Bumuhos ng bumuhos ang luha ko at halos hindi na matigil. Subrang sakit na naman ng dibdib ko na parang tinutusok na naman ng mga karayom.
Hindi ko kayang makita si papa o si mama na nahihirapan. Ang dami kong naging tanung sa mga oras na 'yon ngunit walang nagbigay saken ng sagot kahit isa. Pinagpatuloy ko lang ang pag iyak at kinimkim ang sakit na nararamdaman ko sa puso.
Hindi na ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon kaya naman subrang sakit nh ulo at dibdib ko. Naabutan ko si papa na nakahiga lang sa sofa, hindi na siguro ito pumasok pa sa kwarto nito.
Agad akong pumunta sa sala para ipagtimpla sya ng kape. Sinilip ko din sa bintana kong natapos ba nya na ayusin ang tricycle nya. Nakita kong may hindi pa sya natatakid na ibang parts nito.
Nang matapos kong matimpla ang kape ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Pa. Papa, bangon na po. Pinagtimpla ko na kayo ng kape." Inabot ko yun kay papa at kumukusot-kusot pa sa talukap nito.
"Salamat anak. Ang mama mo gising na ba?"
"Hindi pa po? Bakit po dito kayo natulog, malamig dito papa. Baka magkasakit kayo."
"Hindi naman, mabanas nga kagabi. Hindi na ako pumasok pa sa loob dahil baka magising pa ang mama mo. Alam mo naman na maingay ang pinto." Paliwanag saken ni papa.
Tumango-tango nalang ako at sumangayon Kay papa. Nagsabi na din ako na magluluto din ng almusal at pagsabi ko ay dala dala nya ang tinimpla kong kape sa labas at sinilip ang tricycle niya.
Nang makaluto na ako ng agahan ay saktong nagising na sila mama at Krissa. Gulat na gulat pa si Krissa dahil iyon ang unang beses ko na nagluto para sa almusal.
"Wow ate. Mukhang masarap ah. Ma, upo na kayo. Si papa po, nasan?"
"Oo nga pala, ang ama mo nasan? Hindi ko sya namalayan na pumasok kagabi?"
Tinuro ko si papa sa kanilang dalawa at agad naman itong tinungo ni krissa para sabihan na kumain na muna.
Nakahawak pa sa kamay ni papa si Krissa habang pabalik sila. At muli ay pinagsaluhan namin ang masarap na pagkaing nakahayin sa lamesa.
Sa araw na ito ay si mama naman ang sasamahan ko, labis ko talagang pinagdadasal at sinasabi sa sarili na sana ay hindi nararanasan ni mama ang nararanasan ni papa. Dahil baka hindi ko iyon kayanin. Maya-maya pa ay tumigil na sa harap ng bahay namin ang tricycle na inarkela ni mama dahil hindi pwede ang sasakyan ni papa dahil sira pa din ito at kailangan pa ayusin.
Nagpaalam na ako kina papa at Krissa.
Masaya pa kami ni mama na nagkukuwentuhan sa loob ng sasakyan. Hawak-hawak ni mama ang kamay ko at ramdam ko ang saya ni mama kahit ako din. Hinawakan ko din ng mahigpit ang kamay ni mama at isinandal ang ulo ko sa kanang balikat nya.
Medyo may kalayuan din anh bayan namin kaya Bago makarating ay talagang matutuyo dahil sa init ng araw ang mga gulay at prutas. Mabuti nalang at maaga palagi si mama pumupunta sa palengke para maglatag ng mga paninda nya.
Pagdating namin sa pwesto ay nakatingin ang lahat sa amin. Nakatingin silang lahat saken na may ibat ibang reaksyon ang mga mukha.
Isa-isang binati ni mama ang mga kasamahan nya sa pagtitinda at ganun din ang mga ito sa kanya.
"Carmina, iyan ba yung anak month si Adeline? Naku dalaga na pala 'iyan. Kabilis din nga ng panahon anu?" Wika ng isa.
"Kaya nga mare, mabuti pa ito'y may dalaga na, at balita ko ay graduating ka na ineng. Naku, kami ay imbitahan mo Carmina sa graduation nyang panganay mo ng makakain din kahit papano ng masarap sarap." Wika pa ng isa na nakangiti pa saken.
"Aba oo naman. Imbitado kayong lahat." Masayang sabi ni mama habang naglalatag ng mga paninda. "Aba, ay first honor lang naman ang anak ko kaya Todo kayod din ako para sa panghanda ng anak ko na yan. Kayo din mga mare, magtyaga lang tayo sa init ng araw at papasaan ay mamalalayan natin na may mapagtapos na pala tayo. Dahil sa katas ng gulay at prutas." Proud na sabi ni mama at maging ako ay medyo nahiya pa sinabing iyon ni mama. Dahil grabi pala kung ipagmalaki ako nya dito sa palengke bilang anak nya.
"Asus! Ngangayon ko lang nakita ang anak mong iyan carmina. Ang palagi ay yung bunso, iyon ang masipag. Abay dati ay halos araw-araw nandito 'yun at halos ayaw pa nga umalis para lang makatulong sayo. Hindi ko nga akalain na dalaga na iyang panganay mo." Sabi ng isa na katapat ni mama na nagtitinda ng mga isda.
"At saka mo na kami yabangan kapag mapagtapos mo na ng kolehiyo iyang anak mo. Para hayskul e kung makapaglandakan akala mo ay nanalo sa lotto. At isa pa, napakasama ng ugali ng anak mo yan. Kawawa naman ang bunso mo. Kung ako ang nagkaanak ng ganyan naku, hindi ko pahahabain anh sungay ay puputulin ko agad." Dagdag pa ng isa.
Napayuko ako sa labis na kahihiyan na binigay ko kay mama, kung anung proud nito saken ay panget naman ang pinapakita ko sa kanya dati.
"Hoy kayo nga ay mahiya naman sa mga sinasabi nyo. Alam nyong naririnig ng bata kung anu-anu ang sinasabi nyo!" Saway ng isang Kasama ni mama.
"Bakit totoo naman! Yang anak nyang yan ang pinakamasama ang ugali. Akalain mong ikinahihiya daw nyan ang buhay mahirap nya sa school, kaklase ng anak ko yan dati na ngayon ay tumigil na. Isa lang naman ang anak ko sa nabully nyang bata na yan, kung makaasta yan sa school akala mo daw kung sinong mayaman at grabi kung makapang-insulto." Sigaw na sabi nito.
Napatahimik nalang ang mga kasamahan ni mama sa pagtitinda, kahit alam nila ang totoong ugali ko ay pilit pa din nila akong pinagtatangol.
Namalayan kong tinakpan ni mama ang tenga ko at nakangiti saken.
"Wag mo silang intindhin anak, ganito talaga dito sa palengke. Puro sigawan at kung anu anu ang maririnig mo."
"Ayos lang po mama, totoo naman ang mga sinabi nila." Tugon ko nalang kay mama.
Halos ilang minuto din akong nakaupo at nakaungkot sa ilalim ng pwesto ni mama. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi nila saken na alam kong totoo naman. Mas nagi guilty ako para kay mama kasi paano nya napaglalabanan na ipagtanggol ako sa kanila kung araw araw nila iyon ginagawa. Napasulyap ako sa nakangiti kong ina habang nag-aalok ng mga prutas at gulay sa mga taong nagdadaan. Pinagmamasdan ko lang sya. Iniisip ko nalang na wag ng pansinin ang mga sinasabi ng iba dahil nandito ako para tumulong kay mama, at kung iisipin ko ang mga negatibo kong narinig ay wala akong maitutulong kay mama.
Tumayo ako at nagsimula na ding mag-alok ng paninda ni mama. Nakangiti sya saken at ganun din ako sa kanya.
Maya-maya ay may dumating na matandang babae, may hawak na papael at ballpen. Iniisa Isa nito ang bawat nagtitindang nandoon. At bawat isa sa kanila ay may inaabot na halaga at nililista ng matandang babae.
Nang tumapat ito samen ni mama at nagulat pa ng makita ako.
"Aba, himala ata at kasama mo ang anak mong yang Carmina, anu kayang nakain at sumama sayo? Oh anu, may ibabayad ka na ba?"
"Pasensya na talaga ate mariz, talagang mahina ang kita ko ngayon. Dodoblehin ko nalang kapag nakaluwag-luwag ako, pangako yan." Rinig kong sabi ni mama.
"Naku naku. Palagi nalang ganyan ang katwiaran mo, hindi naman aari saken yan. Paano naman ako, e pareprehas lang tayong naghahanap buhay. Anu na naman ang sasabihin ko Sa amo ko, ako na naman ang mag-aabuno ng utang mo?" Umiling iling lang ang babae at umalis na.