Hindi ko na mapigilang itago pa ang mga luha at dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko. Tinakpan ko ng unan ang bibig ko para hindi lumikha ng ingay, at Doon nakita ko ang tinapay na paborito ko. Kaya pala palagi akong may tinapay sa mesa dahil pala sa kapatid ko. Subra akong nanlumo sa mga nasaksihan at nalaman ko sa kapatid ko. Bakit sa haba-haba ng panahon na magkasama kami, hindi ko alam. At buong mag-damag akong umiyak at nasaktan.
Subrang sama ng pakiramdam ko ng umagang iyon, namumugto din ang mga mata ko at hindi agad ako lumabas ng kwarto. Naririnig ko lang sila sa labas na nag-aasikaso na para sa pag-alis. Siguro ay halos isang oras din ako bago lumabas ng kwarto ko at naka-alis na silang tatlo. Hindi na din ako pumasok dahil parang pakiramdam ko nahihirapan ako huminga at naninikip na ang dibdib ko.
Muli, ay binuksan ko ang kwarto ni Krissa at muling sinulyapan kung saan sya nakapwesto kagabi. Pinahid ko muli ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko ng umagang iyon. Naalala ko na pupuntahan ko pala ang pinag-eextrahan ko ngayong araw. Kaya inayos ko na ang sarili ko at madaling kumuha ng mga gamit.
"Good morning po teacher Lin." Rinig ko bati ng kambal pagpasok ko sa kwarto nila.
Binigyan ko ng ngiti ang bawat isa sa kanila at nagsimula na din ako magturo. Siguro ay isang oras din yun at pumasok ang bantay ng mga ito.
"Ma'am, heto po." May inabot sya saken na isang puting sobre.
"A-anu po ito?"
"Yan na po yung sahod nyo Ma'am, binigyan na din po kayo ng maliit na karagdagan dahil natuwa talaga ang magulang ng mga ito sa inyo, marami daw silang natutunan. Hindi nga sila makapagpasalamat ng personal dahil wala sila at saka po, nakakalungkot man sabihin ito na po ang huli ninyong turo dahil aalis na din po kami sa makalawa." Magkahalong emosyon na pahayag nito saken.
Kahit ako ay nakaramdam din ng kalungkutan, at muli ay sinilip ko ang dalawa na abala sa paglalaro. Binuksan ko pa ang sobre, at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siguro aabutin ng bente mil ang laman nito na ipinagtataka ko. Binigay ko pabalik iyon sa nag-aalaga sa mga bata dahil parang hindi naman tugma sa sahod ko dahil ilang araw lang maman ako nagtuturo sa dalawa at halos isang oras lang iyon.
"H-hindi ko po ate matatanggap. Pa-parang subrang laki naman po." Pilit kong binabalik sa kanya ngunit pilit nya din tinatanggi.
"Sayo talaga yan. Tulong na din daw nya sa pag-aaral at pangbayad mo sa contribution mo sa school." Ngiti nito saken.
"Pa-paano nyo nalaman na pambayad ko sa contribution?"
Ngunit sumilay lang sya ng mga ngiti at inaya na para maligo ang dalawang bata.
Nagtataka man ay labis na din ako nagpasalamat sa kanila dahil malaking tulong ito para saken.
Katulad ng dati, inabangan na ako ni Lance, eksaktong oras din nung hinintay nya ako. At muli ay nagpalibre sya saken.
"Alam mo, mabait ka din naman pala." Biglang sambit nito habang umiinom ng maliit na soft drinks ng royal. Gulat akong napatingin sa kanya.
"Ha? Pano mo naman nasabi na mabait ako?"
"Ito! Binigyan mo na naman ako ng meryenda ko kahit na alam mong nagbibiro ako. Alam mo sa simpleng mga bagay na to, masasabi ng mabait ka at mapagbigay. Kahit na usap-usapan sa buong school na maldita ka daw at walang pakialam sa lahat. Pero wag mo ng pansinin yung mga yun. Mas okey nga yung wala kang pakialam sa lahat. At saka, hindi mo naman malalaman ang ugali ng isang tao kung hindi mo naman lubos na Kilala or nakakasama. Madali lang naman manghusga ng kapwa, pero ang pagkakaroon ng mabuting kalooban, napakahirap!" Mahabang hayag nito at sinundan nya pa ng tawa. Iyon ang unang beses na may nagsabi saken ng ganung bagay. Hindi ako makatingin ng diritso kay Lance, mahirap ipaliwanag pero parang gumaan ang pakiramdam ko.
"Alam mo, ngayon ko lang naisip na masaya pala ang mabuhay ng wala kang sama ng loob at kaaway, mga ganun kasi maayos kang nakakagalaw. Lalo na kapag buo ang pamilya. Kahit mahirap ang buhay, basta ba buo ang pamilya at walang mga sakit ayos na." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Pansin ko din na nakangiti si Lance.
"Tama ka dyan. Ako, kahit magbatak ako ng katatrabaho sa init ng araw o kahit umulan, gagawin ko para sa pamilya ko. Ayokong nakikitang nahihirapan ang magulang ko habang ako nagpapakasaya lang, hindi ko kaya. Kaya sabi ko, habang malalakas pa sila at Kasama ko, ibabalik ko paunti-unti ang mga ginawa nilang pagsasakripisyo para lang maitaguyod kaming magkakapatid. Wala lang, ang sarap lang sa pakiramdam na nakakatulong kana." Ngiti nito saken.
"Siguro, mabait ka ding anak?"
"A-ako?"
"Oo, parang nakikita ko mabait kang anak. Ang swerte mo siguro sa mga magulang mo."
Noon ay tahimik lang ako at hindi alam ang isasagot. Hanggang sa namalayan ko nalang na kumakaway na palayo saken si Lance para bumalik sa trabaho.
"Ako swerte ako sa kanila, pero sila hindi ko alam kung swerte din ba silang naging anak ako." Mahinang sambit ko sa sarili ko kasabay ang mga pagpatak ng luha.
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko sila mama at papa pati na rin si Krissa na nag-aayos ng mga gamit nya. Hapon na din kasi at malapit na magdilim.
"Aba, tamang-tama ang dating ko ah. Ma, pa, gusto nyo po ba na kumain tayo sa labas ngayon? Kasi naman po, medyo malaki ang naging raket ko ngayong araw. Anu, gusto nyo po?"
"Aba syempre naman. Paminsan-minsan naman ay makaranas tayo Kumain sa ibang lugar. Aba, ililibre ata ako ng panganay ko." Natutuwang sambit ni papa at dali-dali na din nagbihis ng pang-alis.
"Sige na anak, tawagin mo na ang kapatid mo. Aalis na tayo. Baka sarado na ang mga tindahan kapag dumating tayo." Sabi ni mama na bakas din ang kaligayahan at excitement.
"Sige po, hintayin nyo nalang po kami sa labas."
Nang buksan ko ang kwarto ni Krissa at gumagayak na din ito, may ngiti sa mga labing nilapitan ako at niyakap. Kahit hindi sya magsabi alam ko na ang ibig sabihin ng mga yakap nyang iyon. Lumabas na din kami pagkatapos nyang mag-ayos ng sarili.
Pumunta kami sa karating bayan at sa Jollibee ko balak kumain. Dahil ang alam ko si Krissa ay hindi pa nakakàkain kahit minsan sa ganung klase ng restaurant.
Pagdating nmin sa lugar, kitang-kita ko kung gaanu sila kasaya, at syempre mas masaya ang puso ko na makita silang ganun. Umorder na agad ako ng isang bucket ng chicken at kanin, ganun din ang mga desserts na nakalagay doon.
"Krissa, anak dahan-dahan bunso at baka ikaw ay mabulunan." Awat ni mama sa kapatid ko na panay ang subo noon ng mga pag-kain.
"Ang sarap kasi Ma! Ang laki pa nitong chicken, minsan lang naman makatikim ng ibang luto." Katwiran pa nito. Natatawa nalang kaming tatlo sa inasal sya.
"Gusto ko Sa birthday ko anak, siguro Dito nalang ulit tayo magsalo-salo. Pwede naman siguro anu?" Pabulong ni papa saken, na agad naman siniko ng hagya ni mama sa tagiliran.
"Anu ka ba? Kainan to? Hindi ata pwede dito ang mga ganun."
"Sure pa, pwede naman po mama. Pwede po magpareserve dito para sa mga occasion, basta papa inumin nyo lagi yung maintenance nyo ah."
"Narinig mo anak mo? Ay hindi na ako makapaghintay pa." Nagtawanan muli kaming apat. Humiling pa si Krissa na mag-take out kaya bumili pa ako. Iyon ang unang beses na lumabas kami at sagot ko, kaya maluwag sa puso ko na ibigay ang lahat ng gusto nila.