KABANATA 8

875 Words
Hinintay ko pa din na dumating si Krissa ngunit nakatulog na ako at di na nakapaghintay pa. Nagising nalang ako hating-gabi dahil nakaramdam ako ng uhaw. Katulad ng lagi kong nakikita may nakita na naman akong tinapay na paborito ko. Binuksan ko ang isang kwarto at nakitang nakahiga si Krissa sa may sahig at natutulog. Bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagod, marami pa akong gustong malaman tungkol sa kanya dahil kahit sa haba ng pagsasama namin bilang magkapatid ay marami syang hindi sinasabi saken dahil hindi kami ganung magkasundo dati. At ngayon na binibigyan ako ng pagkakataon para maipakita ang pagmamahal at malasakit sa kanya ay sasamantalahin ko ng subra. Hindi ko mapigilang lumuha ng makitang may putik ang kanyang bag, hanggang ngayon kasi ay malakas pa din ang ulan sa labas. Pinunasan ko ito ng basang damit para maalis ang putik. Nakangiti lang ako habang tinititigan ang maamong mukha ng nakababatang kapatid ko. Dahil araw ng linggo ngayon ay gumayak na kami para sa pagsamba. Ito ang pangalawang beses na nakasama ko sila, ang mga mahal ko sa buhay. Pagkatapos namin mag-simba ay umuwi din kami agad dahil meron daw nakatrato na magdedeliver ng mga ititindang gulay at prutas ni mama para sa bukas. Pagdating namin sa bahay ay nandun na ito at naghihintay sa aming bakuran. "Naku, Carmina mabuti naman at dumating na kayo. Halos mag-iisang oras na ata akong naghihintay dito. " Reklamo ng ale pagkakita kay mama. "Pasensya na, akala ko ho kasi e bukas pa kayo pupunta kaya hindi ko alam. Sandali, baka gusto nyo munang pumasok sa loob at mabigyan kita kahit maiinom." Alok ni mama sa babaeng medyo matanda sa kanya ng ilang taon. "Naku hindi na. Uuwi din ako agad at marami pa akong pagdadalhan ng mga gulay. Salamat nalang." Matinis na sabi nito habang nagpapaypay gamit ang mga kamay. "Sigurado ho kayo? Heto ho ang bayad." Iniabot ni mama ang dalawang daan at limampu sa babae at dali-daling kinuha ito at tumingin pa saken. "Aba, diba ikaw si Adeline? Dalagang-dalaga ka na ah. Tingnan mo nga naman at napakabilis ng panahon. Mabuti pa itong mga anak mo carmina ay kasa-kasama mo sa pagsamba, samantalang ang mga anak ko wala ng ibang ginawa kundi ang maglaro kasama ang mga barkada. Sa halip na tulungan ako sa paglalako e sila pa ang galit kapag nakikiusap ako. O sya pano, mauna na ako. Eduard, dito na ako." Paalam nito. "Sige ho, mag-iingat kayo." Sabi ni papa. "Sa susunod ulit, T'yang." Habol na sigaw ni mama. Para bang nakaramdam ako ng sakit sa narinig kong sinabi ng matandang babae. Hindi ko maipaliwanag pero talagang mapalad pa din talaga ako. Pumasok na kami sa loob at binuhat ni papa ang halos isang sako ng gulay at prutas. Mabilis na lumipas ang maghapon. Heto ako at nagmumuni-muni sa kwarto. Abala kasi si Krissa sa baba at nagrereview para sa quiz bukas. Iniisip ko, paano kung hindi ako bumalik dito sa nakaraan. Siguro kahit sa kalagayan ko ngayon ay labis ang pag-sisisi ko. Hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang maliit na kalendaryo sa maliit kong lamesa. Nakabilog doon ang petsang March 17, ang araw na nawala samen sila mama at papa. Ang araw na ayaw kong maulit na mangyari at ang araw na pinipigilan kong mangyari. February 27 ngayon, para bang kinakabahan ako na hindi ko maiintindihan. Parang nanikip ang dibdib ko at lumabas ako sa bahay. Nagpapahinga na din naman sila mama at papa kaya hindi nila namalayan na lumabas ako. "Iha, iha." Sandali akong natigil ng marinig na para bang may tumatawag saken. Lumingon lingon ako kaliwa't kanan. At hindi ako pwedeng magkamali na nakikita ko si Lola. Nakaupo sa isang banda sa may katabing poste habang kumakain. Lumapit ako sa kanya. "Lola! Diba po tuwing martes ng gabi tayo ---" "Mmm. Ang sarap nito. Naku napakasarap. Patapusin mo muna ako kumain bago ka magsalita. " Sabi nito saken na halos punong-puno na ang bibig. "Pasensya na po." Pagkatapos nyang ilunok ang kinakain nito, inabot ko sa kanya ang tubig na nasa gilid ko. "Lola, bakit kaya ganun. Parang naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Ang pagkakaalam ko wala naman akong sakit sa dati kung buhay." Sabi ko sa matanda at umiinom pa ito ng tubig. Tinakpan nito ang bote. "Kasi nalalapit na ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Marami kang malalaman sa loob ng linggong ito. Kaya ang payo ko sayo maging handa ka sa lahat. Paalala ko lang sayo iha, ang mga bagay na nangyari na ay hindi na pwedeng baguhin pa. Kaya kung ako sayo, ang lahat ng mangyayari ay tanggapin mo ng taos puso dyan sa kalooban mo." pahayag nito saken na nakangiti at sya namang ipinagtaka ko. "Lola, pag-iisipin nyo na naman ako. Hindi ko na naman maintindihan ang mga sinasabi nyo. At kung mangyayari po talaga, handa na ako. Handa akong baguhin iyon." Ngingiti ngiti kong sabi sa kanya. "Nga pala Lola, bakit parang invisible kayo sa lahat?" "Hay naku, bata ka. Hindi mo pa din ba naiintindihan? Ikaw lang ang nakakakita saken, dahil ikaw at ako ay dati ng magkakilala at parehas galing sa hinaharap." Para bang tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi ng matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD