Pinagmamasdan ko lang si papa sa mga ginagawa nya. Paulit-ulit syang nagtatawag ng pasahero, kaway dito kaway doon. At mas marami ang tinatanggi. Hindi ko din sya makausap kasi abala sya sa ginagawa nya at ayaw ko din naman na maisturbo pa sya. Kung pagmamasdan ko si papa sa gitna kalsada at init ng araw, ang sakit isipin na ginagawa nya yun para sa pangtustos sa pangangailangan namin araw-araw. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kahirap at kailangan ng subrang pagtatyaga para kumita ng pera.
Sandali ko tinignan ang lagayan nya ng perang kinita namin s kalahatIng araw. Meron itong laman na 450 pesos. Napaisip ako sa mahal ng bilihin at panggastos sa Amin ng kapatid ko, paano nya pagkakasyahin iyon. Muli ay binalik ko ang tingin sa ama kong wala pa ding tigil sa pag-alok sa mga pasahero.
Siguro mga Isang oras din kami naghintay, at kung hindi ako nagkakamali ay alas tres sakto ng hapon. Sa Isang pasahero ni papa na babae, tingin ko ay nasa singkwenta na ang edad nito ay tuwang tuwa na si papa. Bumalik na ako sa upuan ko Sa likod ni papa, at ng marinig ni papa kung saan patungo ang babae ay pinaandar na nito ang sasakyan at bumusina pa sa mga kasamahan.
Medyo malayo ang lugar na sinabi ng pasahero ni papa. Mabato ang daan at halos walang mga bahay na makikita. Nahirapan si papa sa pagmamaneho. Umaalpok pa ang tricycle ni papa sa tuwing madadaan sa mga batohan. Maging ako ay nananakit na sa kinauupuan.
Maya-maya pa ay biglang bumaon sa may batohan ang gulong Ng tricycle ni papa. Pilit niyang pinipihit ang silinyador nito at bumuga lang na masangsang na amoy na usok.
"Anu ba 'yan! Kaya pa ba ng tricycle mo manong makaalis dito? Mag-lilimang minuto na ho." Iritang sabi ng pasahero Mula sa loob at nauubo pa.
"Pasensya na ho. Medyo mahina na din kasi ang makina nito. Konting tiis lang po madam." Mahinahong tugon ni papa.
Umismid lang ang babae ay nagpapapaypay pa sa hangin gamit ang kanyang kanang kamay. Ilang segundo pa ay bumaba na ito at tuluyan ng nasira ang tricycle ni papa.
"Pinilit pilit pa kasi ako na sumakay, sira naman pala. Wag na ho kayo mag pepresenta sa susunod ah, naaabala nyo yung mga taong nagmamadali sa pupuntahan. Heto, bayad ko." Tumingin ito saken na may supladang boses. "Abot mo sa tatay mo."
Medyo nakaramdam na talaga ako ng inis sa babae kahit pa matanda na ito ay parang hindi naman marunong makisuyo man lang. Nagulat ako sa inaabot ng babae, sing kwenta pesos!
Pagkakuha ko sa bayad ay dali-dali din ako bumaba ng sasakyan dahil lumabas na din mula sa loob ang babae.
"Teka po. Sandali. Ba-baka pwede naman po na pakidagdagan yung bayad nyo, kahit gawin nyo na po sanang 70." Maayos kong pakiusap sa kanya. Nakita ako ni papa at alam ko ang mga tingin nya saken pero hinayaan ko yun.
"Aba! Ako na nga itong hindi makakarating ng maayos sa pupuntahan ko magbabayad pa ako ng malaki. Kahit naman maihatid nyo ako ng maayos e ganyan din ang ibabayad ko." Pagtatas ng boses nito.
"Hindi naman ho kayo makatarungan kung ganun, ihahatid naman namin kayo ng maayos sana po ay maayos din kayo na magbayad. Ang layo layo na nga po mula sa bayan hanggang dito , ang saken lang e sana naman po ay bayaran nyo kami ng naaayon."
Hinawakan pa ako sa damit at dinuro ng babae. "Aba iha, hindi ko kasalanan kung ang sasakyan nyo ay sira na. Ayusin nyo muna yan bago kayo magreklamo ng ganyan. Ke bata bata galing na galing sumagot. Walang galang!" Sabi pa nito.
Dali-dali si papa na sumingit sa usapan naming dalawa dahil alam nya ding lalabanan ko talaga ang pasahero nya. At agad nya akong hinawakan sa magkabilang balikat mula sa likuran.
"Naku, pasensya na ho. Ayos na po Yung binayad nyo." Parang bata na nakikiusap si papa na ipinanghina ko.
"Napaka reklamador ng anak mo! Naku iha igihin mo ang pag uugali mo, maging mabait ka sa kapwa, kung ganyan ka lagi at kung makipag usap sa nakakatanda sayo ay habang buhay nalang magiging tricycle driver ang ama mo." Habol pa nito at lumakad na bitbit ang mga papel at bag na dala nito.
Doon ay hindi ko naramdaman na tumulo na pala ang luha ko at nakita iyon iyon ni papa.
Napaupo ako sa tricycle at palihim na umiyak. Lumapit saken si papa at hinahagod ang likod ko.
"Ayos lang yan anak. Ayos lang." Ngiti nito saken na mas lalo saken nagpalambot.
"Pa. Bakit naman pumayag kayo na ganun lang? E halata naman po na iniinsulto na tayo nung babae at kahit pride mo nasaktan na, pero hinayaan nyo lang."
"Anak, kung paiiralin ko ang tama. Wala akong Iuuwi na pera sa mama mo at paggastos natin. Araw-araw ay binababa ko ang pride ko para lang kumita. Ayos lang saken na masabihan ng kung anu basta importante ay kumita ako, maliit man o malaki." Muli ay ngumiti lang ulit si papa.
Magkahalong Galit at awa ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung sa labis na kahirapan o dahil sa pride ni papa na nasaktan.
Nang mahimasmasan ako ay tinulungan ko na si papa na maalis sa pinagbarahan ang tricycle nito. Pilit kong tinutulak, at punong puno na kami ni papa ng alikabok at nalalanghap na kasama ang usok nito.
Bumalik na agad kami sa bayan ng makaalis Doon sa lugar, sumaglit kami sa palengke para bumili ng mauulam sa hapunan.
Nadatnan namin sila mama at Krissa na nagluluto na at sakto ang dala naming Karne na nabili ni papa. Pagkatapos ni mama nagluto dahil maayos na din ang pakiramdam nya ay nagsalo-salo na kami sa hapag-kainan.
Maagang nagpahinga ang kapatid ko at si mama. Si papa ay nagpaiwan muna sa labas para ayusin muli ang sira naming tricycle.
Mahal na mahal ito ni papa dahil halos kaedaran na ito ni krissa. Ito ang unang bagay na nailundar nila ni mama kaya kahit pa pasira sira na ay pilit niyang inaayos.
Napabalikwas ako ng bangon dahil nakaramdam ako ng uhaw. Medyo papikit-pikit ko pang nilakbay ang daan papunta sa kusina namin. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at uminom, napatingin pa ako sa orasan at saktong alas onsi. Hindi ko pa natatapos maubos ang iniinom ko ng may naririnig pa ako sa labas na para bang nag-pupokpok ng metal na bagay. Parang nagising ang diwa ko at sumilip sa maliit na butas ng dingding namin. Nakita ko si papa na nag-aayos pa din ng tricycle nya. Puro uling na ang buo nyang mukha at panay na din ang unat ng magkabilang kamay. Hinahampas na din nya ang sarili nyang likod at humihikab na.
Napatakip ako sa sarili kong bibig, Hindi ko akalain na nandun pa pala sa labas si papa. Dahan-dahan lang ang paghakbang ko at tuluyan ko na syang pinagmamasdan mula sa pintuan namin. Kitang kita ko ang pagod at panghihina na ni papa. Sumandal pa ito sa likod ng sasakyan nya saka bumugtong hininga. Hindi ko magawang malapitan si papa, basta ko nalang naalala ang nangyari kanina sa daan at biglang tumulo na naman ang mga luha ko.
Tumakbo ako sa kwarto at pilit na hindi gumawa ng ingay sa pag-iyak ko.
Halos gusto kong sumigaw ng mga oras na 'yun.
"Ba-bakit? Bakit kailangan nyong ipakita pa saken ang paghihirap ng magulang ko? Bakit??! Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko para sila ang pahirapan nyo?! Napakabiti ng ama ko para mangyari sa kanya ang mga ito. Marami syang sinakripisyo kahit pa ang pangarap nya. Marami syang tiniis para sa amin lalo na sa akin, pero bakit kailangang pagdaanan pa nya ang mga ganito" Hagulhol ko at pagdaing sa kawalan.