Tatayo na sana si Krissa nun para lumaban pero ng marinig nya ang lahat ng panglalait at pang- iinsulto sa mama at papa nila naging sa ate nya ay lalo syang nanghina at nawalan ng lakas ng loob. Umiyak nalang sya at pinipilit na walang naririnig sa mga sinasabi ng tatlo sa harapan nya.
---
Namimili ako ng pwedeng makain sa canteen. Nang para bang ang daming mga studyante na nagtatakbuhan kung saan-saan.
"Naku, kawawa naman yung babae. Grabi naman yung ginagawa sa kanya." Rinig ko habang pumipili din ng makakain.
"Ang sasama talaga ng mga ugali nung mga yun, palibhasa e may-ari ng school ang tatay." Dugtong pa ng isa.
Para bang kinutuban ako ng masama. Nagtanung ako sa isang babaeng studyante kung saang canteen nangyayari yung kaguluhan. Pagdating ko doon, naabutan ko nalang na inaayos na ng ibang mga lalaking studyante ang mga lamesa at bangko na nakatumba. Wala ng mga tao. Ang bigat ng pakiramdam ko para humakbang. Hindi na din ako nakapagmeryenda pa dahil bumalik na din ako agad sa room dahil mag-kaklase na.
Buong klase ako hanggang maghapon at hanggang sa paglabas sa school na tulala at walang imik. Hinahanap ko din ang kapatid ko ngunit wala na sa room nya, malungkot kong binaybay ang daan pauwi at inisip ang kapatid ko.
Pagdating ko sa bahay, nakita kong nag-uusap sila mama at Krissa. Masaya, nagtatawanan, at nagkukulitan. Ayoko sana isipin na sya yung dahilan ng pagkakagulo kanina sa canteen. Kaya pumasok akong may ngiti sa labing humarap sa kanilang dalawa. Kitang-kita ko ang mga inosenteng ngiti ng kapatid kong si Krissa.
"Nakakainggit naman, sali nyo na naman ako." Pagsisingit ko sa kulitan nilang dalawa.
"Ahm, hindi na kita hinintay ate, dumaan kasi ako sa room nyo kanina may klase pa kayo kaya nauna na ko." Sambit ng kapatid ko.
"Ganun ba? Ayos lang. Mabuti nga at nauna kana, dahil kung hinintay mo ako tiyak, mangangawit lang mga paa mo maghintay sa labas." Masaya kong sabi.
"Bakit wala pa kaya ang papa nyo? Siguro nasiraan na naman yun?" Putol ni mama.
"Madalas ba ma na mangyari to kay papa?" Tanung ni Krissa.
"Madalas anak, panigurado ngayon nasiraan na naman yun. Mabuti nalang at ibinilin ko na sa kanya ang mga gamit nya. Maya-maya ay darating na din yun, halika na kayo. Kakain na tayo, sasabayan ko nalang ang ama nyo mamaya kapag dumating." Alok ni mama at tumayo na sa pagkakaupo.
Pagkatapos namin kumain, hinugasan na ni Krissa ang mga pinggan. Sinampay ko na din ang damit ko na nilabhan ko kanina bago umalis. Nasanay na ako na ganito ang ginagawa ko kapag bago matulog. Pinagmamasdan ko lang si Krissa, para bang may hinihintay ako na may sabihin sya saken. Ilang minuto pa ay di na ako nakatiis pa. Pinuntahan ko sya sa likod. Doon nakita ko syang nakaupo sa maliit na bangkito at para bang may pinapahid na kung anu sa balat nya. Nang malapitan ko ito ay gulat na gulat ako sa nakita, subrang pula ng hita nya at may maliit pang sugat ang gilid ng kamay nya. Napaupo ako at nagulat sya pagkakita saken.
"Anung nangyari sa balat mo? Bakit namumula?" Pag-aalala ko.
"Ate? Ah eh wala ito. Napaso kanina." Sabi nya saken.
"Krissa, anung wala. Pulang-pula yan. Anung nangyari? Magtapat ka saken, ikaw ba yung babaeng usap-usapan kanina sa canteen? Sinaktan ka na naman nila? Sila may gawa nito anu?" Medyo natataasan ko ng boses. "Hindi pwede yan, Krissa! Mananagot sila saken!"
Hinawakan lang ako sa kamay ng kapatid ko na para bang pinapakalma ako at pinapaupo sa harap nya.
"A-ayos lang ako ate. Wa-wala ito. Papahidan ko lang nito mawawala na to." Paliwanag nya saken.
Namumuo na ang mga luha ko sa mata ko, naiinis ako na ngumingiti lang si Krissa na para bang inosenteng bata.
"Krissa, malaki kana. Lumaban ka! Hindi mo kailangan mag-pa api sa mga kagaya nila. Parehas lang tayo, ang tanging pinagkaiba lang natin sa kanila ay ang estado natin sa mga buhay." Hindi ko na mapigilang lumuha habang hinahawakan sa magkabilang balikat ang kapatid ko. Nakayuko lang sya at kita ko na din na pumapatak na ang mga luha mula sa mga mata nya.
"Yun na nga po ate. Gusto kong lumaban. Gusto ko din silang saktan, kayang-kaya ko sila." Pag-iyak nito saken na para bang naglalabas ng sama ng loob. "Pero paano ate? Paano? Palagi nila akong nilalait! Minamaliit! Pinagtatabuyan! Bakit ba kailangan natin dumanas ng ganito? Bakit kailangan pang maliitin tayo? Bakit natin kailangang pagdaanan ang lahat ng ito ate?!!" At sa pagkakataong iyon ay binuhos na nya ang mga luha nya at maging ako din. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kapatid ko sa mga oras na yun.
"Ma-mabuti naman tayong..anak..diba?" Pautal-utal na nyang sabi. "Mababait naman sila mama at papa. Su-sumusunod naman tayo sa kanila, p-pero ba-bakit natin kailangan maranasan ang ganitong buhay? Ang hirap maging mahirap ate. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita na sinasabi nila! Ang hirap kapag lagi kang minamaliit, ka-kaya..ko..naman..tanggapin la-hat ng pang-lalait nila saken, k-kahit anung p-p-p*******t pa yan, pero... yung idamay nila kayo nila mama at papa. Yun ang hindi ko kaya. Mas la-lalo akong nanghihina sa tuwing dina-dinadamay nila kayo." Malakas na hagulhol saken ng kapatid ko. Hindi na ako makaimik pa.
Ang sakit sa dibdib, tagos sa dibdib ko ang lahat ng sinabi nya. Parang pakiramdam ko ay binagsakan ako ng sampung malalaking kahoy sa likuran ko. Niyakap ko si Krissa ng subrang higpit, hinihagod ko ang likod para pakalmahin. Para syang bata na umiiyak sa kandungan ko. Malakas.
Parang tinutusok ang puso ko, hindi ko din alam kung sa ganitong klase ba ako sinisingil sa mga ginawa ko dati.
Halos isang oras din kaming nanatiling ganun ni Krissa, hinayaan ko lang syang ilabas ang lahat ng nasa loob nya. At nang mahimasmasan ang kapatid ko ay nauna na syang magpaalam saken na magpapahinga na. Masakit na din ang ulo nito dahil na din siguro sa labis na pag-iyak niya. Sa kabilang banda, masaya naman ang puso ko dahil alam ko na nasabi nya ang matagal nyang kinikimkim sa dibdib nya.
Pagpasok ni Krissa sa kwarto nya, pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Umupo ako sa maliit na bangko at sandaling tumitig sa kawalan. Nang naramdaman ko nalang na umupo si papa sa tabi ko.
"Pa, kararating nyo lang?"
Ngumiti lang sya saken at nagsenyas na wag daw ako maingay at baka magising sila mama at Krissa.
"Ma-may problema ba sa school ang kapatid mo anak?" Biglang tanung nya na ikinagulat ko.
"Po? N-naku pa, wala naman po. Bakit nyo po natanung?" Pagsisinungaling ko pa sana.
"Anak, alam ko. Ama nyo ako, isang tingin ko lang sa inyo ng kapatid mo alam ko na may problema. Kami ng mama nyo ang lubos na nakakakilala sa inyo. Narinig ko kayo ng kapatid mo kanina."
Pagkarinig ko nun ay para na naman akong nanghina. Ayoko na sana pa malaman nila mama lalo na si papa ang nangyayari.
"Pasensya na kayo anak, mahirap lang kami ng mama nyo simula dati pa. Wala ako o kahit sya na maipapamana sa inyo na materyal na mga bagay. Hindi ko din naibibigay ang mga gusto nyo lalo na ngayon na mga dalaga na kayo. Ang tanging maipapamana namin sa inyo ay ang pagtapusin kayo sa pag-aaral kahit na mahirap, anak. Hindi man tayo mayaman, ngunit mayaman tayo kami ng mama mo sa pagiging totoo sa pagmamahal. Palagi nyo lang piliin ang maging mapagkumbaba at mabait sa lahat." Sa pagsabi niyon ni papa ay hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Maging si papa ay nakita ko din na nakayuko at umiiyak.