"Please, lumaban ka ah. Wag mo kami iiwan. Madami pa tayo pupuntahan, pangako kapag okey kana. Mamamasyal tayo sa Japan, pangarap mong Lugar...."
Hawak hawak nito ang kamay ng dalaga at hinahaplos ang buhok.
Samantala, nakatingin si Krissa sa labas ng pintuan ay lihim ding umiiyak. Nasa likuran nito ang asawa nya na hinahaplos din ang likuran. Niyakap nito si Krissa at maging ito ay umiyak na din.
"Shhhhh. She will be alright. Let's continue praying for her fast recovery. I know she will fight, alam nyang hinihintay mo sya. Tahan na." Pagpapakalma nito sa asawa.
"It's also my fault. Madami din akong kasalanan sa kanya hon, natatakot ako sa pwedeng mangyari." Sagot nito.
"Nothing will happen. Magigising sya, be strong."
Maya-maya pa ay dumating ang doctor at may kasamang isang nurse.
Napatingin din sa kanila si Keila at lumapit.
"Good morning Doc. Kamusta na po ang lagay ng ate ko ngayon?" Tanung ni Krissa ng makalapit ito.
"Good morning, sa ngayon hinihintay pa din natin na magising sya but she's in a good condition and stable na din naman ang lagay nya. Wag lang maulit ulit yung nangyari nung nakaraan. I'm sorry to say na kapag nangyari ulit yun ay baka mag cause ng bad sa katawan nya and mahihirapan na tayong I revive ang body nya. So, we are also hoping na mas mapabilis ang paggaling ng ate mo." Pahayag nito.
"Salamat Doc." Ani Keila.
"Sige po, patuloy po natin syang obserbahan at I relax nyo din ang mga isip nyo. Magiging maayos din sya." Napangiti nalang silang lahat sa sinabi ng Doctor. Pagkatapos ay nagpaalam na din ito sa kanila.
Nagpaalam muna sandali ang asawa ni krissa na bibili ng makakain nila. At parehas silang nakaupo sa gilid ng kama ni Adeline.
"Ate Kei, pwede ka na muna magpahinga. Kami nalang muna ni husband ang mag-babantay ulit sa ate. H'wag mo din pabayaan ang sarili mo, kailangan mo din ng lakas." Sambit ni Krissa sa katabing si Keila.
"Ayos lang ako." Ngiti nito sa babae.
"Alam mo, kung nakikita tayo ng ate mo sigurado ako tuwang tuwa yun. Sana talaga magising at gumaling na sya. Kahit ako, nahihirapan na makita syang nakahiga dyan." Keila.
Tulala at nakatitig lang si Krissa.
"Madami akong sasabihin sa kanya kapag nagising na sya. Gagawin ko na ang lahat magising lang sya. Sya nalang ang natitira kong kapamilya at ayoko na pati sya ay mawala. Salamat ate Kei, sa panahong ikaw ang nagbigay at pinunan mo ang pangangalinga ni ate sa panahong hindi kami ayos. Tatanggapin ko kahit na bumalik ang ugali nya sa dati Basta magising lang sya." Mangiyak ngiyak na Sabi ni krissa.
"Alam mo ba, ang ate mo ang nag-iisang kaibigan ko. Sya ang naging sandalan ko sa tuwing may problema ako. Sya din ang nagpoprovide ng mga needs namin kahit hindi naman kami magkaanu-anu." Medyo natatawa at napapaiyak pang Sabi ni keila. "Palagi ka nyang kinukwento saken, Krissa. Sa loob ng ilang taon na hindi kayo nagpansinan, kinimkim nya ang lahat ng sakit at hinanakit nya sa dibdib. Wala syang malapitan sa tuwing naghahanap sya ng kalinga ng isang kapatid. Wala ding gabi na hindi sya umiiyak at nagsisi. At sa mga panahong iyon, ay mag-isa lang nyang hinaharap ang lahat ng pasakit at problema sa buhay nya. Punong puno ng pagsisisi ang buhay nya, kahit ako awang-awa ako sa kanya kahit na pinapakita nyang malakas sya. Ganun katatag ang ate mo, kaya alam ko lalaban sya. Magiging sya at babalik sa atin."
Hindi na makasalita pa si Krissa dahil napuno na ng hagulhol nya ang maliit na kwarto ng kapatid nya. Maging si keila ay walang tigil din ang pagpunas Ng mga luhang patuloy na bumubuhos. Napuno ng malalaks na iyak ang kwarto at mga pag-sisisi na hindi masabi.
[BALIK SA NAKARAAN 10 TAON]
[ADELINE'S POV]
Lunes na at may pasok na naman. Sandali akong umupo sa maliit na bangko at binuksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Maaga pa naman kaya may oras pa ako magmuni-muni bago pumasok. Napasulyap ako sa maliit na kalendaryo, March 8, 2018. Hindi ko alam kung anung nangyayari sa sarili ko pero patuloy lang ang pagkirot ng dibdib ko na parang tinutusok.
Narinig ko na nagtatawag na si mama para sa almusal. Babalik na ulit sila sa pagtitinda at pamamasada ni papa. Alam Kong nagpapakakayod sila dahil malapit na ang graduation ko.
Pinagsaluhan namin ang masasarap na nakahaying mga pagkain sa maliit naming lamesa. Kasabay nun ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap namin sa araw-araw, maliit man o malaki.
"Alam mo ate, parang biglang nagbago sila Bianca, kasi kanina nakita nila ako pero dedma. Ni hindi nga tumingin saken e. Nakakapagtaka lang." Wika ni Krissa na kasabay ko para sa pananghalian.
"Mabuti naman kung ganun. Oh ayan makakapag focus kana sa pag-aaral mo dahil wala ng manggugulo sayo." Sabi ko.
"Kaya nga ate. Malaya na ako sa eskwelahan na to. Ahm nga pala, san kayo pumunta nila mama at papa nung sabado? Hindi nyo manlang ako sinama."
"Ah, yun ba? Pinatawag kasi sila para sa nalalapit na graduation namin. May pinag-usapan lang tapos yun umuwi din kami agad." Palusot ko.
"Sige ate. May quiz pa kami para sa unang subject ngayong hapon. Una na ako ah. Bye." Pagmamadali ni krissa at kahit pag-inom ng tubig ay hindi na nagawa.
Naiwan akong tahimik at nakaupo lang habang pinagmamasdan ang ibang estudyante na nasa labas ng canteen. Naglalaro, nagkukwentuhan, nag-aaral at iba pa. Sumagi lang din sa isip ko ang buhay ko Sa reyalidad, anu na kayang nangyayari saken. Pakiramdam ko kasi minsan para akong natutulog at nanaginip ng matagal.
Malayo na ang imahinasyon ko ng biglang umupo sa tabi ko si Lance. Nakangiti ito at may dalang maliit na box. Binigay nya iyon saken at pinbuksan. May lang apat na pirasong donut. Nginitian ko sya pabalik at saka nagpasalamat.
"Masarap 'yan. Kainin mo agad pag-uwi mo kung wala kayong ref kasi baka masira." Wika nito.
"Ah, sige. Salamat ulit dito ah."
"Wala yun. Nga pala Nakita ko si Krissa. Lapad ng ngiti ng kapatid mo ah, okey na kayo?" Bigla nitong sambit.
"Ha? Okey naman kami ni krissa bat mo natanung?"
"Ah, diba dati anu. Wala. Wag mo na intindhin. Kalimutan mo na." Ngumiti lang sya at tumingin lang ako sa kanya na may konting pagtataka.
"Ahm, Lance naniniwala ka ba sa time travel?" Para bang may sariling isip ang bibig ko at tinanung sya.
"Oo naman." Agaran nyang tugon.
"Talaga? Like pano ka maniniwala unless na experience mo."
"Kailangan pa bang ma experience para lang paniwalaan. Ako naniniwala talaga dun, bakit mo natanung?"
"Wala lang. Ewan ko ba. Paano kaya kung halimbawa, nagkaroon ng time travel talaga sa tunay na buhay. At babalik sa nakaraan na pwede mong baguhin ang mangyayari---" di ko natuloy kasi nagsalita agad sya.
"Ang masasabi ko lang, Wala Kang mababago. Kahit anung gawin mo, Wala Kang mababago. Hindi na mababago ng kasalukuyan ang nakaraang nangyari na. Masakit, pero walang magagawa kasi yun ang totoo."
"Ito naman. Daming sinabi." Tinapik ko sya sa balikat namg biglang kumirot na naman ang dibdib ko at sa pagkakataong iyon ay parang nandidilim ang paningin ko. At dahan-dahan kong pinikit ang mata ko.
"Doc, nasan ang anak ko. Ayos lang ba sya. Anung nangyari sa kanya?" Rinig kong sunod-sunod na tanung ni mama ng magkaroon ako ng malay.
Tinuro ng doctor kung nasaan ako nakahiga. Dahan-dahan akong bumangon at Nakita ko na nasa gilid si Lance. Bakas ang pag-aalala. Palapit saken Sina mama at Krissa na ganun na lang din ang pag-aalala.
"Anak, ayos ka na ba? Anu bang nangyari at bigla ka nalang hinimatay?" Tanung agad ni mama ng makalapit.