KABABATA 6

1300 Words
Kinuha ko ang mga gamit nyang nagkalat kung saan. Marami pala talaga akong bagay na hindi alam na nangyayari sa kapatid ko dati. Palaging hindi ko nakakasabay si Krissa sa hapon umuwi kasi sinasabi nito na may tinatapos pa syang gawain sa bahay ng kaklase nya. Pauwi na ako at naglalakad sa maliit na eskinita ng kanto, ng hindi ko sinasadya na may napansin akong matanda. Nakangiti at kumakaway saken. Lumapit ako at muling nagulat ng makita ito. "Lola?" "Kamusta?" "Hindi ko po talaga naiintindihan ang nangyayari. Diba, paano ko ba sasabihin. Mahirap paniwalaan pero bumalik ako sa nakaraan ko at sa hinaharap ko nandun kayo, tapos ngayon nandito ulit kayo. " "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam ko ang mga nangyayari sayo. Paalala ko lang sa iyo iha, maikli lang panahon na ibinigay sa iyo. At kapag dumating ang oras ay babalik kana sa totoong buhay mo. Ang tanging maippapayo ko lang ay wag kang mag-aksaya ng oras, bawat segudo at mahalaga. " "Ayan na naman po kayo sa makahulugan nyong mga sinasabi. Lola, kahit binabangongot na ako sa totoo kong buhay hindi na ako gigising. Wala naman po may pakialam saken sa hinaharap. Gagawin ko nalang po ang lahat para manatili na dito. Dahil ngayon ko lang naramdaman na ganito pala kasarap ang makasama ang pamilya. " Sabi ko. Napangiti naman saken ang matanda, ngunit sa mga ngiti nito ay alam kong may malalim na naman na kahulugan. Nag-usap kami at nagkasundo na sa tuwing martes ng gabi magkikita kami ng ganoong oras. Nahihiwagaan man ako sa kanya pero alam kong marami syang maitutulong saken. Pagdating ko sa bahay, akmang bubuksan ko na ang pintuan ng marinig ang pag-uusap nila mama at papa kaya napahinto ako. "Paano kaya tayo makakabayad sa mga bayarin ng mga bata. Maging ako sinisingil na sa rentang pwesto sa palengke. Pakiramdam ko din sumasakit na ang dibdib ko. " Sabi ni mama na ikinahina ko. "Gagawan natin ng paraan. Pasensya kana sa ngayon dahil hirap talaga ang magpasada. Hindi ako nakakatulog sa iyo sa pagbubuhat man lang sa palengke ng mga gulay at prutas. May awa ang Diyos, magtiwala lang tayo. " Ang sabi ni papa. Agad kong binuksan ang pinto at bakas sa kanila ang pagkagulat ng pumasok ako. Inilipag ko ang bag sa bangko at sandaling uminom Ng tubig. Nakatingin lang sila saken at kapwa malungkot. Umupo ako sa tabi nilang dalawa at seryosong humarap. "Ma, pa, hindi nyo na kailangan maghanap pa ng pang contribution ko o kahit anung bayarin. Ayaw ko na binabatak nyo ang mga katawan nyo sa pagtatrabaho. Konting tiis nalang po, ako na po bahala sa bayarin ko ako po ang gagawa ng paraan." "Pero anak. Hindi mo naman obligasyon na akuin ang mga iyon, responsibilidad namin ng mama mo na gawin iyon para sa inyo ng kapatid mo. Para saan pa at naging ama ninyo ako kung wala akong gagawin. " Sabi ni papa. Ng marinig ko ang mga salitang iyon hindi ko na mapigilan pang ibagsak ang luha. Agad ko din naman iyon pinunasan. Maayos ang pagdidisiplina samen nila kahit dati pa. Sadyang ayaw ko lang makinig sa kanila dati dahil pakiramdam ko inuunahan nila ako sa desisyon na gusto ko. At ngayon ko lang din naisip na masarap sa pakiramdam ang may magulang na nagpapangaral at itutuwid ka sa tamang daan. At iyon ang mga magulang ko. "P-pasok na po muna ako sa loob. At saka papa, uminom kayo ng gamot. Yung kita ninyo sa pamamasada ibili nyo ng gamot ninyo ni mama. Huwag na ninyong abalahin pa na bigyan kami ng kita ninyo, Inyo na iyon. " habol ko. "Teka. Pa-paano mo nalaman anak na may--" "Basta po, gusto ko maging malakas ang pangangatawan ninyo. Ayaw kong may pag-sisihan ulit ako. " Kasabay nun ay tumalikod na ako at pumasok sa loob ng kwarto. Iyon ang araw na nagsabi si papa samen may diabetes sya, pero nung panahon na iyon ay wala akong pakialam. Dun din nagsimulang magbatak sa pagtatrabaho si mama at magkakasakit. Kung meron din akong ipinagpapasalamat sa pagbabalik ko sa nakaraan ay kaya kong baguhin at iwasan ang mga bagay na nangyari at mangyayari pa lang. Araw ngayon ng byernes, half day lang kami kapag ganitong araw. Nakipagusap ako sa sa instructor namin tungkol sa contribution. Pumayag naman ito sa gusto ko at kinuha pa nya ako na maging katulong sa mga papel na inaasikaso nya at may karagdagang kita pa. "You know what? Hindi din kita maiintindihan kung bakit mo pa kinakausap yang si Adeline. Ikaw na nagsabi saken na hindi mo sya ka level and also ayaw mo makipag-kaibigan sa mga gaya nyang poor. " Sabi ni Andrea habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng lipstick. "Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Alam mo naman na pwede pa natin syang pakinabangan until this semester end. Hindi naman natin kasalanan ko subra syang manhid at uto-uto." At nagtawanan ang dalawa. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko alam na ganun pala ang turing nila sa akin kahit dati pa. Naging sunod-sunuran ako sa kanila sa kagustuhan na maging totoo silang kaibigan. Kahit sarili kong kapatid ay halos itakwil ko para lang sa kanila. Hinayaan ko na munang mauna sila lumabas ng cr, iisipin ko nalang na wala akong narinig o nalaman sa mga oras na iyon. Ng makaramdam akong wala na sila, dali-dali akong lumabas at naghilamos. Hindi ko kailangan umiyak sa mga gaya nila ngayon pang alam ko na ang totoo. Bumalik ako sa classroom at umupo. Hinihintay ko nalang ang oras na mag-uwian. Pansin Kong nakatingin sila Andrea at Alli saken maging ang iba nitong mga kaibigan. Ngumiti saken si Alli at gumanti naman ako na para bang walang nangyari or nalaman. Namalayan ko nalang na nasa harap ko na pala silang dalawa. "Hi Lin, natatandaan mo pa ba si Carla? Actually we're planning to go to her place tonight because it's her 18th birthday. Hindi sya pumasok pero she send an invitation naman to us." Sabi ni Andrea. "Anu? Sama ka? Weekend naman tomorrow so okey lang na magparty tayo tonight." Ani Alli. Tumayo ako habang nakangiti sa kanila. "Hindi ako pwede e. Marami pa akong gagawin." "Wait, tama ba ang narinig ko? Marami kang gagawin?" Sandaling tumawa si Andrea na nakakainsulto. "What's wrong with you Adeline? Hindi ka naman ganyan, isang yaya ko lang sayo para ka ng hindi mapakali dyan sa bangko mo para lang makaalis na tapos ngayon?" "Tama sya. At saka diba wala ka naman kinaaabalahan. Anung nangyayari sayo?" Sabi ni Alli. "Pasensya na talaga. Hindi talaga ako pwede ngayon, kung dati gumigimik ako pero hindi talaga ako pwede ngayon." Sagot ko sa kanila. Kitang-kita ako ang pag-irap ni Alli mula sa mga mata nya. Nginitian ko lang ito at umalis naman na sila. Bumalik ako sa pagkaka-upo at tinitignan ang orasan. Ng matapos ang klase dumiritso ako sa bahay ng dalawang bata na tinuturuan ko. Isang oras at kalahati ang napagkasunduan namin ng mga magulang nito nag pagtuturo. Parehas kasi itong busy sa trabaho kaya hindi na maayos na natututukan ang mga anak kaya humanap nalang ng magtu-tutor. "Okey, Marian and Mariel. Please listen to ate Lin, and for our today new lesson is about addition and subtraction." Pambungad na bati ko sa dalawa . Masaya naman silang nakikinig saken, magdadalawang linggo na din ako na nagtuturo sa kanila at sa loob ng maikling panahon na iyon ay mas dinagdagan ng magulang nila ang ibinibigay saken dahil nakuha ko din agad ang mga loob ng kambal. "Two plus two is equal four. How about three plus two? Who can answer?" Masaya ako sa ginagawa ko, nakita ko naman na tumaas ng kamay si Marian at pakunwaring pinatayo ko ito. "Ate, I think I know the answer, is it five?" Sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD