng pamilya na makikita mong masaya sa umaga hanggang sa pagtulog. "Ginabi ka na naman, mag ingat ka sa daan kapag ginagabi ka ng uwi." Sabi ko Keila na mag-aalas otso na umuwi. "Gising ka pa? Dapat natutulog kana, bawiin mo lahat ng puyat at pagod mo sa pitong taon mo sa trabaho. " Saad nya. "Hindi pa ako inaantok. Nag-aalala ako sayo e. Nga pala, kumain kana? Hindi ko na tinanggal sa mesa yung hapunan mo . Alam ko pagod ka. Ako na mag ayos ng mga ito. Sige na kumain kana dun. " Ngumiti sya saken at sumenyas ng salamat. "Ang saya pala maging parte ng pamilya mo. " Bigla kong nasambit sa kanya. "Subra. Wala akong pinagsisishan, okey na ako sa ganitong buhay basta nakakàkain kami tatlong beses isang araw. Napapag aral ko mga kapatid ko, nabibili ko mga gamot ni papa. Okey lang kahit magpakatrabaho ako, para sa kanila." "Alam mo, subra akong naiingit sa iyo. Napaka tatag mo, hindi ka nagsasabi kahit may problema ka. Kinikimkim mo lahat." "Oh anu to? Wag mo naman ako paiyakin, para ka namang sira dyan e. " "Hindi, hanga lang ako sa iyo, kina tita at Tito. Kung pwede ko lang ibalik ang oras na buo pa din kami, gagawin ko. Pero wala na akong magagawa. Salamat Keila kasi hindi mo ako iniwan, hindi ka nagsawa sa ugali ko kahit alam mo na. . " ngiti ko sa kanya habang pumapatak ang luha. Pinunansan din ni keila ang nangigilid nyang mga luha. "Anu ka ba? Bawal umiyak, alam mo kahit ipanganak pa ulit ako. Ikaw lang gusto kong friend. Naku kahit nung una subrang maldita mo pero napaka prangka ka naman sa lahat ng bagay na yun ang nagustuhan ko. Tama na nga, pass muna tayo sa iyakan. " Nagtawanan nalang kami ni Keila habang pinupunas ang mga luha. "Labas tayo bukas, isama natin silang lahat. O, alam ko na wala kang pasok bukas. " Sabi ko sa kanya. "Naku, wala nga kaso wala pa ako money, friend." "Anu ka ba? Ako bahala , wag ka na mamroblema dyan. Ako na. Ako bahala sa lahat. " "Talaga. Naku sigurado, for sure matutuwa yun sila lalo na si mica at Lucas. Huling gala ko ata sa kanila last 2 months pa. " Ramdam ko ang saya ng niyakap ako ni Keila. Pinunansan ko naman ang mga luha ko na kanina pa pumapatak. Kung pwede ko lang nga sana ibalik ang oras ay gagawin ko din ito sa pamilya ko wala siguro akong masakit na pasanin ngayon. Rinig na rinig ko mula sa kwarto ang mga habag ng mga kapatid ni Keila na nagtatakbuhan. Nag ayos na din ako ng sarili ko maging ako ay na e excite sa gagawin naming pamamasyal. "Papa, kaya mo pa ba maglakad? Masyadong malaki tong mall na to kesa dun sa pinuntahan natin nung nakaraang buwan. " pag aalala ni keila sa papa nya. "Naku, malakas pa ang mga tuhod ko. Kayang kaya pa. " at hinampas hampas pa. Ibinili ko nga mga laruan at mga damit sina Lucas at Mica, ganun din sila tito at tita maging si Keila. Hindi ko na naman mapigilang ang tumulo ang mga luha ko habang nakikita silang masaya. Nagpresenta na din ako na picture ran ko sila dahil napansin kong wala pa silang family picture at pinaprint ko agad agad. Mas lalo naman nilang ikinatuwa 'yon. Pasado alas singko na ng hapon at nag-aya na si Mica na umuwi dahil pagod na sa paglalaro. Minuto lang ay dumating na din yung grinab ko na taxi at sumakay na kami. "Ate, ate, yung barbie doll ko po nahulog." "Ha, asan? Naku manong sandali po , naiwan Kasi Yung laruan nung kapatid ko Kunin ko lang. " Sabi ni Keila. "Ako na. Manong itabi nyo nalang po dyan. Wag na kayong bababa, Mica. Dito ka lang, wag kang lalabas. " Tumango naman ito. Nasa kabilang highway yung barbie doll na binili ko. Hinintay ko pa mag green light para makatawid. Mabuti nalang at hindi ito naapakan ng mga dumadaan. Pinakita ko sa kanila na hawak ko na ang manika. Kinakawayan naman ako ni Keila s kabila. Nilagay ko sa bag ang laruan, at big lang nagring ang selpon ko sa bag. Kukunin ko sana ng --- "Lin, Linnnnn, pleaseeee wag ka matutulog. " Hindi ko magawang imulat ng maayos ang mga mata ko, parang gusto kong matulog dahil pakiramdam ko ay hinang-hina ng buo kong katawan. Naririnig ko ang pag-iyak ng kaibigan ko habang hawak ako sa kamay. At pagkatapos kong maipikit ang mga mata ko ay hindi ko na alam ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD