KABANATA 11

1292 Words
Bago kami tuluyang umuwi, napadaan pa ka kami sa isang maliit na tindahan ng mga damit. Pumasok kami at pinapili ko sila ng mga gusto nila. Mabilis na nakahanap si papa kasi shorts lang ang gusto nya, yung six pockets na cargo, si mama naman halos hindi mamili kaya ako na ang nagkusa na nagbigay at magpresenta sa kanya. Tangap lang sya ng tanggap kahit ang mga tingin nya saken ay alam ko na ang ibig sabihin. Si Krissa naman ay walang tigil sa paglabas pasok sa fitting room para magsukat ng mga hawak nyang mga dress at pantalon. Habang nakatingin ako sa mkulit Kong kapatid, pansin ko Sa gilid ng mga mata ko na nakatingin si mama. Tatlo lang kami nasa loob maliban sa may-ari at isang tindera. Si papa kasi nasa trycicle na maghihintay. "Anak." Tinapik ako ni mama sa gilid ng balikat ko. Nilingon ko sya at sumilay ng mga ngiti. "Baka wala ng matira sayo, ayos na yung Kumain tayo sa labas. Ang dami-dami na din naman damit at hindi pa masuot. Ayos lang." "Ma, hayaan nyo na po. Minsan lang to mangyari. Sana nga po ay noon ko pa ginawa ito." "Naninibago talaga ako sayo anak, pero maniwala ka. Subra akong natutuwa dahil sa pagbabago mo. Kaso lang, para bang pakiramdam ko aalis ka at may pupuntahang malayo at hindi na babalik." Sambit ni mama na nagpatahimik saken ng ilang segundo. "Pano nyo naman po nasabi na mawawala ako?" "Wala lang, kasi kakaiba lahat ng mga kinikilos mo nitong mga nakaraang araw. Pero wag mo na isipin yun, at bakit ka naman aalis at di na babalik. " Hinimas himas ni mama ang likod ko. Nakatitig lang ako sa kanya, at nakatingin sya kay Krissa na nagsesenyas. Para bang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng marinig ko yun at hindi ko naman alam kung bakit. Madalas ko din napapansin na napapadalas ang paninikip ng dibdib ko pero wala naman akong sakit. Pasado alas-otso na ng makauwi kami, napagod din ng husto sila mama at papa kaya magpapahinga na agad sila. Naiwan kami ni krissa sa sala at muli nyang tinignan ang mga binili naming mga damit para sa kanya. Sinadya ko talaga na magpa-iwan kami para magkaroon kami ng oras para mag-usap na dalawa. "Ate, bagay to saken diba? Grabi! Meron na din akong masusuot na ibang damit, paulit-ulit nalang kasi yung pinapampasok ko. Salamat ate." Masayang iginawad nya ang magagandang ngiti na syang nagpaantig ng subra sa puso ko bilang ate nya. Ang mga ngiti nyang nagbigay na naman saken ng emosyon para lumuha. Para syang bata na nagkaroon ng bagong mga gamit. Niyakap nya ako mula sa likuran. Hinalikan na din ako sa kanang pisngi ko. "Masaya ka ba?" Tanung ko sa kanya at agad kong pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko. "Oo naman. Subra. Salamat ulit ate. Pangako ko, kapag ako naman ang meron ibibili din kita, kahit anung gusto mo, kayo din nila mama at papa. Una na ako ate, maaga pa ang pasok bukas." At muling sumilay ang mga ngiti sa labi ni Krissa. "Krissa, sandali." Nilapitan ko sya at kinuha ang kanang kamay. "Heto, ipauna mo sa pambayad ng balance mo sa school. Maliit pa yan, pero kahit papano mababawasan ang utang natin. Wag mo na sana ipaalam pa kina mama at papa." "Ate, baka wala ng tira sayo. Bumili ka din ng mga gusto mo, pera mo yan. At saka meron din akong ekstra na pinagkakakitaan." "Ayoko sana na pangunahan ka, pero ayoko na Makita kang nagtatrabaho sa bakery. Saken ka magsabi kapag may kailangan ka. Hindi mo kailangan magtrabaho at maglihim samin. Ingatan mo ang kalusugan mo." "Pano mo nalaman na nagsa-sideline ako? Nakita mo?" Pagtataka nyang tanung saken. Tumango-tango lang ako. "Mangako ka? Hindi kana babalik dun?" "Pangako, hindi na. Ate, salamat ha. Nakakahiya pero, gusto ko din sabihin na mahal kita, kayo nila mama at papa. Pag-sisikapan ko sa pag-aaral para makabawi ako sa inyong tatlo." Seryosong sabi nito. "Alam kong matutupad mo ang mga pangarap mo. Nasisiguro ko yan. " Sabi ko sa kanya na may buong pagmamahal. Niyakap nya ako ng mahigpit at ganun din ako. Umaga na at araw ng webes, bago ako umalis ng kwarto ko ay sinisigurado ko na malinis ang higaan. Hinanda ko na din ang uniform ko at naghanda para maligo na din. "Mga anak, aalis na kami ng mama nyo? Hindi na namin kayo makakasabay sa almusal, doon nalang kami sa palengke ng mama nyo kakain." Pagmamadaling sabi ni papa habang buhat-buhat ang isang malaking sako ng gulay at prutas. "Mag-iingat ho kayo. Aalis na din po kami ni krissa maya-maya." Sagot ko habang inaayos ang necktie ng blusa ko. "Sige kami'y aalis na." Narinig ko nalang na tumunog na ang tricycle ni papa at nakasakay na si mama sa loob at kumakaway sa akin. Ngumiti ako at kumakaway pabalik sa kanila. Dating gawi, pagdating namin sa school nagpaalam saken ang kapatid ko. Katulad ng ginagawa namin tuwing may pasok, kumakaway sya saken bago tuluyang pumasok sa classroom nya. Naglecture lang si mam ng konting mga topic para sa subject namin sa English. Ganun lang ang nangyari sa loob ng halos isang oras at kalahati. Nakaramdam na din agad ako ng gutom, at balak ko na sabay kami sa pagmeryenda ni krissa bago pumasok muli para sa huling subject. [THIRD PERSON] "Good morning po, heto po yung paunang bayad ko para sa balance ko." Sabi ni krissa na nakasilip sa maliit na butas ng registrar office at inaabot ang isang sobre. "Okey. But still, I'll send you your remaining balance for this sem. Thankyou." Sagot nito mula sa loob. May ngiti sa labing naglalakad si Krissa papunta sa canteen, at mabilis syang nakapili ng makakain nya para sa ilang minuto na break time. Umupo sya sa isang bakanteng upuan ng biglang lumapit ang tatlo nyang kaklase na may dala na mainit na sabaw ng sopas at sinadyang itapon yon sa may bandang hita nya. "Araayy! Ang init!!!" Si Krissa habang pinapagpagan ang palda nyang basa at may tapon na sopas. "Oops! Sorry. May tao pala dun." Pang-aasar pa ng isa. "Anu ba? Sinasadya mo ba? Bakit ba lagi nyo nalang akong pinag-iinitan? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah." Sigaw nito. "Matapang kana porket may ate kang nagtatanggol sayo? Ha!" Kinuha ng isa ang dulo ng buhok nya at sinasabunutan. "Arayyy! Masakit, bitawan nyo ako!!" Piglas ni krissa. "Masakit? Dapat lang sayo!!" Tumulong na din ang isa sa paghila sa buhok nya, pa sunod-sunod sya kung san sya dalhin ng dalawang kasama ng medyo bossy sa kanila. Dinala sya nito sa gilid ng canteen, gulong gulo ang buhok nya, mahapdi at namumula na din ang hita nya. Umiiyak si Krissa habang nakaupo sa isang sulok at inaayos ang sarili, nagkakagulo ang lahat at wala man lang naglakas loob na tumulong sa kaniya dahil alam nilang kung sino ang tutulong ay pag-iinitan din ng anak ng isa sa nag-mamay-ari ng school na pinapasukan nila. "Heto pa bagay sayo." At unti-unti pang binubuhusan ng tubig mula sa maliit na baso. "Ang gaya mong kaawa-awa ganito ang ginagawa. Bakit? Magsusumbong ka na naman sa ate mong impokrita na gaya mo? Or, sa magulang mo?" Gigil nito sa kawawang si Krissa. "Kahit magsumbong ka, walang makikinig sayo. Anung magagawa ng parents mong di hamak na isang tindera at isang tricycle driver? At ito, nakikita mo ba ito?" Pilit na pinapakita kay krissa ang benda nito sa kanang kamay at nakahawak sa buhok nya. "Gawa lang naman to ng bweset mong ate, kasi sumbungera ka! Alam mo ba na 3 days ako sa hospital at di makakain ng maayos dahil sa ate mo?" Gigil na sabi ng isa sa tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD