KABANATA 13

1298 Words
Bilang panaganay, subrang nakakadurog ng puso na makita ko si papa na umiiyak. Umiiyak dahil sa pagiging mahirap namin, dahil sa hindi nya pagbibigay ng mga bagay na dapat daw ay binibigay nila samen. Umiiyak dahil sa GUILTY AT PRIDE na kahit hindi nya sabihin ay alam ko na. "Pasensya na kung dumaranas kayo ng mga pangungutya sa mga kapwa nyo. Malaki ka na at ang kapatid mo, pasensya na anak ko..." Putol ni papa dahil nahihirapan na din sya sa pagsasalita. "Pa-pasenya na, HINDI NAMAN AKO IRESPONSABLENG AMA AT GINAGAWA KO NAMAN ANG LAHAT PERO KAHIT AKO AY HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NATIN NARARANASAN ANG GANITO." Sa mga sinabing iyon ni papa ang tumatak sa isip ko at mas lalong nagpahagulhol saken at nagpasakit sa dibdib ko. Nakayuko lang si papa at pinupunasan ang sariling mga luha na pumapatak. Habang ako, nakatingin sa kanya na hindi ko din alam kung anung gagawin. Basta ang alam ko ay subrang sakit ng dibdib ko na parang hindi ko na kaya pa dahil sa mga narinig ko. Lalo na sa paulit-ulit na paghingi ni papa ng pasensya. Paggising ko ay pakiramdam Kong parang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit. Naalala ko, walang pasok si Krissa ngayon araw. Nakita ko lang sya na mahimbing pa din na natutulog. Naka-alis na din sila mama at papa para sa pagtatrabaho. Inayos ko ang sarili ko, namumugto pa din ang mga mata ko pero kailangan ko pumasok sa school. "Goodbye ma'am." "Enjoy your weekend, class. Goodbye." Paalam ng last subject na guro namin ng umagang iyon. Dali-dali akong lumabas ng room. Palinga-linga ako kaliwa't kanan, wala na akong pakialam sa mangyayari basta buo na ang desisyon ko. "Arayyyyyyy!" Sigaw ng babaeng hawak ko ang buhok, sinusunod lang din naman samen ang dalawa pa nitong kasama. Hinihila ko ito para dalhin sa isang sulok ng classroom, marami ang nakakakita sa ginagawa ko ngunit wala na akong pakialam. Sa mga oras na yun ay para bang nawala ako sa sarili kong katinuan at napuno ng galit. "Bitawan mo ako! Anu ba!!" Pagpupumiglas nito. "Masakit ba? Ganito ba ang ginawa nyo sa kapatid ko kahapon ha!!" Sigaw ko sa kanila. "Nagmamakaawa din ba sya gaya ng ginagawa mo pero hindi mo pa din sya tinigilan?! Anu ba ang ginawa ng kapatid ko sa inyo at grabi ang galit nyo sa kanya? Ha!!!" Mas malakas ko pag sigaw habang pumapatak ang mga luha. "Bi-bitawan mo na sya!" Pagmamakaawa ng isa nitong kasama. "Sorry sa ginawa namin sa kanya. P-pangako h-hindi na talaga mauulit." Dugtong pa ng isa na umiiyak na din. "Mananagot ka sa daddy ko! I swear to you na pagbabayaran mo....ahhh." hindi ko na pinatapos pa magsalita at muli ay hinila ko sya sa buhok. Naiiyak na din ito sa sakit ng pagkakasabunot ko. Ilang minuto pa ay nakita ko na parang nagkakagulo na din sa labas at nakita kong palapit ang principal at ibang mga guro. "Ms. Perez, go to my office now!!!!!" Rinig kong sigaw ng principal na umalingawngaw sa buong paligid. Nakaupo kaming apat kasama ang ibang mga guro at principal. May pinag-uusapan sila na alam kong tungkol samen. "Ayon sa policy ng school na ito, I need to talk to your parents tomorrow morning, lalo na ang parents mo, Ms. Perez. Padalawang beses mo na itong ginawa sa kanila ngunit pinalampas ko iyon, but now hindi ko na pwedeng ipalagpas pa ang nangyari." Kita ko sa tatlo na lihim silang napapangiti. Gusto ko man sumagot pa ay hinayahaan ko nalang dahil baka lumala pa. Ang importante saken ngayon ay kahit papano ay naipaghigante ko ang kapatid ko kahit na nakapanakit ako ng ibang tao. Alam Kong Mali, pero para saken dapat lang sa kanila ang ginawa ko. Ang iniisip ko nalang ngayon ay kung paano ko makukumbinsi sila mama at papa dahil sa ginawa ko. Naglalakad na ako sa highway para umuwi. Nang may naririnig ako familiar na boses na tumatawag saken. "Lin! Adeline!" Nilingon ko iyon at nakita kong kumakaway palapit saken si Lance. Tumigil ako sa paglalakad para mahintay sya. "Buti naman at narinig mo na ako. Uuwi ka na din ba?" Tanung nito saken. "Ah oo sana." Malumanay kong sagot. "Teka, bakit parang malungkot ka. May problema ba?" Napatingin ako sa kamay ko dahil hawak iyon ni Lance. Nang mapansin din nyang nakatingin ako sa kamay nya, binitiw nya ang pagkakahawak. "S-sorry." "Nakagawa kasi ako ng di maganda, pinapatawag parents ko bukas para pag-usapan ang ginawa ko. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin." "Ganun ba? Subukan mo lang, maiintindihan naman nila siguro kung anu man ang nagawa mo. Hindi ka naman siguro nanuntok ng kaklase natin diba?" Pagbibiro pa nito. Napatawa lang ako sa sinabi nya. "Yan, ngumiti kana ulit. Gusto mo, kain muna tayo bago umuwi. Sagot ko, ako naman ang taya ngayon. Diba sabi ko naman basta may oras ako babawi ako." Sunod-sunod nitong sabi. Nginitian ko lang ulit sya at nagsimula na kaming maglakad. Pumunta kami sa isang bagong restaurant na silogan. Pwede na din pang tanghalian dahil nagugutom na din ako. Pagkatapos namin kumain ni Lance e hinatid pa nya ako sa kanto na sinasakyang ko ng tricycle pauwi sa bahay. "Salamat ulit ha." "Wala yun, basta ikaw. Sabi ka lang kung gusto mo ulit bumalik dun." Sabi pa nito. Kumaway-kaway sya saken habang na ako pasakay sa sasakyan, ayoko kumaway pabalik sa kanya dahil baka bigyan nya ng ibang kahulugan. Bago ako bumalik sa nakaraan Kong ito, sa dati kong buhay sampung taon ang lumipas. Hindi kami naging magkasundo ni Lance, palagi ko syang iniinsulto at pinapahiya dati. At gustong-gusto kong ginagawa ang mga yon dati, pero ngayon iba ang nangyayari. Pagdating ko sa bahay, nagluluto na para sa hapunan si mama. Nakita ko din ang madaming hinog na saging at ilang mga pakwan sa may maliit namin na sala. Ang gulay at madami din. Si papa nakita kong nagkakape sa paborito nyang lugar habang nagpapakain Ng ilan naming mga alagang manok. Mas lalo akong nahihirapan na sabihin sa kanila ang nangyari sa mga nakikita ko. Umupo lang ako saglit at hinawi na ni mama ang kurtina na nagsisilbing pinto ng kusina namin. "O anak, dumating ka na pala. Tamang-tama at handa na ang hapunan. Krissa, tawagin mo na ang ama mo para sa hapunan anak." Tawag ni mama kay Krissa na noon ay nasa kwarto nya. Tahimik lang ako habang kumakain. Naghahanap ng tyempo para magsalita. Sinadya ko na patapusin at pumasok sa kwarto si Krissa. Nang mga sandaling nag-iimis na kami ni mama ng pinagkainang mga pinggan ay doon na ako nagsimula. "Ma, ma-magtitinda po ba kayo bukas?" Marahan kong sabi. "Bukas anak? Wala nga e. Matumal ang benta at mahina ang supply natin ngayon, bakit mo natanung?" "Ahm, kung hindi sana kayo busy bukas e pinapatawag kayo sa school." "Bakit daw kaya? May nangyari ba?" Tanung ni mama at nagtama ang mga mata namin. Napayuko ako at di masabi ang totoo dahil sa kahihiyan. "Sige pupunta kami ng mama nyo. Anung oras ba tayo aalis?" Biglang tugon ni papa na nakaupo nun at nanunuod ng balita sa sala. Napalingon ako sa kanya at nagtama din ang paningin namin. Hanggang sa pag-gising ko ng umagang 'yon ay para bang naiilang ako kumilos. Parang gusto ko sabihin kina mama at papa na wag nalang pumunta. Pero nakabihis na sila at handang-handa na sa pag-alis. Kapag nakikita kong masaya ang reaksyon ni mama ay mas lalo akong nakokonsensya. Ngunit pagdating kay papa ay tahimik lang ito at walang kibo. Pagdating namin sa school at dumiritso sa principal office ay nandun na ang lahat. At parang kami nalang ang hinihintay. Pinaupo kami ng principal at masaya pang binabati ni mama ang bawat tao na nandoon na walang ka ideya sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD