Napatingin ako sa babaeng may benda, naka cross arm ito at taas ang kilay na nakatingin saken. Ganun din ang mama nito na talagang halatang nakakaangat sa buhay dahil sa dami ng gintong accessories na suot nito.
"Magandang umaga ho, Mr. and Mrs. Perez, salamat at pinaunlakan nyo ang aking paanyaya. Upo ho kayo. Matanung ko lang, kayo po ba ay may ideya kung bakit ko kayo pinatawag ngayong araw?" Bungad agad ng principal samen.
Nagkatinginan lang sila mama at papa.
"Magandang araw din po. Ang totoo po ay wala po kaming alam, siguro po dahil sa nalalapit na graduation ni Adeline? Tama po ba?" Masigla pang sagot ni mama.
"Tss! Hindi nya alam kung anung ginawa ng impokrita nyang anak. Anung graduation? Hindi nya alam ma-e expell ang anak nya sa skwelahan na ito!" Mataray at mahinang sabi ng babaeng may benda ngunit rinig na rinig ko iyon at ni mama.
"To be honest Mrs. Perez, Ang anak nyong si Adeline ay may ginawang hindi po maganda sa mga lower grade na studyanteng iyan." Tinuro ang tatlo. "At kung makikita nyo po ang Isa sa kanila ay may benta sa kamay at maraming pasa, iyan po ay pangalawang p*******t na ng anak nyo sa kanila. Kung hindi man po ninyo alam ang ginagawa ng anak nyo ay dapat po ay aware kayo bilang ina nya." Mahabang hayag nito.
"Hindi na kami humingi ng pang-hospital at nag file ng report. Anu nalang ang mangyayari sa inyo pag ginawa pa namin 'yun?" Tumingin pa ito sa magulang ng kaibigan ng anak nya at lahat sila ay ngingiti-ngiti.
"Mom, siguro hindi na natin sya ipa expell, you know kawawa naman siya. Siguro tatanggapin ko nalang sa loob ko yung mga ginawa nya samen, especially with Bianca. At saka ito lang naman yung libre pa na school baka wala na siyang mapagtransferan kasi wala naman tatanggap na sa gaya nyang, anu. Low class." Pang-aasar pa nito samen na.
Napatingin saken si mama at ganun din Kay papa. Alam Kong mangyayari ang ganun dahil mayayamang ang mga ito pero handa akong tanggapin yon, pero si mama.
"Naku, pasensya na ho kayo sa inasal ng anak ko. Lalo na sa iyo iha---" Nilapitan ni mama ang babaeng may benda ngunit lumayo ito at tinaboy pa si mama na para bang ayaw mahawakan.
"Don't touch me!" Saway nito.
"Hindi na iyon mauulit. Pero wag naman po sana umabot sa expellation ang nangyari, Mr. Principal. Nakikiusap ho ako. At saka malapit na poa ang graduation ng mga bata, at isa po ang anak ko sa may matataas na marka. Ang away naman po nila siguro ay away bata lang." Mahabang sambit at pakiusap ni mama ngunit nakayuko lang ang principal.
"Tatanggapin lang namin ang sorry at hindi na sya ma e expell, yun ay kung luluhod ka sa harapan namin na hihingi ka ng tawad." Sambit ng isa sa magulang na nandoon.
Nagulat ako sa narinig ko, maging si papa. Ngunit lahat sila ay kapwa pinagtatawanan at pinapalabas na iniinsulto na kami.
"Ma, hindi mo kailangan gawin yan. Ma!" Pigil ko Kay mama na noon ay talagang gagawin ang pinapagawa.
"Grabi naman kayo! Hindi naman makatao ang ginagawa nyo para samen, halata naman na iniinsulto nyo kami." Singhal ko dahil sa inis at Galit na nararamdaman ko. Hinawakan lang ak ni mama at papa sa braso at tumango parehas saken at ngumiti.
"Tignan mo, bastos pa ang ugali mo! Siguro mana ka sa mga magulang mo ugaling kalye, hay naku! Kaya ayaw ko ng mga kagaya nila sa paaralan na ito. Hindi tinuturuan ng maayos na pag-uugali." Reklamo ng isa.
"Mawalang galang na ho sa inyo, tayo po sana ay magkaayos na para---" di natuloy si papa dahil tinuro-turo pa kami Isa sa mga nanay na nandoon.
"Pagsabihan nyo ang anak nyo, matuto syang gumalang at rumespeto sa mga matatanda. Ganyan ba kayong mahihirap? Mga walang galang? Siguro ay pinalaki nyo syang masama ang ugali at nasanay ang pakikitungo dahil sa mga kapwa nyong mga dukha!" Singhal nito samen.
Luluhod na sana si mama ngunit ng marinig nito ang sinabi ng isa ay bigla itong tumayo na ikinagulat ko at ni papa. Maging sila na na dun ay nagulat din. Kinuha nito ang bag na nasa bangko at muling sinuot.
"Pasensya na po ah. At mawalang galang na din. Oo Tama kayong mahirap lang kami at kapus sa buhay. Pero, pinalaki ko ang mga anak ko ng maayos ay may mabuting pag-uugali. Kung mahirap man kami, wala na kayong pakialam pa dun. Ngayon, kung pinapunta nyo kami dito para lang insultuhin at pagsabihan ng kung anu-anu, siguro ay may karapatang kaming umalis na. Parang ang lumalabas ay kayo itong mga asal kalye. At isa pa, hindi kami eskwater at mayaman din kami, pero sa ibang bagay!" Si mama na noon ay taas noong ipinagtanggol kami. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi nya dahil napatahimik nyang lahat ang mga nandun. Kita ko din si papa na medyo palihim na ngumiti.
"At kayo, Mr. Principal wag kayong basta tanggap at bias sa mga iyan. Naturingang pa kayong principal ng paaralan na ito pero wala din kayong pinagkaiba. At hindi nyo pwedeng ipa expell ang anak ko, dahil pag nagkataon kayo pa ang mapapasama." Habol pang sabi ni mama na ramdam ko din Ang tensyon nya.
Hinila ako ni mama at si papa naman ay sumunod samen palabas ng office. Naiwang tahimik ang lahat na naiwan.
Parang hingal na hingal si mama paglabas namin sa buong paaralan. Napatigil kami at napahawak sya sa kanyang dibdib at habol ang hininga.
"Ayos ka lang ba?" Tanung ni papa at hinahagod ang likod nito.
"Ayos lang ako. Kamusta ang ginawa ko?" Tanung nya kay papa.
May pagtatakang napatingin ako kay mama.
"Naku, anak. Huwag lang magpapaapekto sa mga sinabi nila. Hindi mo kailangan makinig lagi sa sasabihin ng iba sayo, kahit na si Krissa. Kung ako sayo, dapat dalawang kamay na nya ang binalian mo pati yung dalawa." Gigil pang sambit pa ni mama na lalo kung pinagtataka.
"Ma, papa. Hindi po kayo galit saken? May ginawa po akong hindi maganda sa kanila kaya po kayo pinatawag at kamuntikan pa ako ma expell. Ayos lang po sa inyo."
"Anu ka ba? Bakit naman ako magagalit? Kami ng papa mo? Alam ko at alam mo sa sarili mo na ipinagtanggol mo lang din ang sarili mo, kaya naiintindihan namin ni papa mo ang ginawa mo. Kaya tama lang iyon anak, pero hindi ibig sabihin ay Tama ang p*******t na ginawa mo, Mali pa din yun. Ang ibig Kong sabihin e, alam Kong mas masakit ang mga salita kesa sa physical na pananakit." Ngiti lang si mama na para bang walang nangyari.
Naglalakad kami para makasakay na pauwi, nasa unahan ko sila papa at mama. Masaya ang puso ko na talagang naiintindihan nila ako kahit na sa panahong mahirap na ako intindihin.
Pag-kauwi namin ay sinalubong agad kami ni Krissa, hindi ko na pinaalam pa sa kanya at maging sila mama at papa ay hindi na din sinabi. Masaya nalang kaming nagbonding Ng araw na iyon at kinalimutan ang nangyari.
[KASALUKUYANG PANAHON]
[Third person's pov]
Pinupunasan ni Keila ng basang towel ang buong katawan ni Adeline para malinisan ito. At yon ay halos araw-araw nyang ginagawa para sa kaibigang si Adeline na noon ay halos dalawang taon ng comma sa hospital. Walang araw at oras na hindi pumatak ang luha nito para sa kaibigan, at palaging pinagdarasal na magising na.
"Lin. Alam mo ba? Miss na miss kana nila Mika at Lucas. Kahapon sumaglit ulit sila dito para dalawin ka. Malaki na silang dalawa hehe. Hanggang ngayon dala dala pa din ni Mika yung doll na binili mo sa kanya. Palagi ka din nyang pinagpipray kasi sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari. Alam mo Lin, sana gumising kana. Miss na miss na miss na din kita." Pag-iyak nito sa kaibigan na nakasubsob sa kama.