KABANATA 7

1014 Words
Naghintay pa ako ng ilang minuto at nagpaalam na ako sa yaya nito at ibinigay saken ang nasabing sahod. Limang libo iyon at labis akong natuwa. Napagpasyahan ko ng bumili ng masarap na ulam para kahit minsan naman ay makakain kami ng may masarap na ulam sa lamesa. "Kamusta ang raket?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita ang lalaki sa likuran ko. "O anu? Baka pwedeng ilibre mo naman ako kahit ice cream lang o isang soft drinks." Dagdag pa nito. Nang makita ko ng maayos ang mukha nito agad ko ito pinatakim ng isang hampas sa balikat nito. "Alam mo Lance, wala akong sakit sa puso ah. Pero baka maaga ako mawawala dahil sa mga panggugulat mo!" "Relax! Nangyari na e. Nagulat kana, wala na tayong magagawa. Anu? Ililibre mo nga ba ako? Sige, minsan lang naman e. Kanina pa ko nauuhaw e. Matagal pa daw kasi yung foreman, hinihintay ko pa sahod namin. " Sabi nito. Tinignan ko sya, basang-basa ng pawis. Ito rin yung dahilan kaya ayaw ko syang nakakausap noon dahil sa lagi syang basa ng pawis at nagtatrabaho bilang construction worker. Hindi ko din naman masisisi ito dahil sa hirap ng buhay. Pero ngayon parang nagbago ang tingin ko sa lahat, ang dating gusto ko ay unti-unti kong inaayaw at ang ayaw ko dati ay unti-unti kong nagugustuhan. "Lumayo ka muna saken ng konti. Ang lagkit ng pawis mo." Sabi ko sa kanya. Agad ko naman syang isinama sa tindahan, total malaki-laki naman ang isinahod ko. Para saan pa kahit gumastos ako ng isang daan para sa kaklase ko. "Salamat dito ha. Babawi ako sa sunod. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ng binata at nagmamadali ng tumakbo pabalik sa trabaho. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa pamilihan at bumili ng mga pwedeng pasalubong at mauulam. Nakita ko na din na may malapit na botika kaya ibinili ko na din ng gamot sina mama at papa. "Aba mukhang nakarami ka ngayon anak." Sabi ni mama na sinalubong ako at kinuha ang mga dala-dala ko. "Binigyan po ako ng tip, ma. Mabuti nga po at mabait yung tinuturuan ko pati yung mga magulang nung mga bata. Heto nga po at bumili ako ng ibang kailangan natin." Ani ko. "Hindi mo ba kasama ang kapatid mo? Mag-aalas syete na." Tanung ni papa habang nanunuod sa maliit naming tv. "Hindi po. Akala ko kasi nandito na sya, baka po maya-maya nandyan na din yun." Sabi ko sa kanilang dalawa na parehas ng nag-aalala. Lumapit ako kay mama na naghuhugas ng platong pagkakainan. Dumikit ako sa kanya at pasimpleng iniaabot ang perang natitira pa. "Ma, heto. Panggastos at pangdagdag nyo ng puhunan sa tindahan nyo. Pambili din ng gamot ni papa kapag naubos." Pansin kong umiiwas si mama at tinatanggihan ang inaabot ko. "Naku, hindi na. Itabi mo nalang yan. Hindi mo naman kailangang bigyan ako, dapat nga kami ang nagbibigay sayo. Itabi mo na yan, anak. Kung sa gamot lang din ng papa mo ay kaya naman namin ibili iyon galing sa pagtitinda at pamamasada nya." Mahinahong sabi ni mama. Sya na ang nagkusang ilagay ito sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ko na din naman pinilit pa dahil baka malaman pa ni papa. Hinihintay ko na dumating si Krissa ngunit kahit konting bakas nya ay wala pa. Narinig ko nalang sa may pintuan na para bang may nagtatalo sa labas. "Sige na, last na din naman ito. Sige na, Kaloy. Kailangan ko na kasi bukas ito. Alam mo naman na mahina ang ate sa mga ganyan. Makiusap ka nalang, heto ilagay mo sa tenga mo para makaiwas sa mga sasabihin nya." Rinig kong sabi ni Chloe sa labas ng pinto. "Ayoko nga ate. Alam mo naman na bruha yun. Pagsisigawan lang ulit ako nun tapos kong anu-anung mga sinasabi." Sabi ni Kaloy. Napatigil ako sa paglakad palapit sa pinto. Grabi din pala ang ginawa kong pagmamaliit sa kanila dati lalo na kay Chloe. Binuksan ko ang pinto dahil ayaw ko ng mag-talo pa ang dalawa. Kahit dati pa kasi ay hindi si Chloe ang personal na humingi ng pabor saken, kundi ang ina at kapatid lang nito. "Kailangan nyo ba ang tulong ko?" Sabi ko kanila na natigil dahil lumabas ako. "A-ate Adeline. K-kasi--" "Anu kasi ate lin, gusto sana magpatulong ulit ni Chloe para sa essay nya. K-kung pwede lang daw po." Pagkasabi ni Kaloy ay hinawakan nya ang magkabilang tenga nito at si Chloe naman ay tahimik lang at nakayuko na para bang may hinihintay. "Oo naman, walang problema. Baka ikaw Kaloy meron ding assignment na hindi kaya, ihabol mo na dito ng magawa ko agad." Pagkasabi ko'y parang nawala sa sarili si Kaloy at Chloe. Kitang-kita sa mga mukha nila ang saya na noon ko din lang nakita. "T-talaga ate Lin? Hay salamat naman, ang laki pa naman talaga ng problema ko sa math. Sakto, hanggang bukas nalang hinihintay ni sir ang sagot ko. Teka ate kukunin ko lang po." Pagmamadaling sabi ni Kaloy at tumakbo pauwi. "Chloe, gusto mo bang pumasok muna at sa loob nalang natin hintayin ang kapatid mo?" Alok ko sa pinsan ko. Tumango naman ito at sumama saken papasok sa loob. Uupo na sana kami ni Chloe ng biglang tumawag sa labas si Kaloy. "Heto ate Lin. Salamat talaga ate. Salamat. " Sabi ni Kaloy at niyakap pa ako. Nagpaalam na ang magkapatid saken. Hinatid ko na sila hanggang sa pinto dahil gabi na din. "K-kung may kailangan kayo wag na kayo mahihiya magsabi saken ah. Kahit anung oras pwede kayo pumunta dito basta wala akong ginagawa." Masayang sabi ko sa dalawa at kapwa nakangiti naman ito. "Ate Chloe, sampalin mo nga ako." "Bakit naman kita sasampali?" "Narinig mo naman lahat ng sinabi at kinilos ni ate Lin. Nakakapagtaka, bigla syang nagbago. Nung nakaraan lang parang halos patayin ka na nya sa mga pinagsasabi nya sayo........" Rinig kong na sabi ng magkapatid. Hindi ko alam na malaki pala talaga ang epekto ng ginawa ko sa kanila. Pero sa pagkakataong iyon, kalahati sa puso ko ay nakaramdam ng kasiyahan dahil sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD