"Tita mina, heto po yung assignment ni Chloe at Kaloy. Pakibigay nalang po sa kanila. Aalis na po ako." Pagkaabot ko ng mga papel sa tiya ay tulala lang ito na nakatingin saken habang hawak-hawak ang papel. May hawak pa din itong walis tingting ng mga oras na yun. Nginitian ko nalang sya at umalis na.
Inagahan ko talaga pumasok dahil may pupuntahan at gagawin.
Nakita ko kumakain sa canteen ang mga kaklase nyang nang-bully sa kanya, nilapitan ko sila at ngingiti-ngiti.
Hinampas ko ang lamesa na syang napatigil at nagpagulat sa kanya at napatingin silang lahat saken.
"Who are you?" Sabi ng isa na naka ponytail. Nakangiti lang ako sa kanila pero sa loob ko ay gusto ko na silang sunggaban at pagsasabunutan dahil sa ginawa nila sa kapatid ko.
Narinig kong tumawa pa ang isa. "Guys, bingi ata sya at pepe." Tawanan nilang lahat.
Nakita kung tumayo na ang Isa pa at naka cross arm pa ito. Hinawi pa nya ang buhok nyang kulot at lumapit saken na inikot-ikotan pa ako.
"I knew her. She's the sister of Krissa, the one who saved her last time."
Napatango-tango naman silang lahat at ako sinusundan ko lang sya sa mga ginagawa nya. Hinawakan pa nya ako sa buhok at pinaikot ikot yun sa hintuturo nya.
"Look, kung ayaw mo ng gulo at matulad sa kapatid mo. Huwag ka ng magpapakita samen. Kayang kaya kitang ipatalsik sa paaralan na to Kasama ang kapatid mo!" Anito at tinulak-tulak pa ako sa kanang dibdib.
Hindi na ako nakatiis pa, hinawakan ko din sya sa kamay at medyo pinilipit ko iyon na syang dahilan ng sigawan at pagkakagulo nilang lahat.
"Okey ako naman." Ngiti ko sa kanya.
"Ikaw ang huwag na huwag ng magpapakita sa akin o wag nang mabully ang kapatid ko. Walang ibang mananakit sa kapatid ko kundi ako lang!" medyo pinilipit ko pa iyon. Kitang kita ko naman na nasasaktan ito at ang ibang kaibigan nya ay umiiyak na at nag-aalala na sa kanya.
"Let me go!"
"Kapag naulit pa ang nangyari sa kapatid ko, sisiguraduhin kong magtatapos ka sa paaralan na to na isa na lang ang kamay, at wala akong pakialam kahit pa Isa sa may-ari nito ang papa mo. Baka gusto mong sunugin ko ito! Tandaan mo lahat yan. "
"O-okey, just. Just let me go, please." Pagmamakaawa nito.
Tatakbo takbo syang lumapit sa kaibigan nya. Pulang pula ang braso nito. Nginisian ko sila at umalis na ang mga ito. At sa unang pag-kakataon sa buhay ko ay nagawa Kong maipagtanggol ang nag-iisa kong kapatid.
Narinig ko na may tumatawag saken at ng lingunin ko ay nakita kong palapit si Krissa at nakangiti habang kumakaway.
"Ate, hindi mo naman ako hinihtay. Ang daya mo. Ito pa naman sana ang unang araw natin na magkasama tayo papasok." Medyo naka ismid nitong sabi na ikinatuwa ko.
"Sorry. Promise magmula bukas sabay na tayo."
Humiwalay na kami ng lakad dahil malayo ang classroom nya saken. Hinihintay ko syang makapasok sa room nila habang nakatayo sa hallway at kumakaway. Hindi ko mapigilang ibagsak ang mga luha ko na nakikita na masaya si Krissa.
Natigil lang iyon ng biglang tumawag si Andrea at Alli. Nakalimutan ko na may kaibigan pala ako na tinuring kong totoo.
"Hey girl. Don't you say na nakalimutan mo." Bungad na sabi ni Andrea saken.
"Ang alin?"
"Omg Adeline! My birthday is coming. My 18th birthday." Medyo tumalikod pa ito at nakasimangot.
"Ah. Oo alam ko. Pag-iipunan ko pa--"
"No need, just attend my birthday."
Kung sa dati kong buhay ay wala akong paki-alam sa lahat basta makasama ko lang lagi sina Andrea at Alli, na kahit mga magulang at kapatid ko ay ikinaila ko para sa sariling kagustuhan ko. Ngayon ay mas Wala akong pakialam kahit mawalan na ako ng kaibigan Basta ang mahalaga ay buo ang pamilya ko. Kahit sa sarili ko ay hirap na hirap akong tanggapin ang reyalidad.
Hapon na at hinihintay ko si Krissa sa labas ng gate. Ngunit mga ilang minuto pa bago sya lumabas at todo-kaway ako sa kanya.
"Ate, mauna kana sa bahay. May gagawin pa kasi ako." Sabi nito saken ng makalapit.
"Sabay na tayo. Tutulungan nalang kita sa kung anu man ang gagawin mo?"
"Hindi na ate. Kaya ko na. Baka nakauwi na din sila mama at papa. Hintayin mo nalang sila sa bahay. Alis na ako. Byeeee!" Hindi na ako nakapag-salita pa dahil nakatakbo na sya.
At sa kuryusidad ko ay sinundan ko sya. Balak ko pa syang surpresahin sa ginagawa nya. Nasa likuran lang ako at nakangiti na sinusundan ang kapatid na naglalakad sa maliit na eskinita. Hindi naman ako nagpapahalata at nagpakita sa kanya. Napansin ko syang tumawid sa kabilang kanto at pumasok sa may maliit na tindahan. Ngunit ng makarating ako doon para surpresahin si Krissa ay ako ang nasurpresa.
"Sira na naman ang minasa mong tinapay!! Hanggang kelan ka matututo? Alam mo kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa tatay nyo, hindi na sana kita kinuha pa bilang extra sa bakery ko!!"bulyaw ng isang lalaki sa harap ni Krissa.
Nakasilip lang ako sa maliit na siwang sa likod nito. Kita ko kung paano duru-duruin si Krissa ng lalaki. Papasok na sana ako ng marinig ko syang magsalita.
"Pasensya na ho, Mang Sanny. Pagbubutihin ko nalang po. Alam nyo naman po na mahina na sina inay at itay, lalo na si itay. Malaking tulong sa akin ang binibigay nyong sahod ko, hindi na ako umaasa pa sa kanila." Sambit ni Krissa na noon ay nakaluhod na sa harapan ng lalaki.
Durog na durog ang puso ko na Makita si Krissa sa ganung sitwasyon, sa buong Buhay ko na Kasama sya ay bakit hindi ko man lang nalaman na ginagawa nya ito. Gusto kong lapitan sya at paghahampasin ang lalaki na nasa harapan nya. Ngunit wala akong magawa dahil kasalanan ko ang lahat. Pigil na pigil Kong ibinubuhos ang mga luha ko. Nang muli akong sumilip ay Nakita kong nagmamasa na si Krissa at panay ang lagay ng lalaki ng mga gagawin pa nya. Awang-awa ako sa kapatid ko, wala pala talaga akong karapatan na maging ate nya.
Ngayon, alam ko na kung bakit gabing-gabi na si Krissa umuuwi. Na sa dating buhay namin ay lagi ko pang binubungangaan at kahit ang pangungutya at pagkakakila ay ginawa ko na. Hindi ko alam ang totoong dinadanas ni Krissa na sana ako ang nag-iisa dapat nyang karamay sa mga panahong nahihirapan din sya.
Halos hindi ako makatingin ng maayos sa kapatid ko na naglalakad pauwi dahil walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. Gustong-gusto ko syang yakapin at humingi ng tawad. At lumuhod sa kanya sa lahat ng mga ginawa ko. Pansin ko din na patalon-talon pa sya sa pag-lalakad na parang bata at may mga ngiti pa sa labi, na para bang walang problema na hinarap. Noon ay napatawa pa ako habang nakatingin sa kanya sa kabilang kalsada. Sinusundan at sinasabayan ko lang sya sa pag-lakad ng hindi nya nalalaman. Pumasok na sya sa loob at dali-dali din ako, tulog na sila mama at papa. Binuksan muna ni Krissa ang pinto ng kwarto nila mama at ngumiti na para bang nakatingin sa kanya sila mama at papa kahit tulog na. At ang huli ay binuksan nya ang kwarto ko, kita ko Sa reaksyon ng Mukha nya ang saya nito siguro ay dahil Wala ako.
Nakita kong inilapag nya ang nakaplastik sa mesa ko na maliit, hindi ko agad iyon tinignan dahil baka makita nya ako. At pumasok na sya sa kwarto nya, doon ay inilapag nya ang kanyang mga gamit at pinupokpok ang sariling likod. Doon sa loob ng kwarto ay ginagamot nyang mag-isa ang mga sugat sa mga kamay na noon ko lang din napansin kung bakit ang dami nya palang sugat.