Pasado mag-aalas singko na ng hapon ng matapos ang examination para sa lahat ng subjects. Balak kong umuwi ng maaga para ipakita kina mama at papa na ako na naman ang nakakuha ng may pinakamataas na score. Hindi na din naman bago ito para saken pero ngayong binibigyan ako ng pagkakataon, lahat ng nakukuha ko mababa man o malaki, gusto ko ng ipakita at ipaalam sa mga magulang ko na hindi ko ginagawa dati.
"Hey, sama ka samen mamaya. Gimik tayo. Dating gawi after nitong class." Yaya saken ni Andrea.
Ngitian ko silang dalawa ni Andrea at Alli. Ganitong oras kami umaalis tuwing may gimik kami. Ngunit sa mga oras na ito tumanggi ako.
Walang naman silang kibo at umalis na din. Gustuhin ko man at aminin na ganun ang gusto Kong buhay dati dahil nawawala ang mga problema ko kahit sandali lang. Pero ngayon para sa akin ang bawat oras ay napakahalaga.
Palabas na ako ng room ng bigla akong nilapitan ng isang guro namin.
"Ms. Perez, pwede ba kita makausap sandali?"
Tumango ako at pumasok kami sa office nya.
"I'm so sorry to tell you na kailangan mo na magbayad para sa contribution nyo this coming event. Alam ko na mahirap pero ako kasi ang sinisiil ng principal kapag may mga kulang. I hope you understand."
"Naiintindihan ko po sir. Pag-sisikapan ko pong magbayad ng pautay-utay hanggang matapos ang buong isang linggong ito."
"Pasensya ka na. Dapat exempted ka pero wala na akong magagawa kung sa taas na kasi yung nag-utos. Sige mag-iingat ka sa pag-uwi mo. " Sabi ni Sir. Rico.
Kung dati, halos lahat ng hinihingi at hinihiling ko pinagsisiskapan nila na ibigay. Pero ngayon, naiisip ko palang lahat ng ginawa ko talagang hindi ako naging mabuting anak at kapatid para sa kanila.
Umupo ako sandali sa isang bakanteng bangko na harap sa garden ng school namin, iniisip ko kung paano makakabayad dahil nitong mga nagdaang araw ay mahina ang kita nila mama at papa.
"May problema ba?" sabi ng isang lalaki na palapit saken. "Himala ata na nag-iisa ka ngayon, bakit nag-away ba kayo ng friends mo or walang party?"
Sya si Lance, ang lalaking naglakas loob na niligawan ako dati.
"Wala naman. Ayaw ko na kasing magparty pa. Naisip ko lang na hindi maganda sa pag-aaral. "
Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Dahil dati hindi ko ito sinasagot ng maayos at lagi pang pagalit. Lumapit ito ng bahagya saken at tinitignan ako kaliwa at kanan.
"Hoy! T-totoo ba to? Whoa! Last week lang binato mo ako ng plastik na bote ng soft drinks tapos ngayon---"
"Alam mo mag review ka nalang mabuti pa. At saka hindi mo ako mauunahan. "
"Paano mo nasabi? Nag review ako ng dalawang araw, nakalagay na lahat dito sa utak ko. " Pang-aasar pa nito.
"Basta nararamdaman ko lang, hindi mo ako mauunahan." Sabi ko
Umalis na ako kahit nagsasalita pa si Lance ng makita ko si Krissa na palabas na ng gate. Mabait naman ito ngunit parehas kami sa estado ng buhay. Kaya't sa dating buhay ko ay sinabi ko sa kanyang mag-aasawa ako ng mayaman at hindi gaya ni Lance.
"Mama, papa ang panganay nyo, magiging first honor na naman ang panay nyo." Masayang sabi ko sa kanila habang nanunuod ng television.
"Napakagaling talaga. Iyan ang sinasabi ko, aba sinong mag-aakala na kahit ganito ang buhay at trabaho namin e masisipag kayo mag-aaral at laging nangunguna pa sa klase. Talagang nakakawala ng pagod. " Sabi ni papa habang tinitignan ang mga marka ko.
"Alam mo anak talagang naninibago kami ng papa mo sa iyo. Hay naku, kung anu man ang nangyari sayo at bigla kang nagbago. Magpapasalamat ako. "
Masaya kaming nagkukwentuhang tatlo. Napansin kong pumasok na sa kwarto si Krissa. Hindi ito nakikisama samen kapag magkasama kaming tatlo dahil palagi ko itong pinapahiya sa harap nila. Pumasok ako sa kwarto at nakitang inaayos ang lapag kung saan doon sya natutulog at nakasanayan na nya iyon. Dahil nangyari sa buhay namin na ayaw ko syang kasama at kahati sa lahat ng bagay. Sa ilang araw ko kasi na bumalik ako sa nakaraan ay talagang doon na sya natutulog kahit pa may sarili syang kama.
"Nilinis ko na pala pati yang kama mo ate. Promise ko hindi ako maggugulo at hindi ako nangialam ng gamit mo dito. Hindi pa kasi naaayos yung kwarto ko. Pasensya na. " Sabi nito na parang alalang-alala.
Bigla akong nakaramdam ng guilty sa puso ko. Hindi ko man lang natanung kahit minsa dati kung anu bang gusto o ang mga nararamdaman ng kapatid ko. Hindi ako nagpahalatang pinunasan ang pumatak na luha. Nilapitan ko sya at para bang takot na takot ito habang palapit ako.
"Krissa, simula ngayon hindi kana matutulog dyan sa lapag. Tabi tayo total malaki naman yung kama."
Bigla syang natigil sa paglatag ng banig na gawa sa abaniko.
"P-pero diba ayaw mo ng may katabi?"
"Anu kasi naisip ko masaya siguro kapag may kasama. At saka, magmula ngayon kung anu ang meron ako ay ibabahagi ko din sa iyo. Ganun ang ginagawa ng magkapatid. Halika kana matulog na tayo." Kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan.
Agad niyang nilagay sa malawak na kama ang kanina lang ay nilalatag nito.
Hindi ko na naabutan pa sa bahay si Krissa, balak ko pa naman na sabay kami pumasok. Nakita ko si mama na nagdidilig ng mga halaman nya at si papa naman ay inaayos ang pinapasada nyang tricycle. Hindi na din ako nag-abala pa na magsabing kailangan ko ng pera na ginagawa ko dati. Nag-paalam nalang ako sa kanilang dalawa at umalis.
"Krissa!" Tawag ko sa kapatid ko na naglalakad sa hallway. Nagpalinga-linga pa ito at hinahanap kung saan ang tumatawag at nakita ako. Agad naman akong kumaway at lumapit sa kanya. Hagya syang lumayo ng konti saken na ikinagulat ko.
"Ate, ba-baka makita ka ng mga kaibigan mo. Mauuna na ako. " Sabi nito.
Bigla akong napatigil at ganun din sya.
"Diba sinabi ko naman sayo na simula ngayon babawi ako sa lahat ng pag-kukulang ko. Hayaan mo sila kahit makita nila tayong magkasama. Mas masayang kasama ang kapatid kesa barkada. " Ngiti kong sabi sa kanya. Pansin ko na naman ang mga ngiti nya sa labi na sana dati ko pa nakikita.
Nag-announce lang ng ibang mga gagawin para sa nalalapit na event ang ginawa namin sa una naming subject. Hindi na pumasok ang sunod dahil may meeting din silang mga guro para dito.
Alas-dose na pero Hindi ko pa din nakikitang lumabas si Krissa. Halos dalawang oras na akong nag-aaban sa kapatid ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ng hindi maganda kaya napagdesisyonan kong puntahan sa klase nya.
"Anu? Kahit umiyak ka dyan walang magtatanggol sayo. Sarili mo ngang ate hindi ka kinikilala, ipagtanggol ka pa kaya." Rinig kong sabi ng isa sa mga babae.
Naabutan kong nakaupo si Krissa sa may bermuda, napapalibutan ng apat na babae. Napatigil ako ng marinig ko ang mga sinasabi nila kay Krissa.
"Yung ate mo hindi ka kilala nun. At saka walang pakialam sayo, sino ba naman ang gugustuhin kang kapatid e isa kang talunan. Kawawa ka naman mahirap na nga ang buhay hindi ka pa gusto ng kapatid mo." Habang hinahawakan pa nito ang buhok nya.
"Subukan mong saktan ang kapatid ko at ipapakita ko iyo kung gaanu ako kawalang kwenta. " Sabi ko ng hndi ako makapag-pigil.
Dali-dali namang kinuha ng mga ito ang kanilang mga gamit at nagsipagtakbuhan. Naiwang nakaupo si Krissa at nakatingin saken na may pagtataka.
"Pasensya kana nahuli ako. " Inalalayan ko syang tumayo at pinagpagan ang palda nyang may mga dahon.
Bigla akong nalungkot at napaisip bigla. Anu kaya ang pakiramdam ni Krissa noon na habang binu-bully sya at walang nagtatanggol habang ako ay kasama ang barkada at nagpapakasaya.